You are on page 1of 11

Republic of the Philippines

DEPARTMENT OF EDUCATION
Region VII, Central Visayas
DIVISION OF CITY SCHOOLS
CITY OF NAGA, CEBU
Ecology Center, West Poblacion, City of Naga, Cebu

BANGHAY ARALIN SA FILIPINO-BAITANG 8

Kwarter: 1 Linggo: 9 Petsa: Oktubre 17-20, 2022

Kompetensi: Naisusulat ang sariling bugtong, salawikain, sawikain o kasabihan


(eupemistikong pahayag) na angkop sa kasalukuyang kalagayan (F8PS-Ia-c-20) at nagagamit
ang paghahambing sa pagbuo ng alinman sa mga ito. (F8WG-Ia-c-17)

II. Paksang Aralin


 Paksa: Paghahambing
 Sanggunian: ADM sa Filipino 8, Pluma 8
 Kagamitang Pampagtuturo: aklat, modyul, activity sheets

III. Pamamaraan
A. Pagbabalik-aral
Panuto: Itatanong ang mga sumusunod.
1. Ano ang karunungang-bayan?
2. Ano-ano ang mga uri nito? Ipaliwanag ang bawat isa.
3. Magbigay ng halimbawa sa bawat uri.

B. Pagganyak
Panuto: Basahin at suriin ang tula sa ibaba. Sagutin ang mga tanong pagkatapos.
Noon at Ngayon

Kuwento ni Inay
Noong sila’y bata pa
Tingin lang ni Lola
Sila’y tumatahimik na
Respeto sa magulang
Kitang kita sa kanila.

Ngayon daw ay iba na


Ugali ng mga bata
Pagsabihan mo’t sawayin
Sisimangutan ka na
Iba’y magdadabog pa
Paggalang ba’y wala na
Higit na mabait
Mga bata noon?
Mas malaya naman
Ang bata ngayon?

Bakit nag-iba?
Dahil sa panahon?
Ang sagot diyan?
Ikaw ang tumugon.

1. Ano ang binabanggit na noon at ngayon sa pamagat ng tula?


2. Naniniwala ka ba sa isinaad ng tula? Pangatwiranan ang iyong sagot.
3. Ano sa palagay mo ang sagot sa tanong na iniwan sa huling bahagi ng tula?
4. Anong karunungang-bayan ang maiuugnay mo sa tulang ito? Magbanggit ng isa o dalawa
at saka ito ipaliwanag.

C.Pag-uugnay
Panuto: Iuugnay ang gawain sa paksang tatalakayin at sasagutin ang sumusunod na tanong
batay sa tulang “Noon at Ngayon’.

1. Pansinin ang mga salitang may diin sa tula. Sa iyong palagay, ano ang gamit ng mga
salitang ito?

2. Gaano ba kadalas gamitin ang mga ganitong uri ng salita?

3. Alamin kung tama ang inyong sagot batay sa pagpapatalakay ng paksa sa ibaba.

D.Pagtatalakay
Paghahambing
Ang paghahambing ay isang paraan ng paglalahad. Ito ay nakatutulong sa pagbibigay-linaw sa
isang paksa sa pamamagitan ng paglalahad ng pagkakatulad at pagkakaiba ng dalawang bagay
na pinaghahambing.
Isang mahalagang sangkap sa uri ng paglalahad na ito ay ang hambingan ng pang-uri. Ito ay
ang paglalarawan ng tao, bagay, lugar, pook, o pangyayari na nakatuon sa dalawa o higit pa.
May dalawang uri ng paghahambing:
1. Pahambing na Magkatulad – Sa magkatulad na katangian ay ginagamit ang mga panlaping
gaya ng magka-,sing-,sim-,sin-,magsing-,magsim-,mangsin-,ga-,pareha,kapwa.

Pansinin ang halimbawang pangungusap sa ibaba.

Magkasintalinghaga ang salawikain at sawikain.


Mapapansin sa halimbawang pangungusap ang paggamit ng panlaping magkasin- na
nagsasaad ng pagkakapareho o pagkakapantay ng uri o katangiang pinaghahambing.

Nangangahulugan lamang ito na parehong matalinghaga ang salawikain at sawikain.


