You are on page 1of 5

Pangalan: _____________________________________________ Date: _____________

WEEK 7

EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO

Pasasalamat sa mga Kakayahan/Talinong Bigay ng Panginoon

Gawain sa Pagkatuto Bílang 15: Lagyan ng tsek (/) kung angpangungusap ay nagpapakita ng
kasiyahan sa pagbabahagi ng talento at ekis (x) naman kung hindi.

_____1. Patuloy akong magsasanay upang mahasa ang aking talino at kakayahan.

_____2. Magiging matiyaga ako kahit paulit-ulit ang pagsasanay.

_____3. Susuko ako lalo na at mahirap ang pagsasanay.

_____4. Magpopokus ako sa aking pinag-aaralan para matutunan ko ito nang maayos.

_____5. Aawayin ko ang aking tagapagsanay kapag mahirap ang kaniyang ipinapagawa sa akin.

_____6. Sasali ako sa mga programang makakatulong upang lalo pa akong gumaling sa larangang

may kakayahan ako.

_____7. Idadahilan ko ang aking pagsasanay upang makaiwas ako sa mga gawaing-bahay.

_____8. Magsasanay akong mag-isa at hindi hihingi ng opinyon at tulong ng iba kasi mahiyain ako.

_____9. Kukuha ako ng tagapagsanay na pribado kasi gusto kong magmalaki sa aking mga kaibigan.

_____10. Pauunlarin ko pa ang aking talino at kakayahan sa pamamagitan ng pagbabasa at pagkuha

ng karagdagang impormasyon ukol dito.

ENGLISH

Reading Short Vowel Sounds in Phrases, Sentences and Stories

Learning Task 2: Read the sentences and answer the questions.

1. Cath eats rice and fish.


Who eats rice and fish? _________________
2. The ham is in the pan.
What is in the pan? _________________
3. The man is in the van.
Where is the man? _________________
4. The rat is inside the hat.
What is in the hat? _________________
5. The rag in the bag.
What is in the bag? _________________
Learning Task 3: Read each sentence. Answer the questions.

1. The fan is on the bed.


What is on the bed? ________________________
2. Dan has a pet hen.
Who has a pet hen? ________________________
3. The man is on the farm.
Where is the man? _________________________
4. The fish is on the net.
What is on the net? _________________________
5. Sam is holding a pen.
Who is holding a pen? _______________________

FILIPINO

Wastong Pagsulat ng mga Idiniktang Salita at Pagbuo ng Tamang Ugnayan ng Simuno at


Panag-uri sa Pakikipag-usap

Gawain sa Pagkatuto Bílang 2: Tukuyin ang mga salitang may salungguhit. Isulat kung ito ay
simuno o panag-uri.

__________ 1. Si Ana ay masipag na bata.

__________ 2. Mabilis tumakbo si Raymond.

__________ 3. Siya ay batang malusog.

__________ 4. Makulay ang pakpak ng paruparo.

__________ 5. Ang aso ay mataba.

Gawain sa Pagkatuto Bilang 3: Tingnan ang larawan at sumulat ng tatlong (3) pangungusap.
Bilugan ang simuno. Lagyan ng kahon ang panag-uri.
MATHEMATICS

Pagbibigay ng Bilang at Paglutas ng Suliranin Kaugnay ng Pagkuha ng Area Gamit ang


Square-tile Units

Gawain sa Pagkatuto Bilang 3: Gamit ang grid, iguhit ang hugis na inilalarawan sa bawat bilang na
nasa ibaba.

1. parisukat na 9 square units


2. parihaba na 24 square units
3. parisukat na 16 square units
4. parihaba na may lapad na 5 units at haba na 8 units
5. parihaba na may lawak na 3 units at haba na 7 units

ARALING PANLIPUNAN

Pagtutulungan at Pagkakaisa ng mga Kasapi ng Komunidad

Gawain sa Pagkatuto Bilang 3: Lagyan ng markang tsek (/) kung ang pangungusap ay nagpapakita
ng pagtutulungan sa komunidad at ekis (x) naman kung hindi.

