You are on page 1of 8

2

MOTHER TONGUE BASED-


MULTILINGUAL EDUCATION
IKATLONG MARKAHAN - MODYUL 2

IKALAWANG LINGGO

SDO TAGUIG CITY AND PATEROS


1
Paunang Salita
Para sa tagapagdaloy:

Ang modyul na ito ay pinagtulungang dinisenyo, nilinang at sinuri ng mga edukador


mula sa pampubliko at pampribadong institusyon upang gabayan ka, ang gurong
tagapagdaloy upang matulungang makamit ng mag-aaral ang pamantayang itinakda
ng Kurikulum ng K to12 habang kanilang pinanagumpayan ang pansarili, panlipunan
at pang-ekonomikong hamon sa pag-aaral.

Ang tulong-aral na ito ay umaasang makauugnay ang mag-aaral sa mapatnubay at


malayang pagkatuto na mga gawain ayon sa kanilang kakayahan, bilis at oras.
Naglalayon din itong matulungan ang mag-aaral upang makamit ang mga
kasanayang pan-21 siglo habang isinasaalang-alang ang kanilang mga
pangangailangan at kalagayan.
Bilang tagapagdaloy, inaasahang bibigyan mo ng paunang kaalaman ang mag-aaral
kung paano gamitin ang modyul na ito. Kinakailangan ding subaybayan at itala ang
pag-unlad nila habang hinahayaan silang pamahalaan ang kanilang sariling
pagkatuto. Bukod dito, inaasahan mula sa iyo na higit pang hikayatin at gabayan ang
mag-aaral habang isinasagawa ang mga gawaing nakapaloob sa modyul.
Para sa mag-aaral:
Ang modyul na ito ay ginawa bilang tugon sa iyong pangangailangan. Layunin nitong
matulungan ka sa iyong pag-aaral habang wala ka sa loob ng silid-aralan. Hangad
din nitong madulutan ka ng mga makabuluhang oportunidad sa pagkatuto.
Ang mga sumusunod ay mahahalagang paalala sa paggamit ng modyul na ito:

1. Gamitin ang modyul nang may pag-iingat. Huwag lalagyan ng anumang


marka o sulat ang anumang bahagi nito. Gumamit ng hiwalay na papel sa
pagsagot sa mga pagsasanay.
2. Basahing mabuti ang mga panuto bago gawin ang bawat pagsasanay.
3. Obserbahan ang katapatan at integridad sa pagsasagawa ng mga gawain at
sa pagwawasto ng mga kasagutan.
4. Tapusin ang kasalukuyang gawain bago pumunta sa iba pang pagsasanay.
Kung sakaling ikaw ay mahirapang sagutin ang mga gawain sa modyul na ito,
huwag mag-aalinlangang konsultahin ang inyong guro o tagapagdaloy. Maaari ka
rin humingi ng tulong kay nanay o tatay, o sa nakatatanda mong kapatid o sino
man sa iyong mga kasama sa bahay na mas nakatatanda sa iyo. Laging itanim
sa iyong isipang hindi ka nag-iisa.

Umaasa kami, sa pamamagitan ng modyul na ito, makararanas ka ng


makahulugang pagkatuto at makakakuha ka ng malalim na pang-unawa sa
kaugnay na mga kompetensi. Kaya mo ito!

2
Ano ang target ko?
Pagkatapos ng araling ito inaasahan na matututuhan at maisasagawa
mo ang mga sumusunod :

⮚ Nakikilala at nagagamit nang wasto ang pandiwa/salitang kilos na nasa


aspektong pangkasalukuyan sa tulong ng mga salitang
nagpapahiwatig ng oras o panahon. MT2GA-111a-c-2.3.2

Aralin Pandiwa Sa Aspektong


2 Pangkasalukuyan

Ano ako magaling?


Handa ka na bang simulan ang bagong aralin? Huwag kang mag-alala
kung hindi mo pa ito alam, tiyak kong sa mga susunod na pagsubok ay
kayang-kaya mo na ito. Maaari mo nang simulan ang pagsagot.

