You are on page 1of 16

The PRIMALS Compendium of Teaching Resources

ENGLISH LESSON PL ANS FILIPINO LESSON PLANS L I T E R AC Y S T R AT EG I E S

B A I TA N G 4
Papel de Liha
Baitang 4 | Tula

Ang teksto ay isang tula tungkol sa magaspang na kamay ng nanay ng batang nagsasalita
sa tula. Parang papel de liha ang mga kamay ng ina dahil masipag ito at palaging abala sa
mga gawaing-bahay at sa pag-aalaga ng pamilya. Makapal man ang balat sa mga palad
ng ina, minamahal ng anak ang mga kamay na ito dahil ito ang mga kamay na nag-aaruga
sa kaniya. Ang detalyadong lesson plan ay dinisenyo upang maunawaan ang nilalaman
at porma ng tula sa pamamagitan ng aktibong partisipasyon ng mga mag-aaral sa mga
sumusunod na gawain: malayang talakayan,
habing semantika, pagpapalawak ng talasalitaan,
at sa pagsulat mismo ng sariling tula.
Mayroong Pang-araw-araw na Tala upang
maging gabay ng guro sa pagtuturo nitong
modyul sa loob ng isang linggo.

Talaan ng nilalaman

Teksto 02
Banghay-Aralin 04
Pang-Araw-Araw na Tala 08
T EKSTO

Papel de Liha
ni Ma. Corazon Remigio

Ang nanay ko ang imis-imis.


Pag may duming nakadikit, kiskis dito, kiskis doon. Naghanap ako sa bahay ng papel de liha
Pag may mantsa sa damit, kuskos dito, kuskos doon. Pero papel de hapon lang nakita ko.
Pag may sebo sa kawali, kaskas dito, kaskas doon. Pumunta ako sa tindahan ni Aling Epang
At bumili ako ng papel de liha.
Dadako siya sa sala at mag-aayos.
Pag may diyaryong nakakalat, ligpit dito, ligpit doon. Magaspang ito. Mahapdi sa balat.
Pag may turnilyong maluwag, higpit dito, higpit doon. Gasgas ang kahoy sa isang kaskas.
Pag may kutson na maumbok, pitpit dito, pitpit doon. Nisnis ang damit sa isang isis.
Ganito nga ba kagaspang ang kamay ni nanay?
Papasok siya sa kusina at magbubusisi.
Pay may ulam na malamig, salang dito, salang doon. Minsan, nilagnat ako at napilitang mahiga.
Pag may isda na sariwa, sigang dito, sigang doon. Si Nanay ang tumabi sa akin.
Pag may kalan na tabingi, kalang dito, kalang doon. Nang tumaas ang lagnat ko, punas dito, punas doon.
Nang sumama ang pakiramdam ko, lunas dito, lunas doon.
Tutuloy siya sa silid at titingnan ang aking gamit. Nang sumakit ang mga buto ko, himas dito, himas doon.
Pag may sintas na maluwag, tali dito, tali doon.
Pag may tastas sa laylayan, tahi dito, tahi doon. Pero bakit hindi mahapdi ang himas ni Nanay?
Pag may butas sa pundilyo, tagpi dito, tagpi doon. Bakit hindi nagasgas ang balat ko nang
Humimas at humaplos siya sa akin?
Gagawi siya sa paliguan at mag-uusisa. Lalo akong guminhawa sa bawat himas ni Nanay.
Pag may wee-wee na nakita, buhos dito, buhos doon. Mali si Tita Maring.
Pag may aah-aah na naiwan, buhos dito, buhos doon. Hindi papel de liha ang mga palad ni Nanay.
Pag may ooh-ooh na sumingit, buhos dito, buhos doon.
Nang magaling na ako, nakita ko na naman
Iikot siya sa bakuran, sa may halamanan. si Nanay na umiikot sa bahay.
Pag may dahong naglaglagan, walis dito, walis doon. Pag di pantay ang laylayan ng kurtina, lilip dito, lilip doon.
Pag may ipot ng ibon, palis dito, palis doon. Pag may bubuwit sa silong, silip dito, silip doon.
Pag may uod na naipon, alis dito, alis doon. Pag may palay sa bigas, tahip dito, tahip doon.

