You are on page 1of 5

`Daily Lesson

Plan
(Pang-araw-araw Guro: VALERIE B. NAZARITA
na tala sa
pagtuturo)
Asignatura FILIPINO 8
Seksyon At Oras G8- Roces 7:30-8:20
G8- Joaquin 8:20-9:10
G8- Servińas 10:30-11:20
Petsa Marso 30, 2023 Huwebes
PAMANTAYAN SA PAGKATUTO

A. Pamantayang Naipamamalas ng mag-aaral ang pag-unawa sa kaugnayan ng panitikang popular sa kulturang


Pangnilalaman Pilipino.
Nakabubuo ng kampanya tungo sa kamalayan sa pamamagitan ng multimedia (social media awareness
B. Pamantayan campaign)
sa Pagganap
Kasanayang Pampagkatuto
C. Mga
Kasanayan sa F8WG-IIIg-h-33 Nagagamit ang kahusayang gramatikal (may tamang bantas, baybay at magkakaugnay
Pagkatuto na pangungusap/talata) sa pagsulat ng isang suring pelikula.

LAYUNIN:
a. Natutukoy ang kahusayang gramatikal tulad ng pagbabantas, pagbabaybay, at
pagkakaugnay-ugnay ng mga pangungusap.
b. Nagagamit ang kahusayang gramatikal sa pagsulat ng isang suring pelikula.
c. Nakabubuo ng sariling pangungusap gamit ang wastong baybay.
II. Nilalaman
Paksa PAGTUKOY AT PAGGAMIT NG KAALAMANG GRAMATIKAL
Kagamitang Laptop, Android Tv
Pampagtuturo
A. Sanggunian
1. Mga pahina sa Filipino 8- Self Learning Module, ikatlong kwarter, linggo 7
Gabay ng Guro
2. Mga Pahina
sa Kagamitang
pang mag-aaral
3. Mga Pahina Filipino 8 -Self Learning Module
sa Teksbuk
(ibang
reperensiya)
4. Kaaragdagang Powerpoint presentation, bondpaper, marker at chalk
Kagamitan mula
sa portal ng
Learning
Resources
A. Balik-aral sa Panuto: Lapatan ng nararapat na bantas ang pangungusap at tatanungin ang mag-aaral kung kailan ito
nakaraang aralin gagamitin.
at/ o pagsisimula
ng bagong
1. Sa tingin ko hindi bababa sa limang daan 500 ang lumahok sa patimpalak
aralin.
Sagot: Sa tingin ko, hindi bababa sa limang daan (500) ang lumahok sa patimpalak.
2. Loyd sasama ka ba sa amin oo o hindi
Sagot: Sasama ka ba sa amin? Oo o hindi?
3. Naku Nahulog ang panindang bluetooth speakers ni Manong Berto.
Sagot: Naku! Nahulog ang panindang “bluetooth speakers” ni Manong Berto.
4. Bilang mag aaral akoy laging nakikinig sa talakayan
Sagot: Bilang mag-aaral, ako’y laging nakikinig sa talakayan.
5. Mga kapit bahay may sunog
Sagot: Mga kapit-bahay, may sunog!
6. Aba naglalaro ka lang pala akala ko ba may pasok kayo
Sagot: Aba! Naglalaro ka lang pala. Akala ko ba may pasok kayo?
7. Bb Klay tinatangi kita ayon sa tauhang si Fidel
Sagot: “Bb. Klay, tinatangi kita,” ayon sa tauhang si Fidel.

-kailan ginagamit ang mga bantas na ito?

B. Paghahabi sa Pagpapabasa ng layunin.


layunin ng aralin
Magbibigay ng pagpapaliwanag ang guro sa layunin ng paksa.

Pagbibigay ng mga panuntunan sa loob ng klase.


 Makinig nang mabuti para madaling maunawaan ang panuto at paksa.
 Panatilihin ang katiwasayan habang may sinasagot ang Pangkat.
 Itago muna ang mga gadget upang makafocus sa paksa.
 Bibigyan ng puntos ang may wastong kasagutan.
 Mag taas ng kamay kapag nais na sumagot.