Bilugan ang wastong pandiwa sa aspektong pangkasalukuyan.


1. A. nagbibihis B.nagbihis C. bihis D. magbibihis
2. A. naligo B. naliligo C. nagligo D. maliligo
3. A. takbo B. tumatakbo C. tatakbo D. magtakbo
4. A. luto B. magluto C. nagluto D. nagluluto
5. A. nagtanim B. tanim C. magtanim D. nagtatanim

Ano ang balik-tanaw ko?

Ano ang pandiwa? ____________________________________________


Ano-ano ang mga aspekto ng pandiwa? _________________________
Magbigay ng tatlong halimbawa ng pandiwa.
_____________________________________________________________________

3
Ano ang gagawin ko?

Ngayon ay simulan mo na ang pagtuklas sa bagong kaalaman. Inaasahan


kong ikaw ay nananabik nang muling matuto. Handa ka na ba?

Lagyan ng kahon sa pangungusap ang ginamit na pandiwa sa aspektong


pangkasalukuyan.

1. Madalas akong naghuhugas ng kamay.


2. Umiinom ako ng gatas araw-araw.
3. Nagsusuot ng face mask si nanay tuwing umaalis ng bahay.
4. Masayang naglalaro ang magkakapatid sa parke.
5. Maagang namimili ng gulay si tatay sa palengke.

Ngayon ay subukin ang iyong sarili na sagutan ang mga tanong sa ibaba.

 Sa unang bilang anong pandiwa o salitang kilos ang ginamit?


_____________________________________________________________________
 Sa pangalawang pangungusap maari mo bang ibigay ang pandiwa o
salitang kilos na ginamit? ____________________________________________
 Sa ikatlong pangungusap ano ang ginagawa ni nanay tuwing
lalabas? ____________________________________________________________
 Sa ikaapat na pangungusap anong pandiwa o salitang kilos ang
ginamit? ______________________________________________________
 Sa huling pangungusap ano ang ginagawa ni tatay sa palengke?
_____________________________________________________________________

Ngayon ay iyong basahin ang mga pandiwa o salitang


kilos na ginamit sa pangungusap.
naghuhugas nagsusuot
umiinom naglalaro
namimili

4
Ano ang kahulugan?

Naunawaan mo ba ang iyong aralin ngayon? Paano mo malalaman kung


ang pandiwa o salitang kilos ay nasa aspektong pangkasalukuyan o
ginagawa pa?

Ang pandiwa sa aspektong pangkasalukuyan ay nagpapahayag


ng kilos na nangyayari sa kasalukuyan. Ginagamit ang mga panlaping
nag, nang, at ang um, na sinusundan ng pag-uulit ng unang pantig ng
salitang-ugat.
(mula sa Luz S. Almeda et.al (2013) Ang Bagong Batang Pinoy – Ikalawang Baitang Filipino, pahina 299)

Ano pa ang gagawin ko?

Ikahon ang pandiwa o salitang kilos sa aspektong pangkasalukuyan o


ginagawa pa lamang.

1. mamamasyal namasyal namamasyal


2. nagtanim magtatanim nagtatanim
3. nagsimba magsisimba nagsisimba
4. nagbasa magbabasa nagbabasa
5. magsusulat nagsulat nagsusulat

Ano ang natamo ko?

Ngayon ay sukatin natin ang iyong natutuhan sa modyul na ito. Tiyak kong
kayang-kaya mo ito. Basahin at intindihing mabuti ang panuto.

Bilugan ang pandiwa o salitang kilos sa aspektong pangkasalukuyan o


ginagawa pa lamang upang mabuo ang diwa ng pangungusap.

