You are on page 1of 6

Masusing Banghay-Aralin sa Filipino 9

Grade 9- Narra 11:00-12:00 pm


March 31, 2023

Pamantayang Pangnilalaman: Naipamalas ng mag-aaral ang pag-una at pagpapahalaga sa


uri ng paghahambing at mga uri ng hambingang di-magkatulad.
Pamanatayang Pagganap: Naihahambing ng may kaangkupan ang kulturang Asyano sa
kulturang Filipino gamit ang tamang salita at panlapi sa paghahambing at hambingan.
Kasanayan Pampagkatuto: (F9PB-lllg-h-54) Nailalarawan ang natatanging kulturang
Asyano na masasalamin sa epiko.

I. Layunin
Sa katapusan ng aralin, ang mga mag-aaral ay inaasahang:
a. Natutukoy mga uri ng paghahambing at mga uri ng hambingang di-magkatulad,
b. Napahahalagahan ang tamang paggamit ng pagahahambing at hambingan; at
c. Naihahambing ang kulturang Asyano sa kulturang Filipino gamit ang tamang salita at
panlapi sa paghahambing at hambingan.

II. Nilalaman: Gramatika: Mga uri ng Paghahambing at hambingang di magkatulad.


Sanggunian: Panitikang Asyano 9, pahina 186-187
Kagamitan: Biswal na pantulong, yeso at bondpaper.

Gawain ng Guro Gawain ng mga Mag-aaral


III. Pamamaraan:

Panimulang Gawain

a. Panalangin:
Maari ko bang tawagin si Nikka para pangunahan ang ating Nikka: Opo ma’am.
panalangin? (Tumayo sa harap ng
klase) Luwalhati sa ama,
sa anak sa espiritu santo.
Kapalan noong unang-una
ngayon at magpakailan
man at sa walang hanggan.
AMEN
b. Pagbati:
Magandang umaga sa inyong lahat. Magandang umaga po
naman.
Bago kayo umupo ay pulutin muna ang mga basurang
makikita sa ilalim ng inyong mga upuan at isaayos ito. (Mamumulot ng basura at
uupo na)
c. Pagtala ng Liban:

Kung sino man ang beadle sa klaseng ito ay maari bang isulat
sa isang kapat na papel ang mga lumiban sa araw na ito kung Class Beadle: Opo ma’am.
mayroon at ibigay to sa akin pagkatapos ng klase

A. Balik – aral:

Ano ang paksang tinalakay natin kahapon?


Mag-aaral 1: Ang paksang
ating tinakay po kahapon
ay tungkol sa Rama at Sita
at ang mga tradisyon ng
Tumapak! India.

B. Paghahabi sa layunin ng aralin


Sa katapusan ng aralin, ang mga mag-aaral ay inaasahang:
a. Natutukoy mga uri ng paghahambing at mga uri ng
hambingang di-magkatulad, (Babasahin ang layunin)
b. Napahahalagahan ang tamang paggamit ng pagahahambing
at hambingan; at
c. Naihahambing ang kulturang Asyano sa kulturang Filipino
gamit ang tamang salita at panlapi sa paghahambing at
hambingan.

C. Pag-ugnay ng mga halimbawa sa bagong aralin

Gawain 1: Sambitin mo ng maayos

Panuto: Bilang pangkat ay mayroon akong pangpilipit dila


na ipababasa sa inyo lahat ay inaanyayahan na makilahok.

1. "Ang bubuyog na lumilipad sa may mga bulaklak na


nakabitin sa mga sanga ng kahoy ay napapadaan sa (Makikilahok sa gawain)
may bahay ng batang babae na may dalang balde ng
mga bunga ng bayabas."
2. "May nakakapagpabagabag sa kanyang kalooban,
nakapagpapakaba sa kanyang kamalayan,
nakakapanghihina ng kanyang katawan, at nakakalito
ng kanyang isipan."
3. "Sampung sampo ng sampung sari-saring salaping
ginto ang sinasamba ng isang sipsip na sip-sip,
samantalang ang isang masipag na sipag-sipag naman
ay nagtitipid ng kanyang sinusweldong singko-
singko."
4. "May tatlong trak na trapik na trapik sa trapik sa tabi
ng tulay na trapik din ang trapik, kaya't nangisay ang
mga driver sa trapik na trapik sa tulay na trapik din
ang trapik."
5. "Ang mga bituing birhen ng bayan ng Baler ay
bumibilog-bilog sa ibabaw ng mga bangin, at sa
tuwing biglang bumabagyo ay bumabagabag sa mga
binhi ng mga punong kahoy."

D. Pagtalakay ng bagong konsepto #1:

Gawain 2: Punan ng letra upang mabuo ang salita sa bawat


bilang.
(Makikilahok sa gawain)
1. P_GH_ H A_B_NG
2. K_ MPAR_T_ _O
3. M_G_ _ TU _AD
4. P_ L_ MA_ _
5. P_S_ _O_

E. Paglinang Tungo sa Kabihasaan

Paghambing o Komparatibo- ginagamit kung


naghahambing ng dalawang magkaibang antas o lebel ng
katangian ng tao, bagay, ideya, pangyayari at iba pa.