Yan si nanay. Ang imis-imis. Pag may laruang nagkalat, kipkip dito, kipkip doon.
Maghapon at magdamag, kiskis-kuskos. Pag nabukulan ako, kapkap dito,kapkap doon.
Higpit-ligpit. Salang-sigang. Pa g may ligaw na kuting, kupkup dito, kupkup doon.
Tali-tagpi. Walis-palis
Minsan, nakita kong magkahawak-kamay sina Nanay at Tatay.
Isang araw dumating si Tita Maring. Ang sarap tingnan.
Ang sabi niya. “Ano ba naman, Milagring! Mali talaga si Tita Maring.
Kaskas-kiskis-kuskos ka nang kaskas-kiskis-kuskos. Hindi papel de liha ang mga palad ni Nanay.
Kaya kumapal at gumaspang ang mga palad mo.
Parang papel de liha na pang-isis. Hindi papel de lihang isis dito, isis doon.
Hinay-hinay ka lang at magpalambot ng balat at baka Kiskis dito, kiskis doon.
hindi na hawakan ni Turing ng kamay mo. “ Kaskas dito, kaskas doon.
Hindi na hawakan ni tatay ang kamay ni nanay?
Bakit? Ano ba ang papel de liha?

2 The PRIMALS Compendium of Teaching Resources | FILIPINO 4-10


BAI TANG 4
Pero di ko pa rin matiis na tanungin si Nanay kung bakit
nasabi ni Tita Maring na papel de liha ang mga palad
niya?

“Anak, makapal at magaspang na


ang mga palad ko dahil sa kakatrabaho,“
ang sabi niya.
Inisip ko, pinalambot ng magagaspang
na kamay ni Nanay ang unan sa ulo ko.
Ang manok na nilaga.
Ang kutson sa upuan.
Ang medyas at kamiseta ni Tatay.
Ang lupang batuhan.
Pati lumang pandesal, lumambot din.

Pumunta ako kay Nanay at


Humawak sa kamay niya.
Pakiramdam ko, kahit kailan,
ayaw ko nang bumitaw pa.

Papel de Liha 3
BANGHAY-A RA L IN

Masusing Banghay-Aralin
LAYU NIN

A. Pamantayang Pangnilalaman

Naipamamalas ang kakayahan sa mapanuring pakikinig at pag-unawa sa


napakinggan. Naipamamalas ang kakayahan at tatas sa pagsasalita at
pagpapahayag ng sariling ideya, kaisipan, karanasan at damdamin

B. Pamantayang Pangnilalaman

Natatalakay ang paksa o isyung napakinggan


Nakasasali sa mga usapan at talakayan, pagkukuwento, pagtula at kuwento

C. Mga Kasanayang Pampagkatuto/Layunin

1. Pagwawari at Pagpapahalaga
i. Naipamamalas ang pagpapahalaga sa papel na ginagampanan ng
ating ina sa ating buhay
2. Kasanayang Pampagkatuto
i. Nailalarawan ang tauhan batay sa ikinilos o ginawi, sinabi at damdamin

PAKSA

Teksto: “Papel De Liha: ni Ma. Corazon Remigio

MGA KAG A M ITA N

A. Sanggunian

Sipi ng Papel De Liha ni Ma. Corazon Remigio, Mula sa Adarna Publishing

B. Iba pang kagamitang pampagtuturo

Metacards, Manila paper, Larawan, Papel De Liha,Power Point, DLP,Laptop

PAMAMA RA A N

BAG O M AG BA S A H A BA NG N AG BABASA PAG K ATAP O S M AG BASA

A. Panimula

Ipakita ang larawan ng isang pamilya.