1. Ako ay __________ bago matulog sa gabi.


A. nag-aral B. mag-aaral C. mag-aral D. nag-aaral
2. ___________ kami ng prutas araw-araw.
A. kumain B. kumakain C. kakain D. kakainin
3. ___________ ako ng kamay bago at pagkatapos kumain.
A. maghuhugas B. naghuhugas C. naghugas D. maghugas
4. ____________ sa bakuran ang mga bata tuwing hapon.

5
A. naglalaro B. naglaro C. maglaro D. palaro
5. __________ ng face mask si nanay tuwing lumalabas ng bahay.
A. magsuot B. nagsusuot C. magsusuot D. nagsuot

Ano pa ang kaya kong gawin?

Ikahon ang pandiwa o salitang kilos sa aspektong pangkasalukuyan o


ginagawa pa lamang.
1. mamamasyal namasyal namamasyal
2. nagtanim magtatanim nagtatanim
3. nagsimba magsisimba nagsisimba
4. nagbasa magbabasa nagbabasa
5. magsusulat nagsulat nagsusulat

Kumusta na ang target ko?

Ngayon ay sukatin natin ang iyong natutuhan sa modyul na ito. Tiyak kong
kayang-kaya mo ito. Basahin at intindihing mabuti ang panuto.

Guhitan sa loob ng panaklong ang pandiwa o salitang kilos sa aspektong


pangkasalukuyan o ginagawa pa lamang upang mabuo ang diwa ng
pangungusap.

1. Ako ay (maliligo, naliligo, naligo) bago kumain ng almusal araw-araw.


2. Ang bunsong kapatid ni Cora ay kasalukuyang (matutulog, natutulog,
natulog).
3. (Maglalaro, Naglalaro, Naglaro) sina Dan at Eric ng tagu-taguan tuwing
hapon sa aming bakuran.
4. (Magluluto, Nagluluto, Nagluto) si ate Lisa ng hapunan pagkagaling niya
sa trabaho araw-araw.
5. Ang pamilya Santos ay (magsisimba, nagsisimba, nagsimba) tuwing
Linggo.

Ano pa ang kaya kong gawin?


Sumulat ng mga pangungusap gamit ang sumusunod na pandiwa o salitang
kilos.
1. naliligo _________________________________________________________________

6
2. kumakain ______________________________________________________________
3. naghuhugas ___________________________________________________________
4. nag-aaral ______________________________________________________________
5. nakikinig _______________________________________________________________

REPLEKSIYON

Gumuhit ng masayang mukha o malungkot na mukha batay sa


iyong sagot sa mga tanong.

Mga Tanong: Sagot:


1. Masaya ka bang ginagawa ang aralin?
2. Nasundan mo ba ng mabuti ang mga gawain?
3. Mahirap ba ang mga gawain?
4. May natutuhan ka ba sa aralin?
5. Nakakaaliw ba ang mga inihandang gawain?

Sanggunian
A. Aklat

Luz S. Almeda et.al (2013) Ang Bagong Batang Pinoy – Ikalawang Baitang
Filipino: Rex Book Store Inc. p. 88, 151, 152, 272, 274

Grace Urbien-Salvatus et.al (2013) Mother Tongue- Based Multi-lingual


Education: Rex Book Store Inc. p. 21, 29

7
Development Team of the Module

Writer: JEAN F. BERNAL


Editors:
Content Evaluator:
MYRZELLE YANEZA
MONALIZA D. CABALLERO
Language Evaluator:
SHEILA MARIE D. ABONIN
DONNABEL F. BALANTAC
Reviewer: DR. JENNIFER G. RAMA EPS - FILIPINO
Management Team: DR. MARGARITO B. MATERUM, SDS
DR. GEORGE P. TIZON, SGOD Chief
DR. ELLERY G. QUINTIA, CID Chief
DR. JENNIFER G. RAMA, EPS - FILIPINO
DR DAISY L. MATAAC, EPS - LRMS/ALS

For inquiries, please write or call:

Schools Division of Taguig City and Pateros Upper Bicutan Taguig City

Telefax: 8384251

Email Address: sdo.tapat@deped.gov.ph

You might also like