You are on page 1of 3

Mala-Masusing Banghay-Aralin sa Filipino 8

Pakitang Turo
Petsa: Ika 15 ng Mayo taong 2023

I.Layunin
Pagkatapos ng 60-minutong talakayan, ang mga mag-aaral ay inaasahang makamit ang mga
sumusunod:
a. Natutukoy ang tatlong (3) kaantasan ng pang-uri.
b. Nakabubuo ng mga makabuluhang pangungusap gamit ang mga kaantasan ng pang-uri.
c. Napapahalagahan ang gamit ng kaantasan ng pang-uri sa pangungusap.
II. Paksa at Aralin
A.Pamagat: Kaantasan ng Pang uri
B.Sanggunian: Ailene Baisa- Julian, Nestor S. Lontoc,Mary Grace G. Del Rosario
Pinagyamang Pluma ikalawang edisyon; Phoenix Publishing House, Inc. Quezon City
C.Kagamitang-Pampagtuturo: Laptop, Power point Presentation, at mga larawan.
III. Proseso ng Pagkatuto
A. Panimulang Gawain
1. Panalangin
Magsitayo ang lahat at damahin ang presensiya ng Panginoon
2. Pagbati
Babatiin ng guro ang mga mag-aaral ng isang magandang umaga, ganun din ang mga mag-
aaral.
3. Pagsasaayos ng lugar o silid aralan
Ipapapulot ng guro sa mga mag-aaral ang mga kalat sa ilalim ng kanilang silya at ilalagay ng
mga mag-aaralsa tamang tapunan,at ipapaayos ng guro ang kanilang mga upuan.
4. Pagtala ng liban
Tatanungin ng guro ang mga mag-aaral kung may lumiban sa klase.
5. Paglatag ng alituntunin
Sasabihin ng guro ang mga kailangang sundin na alituntunin ng mga mag-aaral .
6. Balik-Aral
“Four-pic-one-Word”huhulaan ng mga mag-aaral kung ano ang ipinababatid ng mga
larawan,at magtatanong din ang guro kung anong bahagi ng pananalita ang ginamit upang
ilawan ang mga nasa larawan.
B. Pagganyak
Pagpapangkat-pangkat ayon sa katangian na ilalahad ng guro.
Pangkatin ang sarili ayon sa inyong taas
Pangkatin ang sarili ayon sa inyong bigat
Pangkatin ang sarili ayon sa inyong itsura
C. Paglalahad ng Paksa
Sasabihin ng guro sa buong klase ang magiging paksa ng kanilang tatalakayin.
D. Pagtalakay ng Paksa at Layunin
1. Pagpapabasa ng mga layunin
2. Ilalahad ng guro ang (3) tatlong antas ng pang-uri
*Lantay
*Pahambing
*Pasukdol
3. Ipapabasa ng guro sa buong klase ang kahulugan ng pang-uring Lantay.
* Lantay – Ito ay naglalarawan lamang ng isa o payak na pangngalan o panghalip.
Halimbawa:
Ang paruparo ay makulay.
4. Ipapabasa ng guro sa buong klase ang kahulugan ng pang-uring Pahambing at mga uri nito.
Pahambing – Ito ang pang-uring ginagamit sa pagtutulad ng dalawang pangngalan o
panghalip.
Ito ay may dalawang uri: Magkatulad at Di-magkatulad
a. Magkatulad – Ang paghahambing kung patas sa katangian ang pinagtutulad.
- Ginagamit dito ang panlaping ka, magka, sing, gaya, tulad at iba pa.
Halimbawa:
Magkasing-yaman ang mag-ama sa kuwento.
b. Di-magkatulad - Ang paghahambing kung nagbibigay ito ng diwa ng pagkakait,
pagtanggi, o pagsalungat.
1.Palamang – May higit na positibong katangian ang inihahambing sa bagay na
pinaghahambing.Naipapakita ito sa pamamagitan ng paggamit ng mga salitang
lalo, higit, di- hamak, mas at iba pa.