4 The PRIMALS Compendium of Teaching Resources | FILIPINO 4-10


Ipagawa
Ibahagi sa klase ang mga gawain ng bawat miyembro ng inyong pamilya.

B. Pangganyak

Itanong:

BAI TANG 4
1. Sino sa inyo ang nakakita na ng PAPEL DE LIHA? (Upang magkaroon ng malinaw
na ideya ang mga mag-aaral, magpakita ng totoong papel de liha. Hayaang hawakan
at obserbahan ng mga mag-aaral.)
2. Ano ang masasabi ninyo sa katangian ng PAPEL DE LIHA? Isulat ang kasagutan
sa Habing Semantika o Semantic Web.

Papel
de Liha

3. Saan ginagamit ang PAPEL DE LIHA?


Pagganyak na Tanong:
Bakit pinamagatang PAPEL DE LIHA ang Teksto?

BAG O M AGBA S A HABAN G N AG BABASA PAG K ATAP O S M AG BASA

C. Paglalahad ng Aralin

Ipagawa
Paghahawan ng Balakid

papel de liha
imis-imis
pundilyo
magaspang
laylayan
tabingi

Ipabigay sa mga mag-aaral ang kahulugan ng di-pamilyar na salita na ginamit sa


teksto ayon sa kanilang sariling pagkaunawa. Ibibigay ng guro ang tunay na kahulugan
ng mga di-pamilyar na salita upang lubos na maunawaan ang tekstong pag-aaralan.

Ipagamit sa sariling pangungusap ang mga salitang binigyang-kahulugan.

Bago bumasa, ibigay sa mga mag-aaral ang mabisang pamantayan o gabay upang
lubos na maunawaan ang babasahin.

Ipasuri sa mga Patalastas ng Sabong Panglaba


Papel de Liha 5
BANGHAY-A RA L IN

BAG O M AG BA S A H A BA NG N AG BABASA PAG K ATAP O S M AG BASA

Magpakita ng isa o dalawang video clip ng patalastas ng sabong panglaba sa telebisyon.


Bilang pagganyak, tanungin ang mga estudyante ng sumusunod na tanong:

1. Bakit nanay palagi ang bida sa patalastas ng sabong panlaba?


2. Naglalaba rin ba ang mga tatay?
3. Ano ang epekto ng sabong panlaba sa kamay ayon sa inyong karanasan o narinig
na nangyari sa iba? Ano naman ang sinasabi ng palatastas sa telebisyon?

Malikhaing Pagbasa ng Guro (Estilong Lola Basyang)


Babasahin ng guro ang kuwento gaya ng estilo,galaw,boses at pamamaraan
ni Lola Basyang

Malikhaing Pagbasa ng mga mag-aaral


Gamit ang power point.Ipababasa sa mga bata ang tekstong “PAPEL DE LIHA”
gamit ang paraang

Popcorn Reading upang ang lahat ng mga mag-aaral ay magkaroon ng pagkakataong


bumasa at ituon ang isip sa binabasang teksto.

Bibigyan ng sipi ng teksto ang mga mag-aaral.

BAG O M AG BA S A H A BA NG N AG BABASA PAG K ATAP O S M AG BASA

D. Pagtalakay sa Aralin

Talakayin ang sumusunod:

1. Ano-ano ang gawain ng isang nanay?

2. Bakit sinasabing ang imis-imis ng nanay sa kuwentong binasa?

3. Ano ang sinabi ni Tita Maring kay nanay Milagring?

4. Saan ikinumpara ang mga kamay ni Milagring?

5. Ano ang natuklasan ng anak matapos siyang makabili ng papel de liha?

6. Ano kaya ang ibig sabihin ng pahayag ni Tita Maring patungkol sa kaniyang ina nang
banggiting “baka di na hawakan ni Turing ang kamay mo”. Ano ang ipinahihiwatig nito?

