You are on page 1of 6

Sangay ng mga Paaralang Lungsod

MATAAS NA PAARALANG FLORENTINO TORRES


Daang Juan Luna, Gagalangin, Tundo, Maynila IKATLONG
Guro: Bb. Carmelita L. Gatchalian Asignatura: Filipino MARKAHAN
Baitang / Pangkat (Oras): Modyul 4
Petsa: Marso 14 – 18, 2022
8-Twain 8:50-9:30 (n.u.)
8-Shakespeare 10:00-10:40 (n.u.)
8-Blake 10:50-11:30 (n.u.)
8-Joaquin 1:00-1:40 (n.h.)
8-Arcellana 3:00-3:40 (n.h.)
Bilang ng Araw na Ituturo: 4

Mungkahing Gabay sa Pagkatuto (Lesson Exemplar)


I.MGA KASANAYAN
A.Pamantayang Pangnilalaman:
Naipamamalas ng mag-aaral ang pag-unawa sa kaugnayan ng panitikang popular sa kulturang Pilipino

B.Pamantayang Pagganap:
Ang mag-aaral ay nakabubuo ng kampanyang tungo sa panlipunang kamalayan sa pamamagitan ng multimedia (social
media awareness campaign)

C. Kasanayang Pampagkatuto:

1. Nabibigyang-kahulugan ang mga salitang ginagamit sa radio broadcasting (F8PT-IIId-e-30)


2. Naisusulat nang wasto ang iskrip ng isaang dokyumentaryongpanradyo (F8-PU-IIId-e-31)

D.Pinakamahalagang Kasanayang Pampagkatuto:

1. Nabibigyang-kahulugan ang mga salitang ginagamit sa radio broadcasting (F8PT-IIId-e-30)


2. Naisusulat nang wasto ang iskrip ng isaang dokyumentaryongpanradyo (F8-PU-IIId-e-31)

II.PAKSANG-ARALIN: Dokyumentaryong Panradyo


III.SANGGUNIAN: Filipino 8-Modyul 4
IV.KAGAMITAN: USLeMs: 4, Powerpoint, Video Presentation, Google form, Quizziz
IV. PROSESO NG PAGKATUTO
Unang Araw
A. Tiyak na Layunin: Natutukoy ang mga kaalaman hinggil sa mga popular na himpilan ng radyo
sa Pipilinas

1. Panimulang Gawain

Balik-aral

4PICS IN ONE WORD


Muling balikan ang aralin noong mga nakaraang linggo Ibigay ang salitang mabubuo batay sa larawan.

1.

H P A A N A Y G N G
2.

A B L I N A T
3.
R D O A S Y
2. Paunang Pagsubok

“Iyong kaalaman… Subukin ‘yan!”

Pagsagot sa Paunang Pagsubok sa pamamagitan Quizziz.

3. Paglalapit sa Aralin

“Word Picture Puzzle”


Ayusin ang mga mga ginulong letra batay sa larawan upang makabuo ng salita.

OUCERNANN AKISMU
TALIBA BANGANLI
4. Pagsasagawa ng pangkatang gawain

Pangkat 1 “News on the Board”

Pagpaprinig ng napapananong balita sa isang popular na himpilan ng radyo

Pangat 2 “Greatest Hits”

Pagpaparinig ng isang awitin sa himpilan ng radyo

Pangkat 3; “Drama Rama sa Radyo”

Pagpaparinig ng drama n amula isang himpilan sa radyo


Pangkat 4 “Score mo… show mo!”

Panuto: Bigyan ng nararapat na marka ang bawat pangkat. Tiyaking nagagamit ang mga
retorikal na pang-ugnay sa paglalahad at pagpapaliwanag.

5. Sintesis

Dugtungan ang mga pahayag upang makabuo ng konsepto.


6. Kasunduan

Magsaliksik ng mga salita na ginagamit sa radio broadcasting.

You might also like