C. Pag-uugnay Panuto: Gamitin ang salitang nakasulat gamit ang ilang bantas na isinasaad sa bawat bilang.
ng mga
halimbawa sa
bagong aralin Gumamit ng gitling (-)

1. _________________________________

Gumamit ng kuwit (,)

2. _________________________________

D. Pagtalakay ng Talakayan sa mga uri ng bantas, pagbabaybay, at pagkakaugnay-ugnay ng pangungusap


bagong konsepto
at paglalahad ng Mga Uri ng Bantas
bagong aralin
1. Tuldok (.) - Ginagamit sa katapusan ng pangungusap na paturol o pasalaysay at pautos, sa pangalan
at salitang dinaglat. at sa mga titik o tambilan na ginagawang pamilang sa bawat hati ng
isang balangkas, talaan.
2. Pananong (?) - Ginagamit sa pangungusap na patanong.
3. Padamdam (!) - Ginagamit sa hulihan ng isang kataga, parirala o pangungusap na nagsasaad ng
matindi o masidhing damdamin.
4. Kuwit (,) - Ginagamit sa paghihiwalay ng isang sinipi, paghihiwalay ng magkakasunod na salita at
lipon ng mga salitang magkakauri.
5. Kudlit (‘) - Ginagamit na panghalili sa isang titik na kinakaltas.
6. Gitling (-) - Ginagamit sa pag-ulit ng salitang-ugat o mahigit sa isang pantig ng salitang ugat.
7. Panipi (“ ”) - Ginagamit upang ipakita ang buong sinasabi ng isang nagsasalita o ang tuwirang sipi.
8. Tutuldok (:) - Ginagamit matapos maipuna ang pagpapakilala sa mga sumusunod na paliwanag.
9. Tuldok-kuwit (;) - Naghuhudyat ng pagtatapos ng isang pangungusap na kaagad sinusundan ng isa
pang sugnay nang hindi gumagamit ng pangatnig.
10. Panaknong ( () ) - Ginagamit na pambukod sa salita o mga salitang hindi direktang kaugnay ng diwa
ng pangungusap.
11. Tutuldok-tuldok o Elipsis (…) - Nagpapahiwatig na kusang ibinitin ng nagsasalita ang karugtong na
nais sabihin.

- Karagdagang mga halimbawang pangungusap mula sa mag-aaral.

E. Pagtalakay ng Panuto: Basahin at unawain ang iskrip na halaw mula sa akdang pampelikulang “Anak” at isulat sa
bagong aralin at patlang ang wastong bantas na ginamit sa bawat pahayag.
paglalahad ng
bagong
kasanayan Carla: Kung magkaka__anak man ako__ sisiguraduhin kong magkasama kami sa hirap at ginhawa__
Hindi ko siya ipagpapalit dahil sa pera__

Josie: Ang kapal ng mukha mo_ Wala kang utang na loob_

Carla: Tama na_

Josie: Kung ayaw mo sa akin_ ayaw ko rin sa iyo_ Sana inisip mo rin na hindi ito ang buhay na pinili
ko para sa mga anak ko_ kung iniisip mo na sana ibinalik kita sa tiyan ko_ sana maisip mo rin na ilang
beses kong ginusto na hindi na kayo ipinanganak_ Para hindi niyo maranasan ang hirap dito sa
mundo_ Pero nandito na ako, andyan kayo, kahit nandito na ko o saan mang lupalop ng mundo_ dito_
dala_dala ko ang obligasyon ko sa inyo na bigyan kayo ng magandang buhay dahil magulang niyo
ako_

Carla: Hindi mo ako naiintindihan_ Hindi ko hiningi lahat_lahat ng binigay niyo sa_min! Kayo ang may
gusto, hindi ako.

Carla: Kung magkaka-anak man ako, sisiguraduhin kong magkasama kami sa hirap at ginhawa! Hindi
ko siya ipagpapalit dahil sa pera!

Josie: Ang kapal ng mukha mo! Wala kang utang na loob!