6 The PRIMALS Compendium of Teaching Resources | FILIPINO 4-10


7. Sa pahayag na “Ano ba naman Milagring! Kaskas-kiskis-kuskos ka nang kaskas-kiskis-
kuskos kaya kumapal at gumaspang ang mga palad mo. “Parang papel de liha na
pang-isis. Ano ang dalawang bagay na pinagtutulad sa nasabing pahayag?
Anong uri ito ng tayutay?

8. Ano ang tayutay na Pagtutulad? Sa pagtutulad ng dalawang magkaibang bagay,


ano-ano ang mga salitang ginagamit sa ganitong uri ng tayutay ?

BAI TANG 4
9. Sa paanong paraan nagkakatulad ang mga kamay ng nanay sa kuwentong
binasa sa papel de liha?

10. Bakit inihalintulad sa papel de liha ang mga kamay ng ina sa tekstong binasa?

11. Sa panahon ng karamdaman, anong ginawa ng ina sa kanyang anak?

12. Sa nasabing pangyayari , matapos niyang maranasan ang mga himas at haplos
ng nanay ,ano ang kanyang naging paglalarawan sa mga kamay nito?

13. Batay sa pangyayari sa kuwento, ano ang nakita niya at nasabi niya sa kaniyang
sarili na “mali talaga si Tita Maring”? Anong damdamin ang kanyang nadama
sa kanyang nakita? Bakit?

14. Sa inyong palagay,tama lang ba na di natiis ng anak na tanungin ang ina tungkol
sa sinabi ni Tita Maring na papel de liha ang kanyang mga palad? Bakit? Ipaliwanag.

15. Ano ang ipinahihiwatig ng pahayag ng anak mula sa teksto na “ayaw ko nang bumitiw pa”
nang pumunta at humawak siya sa kamay ng ina?

16. Ano ang naging reyalisasyon o kaunawaan ang napag-isip-isip ng anak matapos na
makausap ang kanyang ina?Nagkaroon ba ng malalim na pagpapahalaga ang anak sa
buhay ng kanyang ina? Bakit? Ipaliwanag.

Papel de Liha 7
BANGHAY-A RA L IN

BAG O M AG BA S A H A BA NG N AG BABASA PAG K ATAP O S M AG BASA

E. Paglalapat

Ipagawa (Pumili sa sumusunod na mungkahing Gawain)

1. Pagpapahayag ng pasasalamat sa pamamagitan ng Post It.


2. Gagawa ang mga mag-aaral ng ” Thank you Card “ bilang paraan ng ekspresyon
ng pasasalamat sa kanilang ina o tagapag-alaga.
3. Gagawa ng isang text message na ipadadala sa ina.

F. Paglalagom

Ipasulat
Magsulat ng isang talatang sanaysay bilang reaksiyon sa paniniwalang, “Ang magaspang na
kamay ay kamay ng isang masipag na tao.”

G. Pagtataya

Ipasulat
Ibigay ang balangkas ng tekstong binasa gamit ang banghay guhit.

Simula Paglalahad Tunggalian Kasukdulan Kinalabasan Katapusan

H. Karagdagang Gawain at/o Pagpapahusay

Ipagawa
Gumawa ng akrostik ng PAPEL DE LIHA na naglalahad ng iyong karanasan
sa pagmamahal ng inyong nanay o tagapag-alaga.

P - D-

A - E -

P - L -

E - I -

L - H -

A -

8 The PRIMALS Compendium of Teaching Resources | FILIPINO 4-10


BAI TANG 4

Papel de Liha 9
PANG-A RAW-A RAW N A TA L A

Paaralan: SDO Malolos Guro: Jocelyn DR. Canlas at John Iremil Teodoro Asignatura: Filipino

B A I TA N G 4 LUNES MARTES

L AY U N I N

A Pamantayang Naipamamalas ang kakayahan sa mapanuring pakikinig at pag-


Pangnilalaman unawa sa napakinggan
Naipamamalas ang kakayahan at tatas sa pagsasalita at
pagpapahayag ng sariling ideya, kaisipan, karanasan at damdamin

