You are on page 1of 11

6

Module 41

Filipino
Iba’t Ibang Aspekto ng Pandiwa

83

A DepEd-BEAM Distance Learning Program supported by the Australian Agency for International Development
Sa Mag-aaral

Ang pag-aaral ay napakahalaga kaya masaya ako para sa iyo


dahil sa patuloy mong pagpupunyagi. Sana’y lalo mo pang
paghusayan nang mas madali mong matutuhan ang araling ito.

Mga Dapat Matutuhan

Tiyak na napag-aralan mo na ang tatlong aspekto ng pandiwa.


Ngunit mas matutuhan mo pa ito dahil ang araling ito ay ang
paggamit ng mga pandiwa na nasa iba’t ibang aspekto.

Subukin Natin

Piliin ang pandiwang angkop sa aspektong isinasaad ng


pangungusap. Isulat ang sagot sa sagutang papel.

1. (Namitas, Namimitas, Pipitas) kami ng gulay linggu-linggo.


2. Ang mga bulaklak ng sampagita na napitas nila ay kanilang
(tinuhog, itinutuhog, itutuhog) mamaya.
3. Siya ay (umilag, umiilag, iilag) sa bolang itinapon.
4. Ang mga nasunugan ay (hihingi, humingi, humihingi) ng tulong
sa amin.
5. Ang mga damit na nilabhan ay kanilang (isinampay, isasampay,
isinasampay) agad.

Ihambing ang iyong mga sagot sa Gabay sa Pagwawasto.


Ilan ang nakuha mo? Kung 4 o 5 ang nakuha mo, magaling ka!
Magpatuloy ka na sa susunod na modyul. Kung hindi naman, huwag
mag-alala. Magpatuloy ka lang at matutuhan mo ang araling ito.

84
Pag-aralan Natin

Mahilig ba kayong tumawa? Nakabubuti ba ito?


Basahin ang usapan nang malaman mo kung nakabubuti ba ang
pagtawa o hindi.

Sitwasyon: Linggo. Pagkatapos magsimba, dumalaw sina Tessa at


Dina sa kanilang Lola. Naratnan nilang tumatawa ang
kanilang lola habang nakikinig sa radyo.

Tessa at Dina: Mano po, Lola.

Lola: Kaawaan kayo ng Diyos. Mabuti at dumating kayo.

Tessa: Masaya yata kayo ngayon, Lola.

Lola: Dapat naman. Alam ba ninyong gamot ang pagtawa?


Ito’y pinakamura pagkat hindi na kailangang bilhin
pa. Mura na, mabisa pa. Kaya gusto kong lagi akong
nakatawa.

85
Dina: Talaga, Lola? Bakit po?
Lola: Kung nagtatawa pala tayo, nadaragdagan ang
oksihena o “oxygen” sa ating katawan. Labinlimang
masel sa mukha, sa leeg at sa dibdib ang
napapagalaw ng pagtawa. Ang puso naman ay
namamasahe. Bumibilis ang takbo ng ating dugo.
Tumataas ang ating temperatura at sumisigla ang
ating katawan. Habang tayo’y nagtatawa, gumagaan
ang ating pakiramdam. Bunga rin ng ating pagtawa ay
nagkakaroon tayo ng sigla.

Tessa: Alam kaya ito ng marami? Lagi kaya silang tumatawa?

Dina: Kaawa-awa, kung gayon, ang taong hindi marunong


tumawa, ano po, Lola?

Lola: Aba, oo. Parang inaayawan nila ang isang regalo sa


kanila ng kalikasan.

Dina: Mula ngayon, Lola, lagi na akong tatawa.

Tessa: Ako man!


Sanggunian: Sanayang Aklat Filipino 6

Pag-usapan Natin:

1. Bakit tumatawa ang Lola?


2. Nakabubuti ba ang pagtawa? Ipaliwanag.
3. Ikaw, lagi ka na bang tatawa? Bakit?

Narito ang ilang pangungusap. Basahin mo.

1. Mabuti at dumating kayo.


2. Kararating lang po namin.
3. Namamasahe ang puso at bumibilis ang takbo ng dugo.
4. Bukas pa bibili ng mga tela si Ate.
5. Ang magtanim ng punong namumunga ay ipinapagawa sa lahat.