Halimbawa:
Mas Maganda ang likha ni Myka kaysa kay Nica.
2.Pasahol – May higit na negatibong katangian ang inihahambing sa
pinaghahambingan. Gumagamit ng di-gaano, di-gasino, at di-masyado.
Halimbawa:
Di-gaanong maunlad ang Pilipinas kumpara sa bansang Amerika.
5. Ipapabasa ng guro sa isang mag-aaral ang kahulugan ng pang-uring Pasukdol
Pasukdol – Nasa pinakadulong digri ang kaantasang pasukdol. Ito ay maaaring positibo o
negatibo. Ang paglalarawan ay masidhi kung kaya maaaring gumamit ng mga katagang
sobra, ubod, tunay, talaga, saksakan, hari ng, at kung minsa’y pag-uulit ng pang-uri.
Halimbawa:
Siya ay ubod ng ganda.
E. Paglalahat
Magtatawag ang guro ng mag-aaral na maaring magsalaysay o magbuod ng paksang tinalakay.
F. Paglalapat ( Pangkatang Gawain)
1. Hahatiin ng guro sa dalawang pangkat ang klase.
2. Papipiliin ng guro ang bawat pangkat ng isang magrerepresenta at magpapaliwanag sa harap
ng klase tungkol sa ginawa ng kanilang grupo.
3. Magbibigay ang guro ng tatlo hanggang limang minuto para maisagawa ang kanilang gawain.
4. Ibibigay ng guro ang “envelop” na naglalaman ng mga larawan at uuriin nila ito ayon sa
kanilang antas.
5. Sasabihin ng guro kung sino ang nakakuha ng magandang paliwanag sa bawat grupo.
IV. Pagtataya
I. Panuto: Salungguhitan ang pang-uring makikita sa bawat pangungusap at isulat ang
kaantasan nito sa patlang.
_____________1. Ang aking magulang ay ubod ng sipag.
_____________2. Simple lamang ang aming buhay sa probinsya.
_____________3. Magsimbait ang aking nanay at tatay.
_____________4. Di gaanong magulo ang buhay sa nayon kaysa buhay sa siyudad.
_____________5. Ang aking ama ay saksakan ng sipag.
_____________6. Higit na maganda ang relasyon naming magpapamilya pagkatapos ng nangyaring
trahedya sa amin.
_____________7. Mataas na mataas ang pagtingin ko sa kanila.
_____________8. Kulot ang buhok ni Trixie.
_____________9. Mas Maganda ang obra ni Mia kaysa kay Analyn.
_____________10. Siya ang pinakamabait sa aming magkakapatid.

II. Panuto:Nakabubuo ng paghahambing gamit ang mga pang-uri


Gumawa ng paghahambing sa mga sumusunod. Gamitin ang mga pang-uri at kaantasang
hinihingi sa loob ng panaklong.
Halimbawa: Amerika-Hapon
(maunlad:pahambing na magkatulad)
Magkasing-unlad ang Amerika at ang Hapon.
1. Bahay ninyo at bahay ng kaibigan mo ( pahambing na pasahol)
2. Tatay mo:sa lahat ng tatay sa mundo ( pasukdol)
3. nanay mo: nanay sa isang komersiyal sa telebisyon (pahambing na palamang)
4. ikaw:kapatid mo (magkatulad)
5. perlas (Lantay)
V. Takdang Aralin
Panuto: Sa isang malinis na buong papel, gumawa ng isang sanaysay tungkol sa mga pangyayari sa
inyong buhay. Salungguhitan ang mga pang-uring Lantay,Pahambing,Pasukdol na nagamit sa sulatin.Ang
nilalaman ay hindi hihigit sa 500 salita. Tiyaking wasto ang mga baybay ng salita at paggamit ng mga
bantas.

Inihanda ni:
LIEZEL V. OCA

You might also like