Dalawang uri ng paghahambing


 Paghahambing na magkatulad- ginagamit ito kung ang
dalawang pinaghahambing ay may patas na katangian.
Ginagamit ito ng mga panlaping
ka
magka
sing
kasing
magsing (Makikinig sa talakayan)
Ga-/gangga
 Paghahambing na Di- magkatulad- nagbibigay ito ng
diwa ng pagkakait, pagtanggi o pagsalungat sa
pinatutunayang pangungusap.
Uri ng paghahambing na di-magkatulad:
o Hambingang Pasahol- mahigit na katangian ang
pinaghahambingan sa bagay na naihahambing.
Ginagamit ang sumusunod upang maipakita ang
ganitong uri ng paghahambing.
Lalo
Di-gasino
Di-totoo
o Hambingang Palamang- may mahigit na katangian
ang inihahambing sa bagay na pinaghahambingan.
Lalo
Higit/mas
Labis
Di-hamak
o Modernisasyon/Katamtaman – naipakikita ito sa
pag-uulit ng pang-uring may panlaping ma-, sa
paggait ng salitang medyo simusundan ng pang-
uri, sa paggamit ng katagang may na sinusundan
ng pang-uring nabuo sa pamamagitan ng mga
panlaping kabilaang ka-han.

F. Paglalapat ng aralin sa pang araw-araw na buhay

Gawain 3:
Panuto: Sa isang kalahating papel ay ihambing ang kulturang
Asyano sa kulturang Pilipino sa pamamagitan ng talata. Kayo
ay gagabayan ng ating pamantayan.

PAMANTAYAN:
Tamang paggamit ng mga uri ng paghahambing- 50%
Gramatika- 20%
Organisasyon ng ideya- 15%
Kalinisan- 10%
Pagpasa sa takdang -oras 5% Mag-aaral 2: Ang ating
Kabuuan: 100% paksa po ay tungkol sa
paghahambing at uri ng
(Pagkatapos ng oras na ibinigay ay kokolektahin na ito) paghahambing kasama na
ang tamang paggamit ng
mga salita.
G. Paglalahat ng aralin
mag-aaral 3: Mahalaga po
1. Ano nga muli ang ating pangunahing paksa sa araw na ito? ito upang maging klaro
ang pagkakatulad o
pagkakaiba ng/mga
pinaghahambing mo.
Magaling!

2. Ano ang kahalagahan ng tamang paggamit ng


paghahambing at mga salita na ginagamit dito?

Mahusay! (Sasagot sa pagtataya)


Talagang napakagaling ninyo aking mga mag-aaral. Ngayon,
upang masukat ang inyong natutunan sa ating aralin ngayon
ay magkakaroon tayo ng maikling pagsususlit.

H. Pagtataya ng aralin
Kumuha kayo ng isang kapat na papel at sagutan ang ating
pagtataya.

Panuto: Piliin ang tamang sagot at isulat lamang ang titik nito
sa papel.

1. Ito ay ginagamit kung naghahambing ng dalawang


magkaibang antas o lebel ng katangian ng tao, bagay, ideya,
pangyayari at iba pa, ano ito?

a. Paghahambing na di-magkatulad
b. Paghahambing na magkatulad
c. Paghahambing o komparatibo
d. Titik b at c

2. Papaano ginagamit ang hambingan pasahol?

a.Nagbibigay ito ng diwa ng pagkakait, pagtanggi o


pagsalungat sa pinatutunayang pangungusap.
b.May mahigit na katangian ang inihahambing sa bagay na
pinaghahambingan.
c.Mahigit na katangian ang pinaghahambingan sa bagay na
naihahambing.
d. Titik a at b

3. Ang lahat ng pagpipiliian ay gamit sa paghahambing na


magkatualad, maliban sa?

a.Di- gasino
b.kasing
d.sing
c.ka

4. Bakit mahalaga na matutunan ang tamang paghahambing?

a. Mahalaga ito upang maging klaro ang pagkakatulad o


pagkakaiba ng/mga pinaghahambing mo.
b. Mahalaga ito para maging maganda ang iyong sulatin.
c. Nakakadagdag sa haba ng sulatin.
d. Titik b at c

5. Ano-ano ang dalawang uri ng paghahambing?


Wala na po.
a. Paghahambing na Di- Magkatulad
b. Paghahambing na magkatulad
c. Komparatibo
d. Titik a at b

(Magwawasto ng pagtataya)
(Kukunin ang MPS) Opo.

Opo. (Pupunta sa harap)


I. Karagdagang gawain Luwalhati sa ama, sa anak
sa espiritu santo. AMEN
Mayroon pa bang mga katanungan?

Para sa inyong takdang aralin.


Paalam na po maam.
Panuto: Magsaliksik at bashin ang katangian ng tinuturing na
bayani ng alinamang bansa sa Kanlurang Asya.

Maliwanag ba?

Hinihingi ko na magsitayo ang lahat para sa ating panapos na


panalangin. Jean maari mo bang panguluhan ang panalangin?

AMEN.

Paalam na sa lahat.

Mag-ingat kayo sap ag-uwi, maraming salamat.

Inihanda ni:

VALENCIA, MYRHELLE L.
Practice Teacher

Isinumete kay:

MIRASOL I. PATAGOC
Teacher III

You might also like