You are on page 1of 17

Iniharap sa Mataas na Paaralang Florentino Torres

20
Daang Juan Luna Gagalangin Tundo, Maynila
Enero, 2018

18

QUARTERLY CONTENT INSTRUCTION SLIDIFICATION:

INOBASYON SA PAGKATUTO SA FILIPINO 8

Kelvin Gatdula Lansang


Teacher III
Kagawaran ng Filipino

lansangkelvin@gmail.com

Pangkalahatang Sipat:

Sanhi ng masidhing pagnanais ng bawat guro na magkaroon ng mas mabungang pagtalakay at


pagsasalin ng karunungan sa mga mag-aaral, anumang pamamaraan, estratehiya, dulog o inobasyon ay
sinasandigan at binibigyan ng pagkakataon upang magamit at masuri alalaong baga’y masubok ang
kabisaan. Ito ang pangunahing layunin ng edukasyon sa ika-21 siglo. Ang sumabay sa pangangailangan
ng makabagong panahon- ng makabagong mag-aaral na kung tawagin ay mga digital learners.
Kaugnay nito, ako, si G. Lansang ay buong giliw at pagpupunyaging ipanununghay sa papel
na ito ang aking inobasyon na tumutugon sa pangangailangang maka-21 siglo. Ang aking proposiyong
inobasyon na tinaguriang “Quarterly Content Instruction Slidification” ay naglalayong magbukas ng
panibagong preperensya sa guro sa pagbabagong bihis ng pamamaraan ng pagtuturo at pagkatuto.

Hindi na lingid sa kaalaman ng madlang saklaw at sangkot sa rabaw ng edukasyon ang


paggamit ng mga slide presentation. Sa inobasyon na ito, sinubukan ng guro na gamitin ang tambalang:
slide presentation- laptop- projector- audio material nang buong taon sa tinatantyang 87 bahagdan
(87%) ng mga aralin sa loob ng apat na markahan. Kalakip ng papel na ito ang mga resulta at
magandang bunga ng nasabing pagsubok at inobasyon. Inilakip din dito ang kopya ng banghay aralin at
screen shot ng slidepresentation overview bilang pagpapatunay. Malaki ang ginampanang papel ng
estratehiyang FCI (Flipped Classroom Instruction sa inobasyon na ito sapagkat karamihan ng mga
content ay interaktibong ibinabahagi sa bahay sa pamamagitan ng social media sites.

1.
FLIPPED CLASSROOM INSTRUCTION LEARNING PLAN SAMPLE

IKAAPAT NA MARKAHAN
ANG FLORANTE AT LAURA
ARALIN 4.1
A. PANITIKAN: KALIGIRANG PANGKASAYSAYAN AT PANGKAALAMAN NG F. AT LAURA
B. WIKA: WIKA NG MGA KABATAAN

PAMANTAYANG PANGNILALAMAN
- Naipamamalas ng mag-aaral ang pag-unawa sa isang dakilang akdang pampanitikan na mapagkukunan ng

mahahalagang kaisipang magagamit sa paglutas sa mga suliranin ng lipunan sa kasalukuyan

MGA POKUS NA TANONG


- Bakit mahalagang makilala ang gampanin ng OBRA MAESTRANG FLORANTE AT LAURA sa ating kultura at
lipunan?
- Paano makatutulong ang OBRA MAESTRANG FLORANTE AT LAURA sa pagpapanatili at pagpapaunlad ng
kulturang Pilipino?
- Paanong nakatutulong ang WASTONG PAGGAMIT SA WIKA NG KABATAAN sa ikabubuo ng isang maayos na
diskurso/ akda?