B Pamantayan sa Pagganap Natatalakay ang paksa o isyung napakinggan


Nakasasali sa mga usapan at talakayan, pagkukuwento,
pagtula at kuwento

C Mga Kasanayan sa A. Pagwawari at Pagpapahalaga:


Pampagkatuto Naipamamalas ang pagpapahalaga sa papel na
ginagampanan ng ating ina sa ating buhay
a. pagsulat ng thank you card
b. paggawa ng mensahe gamit ang social media

B. Panlinang na Kasanayan:
Nailalarawan ang tauhan batay sa ikinilos o ginawi, sinabi at
damdamin F4PS-IIe-f-12.1
a. Nakapaghahambing ng pagkakaiba at pagkakatulad ng
dalawang magkaibang bagay
b. Naipapahayag ng opinyon at saloobin batay sa
tekstong nabasa
c. Naiuugnay ang sariling karanasan sa pamamagitan
ng pagbuo ng akrostik na Papel de Liha

NILALAMAN / PAKSA

Papel De Liha ni Ma. Corazon Remigio

M G A K A G A M I TA N G P A M P A G T U T U R O

A Sanggunian Filipino CG, Kopya ng Kuwento

B Iba pang mga Kagamitang Pantulong na Grapiko ,Banghay-Guhit,Habing Semantika Metacards,


Pampagtuturo Manila paper, Larawan, Papel De Liha,Power Point, DLP, Laptop

PAMAMARAAN

A Balik-Aral at/o Panimula Pagpapakita ng larawan ng isang Pahapyaw na pagbabalik-tanaw


pamilya at pagbabahaginan ng sa naganap noong unang araw
klase kaugnay dito. ng aralin.

10 The PRIMALS Compendium of Teaching Resources | FILIPINO 4-10


Markahan: Una Petsa ng Pagtuturo: 3 araw Oras ng Pagtuturo:

MIYERKOLES HUWEBES BIYERNES

L AY U N I N

BAI TANG 4
Naipamamalas ang kakayahan sa mapanuring pakikinig at pag-unawa sa napakinggan
Naipamamalas ang kakayahan at tatas sa pagsasalita at pagpapahayag ng sariling ideya, kaisipan,
karanasan at damdamin

Natatalakay ang paksa o isyung napakinggan


Nakasasali sa mga usapan at talakayan, pagkukuwento, pagtula at kuwento

A. Pagwawari at Pagpapahalaga:
Naipamamalas ang
pagpapahalaga sa papel na
ginagampanan ng ating ina
sa ating buhay
a. pagsulat ng thank you card
b. paggawa ng mensahe
gamit ang social media

B. Panlinang na Kasanayan:
Nailalarawan ang tauhan
batay sa ikinilos o ginawi,
sinabi at damdamin
F4PS-IIe-f-12.1
a. Nakapaghahambing ng
pagkakaiba at
pagkakatulad ng dalawang
magkaibang bagay
b. Naipapahayag ng opinyon
at saloobin batay sa
tekstong nabasa
c. Naiuugnay ang sariling
karanasan sa
pamamagitan ng pagbuo
ng akrostik na Papel
de Liha
NILALAMAN / PAKSA

Papel De Liha ni
Ma. Corazon Remigio
M G A K A G A M I TA N G P A M P A G T U T U R O

Filipino CG, Kopya ng Kuwento

Pantulong na Grapiko,
Banghay-Guhit,Habing
Semantika Metacards, Manila
paper, Larawan, Papel De
Liha,Power Point, DLP,Laptop
PAMAMARAAN

Pahapyaw na pagbabalik-tanaw
sa naganap noong nakaraang
araw ng aralin.