Samakatuwid, walang lamang o sahol sa dalawang pinaghahambing.

Iba pang halimbawa:

Parehong kapupulutan ng aral ang salawikain at kasabihan.

Mapapansin rin sa halimbawang pangungusap ang paggamit ng katagang pareho na nagsasaad


ng pagkakapantay ng uri o katangiang pinaghahambing.

Nangangahulugan lamang ito na pawang may makukuhang aral sa salawikain at kasabihan.


Katulad nang naunang halimbawa, walang lamang o sahol sa dalawang pinaghahambing.

(Magbigay ng halimbawang bugtong, salawikain, sawikain o kasabihan gamit ang paghambing na


magkatulad na angkop sa kasalukuyang kalagayan.)

2. Pahambing na Di-Magkatulad - nagpapahayag ng paghahambing ng mga di-


magkakapantay na uri o katangian. May dalawang uri ito:

a. Palamang – May mahigit na katangian ang inihahambing sa bagay na


pinaghahambingan. Naipakikita ito sa tulong ng sumusunod: higit, lalo, mas, di-hamak.
Katuwang nito ang kaysa/kaysa sa/kay. Gaya na lamang ng halimbawang pangungusap
sa ibaba.

Higit na matalinghaga ang salawikain kaysa sa kasabihan.

Mapapansin sa halimbawang pangungusap ang paggamit ng katagang higit na isa sa


palatandaan ng pahambing na palamang na nangangahulugan ng pagdaragdag o pagpapahigit
sa katangian ng inihahambing sa bagay na pinaghahambingan. Sinusundan ito ng katuwang na
panghambing na kaysa sa na nagsasaad ng ngalan ng bagay/ pangyayari.

Nangangahulugan lamang ito na nakahihigit ang salawikain sa kasabihan kung pagiging


matalinghaga ang pag-uusapan. Matatandaan sa unang modyul ang pagtatalakay sa kaibahan
ng salawikain at kasabihan Isinasaad na karaniwang patalinghaga ang salawikain na may
kahulugang nakatago samantalang ang kasabihan naman ay hindi gumagamit ng mga
talinghaga at payak ang kahulugan. Nagpapatunay lamang ito na mas lamang ang salawikain sa
kasabihan sa pagiging matalinghaga nito.

(Magbigay ng halimbawang bugtong, salawikain, sawikain o kasabihan gamit ang paghambing na


di-magkatulad na palamang na angkop sa kasalukuyang kalagayan.)
a. Pasahol – Kulang sa katangian ang isa sa dalawang pinaghahambing. Ginagamit ang di-
gasino, di-gaano, di-masyado. Katuwang nito ang tulad ni/tulad sa/kay. Gaya na lamang
ng halimbawang pangungusap sa ibaba.

Di-gaanong mahaba ang anyo ng sawikain tulad ng salawikain at kasabihan.

Mapapansin sa halimbawang pangungusap ang paggamit ng mga katagang di-gaano na isa sa


palatandaan ng pahambing na pasahol na nangangahulugan ng kakulangan sa katangian ng
inihahambing sa bagay na pinaghahambingan na sinundan ng katuwang na panghambing na
tulad ng.

Nangangahulugan lamang ito na ang sawikain ay nagtataglay ng maikling kaanyuan kung


ikukumpara sa salawikain at kasabihan. Natalakay sa unang modyul ang kaibahan ng
salawikain, kasabihan at sawikain. Isa na rito ang kaanyuan. Di-gaanong mahaba kung
ikukumpara ang sawikain sa salawikain at kasabihan sapagkat ito ay binubuo lamang ng mga
parirala na di-tuwiran ang pagbibigay-kahulugan at pagpapakita ng kaisipan at kaugalian ng
isinasaad samantalang ang salawikain at kasabihan ay pawang mga pahayag na ginagamit ng
matatanda noong unang panahon upang mangaral, magpayo, at ituwid ang mga kabataan sa
tamang landas at kabutihang asal.

(Magbigay ng halimbawang bugtong, salawikain, sawikain o kasabihan gamit ang paghambing na


di-magkatulad na pasahol na angkop sa kasalukuyang kalagayan.)

E.Pagpapalawak
Maaring pumili sa alinmang gawain sa ibaba.