MAHALAGANG PAG-UNAWA
- Mahalagang maunawaan at mapahalagahan ang OBRA MAESTRANG FLORANTE AT LAURA upang makilala
ang kaugnayan ng Pilipino sa kanyang lipunan at ng kanyang kultura
- Makatutulong sa pagbuo ng mas makabuluhang konsepto ang wastong paggamit sa WIKA NG KABATAAN

INAASAHANG PAGGANAP
- Nakasasusulat ng DI PORMAL NA SANAYSAY na may pagsasaalang- alang sa mga ELEMENTO NG WIKA NG
KABATAAN tungkol sa mga bagay na may kaugnayan sa kapwa at pamayanan

MGA KASANAYANG PAMPAGKATUTO


Paglinang sa Talasalitaan- Nabibigyang kahulugan ang matatalinhagang pahayag na binasa
Pag-unawa sa Napakinggan –Nahihinuha ang kahalagahan ng Florante at Laura sa napakinggang pahiwatig
sa akda
Pag- unawa sa Binasa- Natitiyak ang kaligirang pangkasaysayan at pangkaalaman ng F. at Laura
Panonood – Naiuugnay ang napanood na video sa mga kaganapan sa buhay ni Balagtas
Pagsasalita –Nailalahad nang maayos at wasto ang pansariling pananaw at opinyon at saloobin sa mga
kaganapan sa ating bansa
Pagsulat – Nakalilikha ng balitang DI PORMAL NA SANAYSAY na tatalakay sa mga kaganapan sa lipunan at
pamayanan
Wika at Gramatika – Nagagamit sa iba’t ibang sitwasyon ang WIKA NG KABATAAN sa pagpapahayag ng
opinyon at katotohanan

MGA PANGKAT: PETSA:

8- MAKATAO ENERO , 2018

8- MAKADIYOS ENERO , 2018

8- MAKAKALIKASAN ENERO , 2018

8- MAPAG-ARUGA ENERO , 2018

8- MAKABANSA ENERO , 2018


TUKLASIN
I. Mga Tiyak na Kasanayang Pampagkatuto

A. Nailalahad ang mga kaalaman/ ideya na may kaugnayan sa mga naiatas na gawain
B. Nakatutugon at nakapag- uulat kaugnay sa mga naiatas na gawain
C. Napahahalagahan ang diwa ng pagkakaisa

II. Proseso ng Pagkatuto

A. OBSERBAHAN
Panimulang Gawain/ Gawaing Pangkwaderno
- PANIMULANG PAGSUSULIT- 30 PUNTOS
- #MAGBAGO KA NA :

- Magbigay ng 3 tao sa labas ng ating silid- aralan na nais mo nang magbago? (UGALI/ PANANAMIT
ATBP.)
- 1. ______________
- 2. ______________
- 3. ______________
- “ANG MGA PAGBABAGO”
- pagpapakita ng slides ng mga halimbawang pagbabago sa ating buhay
Pagganyak
- PAGPAPAKITA NG MGA MEME NA WANGIS SA BE LIKE BILL
- pagpapakita sa meme na Be Like Bill
- pagpapakita sa Meme ng Be like Bill na pahuhulaan:
- Sino ang tao na tinutukoy sa meme na ito?

B. DALUMATIN
- PANGKATANG GAWAIN (POWER OF FIVE)

- PANGKAT 1 (MAKATA)
- Lumikha ng isang Tula na may 5 saknong na may pamagat na:
- MASAKIT UMIBIG 

- PANGKAT 2 (UMIBIG)
- MAGBIGAY NG LIMANG PANGUNAHING KATANGIAN NA DAPAT TAGLAYIN NG ISANG IDEAL GUY AT
IDEAL GIRL
- 1. __________________
- 2. __________________
- 3. __________________
- 4. __________________
- 5.___________________

- PANGKAT 3 (NASAKTAN SA PAG-IBIG)


- MAGBIGAY NG LIMANG PANGUNAHING PAYO NG PANGKAT SA MGA NASASAKTAN SA PAG- IBIG:
- 1. __________________
- 2. __________________
- 3. __________________
- 4. __________________
- 5.___________________

- PANGKAT 4 (NAKULONG)
- MAGBIGAY ANG PANGKAT NG 5 PANGUNAHING DAHILAN KUNG BAKIT NAKUKULONG ANG MGA
KABATAAN SA KASALUKUYAN:
- 1. __________________
- 2. __________________
- 3. __________________
- 4. __________________
- 5.___________________

- SINTESIS

SINO ANG LALAKING:

- MAKATA

- UMIBIG

- NASAKTAN

C. ISABUHAY
POWER OF FIVE QUESTIONS:

ILAHAD ANG LIMANG BAGAY NA GUSTO MONG MALAMAN TUNGKOL KAY FRANCISCO BALAGTAS.