Papel de Liha 11
PANG-A RAW-A RAW N A TA L A

Paaralan: SDO Malolos Guro: Jocelyn DR. Canlas at John Iremil Teodoro Asignatura: Filipino

B A I TA N G 4 LUNES MARTES

PAMAMARAAN

B Pangganyak Itanong: Pamukaw sigla na wala na


1. Pagpapagana sa dating iuugnay pa rin sa unang araw
kaalaman ng mag-aaral ng aralin at sa pagpapatuloy ng
kaugnay sa papel de liha sa pagtalakay rito.
pamamagitan ng
mga mapanuring tanong
2. Paggamit ng habing
semantika sa paglalarawan
sa papel de liha.
3. Pagbibigay ng hinuha sa
pamagat ng teksto na “Papel
de liha”.

C Paglalahad ng Aralin 1. Paghahawan ng Balakid


Pagbibigay ng kahulugan
sa mga di pamilyar na salita
at pagpapagamit sa sariling
pangungusap
2. Pagbibigay ngmga gabay na
tanong bago bumasa.
3. Pagpapasuri sa mga
patalastas ng sabong
panglaba.
4. Malikhaing Pagbasa ng
Guro (Estilong Lola Basyang)
5. Malikhaing Pagbasa ng mga
mag-aaral
6. Pagbibigay sa mga mag-aaral
ang mga gabay na
tanong na kanilang
pag-aaralan at sasagutin
sa susunod na pagkikita

D Pagtalakay sa Aralin Pagtalakay sa mga tanong na


ibinigay ng guro. (Maaaring
1. Gawaing Pagpapaunawa maging malikhain ang guro
tungo sa Pormatibong sa kaniyang pamamaraan sa
Pagtataya #1 pagpapasagot sa mga tanong,
2. Gawaing Pagpapalalim maaaring gawing isahan o
tungo sa Pormatibong pangkatan)
Pagtataya #2
3. Gawaing Paglinang
sa Kabisaan tungo sa
Pormatibong
Pagtataya #3

12 The PRIMALS Compendium of Teaching Resources | FILIPINO 4-10


Markahan: Una Petsa ng Pagtuturo: 3 araw Oras ng Pagtuturo:

MIYERKOLES HUWEBES BIYERNES

PAMAMARAAN

BAI TANG 4
Pamukaw-sigla na iuugnay pa rin
sa unang araw ng aralin at sa
pagpapatuloy ng pagtalakay rito

Papel de Liha 13
PANG-A RAW-A RAW N A TA L A

Paaralan: SDO Malolos Guro: Jocelyn DR. Canlas at John Iremil Teodoro Asignatura: Filipino

B A I TA N G 4 LUNES MARTES

PAMAMARAAN

E Paglalapat

F Paglalagom

G Pagtataya

H Karagdagang Gawain
at/o Pagpapahusay

14 The PRIMALS Compendium of Teaching Resources | FILIPINO 4-10


Markahan: Una Petsa ng Pagtuturo: 3 araw Oras ng Pagtuturo:

MIYERKOLES HUWEBES BIYERNES

PAMAMARAAN

BAI TANG 4
Ipagawa ang pipiliing gawaing
pasasalamat ng mag-aaral sa
kanilang ina.

Ipasulat ang isang talatang


sanaysay bilang reaksiyon sa
paniniwalang, “Ang magaspang
na kamay ay kamay ng isang
masipag na tao.”

Ipabigay ang balangkas ng


binasang teksto gamit ang
banghay guhit.

Ipagawa ang akrostik ng PAPEL


DE LIHA na naglalahad ng
karanasan sa pagmamahal ng
mag-aaral sa kanilang nanay o
tagapag-alaga.

Papel de Liha 15
The PRIMALS Compendium of Teaching Resources

This compendium was published with support from the


Australian Government through the Basic Education
Sector Transformation (BEST) Program.
 
Permission to use or reproduce this publication
or parts of it in hard or digital copies for personal
or educational use is granted free, provided that
the copies are not reproduced or distributed for
commercial purposes, and that proper credit is given
to the Australian Government.
 
Printed in the Philippines
 
First Printing, 2019

You might also like