Carla: Tama na!

Josie: Kung ayaw mo sa akin, ayaw ko rin sa iyo! Sana inisip mo rin na hindi ito ang buhay na pinili ko
para sa mga anak ko, kung iniisip mo na sana ibinalik kita sa tiyan ko, sana maisip mo rin na ilang
beses kong ginusto na hindi na kayo ipinanganak! Para di niyo maranasan ang hirap dito sa mundo!
Pero nandito na ako, andyan kayo, kahit nandito na ko o saan mang lupalop ng mundo, dito, dala-dala
ko ang obligasyon ko sa inyo na bigyan kayo ng magandang buhay dahil magulang niyo ako!

Carla: Hindi mo ako naiintindihan! Hindi ko hiningi lahat-lahat ng binigay niyo sa’min! Kayo ang may
gusto, hindi ako.
F. Paglinang sa Panuto: Basahin at unawain ang pangungusap, lapatan ng mga bantas.
Kabisaan tungo
sa formative 1. Ella tapos ka na ba sa iyong takdang aralin
assessment Sagot: Ella, tapos ka na ba sa iyong takdang-aralin?

2. Higit kumulang isang daan 100 ang lumahok sa paligsahan


Sagot: Higit-kumulang isang daan (100) ang lumahok sa paligasahan.

3. Kailangan bang mag imbak ng pagkain tuwing taglamig


Sagot: Kailangan bang mag-imbak ng pagkain tuwing taglamig?

4. Gustong gusto ko ang keyboard na regalo sa akin ni Ana.


Sagot: Gustong-gusto ko ang “keyboard” na regalo sa akin ni Ana.

5. Puwede na ba ng makuha ang resulta ng aking x ray


Sagot: Puwede na bang makuha ang resulta ng aking “x-ray”?

6. Negosyo o kalayaan Bayan o sarili Pumili ka sambit ni Heneral Luna


Sagot: “Negosyo o kalayaan? Bayan o sarili? Pumili ka!” sambit ni Heneral Luna.

7. Paborito ko ang matatamis na pagkain tulad ng tsokolate kendi keyk yema at iba pa
Sagot: Paborito ko ang matatamis na pagkain tulad ng: tsokolate, kendi, keyk, yema at iba pa.

G. Paglalapat ng Paano mo mapahahalagahan ang mga sakripisyo’t pagsisikap ng iyong mga magulang?
aralin sa pang-
araw-araw na
buhay
H. Paglalahat ng Banggitin ang mga uri ng bantas.
Aralin
I. Pagtataya ng Panuto: Bumuo ng isang pangungusap gamit ang wastong bantas mula sa larawan.
Aralin
1. 2. 3.

4. 5.

J. Karagdagang Magsaliksik tungkol sa Kampanyang Panlipunan.


gawain para sa
takdang aralin at
remediation
V. Pagninilay

A. Bilang ng mga
mag-aaral na
nakakuha ng
80% sa
pagtataya.
B. Bilang ng
mag-aaral na
nangangailangan
ng iba pang
gawain para sa
remediation.
C. Nakatulong
ba ang
remedial? Bilang
ng mag-aaral na
nakaunawa sa
aralin.
D. Bilang ng mga
mag-aaral na
magpapatuloy sa
remediation?
E. Alin sa mga Ang paggamit ng video clip at powerpoint presentation bilang kagamitang pamgpagtuturo ay lubos na
istratehiyang nakatulong sa pagtuturo ng guro at pati na rin ang pagkatuto ng mga mag-aaral.
pagtuturo na
nakatulong nang
lubos? Paano ito
nakatulong?
F. Anong
suliranin ang
aking naranasan
na solusyunan
sa tulong ng
aking
punungguro at
superbisor?
G. Anong
kagamitang
panturo ang
aking nadibuho
na nais kong
ibahagi sa mga
kapwa ko guro?

Inihanda ni:

VALERIE B. NAZARITA
Pre-service Teacher

Iniwasto at namasid ni:

MA. VICTORIA T. ZAFRA


Master Teacher 1- Filipino

You might also like