DUGTUNGAN ANG MGA SUMUSUNOD NA PAHAYAG:

1. Ano ang __________________________________________________________?

2. Sino ang __________________________________________________________?

3. Kailan ____________________________________________________________?

4. Bakit _____________________________________________________________?

5. Paano ____________________________________________________________?

D. LIMIIN

TAKDANG ARALIN:

PANOORIN ANG VIDEO NI PROF. XIAO CHUA TUNGKOL SA BUHAY NI FRANCISCO BALAGTAS NA IPOPOST SA

OFFICIAL FACEBOOK GROUP NG PANGKAT

SAGUTIN ANG MGA SUMUSUNOD NA TANONG SA IYONG KWADERNO:

1. ILAHAD ANG PINAKAMALAKING IMPLUWENSYA NI BALAGTAS SA PAGSULAT NG FLORANTE AT LAURA

2. BAKIT IHINABILIN NI BALAGTAS SA KANYANG ANAK NA SI CEFERINO NA HUWAG SUNDAN ANG KANYANG

YAPAK BILANG ISANG MAKATA?


MGA PANGKAT: PETSA:

8- MAKATAO ENERO , 2018

8- MAKADIYOS ENERO , 2018

8- MAKAKALIKASAN ENERO , 2018

8- MAPAG-ARUGA ENERO , 2018

8- MAKABANSA ENERO , 2018


LINANGIN

I. Mga Tiyak na Kasanayang Pampagkatuto


A. Natutukoy ang kaligirang pangkaalaman/ pangkasaysayan ng Florante at Laura
B. Nakapanonood ng isang video na may kinalaman sa kaligirang pangkaalaman/ pangkasaysayan ng
Florante at Laura
C. Napahahalagahan ang Florante at Laura bilang mahalagang ahente sa pagmulat ng pambansang
kamalayan

II. Proseso ng Pagkatuto

A. OBSERBAHAN

Panimulang Gawain/ Gawaing Pangkwaderno

- PAGAHAHANDA PARA SA LARONG SINETCH ITEY

- Pagpunta sa Pisara ng 4 na kalahok mula sa bawat pangkat

- Pag- uugnay:
MAY FOREVER NGA BA TALAGA?
B. DALUMATIN

Pagbabalik-Tanaw

SINO ANG LALAKING:

- MAKATA

- UMIBIG

- NASAKTAN

- NAKULONG NANG DAHIL SA PAG- IBIG???

Maikling Pagtalakay sa Aralin

- Ang kaligirang pangkaalaman/ pangkasaysayan ng Florante at Laura


- Pagtatala sa mahahalagang datos sa kwaderno sa tulong ng mga Powerpoint Slides

SAGUTIN ANG MGA SUMUSUNOD NA TANONG:

1. ILAHAD ANG PINAKAMALAKING IMPLUWENSYA NI BALAGTAS SA PAGSULAT NG FLORANTE AT LAURA

2. BAKIT IHINABILIN NI BALAGTAS SA KANYANG ANAK NA SI CEFERINO NA HUWAG SUNDAN ANG KANYANG

YAPAK BILANG ISANG MAKATA?

3. ILAHAD ANG ARAL MULA SA KWENTO NG BUHAY NI BALAGTAS NA MAGAGAMIT NATIN SA ATING BUHAY

C. ISABUHAY
- “OPLAN: BUHAYIN ANG FLORANTE AT LAURA”
- - 10 minuto
Panuto:
- Magtala ng 10 hakbang kung paanong mas mailalapit ang FLorante at Laura sa mga postmillennial
na kagaya mo:
1.____________
2.____________
3.____________
4. ____________
5. ____________
6. ____________
7. ____________
8. ____________
9. ____________
10. ___________

Sintesis

DAPAT TANGKILIKIN ANG FLORANTE AT LAURA SAPAGKAT…

D. LIMIIN

TAKDANG ARALIN:

PANOORIN ANG VIDEO NG “WORD OF THE LOURD” NA IPOPOST SA FACEBOOK GROUP NG PANGKAT

SAGUTIN ANG MGA SUMUSUNOD NA

TANONG:

1. SA IYONG PALAGAY, MABUTI BA


O MASAMA ANG WIKA NG MGA
MILLENIAL?

