You are on page 1of 5

Paaralan NANGKA HIGH SCHOOL Baitang / Antas 8

DAILY LESSON LOG Guro MARIA IDALYN PAGUNSAN Asignatura FILIPINO


Petsa/Oras Markahan UNA

LAYUNIN
TEMA Salamin ng Kahapon...Bakasin Natin Ngayon
PAMANTAYANG Naipamamalas ang mag-aaral ng pag-unawa sa mga akdang pampanitikan sa
PANGNILALAMAN Panahon ng mga Katutubo, Espanyol at Hapon
PAMANTAYAN SA
Nabubuo ang isang makatotohanang proyektong panturism
PAGGANAP
PANITIKAN Karunungang-bayan (Salawikain, Sawikain, Kasabihan), Alamat, Epiko, Tula
(kabilang ang Haiku/Senryu ng Hapon)
GRAMATIKA Paghahambing
Pang-abay na Pamanahon at Panlunan
Mga Eupemistikong Pahayag
Mga Hudyat ng Sanhi at Bunga ng mga Pangyayari
Mga Pahayag sa Pag-aayos ng Datos
Mga Kasanayan sa F8WG-Ia-c-17
Pagkatuto  Nagagamit ang paghahambing sa pagbuo ng alinman sa bugtong,
salawikain, sawikain o kasabihan

NASAAN ANG NAKA UNPACK NA KASANAYAN?
II. NILALAMAN Karunungang-bayan
A. Sanggunian
1. Mga pahina sa
Gabay ng Guro
2. Mga pahina sa Guimarie, Aida M. (2018) Pinagyamang Wika at Panitikan: Batayang Aklat sa
Kagamitang Pang- Filipino. Karapatang-ari sa Pilipinas 2018 ng Rex Bookstore, Inc. pp. 16-20.
Mag-aaral
3. Mga Pahina sa
teksbuk
4. Karagdagang
Kagamitan mula sa
portal ng Learning
Resource

B. Iba pang
Kagamitang Panturo
III. PAMAMARAAN
A. Balik-aral sa  Punan ng angkop na sawikain o bugtong ang puzzle na nasa ibaba. Gamitin
nakaraang aralin at/o ang mga klu o pahiwatig na nakasulat para masagot ang hinihingi ng
pagsisimula ng bagong krosword.
aralin 1 2 5

10 3

8 4

- Bb. Pagunsan -
PAHALANG PABABA
1. mahaba ang pisi 1. buhay ang loob
3. balat-sibuyas 2. binawian ng buhay
4. May puno walang bunga; 5. Ate mo, ate ko, ate nating lahat
May dahon walang sanga 10. huling hantungan
6. asal hudas
8. Kung kailan ko piñata,
Saka tumagal ang buhay
9. sa isang kalabit buhay ang kapalit
B. Paghahabi ng  Sa bahaging ito ihahanay ng guro ang mga tugon ng mag-aaral kung saan
layunin ng aralin ipakikita nito ang mga katangiang maaaring taglay ng tao gamit ang sawikain
at mga bagay na inihahambing ng bugtong sa pamamagitan ng
paglalarawan.
Sawikain Bugtong
Mapagpasensiya Atis
Matapang Sandok
Maramdamin Baril
Taksil Aklat
Namatay
Libingan
C. Pag-uugnay ng Sa bahaging ito tatalakayin ng guro ang kahalagahan ng paghahambing sa pagbuo
mga halimbawa sa ng alinman sa mga karunungang bayan tulad ng bugtong, sawikain, salawikain ao
bagong aralin kasabihan.

Bugtong- gamit ang paglalarawan sa katangian ng bagay na nais pahulaan sa


pamamagitan ng pagpapakita ng dobleng kahulugan nalilikha ang bugtong. Kung
saan mahalaga ang gampanin ng maretorikang paghahambing upang maging
masining ang pagbuo nito.

Sawikain- ito ay isang idyomatikong pagpapahayag. Ang kahulugan ng mga salita


ay hindi literal at kalimitang nalalayo sa literal na kahulugan nito. Gayunpaman,
mahalaga nag gampanin ng paghahambing dito sapagkat kalimitang iniuugnay ito sa
katangian at pag-uugali ng tao.

Salawikain o Kasabihan- gamit ang danas ng tao lumilikha tayo ng paglalarawan


sa mga bagay-bagay na siyang inihahambing sa kilos o pag-uugali ng tao upang
magbigay-aral o payo ng hindi malihis sa tamang landas.
D. Pagtalakay sa  Paggamit ng paghahambing sa pagbuo ng alinman sa bugtong, salawikain,
bagong Konsepto at sawikain o kasabihan
paglalahad ng bagong
kasanayan #1
F. Paglinang sa  Sa bahaging ito tatalakayin ang dalawang uri ng paghahambing: ang
Kabihasaan paghahambing na magkatulad at ang paghahambing na di-magkatulad.
(Tungo sa Formative
Assessment) Pahambing na Magkatulad
– ito ay uri ng paghahambing ng dalawang pinaghahambing na may
pantay na katangian. Ang mga panlaping ginagamit sa paglalarawan ng
ganitong paghahambing ay kasing-, sing-, magkasing-, gaya, tulad, kaparis,
kawangis, kapuwa, at pareho.

Halimbawa:
 Magsimbilis ang paglaganap ng sawikain at bugtong noong
matandang panahon.
 Ang salawikain at kasabihan ay kapuwa madaling unawain.
Pahambing na Di-Magkatulad
- may dalawang uri ang paghahambing na ito: ang pasahol at ang
palamang.

