You are on page 1of 3

MISAMIS ORIENTAL INSTITUTE OF SCIENCE AND TECHNOLOGY, INC.

Sta. Cruz Cogon, Balingasag, Misamis Oriental


Website: www.moist.ph Email: reynaldo.valmores@gmail.com Fb: www.facebook.com/moist.edu Contact #: 09173172641
Member: Philippine Association of Private Schools, College and Universities (PAPSCU)

Di-Masusing Banghay Aralin sa Filipino 4

I. MGA LAYUNIN
Sa araling ito, ang mga mag-aaral ay inaasahang;
a. Natutukoy ang mga uri ng pangungusap ayon sa gamit.
b. Napahahalagahan ang wastong paggamit ng mga uri ng pangungusap,
c. Naisasagawa ng maayos ang paggamit ng mga uri ng pangungusap.

II. PAKSANG ARALIN


A. Paksa : Mga Uri ng Pangungusap Ayon sa Gamit
B. Sanggunian : FILIPINO: ILAW ng Bansa, mga pahina 68-71
May-akda :
C. Kagamitan : plaskards at biswal eyd
D. Pagpapahalaga : Napahahalagahan ang paggamit ng pangungusap
sa araw-araw na buhay
E. Stratehiya : Kolaboratibong pagkatuto

III. PAMAMARAAN
A. Panimulang gawain
1. Pagsasanay
Ipabasa sa mga mag-aaral ang mga salita mula sa plaskard.
- Bantas
- Pagbaybay
- Ilathala
- Pamanhik
- Buntong hininga

2. Balik-aral
Ang mga mag-aaral ay tatanungin ng guro:
- Ano ang dalawang ayos ng pangungusap?
- Bakit mahalaga na malaman natin ito?
- Paano natin ito malalaman kung ang pangungusap ay nasa karaniwang ayos
o di-karaniwang ayos?

3. Paghahawan ng mga balakid


 Bantas - tumutukoy sa mga simbolo o pananda na ginagamit sa
pangungusap.
 Buntonghininga – malalim na paghinga
 Pamanhik - pakiusap
 Pagbaybay - pagsulat ng salita na may wastong pagkasunod-sunod.
 Ilathala - sasabihin

B. Panlinang na Gawain
1. Pagganyak
- Basahin ang mga pangungusap na ipinaskil sa pisara.
 Kumakain kaba ng gulay at prutas?
 Kumain ka ng gulay at prutas araw-araw.
 Wow! Ang sarap ng mga pagkain!
 Ang gulay at prutas ay mainam sa ating katawan.
- May napapansin ba kayo sa mga pangungusap?
- Ano ang inyong napansin sa mga pangungusap?
- Ano kaya ang kinalaman nito sa ating paksa?

2. Paglalahad
 Ang ating tatalakayin ngayon ay tungkol sa Mga Uri ng Pangungusap
Ayon sa Gamit.

3. Pagtatalakay
Mga Uri ng Pangungusap Ayon sa Gamit
Ang pangungusap ay lipon ng mga salita na buo ang diwa. Binubuo ito ng
panlahat na sangkap ang simuno at panauri.
Mga Uri ng Pangungusap
• Pasalaysay - uri ng pangungusap na nagkukwento o nagsasalaysay.
- Ito ay nagtatapos sa tuldok (.).
Mga Halimbawa:
 Si ana ay tumatakbo.

 Ang ibon ay lumilipad.

• Patanong - uri ng pangungusap na nagsisiyasat o naghahanap ng


sagot at nagtatapos sa tandang pananong (?).
Mga Halimbawa:
 Nasaan na ba ang aking apo?

 Kaya mo bang buhatin iyan?

• Pautos – uri ng pangungusap na nagpapahayag ng obligasyon na dapat gawin.


- Nagtatapos din ito sa tuldok (.).
Mga Halimbawa:
 Magdilig ka ng halaman.

 Magsibak ka ng kahoy.

• Pakiusap - uri ng pangungusap na maaring nagsasaad ng paghingi ng pabor.


- Nagtatapos ito sa tuldok (.) o tandang pananong (?)
Mga Halimbawa:
 Maari ba akong humiram ng lapis?

 Pakibukas naman po ang pinto.

• Padamdam- uri ng pangungusap na nagsasaad ng matinding damdamin tulad ng


tuwa, takot o pagkagulat. Nagtatapos ito sa tandang padamdam(!).
Mga Halimbawa:
 Naku! Ang daming insekto!

 Bilisan mo! Umuulan na!

4. Paglalahat
 Ilan ang pangungusap ayon sa gamit ang nabanggit?
 Anu-ano ang ibat-ibang uri ng pangungusap ayon sa gamit?
 Bakit mahalagang malaman natin ang ibat-ibang uri ng pangungusap ayon sa
gamit?
 Paano natin mapahahalagahan ang wastong paggamit nito?

5. Paglalapat
Laro: Pass the message
Panuto: Hatiin ang klase sa dalawang grupo. Ang guro ang siyang magbibigay
ng isang pangungusap sa bawat unang mag-aaral sa grupo. Ipapasa sa
kaklaseng kasunod hanggang sa makaabot sa dulo at ang huling mag-aaral ay
siyang pupunta sa harapan at sasabihin kung ano ang pangungusap na ibinigay
ng guro at tutukuyin kung anong uri ng pangungusap ayon sa gamit ito. Ang
grupo na may tama ang pag-uulit ng orihinal na pangungusap ay makakakuha ng
isang puntos. At kung sinong grupo ang makakakuha ng limang puntos ang
siyang panalo.

IV. PAGTATAYA
Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang bawat pangungusap at tukuyin kung ano ang
isinasaad sa bawat bilang. Isulat ang PAS kung ito ay pasalaysay, PAT kung patanong, PAU
kung ito naman ay pautos, PAK kung pakiusap at PAD naman kapag ito ay padamdam. Isulat
ang iyong sagot sa patlang bago ang bilang.
________1. Si Lisa ay matalinong bata.
________ 2. Hay Naku! Kayo na ang mag-usap!
________ 3. Saan ka pupunta?
________ 4. Pakiabot po ng lapis ko.
________ 5. Dalhin mo sa akin ang lapis na iyan.
________ 6. Naku! May sunog!
________ 7. Kumain na tayo.
________ 8. Napatingin ako sa tatay.
________ 9. Kailan ang iyong kaarawan?
________ 10. Pakihawakan ng maayos ang papel.

V. TAKDANG ARALIN
Panuto: Gumawa ng dalawang pangungusap gamit ang bawat uri ng pangungusap. Isulat ang
sagot sa papel.

Inihanda ni:

ERLYN A. DAL
Student Teacher
Itinama ni:

NATASHA NICOLE B. VALMORES


Cooperating teacher

You might also like