Gawain 1

Panuto: Pumili at gumupit ng tatlong larawan na nagpapakita ng magandang gawi at pag-uugali


ng mga tao sa kasalukuyan. Pagkatapos, bumuo ng tig-iisang salawikain, sawikain at kasabihan
batay sa mga larawang nakalap. Isagawa ito sa isang long bondpaper.

Pangalawang Pangatlong
Unang larawan
larawan larawan
Gawain 2

Panuto: Bumuo ng alinman sa salawikain, sawikain at kasabihan batay sa larawan na nasa


ibaba.

https://images.app.goo.gl/C7dwbJdeo8Xe1VRe7

Gawain 3

Panuto: Sa kabila ng malaking pagsubok na tinatamasa ngayon ng mga tao dulot ng COVID 19,
isa ka sa mga kabataang nagnanais na pagtibayin ang kalooban ng bawat isa at magbigay ng
pag-asang huwag sumuko sa laban. Sumulat ng alinman sa mga karunungang-bayan
(salawikain, sawikain, kasabihan) gamit ang paghahambing na naglalayong magbigay-
inspirasyon sa mga taong magpatuloy sa pakikibaka sa buhay sa kabilang ng mga problemang
kinakaharap dulot ng COVID 19. Isagawa ito na tulad ng isang ISLOGAN. Gawing batayan ang
krayterya sa ibaba at isagawa sa isang long bondpaper.

Mga Pamantayan 5 4 3 2

Ang mensahe ay Di-gaanong Medyo magulo Walang


Nilalaman mabisang naipakita. naipakita ang ang mensahe. mensaheng
mensahe. naipakita.
May malaking Di-gaanong Kaunti lang Walang
Kaugnayan sa kaugnayan sa paksa may kaugnayan ang kaugnayan kaugnayan sa
Paksa at Gamit at ginamitan ng sa paksa at sa paksa at di paksa at di
ng paghahambing ginamitan ng ginamitan ng ginamitan ng
Paghahambing paghahambing paghahambing paghahambing
Napakaganda at Maganda at Maganda ngunit Di-maganda at
Malikhain napakalinaw ng malinaw ang di gaanong malabo ang
pagkakasulat ng pagkakasulat malinaw ang pagkakasulat ng
mga titik. ng mga titik. pagkakasulat mga titik.
ng mga titik.
Malinis na malinis Malinis ang Di-gaanong Marumi ang
Kalinisan ang pagkakabuo. pagkakabuo. malinis ang pagkakabuo
pagkakabuo.
F.Paglalapat

Panuto: Katulad ng lunsarang tula na pinamagatang “Noon at Ngayon”, bumuo ng isang tula na
naghahambing sa mga pangyayari noon at sa kasalukuyang panahon. Gamitan ito ng inyong
sariling gawa na karunungang-bayan (salawikain, sawikain at kasabihan). Gawing batayan ang
krayterya sa ibaba at isagawa sa isang long bondpaper.

https://images.app.goo.gl/hh8dNaiyMCV5C1kQ6

Mga Pamantayan 5 4 3 2

Ang mensahe ay Di-gaanong Medyo magulo Walang


Nilalaman mabisang naipahayag ang ang mensahe. mensaheng
naipahayag. mensahe. naipakita.
May malaking Di-gaanong Kaunti lang Walang
Kaugnayan sa kaugnayan sa paksa may kaugnayan ang kaugnayan kaugnayan sa
Paksa at Gamit at ginamitan ng sa paksa at sa paksa at di paksa at di
ng paghahambing ginamitan ng ginamitan ng ginamitan ng
Paghahambing paghahambing paghahambing paghahambing
Angkop at wasto May iilang Maraming Walang
Pagkakabuo ang mga salitang salitang ginamit salitang ginamit kaugnayan at
ginamit sa pagbuo na hindi angkop na hindi angkop hindi wasto ng
ng tula at wasto at wasto mga salitang
ginamit
Malinis na malinis Malinis ang Di-gaanong Marumi ang
Kalinisan ang pagkakabuo. pagkakabuo. malinis ang pagkakabuo
pagkakabuo.