86
Ano ang tawag sa mga salitang may salungguhit?
- pandiwa
Ano ang pandiwa?
- Ang pandiwa ay nagpapakita ng kilos o galaw.
Sa unang bilang, natapos na ba ang kilos?
- Oo, natapos na ang kilos.

Sa ikalawang bilang, natapos na ba ang kilos? Kailan ito natapos?


- Natapos na ang kilos ngunit kagagawa o katatapos lamang nito.
Sa ikatlong bilang, natapos na ba ang kilos?
- Hindi pa at kasalukuyan pang nangyayari ang kilos.
Sa bilang apat, ginagawa na ba ang kilos?
- Hindi pa nasisimulan ang kilos; gagawin pa lamang.
Sa bilang lima, paano nagaganap ang kilos?
- ang kilos ay nagaganap sa paraang pautos o anyong pawatas
Nababago ang anyo ng pandiwa sa iba’t ibang aspekto.
Sa unang bilang, ang pandiwa ay nasa
aspektong naganap na – dahil ang kilos ay natapos na.
Sa bilang 2, ang pandiwa ay nasa
aspektong katatapos – dahil kagagawa o katatapos lamang ng
kilos.
Sa bilang 3, ang pandiwa ay nasa
aspektong nagaganap – dahil ang kilos ay ginagawa o
nangyayari sa kasalukuyan.
Sa bilang 4, ang pandiwa ay nasa
aspektong magaganap pa – dahil ang kilos ay hindi pa
nasisimulan at gagawin pa lamang.
Sa bilang 5, ang pandiwa ay nasa
aspektong neutral – dahil ang kilos ay nagaganap sa paraang
pautos o anyong pawatas.

87
Gawin Natin

Gawain 1

Isalaysay ang iyong karanasan sa paglalaro. Anu-ano ang mga


pandiwang iyong ginamit at nasa anong aspekto ang mga ito? Gawing
katulad ng sa ibaba.

Pandiwa Aspekto

1. Kumain naganap na
2.
3.
4.
5.

Tapos ka na? Isangguni sa iyong sagot sa iyong guro upang


malaman kung tama ka o hindi.

Kung tama ang iyong kasagutan, magpatuloy ka na sa Mga


Dagdag na Gawain. Kung hindi naman, sagutin mo muna ang Gawain
1 A.

Gawain 1 A

Punan ang patlang ng wastong anyo ng pandiwa ayon sa


aspektong isinasaad ng pangungusap. Isulat ang sagot sa sagutang
papel.

dala 1. ___________ mo na ba sa modista ang tela?


ipon 2. Ako’y __________ ng pera sa bangko simula bukas.
inom 3. ___________ ako ng gatas araw-araw.
kain 4. ___________ ko pa lamang nang dumating ka.
saing 5. ___________ ka na.

88
Ihambing ang iyong sagot sa Gabay sa Pagwawasto.
Ilan ang nakuha mo?
Magpatuloy ka na sa Mga Dagdag na Gawain.

Mga Dagdag na Gawain

Isulat ang tamang anyo ng pandiwa sa loob ng panaklong ayon


sa hinihinging aspekto. Isulat ang sagot sa sagutang papel.

Halimbawa: 1. Si Ana ay (sumama) sa kanyang ina araw-araw.

Sagot: sumasama

1. Mabuti sa katawan ang prutas kaya palagi kaming (bumili) nito.


2. (Hugasan) niyang mabuti ang bigas kaya nawalan ito ng
bitamina.
3. Mabuti sa katawan ang tubig kaya (uminom) akong maraming
malinis na tubig araw-araw.
4. Si Linda ay (magkasakit) noong nakaraang linggo.
5. (Magutom) tayo kung hindi magbabaon ng pagkain.
6. Bukas ay (magbigay) siya ng tulong sa amin.
7. Mamaya ay (dumating) ang iyong mga kaibigan.
8. Hindi (marinig) ni Esperanza ang tawag ng ama kanina.
9. Linggu-linggo ay (sumulat) siya sa amin.
10. (Pagtamnan) niya ng halaman ang mga paso kaninang umaga.