Pasahol - ginagamit ang paghahambing na ito kapag ang inahahambing


ay mas mababa ang katangian sa pinaghahambingan. Ang mga salitang
ginagamit dito ay di-gaano, di-gasino, di-lubha, di-totoo, at di-masyado.
kalimitang mayroon ding kaysa o kaysa sa.

Halimbawa:
 Di-gaanong mabilis ang paglaganap ng sawikain kaysa sa bugtong
noong matandang panahon.
 Ang salawikain ay di-masyadong madaling unawain kaysa sa
kasabihan.

Palamang- ginagamit ang paghahambing na ito kapag ang inahahambing


ay mas nakalalamang o nakahihigit ang katangian kaysa sa
pinaghahambingan. Ang mga salitang ginagamit dito ay mas, higit, lalo,
lubha, labis, at di-hamak.

Halimbawa:
 Mas mabilis ang paglaganap ng bugtong kaysa sa sawikain
noong matandang panahon.
 Ang kasabihan ay di-hamak na madaling unawain kaysa sa
salawikain.

 Sa bahaging ito papahayapyawang talakayin ng guro ang kasaysayan ng


panitikan bago ang panahon ng pananakop bilang pagtalakay sa ng
pinagmulan ng mga bugtong, sawikain, salawikain at kasabihan sa tulong ng
takdang aralin ng mag-aaral. Matapos ang pagtalakay ay magsasagawa ng
gawain. (Malayang Talakayan)

Estratehiya: Venn Diagram

Pigura 1.1

Panahon Bago Kasalukuyang


ang Pananakop Panahon

 Ang gagawin sa gawain ay ang paghahambing ng kalagayan ng mga Pilipino


sa Panahon Bago ang Pananakop at sa Kasalukuyang Panahon kung saan
bubuo ang mga mag-aaral mula sa mgaa tugon nito ng mga pangungusap
na nagpapakita ng paghahambing.

Panuto: Bumuo ng tig-tatatlong pangungusap na naglalarawan ng


kalagayan ng mga Pilipino noon at ngayon. Gamitin bilang padron ang mga
halimbawang tinalakay sa itaas.

Pahambing na Magkatulad –
1.____________________________________________________________
2.____________________________________________________________
3.____________________________________________________________

Pahambing na Di-magkatulad
(Palamang)
1.____________________________________________________________
2.____________________________________________________________
3.____________________________________________________________

(Pasahol)
1.____________________________________________________________
2.____________________________________________________________
3.____________________________________________________________

Pigura 1.2 Pagkakaiba


1.
2.
3.
Salawikain o Pagkakatulad
1.
Kasabihan 2.
3.
Pagkakaiba
1.
2.
3. Pagkakaiba
Bugtong Sawikain 1.
2.
3.

Panuto: Bigyan ng Pagkakatulad at pagkakaiba ang bawat isa. Itala ang


mga ito upang magamit bilang padron sa gagawing paghahambingan.
Bumuo ng tig-dadalawang halimbawa ng paghahambing batay sa uri.

Pahambing na Magkatulad –
1.____________________________________________________________
2.____________________________________________________________

Pahambing na Di-magkatulad
(Palamang)
1.____________________________________________________________
2.____________________________________________________________

(Pasahol)
1.____________________________________________________________
2.____________________________________________________________

G. Paglalapat ng aralin Iugnay Natin


sa pang-araw-araw na  Marami ang mga nalikha at nalilikha pang mga bugtong, sawikain, salawikain
buhay at kasabihan. Gayunpaman, ang mga ito ay kakikitaan ng ugnayan sa tao sa
pmamagitan ng paglalarawan o paghahambing.
 Ang gawain sa bahaging ito ay pag-uugnay ng ideya ng karunungang –bayan sa
tunay na buhay.
Karunungang-bayan Pag-uugnay ng Kaisipan
1. Silid ng hari , may limang susi Katulad ng isip ng tao ito ay binubuo ng
(sagot: isip) bawat bahagi. Ginamit ang ganitong
pahayag upang maglarawan ng isip
kung saan maaaring mahulaan ng tao
sa pamamagitan ng paghahambing sa
isang bagay. Kalimitan nga lamang ay
may dobleng kahulugan.
2. Kapag ang tubig ay magalaw,
Ang ilog ay mababaw
3. Lahat ng tao ay darating sa
huling hantungan
4. Ang batang matapat
pinagkakatiwalaan ng lahat
5. Sa isang kalabit,
Buhay ang kapalit
H. Paglalahat ng Aralin
Dugtungan Mo!
 Mahalagang aralin ang uri ng paghahambing sa pagtalakay ng mga
bugtong, sawikain, kasabihan at salawikain dahil
_________________________________________________________
_________________________________________________________

I. Pagtataya ng Aralin Estratehiya: Talahanayan ng Pag-alam

Panuto: Kumpletuhin ang talahanayan sa pamamagitan ng pagpupuno ng mga


datos na nalikom o natamo sa talakayan. Matapos punan ang
talahanayan bumuo ng tig-dadalawang halimbawa ng paghahambing.

Panitikan Noon Panitikan Ngayon


Tema
Wika
Layon ng Pagsulat
Paraan ng Pagsasalin

Pahambing na Magkatulad –
1.____________________________________________________________
2.____________________________________________________________

Pahambing na Di-magkatulad
(Palamang)
1.____________________________________________________________
2.____________________________________________________________

(Pasahol)
1.____________________________________________________________
2.____________________________________________________________
J. Karagdagang  Magtala ng sariling mga bugtong, sawikain, kasabihan o salawikain.
gawain para sa  Magdala ng kagamitang pansining (offline)
takdang aralin at  Magdownload ng mga disenyo ng booklet (online)
remediation

You might also like