2. KUNG ITO AY MASAMA, PAANO


ITO MAPAPABUTI?

MGA PANGKAT: PETSA:

8- MAKATAO ENERO , 2018

8- MAKADIYOS ENERO , 2018

8- MAKAKALIKASAN ENERO , 2018

8- MAPAG-ARUGA ENERO , 2018

8- MAKABANSA ENERO , 2018


PAGNILAYAN AT UNAWAIN

I. Mga Tiyak na Kasanayang Pampagkatuto

A. Natutukoy ang wika ng mga kabataan

B. Nakapaglalahad ng pananaw kaugnay sa mga napapanahong isyu kaugnay ng wikang ito

C. Napahahalagahan ang mga pahayag ng wika ng mga kabataan bilang mahalagang bahagi ng mabisang

diskurso

II. Proseso ng Pagkatuto

A. OBSERBAHAN

Panimulang Gawain/ Gawaing Pangkwaderno

- #MILLENIALAKO

- ANO ANG TATLONG KATANGIAN ANG MAYROON ANG MILLENIAL NA WALA ANG MGA KABATAAN
NG NAKARAANG PANAHON?
1. _______________
2. _______________
3. _______________
B. DALUMATIN
Pagtalakay sa Aralin sa Wika
- Ang Wika ng mga Kabataan
- Panonood ng mga karagdagang video at pagsipat sa isang Powerpoint Presentation
(10 minuto)

C. ISABUHAY
Pagsasanay
BUMUO NG DALAWANG TALATANG PANGANGATWIRAN:

WIKA NG MILLENIAL: MASAMA O MABUTI SA MGA KABATAAN?

UNANG TALATA: NAKABUBUTI/ NAKAKASAMA ANG WIKA NG MILLENIAL SAPAGKAT…


IKALAWANG TALATA: PARA SA AKIN AY DAPAT TAYONG ______________________

Sintesis
- Natutuhan ko na ________________________________________
- Mula ngayon ___________________________________________

D. LIMIIN

TAKDANG ARALIN:

PANOORIN ANG VIDEO NG “WORD OF THE LOURD” NA IPOPOST SA FACEBOOK GROUP NG PANGKAT

SAGUTIN ANG MGA SUMUSUNOD NA

TANONG:

1. PAANO NAGSIMULA ANG


SALAYSAY NI LOURD?

2. ANO ANG MGA BAGAY O


KAISIPAN NA INILAHAD NIYA?

3. PAANO NIYA TINAPOS ANG


VIDEO?
MGA PANGKAT: PETSA:

8- MAKATAO ENERO , 2018

8- MAKADIYOS ENERO , 2018

8- MAKAKALIKASAN ENERO , 2018

8- MAPAG-ARUGA ENERO , 2018

8- MAKABANSA ENERO , 2018

ILIPAT

I. Mga Tiyak na Kasanayang Pampagkatuto

A. Nakabubuo ng sariling balitang DI PORMAL NA SANAYSAY gamit ang WIKA NG KABATAAN


B. Nakasasunod sa panuto ng guro sa bubuuing sulatin

II. Proseso ng Pagkatuto

A. OBSERBAHAN
Paghahanda ng mga kagamitan sa bubuuing sulatin

B. DALUMATIN
Pagbibigay ng Pamantayan

- Bumuo ng isang DI PORMAL NA SANAYSAY na tutugon sa mga sumusunod na pamantayan na

itatalaga

C. ISABUHAY
Pagsasagawa ng Gawaing Pasulat
45 minuto ng pagsulat
- Layunin: Nakabubuo ng DI PORMAL NA SANAYSAY gamit ang WIKA NG KABATAAN
- 3 talataan
- PAKSA: ANG KABATAANG POST- MILLENIAL SA KASALUKUYAN
- MGA PAHAYAG NA GAGAMITIN (1. LODI, 2. WERPA, 3. PETMALU,)
- FORMAT
- UNANG TALATA: PANIMULA (ANO ANG KABATAANG POST MILLENIAL SA KASALUKUYAN?)
- IKALAWANG TALATA: IMPORMASYON (ANO ANG MGA HALIMBAWA SA WIKANG GINAGAMIT NG
MGA KABATAAN SA KASALUKUYAN?)
- IKATLONG BALITA: PANGWAKAS (PAANO MAS MAPAPABUTI ANG PAGGAMIT DITO?)