Ihambing ang iyong sagot sa Gabay sa Pagwawsto.


Ilan ang nakuha mo?

89
Matapos mong gawin ang mga pagsasanay, sagutin mo ang mga
tanong sa ibaba.

Anu-ano ang mga aspekto ng pandiwa?

____________________________________________________________________

Kailan sinasabing ang pandiwa ay nasa aspektong naganap na?


Katatapos? Nagaganap? Magaganap pa? Neutral?

____________________________________________________________________

Tandaan Natin

• Ang pandiwa ay mga salitang nagpapakita ng kilos.


Nagbabago ang anyo ng mga ito sa iba’t ibang aspekto.

1. Aspektong naganap na – natapos na ang kilos.


- umuwi -naglaba
2. Aspektong katatapos – kagagawa o katatapos lamang ng
kilos.
- kaiigib -kaaalis
3. Aspektong nagaganap – ang kilos ay ginagawa o
nangyayari sa kasalukuyan.
- lumilitaw -nagsasaya
4. Aspektong magaganap pa – ang kilos ay hindi pa
nasisimulan at gagawin pa lamang.
- iinom -maglalako
5. Aspektong neutral – ang kilos ay nagaganap sa paraang
pautos o anyong pawatas.
- aalisin -magbili

90
Sariling Pagsusulit

Isulat ang iyong pinakamagandang karanasan. Ilista ang mga


ginamit na pandiwa at ang aspekto ng mga ito. Sundin ang
halimbawa. Gawin ito sa sagutang papel.

Halimbawa:
uminom naganap

1. ___________________ _____________________
2. ___________________ _____________________
3. ___________________ _____________________
4. ___________________ _____________________
5. ___________________ _____________________

Muling isangguni ang iyong sagot sa iyong guro.

Matapos mong isangguni ang iyong mga sagot, tama ba ang


mga ito? Kung oo, ang sagot mo sa tanong na ito, magpatuloy ka na
sa susunod na modyul. Natutuhan mo na ang araling ito. Binabati
kita!

Kung hindi namn, sagutin mo muna ang Pagyamanin Natin nang


lubos mong maunawaan ang araling ito. Magpatuloy ka.

91
Pagyamanin Natin

Piliin ang pandiwang angkop sa aspektong isinasaad ng


pangungusap. Isulat ang sagot sa sagutang papel.

1. (Ipakain, Ipinakain, Ipakakain) niya sa aso ang tira naming


pagkain kanina.

2. Sa susunod na taon na kami (lumipat, lumilipat, lilipat).

3. Ang gripo ay kanyang (sinasarhan, sasarhan, sinarhan) tuwing


matapos gamitin.

4. Ang mahaba niyang buhok ay kanyang (tinirintas, tinitirintas,


titirintasin) sa pagpasok.

5. (Kaaalis, Umalis, Umaalis) pa lamang ni Kuya nang tumawag ka.

Ihambing ang iyong sagot sa Gabay sa Pagwawasto.

Ilan ang nakuha mo?

Ngayon, tapos ka na sa araling ito. Magpatuloy ka na sa susunod


na modyul. Binabati kita!

92
Gabay sa Pagwawasto

Subukin Natin Gawin 1 A


1. Namimitas 1. Nadala
2. itutuhog 2. Mag-iipon
3. umilag 3. Umiinom
4. humingi 4. Kakakain
5. isinampay 5. Nagsaing

Gawin Natin
Isangguni ang iyong sagot sa iyong guro upang malaman mo
kung wasto o hindi ang mga ito.

Mga Dagdag na Gawain


1. bumibili 6. magbibigay
2. Hinugasan 7. Dadating/darating
3. umiinom 8. narinig
4. nagkasakit 9. sumusulat
5. Magugutom 10. Pinagtamnan

Sariling Pagsusulit
Isangguni ang iyong sagot sa iyong guro upang malaman mo
kung tama o mali ang mga ito.

Pagyamanin Natin
1. Ipinakain
2. lilipat
3. sinasarhan
4. titirintasin
5. Kaaalis

93

You might also like