G.Paglalahat

Paano nagkakatulad at nagkakaiba ang salawikain, sawikain, at kasabihan? Ano-anong ng


mga salita/pahayag na ginagamit na pantulong sa paghahambing?
Ang pagkakatulad ng salawikain, Ang pagkakaiba ng salawikain,
sawikain at kasabihan sawikain at kasabihan
________________________________ ________________________________
________________________________ ________________________________
________________________________ ________________________________
________________________________ ________________________________

IV.Pagtataya

A. Panuto: Basahing mabuti ang teksto sa ibaba. Hanguin sa loob ng teksto ang mga pahayag
na nagpapakita ng paghahambing. Uriin ang mga ito sa pamamagitan ng pagsulat ng mga
sagot sa mga kolumn na makikita sa ibaba. Isagawa ito sa sagutang-papel.

Ang Kabataan Noon at Ngayon


  Ang kabataan noon at ngayon ay may maliit lamang na puwang sa kanilang pagkakalayo sa
kilos, gawi, ugali, pananamit, damdamin at iba pang bagay. Sinasabing ang mga kabataan noon
ay higit na magalang, masunurin at mabait di-tulad ng mga kabataan ngayon. Lubhang taimtim
sa puso’t isipan nila ang kanilang ginagawa; sa kabilang dako, ang kabataan ngayon ay may
mapagwalang-bahalang saloobin. Lalong masinop sa pag-aayos ng katawan at pananamit at
lubhang matapat sa pagsunod sa batas ang mga kabataan noon, kaya wika nga, ang kabataan
noon ay hubog sa pangaral at kababaang- loob at ang asal ay ipinagmamalaki ng lahat.Kaiba
naman ang mga kabataan ngayon. Mulat sila sa makabagong panahon kaya higit na maunlad sa
pangangatwiran na kung magkaminsanay napagkakamalang pagwawalang-galang sa kapwa.
Lubhang mapangahas sa mga gawin at mahilig sa maraming uri ng paglilibang. Napakatayog ng
mga mithiin nila at higit na maunlad ang tunguhin. Marami rin ang magkasimbait at
magkasinsipag sa mga kabataan noon at ngayon. Ang kabataan noon at ngayon ay pag-
asa ng bayan natin. Kapwa sila makabayan, mapagmahal, matulungin sa mga kaangkan at may
mga mithiin sa buhay. Ang pagkakaiba ay ayon sa lakad ng panahon. Hindi ba’tmayroon tayong
“Sampung Lider na mga Kabataan” na pinipili taon-taon? Sila ang saksi sa ating
pinakamahuhusay na kabataan noon at ngayon
Kabataan: Isang PagtatanongC.C Marquez, Jr.
  Ako, ikaw…kayo…sila…tayong mga kabataan,
https://www.scribd.com/doc/65010921/Ang-Kabataan-Noon-at-Ngayon

Pahambing na Pahambing na Di- Pahambing na Di-


Magkatulad Magkatulad (Palamang) Magkatulad (Pasahol)
B. Bumuo ng alinman sa salawikain, sawikain at kasabihan batay sa diwang nais ipabatid ng
tekstong “Ang Kabataan Noon at Ngayon”.

Pamantayan sa Pagwawasto Puntos


Magulo ang pagkakabuo ng karunungang- 1
bayan at medyo malayo sa diwang nais
ipabatid ng teksto
Hindi maayos ang pagkakabuo ng 2
karunungang-bayan at medyo malayo sa
diwang nais ipabatid ng teksto
Di-gaanong maayos ang pagkakabuo ng 3
karunungang-bayan at medyo malayo sa
diwang nais ipabatid ng teksto
Maayos ang pagkakabuo ng karunungang- 4
bayan at akma sa diwang nais ipabatid ng
teksto
Mahusay ang pagkakabuo ng karunungang- 5
bayan at akmang-akma sa diwang nais
ipabatid ng teksto

V.Takdang-Aralin

Panuto: Bumuo ng alinman sa salawikain, sawikain at kasabihan batay sa iyong sariling


karanasan sa buhay na maghahambing sa iyo noon at ngayon. Gamitan ng paghahambing.

Inihanda ni: RITCHEL A. LAPINID


Gurong Tagapagsulat

Naiwasto ni: JESSICA T.TRIVINIO, Ed.D


Pansangay na Tagamasid

You might also like