- UNANG PAGSUSULIT - 30 PUNTOS


Pagmamarka

Pagkamalikhain 8 puntos
Husay sa pagbuo ng sanaysay 6 puntos
Paggamit sa WIKA NG KABATAAN 6 puntos
D. LIMIIN

TAKDANG ARALIN:
IPAPAMAHAGI NA ANG FLASH PLAYER FILE NG

FLORANTE AT LAURA SA BAWAT MAG-AARAL.

SISIGURADUHIN NA ANG BAWAT MAG-AARAL AY

KAYANG MAIACCESS SA CELLPHONE, TABLET O

COMPUTER ANG FILE NA ITO. ITATALAGA NA


20
18
Iniharap sa Mataas na Paaralang Florentino Torres
Daang Juan Luna Gagalangin Tundo, Maynila
Enero, 2018

IMPROVISED MOBILE ICT KIT

Kelvin Gatdula Lansang


Teacher III
Kagawaran ng Filipino

lansangkelvin@gmail.com

Pangkalahatang Sipat:

Sanhi ng masidhing pagnanais ng bawat guro na magkaroon ng mas episyenteng panahon sa


pagtuturo at sa kadahilanan ding ang kalikasan ng pagtuturo ay hindi palaging “student mobilization
scheme”, nageeksiste ang pangkalahatang pagnanais na makasabay sa agos ng pagbabago sa pagtuturo
gamit ang ICT nang hindi nakokompromiso ang oras sanhi ng matagal na pagseset- up ng mga
kagamitan gaya ng projector, laptop at audio system.

Kaugnay nito, ako, si G. Lansang ay buong giliw at pagpupunyaging ipanununghay sa papel


na ito ang aking inobasyon na tumutugon sa pangangailangang maka-21 siglo. Ang aking proposiyong
inobasyon na tinaguriang “MOBILE ICT KIT” ay naglalayong magbukas ng panibagong preperensya sa
guro sa pagbabagong bihis ng pamamaraan ng pagtuturo at pagkatuto sa pinakaepisyente at maalwan na
paraan sa panig ng guro.
Hindi na lingid sa kaalaman ng madlang saklaw at sangkot sa rabaw ng edukasyon ang
paggamit ng mga multi media/ audio visual materials. Sa inobasyon na ito, sinubukan ng guro na gamitin
ang tambalang: slide presentation- laptop- projector- audio material- rolling cart nang buong taon sa
tinatantyang 87 bahagdan (87%) ng mga aralin sa loob ng apat na markahan. Ang mga bentahe ng
paggamit ng panukalang kagamitan na ito ang mga sumusunod:

1. Sa isang “teacher mobilization scheme” shift, imbes makonsumo ang 5-10 minuto sa pagseset- up
ng gamit, sa pinag-isang kit na ito, mas mabilis na makapaghahanda at masisimulan ang gawain
sa loob ng isang period o oras panuruan.
2. May gulong ang kit kaya naman mas madali para sa guro o mag-aaral na buhatin ang mga
kagamitan.
3. Ang oras na matitipid sa pagseset- up ay katumbas ng lakas na mapepreserba sa guro na
nakatayo at buon giting na nagtuturo sa loob ng anim o pitong oras sa loob ng isang araw.

Kalakip ng papel na ito ang larawan ng “beta version” ng nasabing kagamitang pampagtuturo
Nabatid ni:

___________________________________

LUCELMA O. CARPIO

Puno ng Kagawaran ng Filipino

Pinagtibay ni:

________________________________

MA. PURA S. TALATTAD

Punongguro
Nabatid ni:

___________________________________

LUCELMA O. CARPIO

Puno ng Kagawaran ng Filipino

Pinagtibay ni:

________________________________

MA PURA S. TALATTAD

Punongguro

You might also like