1. Nagtutulungan ang mga kabataan sa pagdidilig ng halaman sa plasa.


2. Madaling natapos ang paglalagay ng dekorasyon sa entablado ng plasa dahil sa
pagtutulungan ng mga babae at lalaking iskawt.
3. Isinasara ko ang gripo pagkatapos kong maligo.
4. Naglilinis ng kani-kanilang bakuran ang mga mamamayan.
5. Ang mga batang babae at lalaki ay naglilinis ng silid-aralan.
6. Ang mga pulis ay makikitang naglilinis ng paaralan tuwing may Brigada Eskuwela.
7. Nagkakabit ng mga parol at banderitas ang mga Barangay Health Workers at mga
Kabataan.
8. Nagsasagawa ng bayanihan ang mga tao sa pamamahagi ng pagkain sa mga biktima ng
lindol.
9. Ang mga Nanay at Tatay ay nagluluto ng lugaw na may malunggay para sa mga batang
kulang sa timbang.
10. Sina Ate at Kuya ay magkatulong sa paglalaba.
MTB-MLE

Paggamit ng Pang-abay

Gawain sa Pagkatuto Bilang 2A: Tukuyin ang mga salitang may salungguhit at isulat ang (PH) kung
ito ay pang-abay na pamanahon, (PL) kung pang-abay na panlunan at (PR) kung ito ay pang-abay
na pamamaraan.
____1. Si Nenita ay matiyagang nag-aaral ng kaniyang mga aralin.

____ 2. Malakas na tumawa ang payaso habang sumasayaw.

____ 3. Mamimili bukas ng mga gulay at prutas si Tata Kario.

____ 4. Ilagay natin sa tamang lugar ang ating mga basura.

____ 5. Dadalawin namin mamaya si Jess sa ospital.

Gawain sa Pagkatuto Bilang 2B: Piliin ang mga pang-abay at tukuyin ang uri nito. Isulat ang (PH)
kung ito ay pang-abay na pamanahon, (PL) kung pang-abay na panlunan at (PR) kung ito ay pang-
abay na pamamaraan.
____ 1. Tumakbo sa ilalim ng mesa ang maliit na daga.

____ 2. Nagtitinda ng puto si Jessa araw-araw.

____ 3. Minsan lang diligan ni Tina ang kaniyang mga cactus.

____ 4. Malakas na sigaw ang narinig mula sa kabundukan.

____ 5. Naglalakad lamang ang magkapatid na Tin at Ten papunta sa paaralan.

MAPEH
Music

Nipis at Kapal ng Tunog

Gawain sa Pagkatuto Bilang 1: Tukuyin kung aling awit ang may manipis at makapal na tunog sa
mga sumusunod.

1. Pag-awit ng isahan - ______________

2. Pag-awit ng maramihan sa choir - ______________

3. Banda ng musiko - ______________

4. Pagtugtog ng solo - ______________

5. Orkestra - ______________

ARTS

Clay

Gawain sa Pagkatuto Bilang 2: Gawin ang pagsasanay sa paglikha ng tao yari sa clay na
nakakatayong mag-isa. P.32
(Ipasa ang output sa guro sa July 05, 2021)
P.E.
Pakikilahok sa mga Kasiya-siyang Gawaing Pisikal

Gawain sa Pagkatuto Bilang 3: Sa tulong ng iyong mga kasambahay o kasama sa bahay, isagawa
ang mga sumusunod na galaw o kilos.

1. Pagpasa at pagsalo ng bola ng lampas ulo.


2. Pagpasa at pagsalo ng bola malapit sa gitnang katawan.
3. Pagpasa at pagsalo ng bola sa babang-baywang.
4. Pagsipa ng bola.
5.Pagpalo o paghampas ng bola.

HEALTH

Gawaing Pangkaligtasan sa Paaralan

Gawain sa Pagkatuto Bilang 3: Gumuhit ng  kung ang sumusunod ay nagpapakita ng pagsunod


sa mga alituntuning pampaaralan at  kung hindi

_____ 1. Nagtutulakan sa pila.

_____ 2. Nag-aagawan ng upuan.

_____ 3. Taimtim na nakikinig sa guro.

_____ 4. Nagpapaalam sa guro tuwing lalabas.

_____ 5.Kinakalabit ang katabi habang inaawit ang pambansang awit.

Gawain sa Pagkatuto Bilang 5: Isulat ang TAMA kung ang sumusunod na alituntunin sa paaralan
ay nagpapakita ng kaligtasan. MALI naman kung ito ay makapagdudulot ng kapahamakan

____________1. Pag-akyat at pagbaba sa hagdanan nang patakbo.

____________2. Pupunta parin sa lugar na may babalang “Mataas ang boltahe ng kuryente”.

____________3. Dahan-dahang maglalakad sa basang parte ng daan.

____________4. Ako ay hindi pupunta sa lugar na may babalang “Huwag lalapit sa lugar” dahil baka
ako ay mapahamak.
____________5. Paglalaruan ko ang kable ng kuryente na nakalaylay. sa aming paaralan.

You might also like