Filipino 4: Gawaing Pagkatuto 7
Filipino 4: Gawaing Pagkatuto 7
GAWAING PAGKATUTO 7
Kwarter 3
1
Filipino – Baitang 4
Kwarter 3 – Gawaing Pagkatuto 7:
Ang mga akda ( kuwento, seleksyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand name,
tatak o trademark ,palabas sa telebisyon, pelikula , atbp.) na ginamit sa modyul na ito ay
nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang
makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala
at mga may-akda ang karapatang –aring iyon. Ang anumang gamit maliban sa modyul na ito
ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.
Walang anumang parte ng materyal na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa anumang
paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.
2
Aralin 1
Panimulang Konsepto
Kumusta?
Malapit na nating matapos ang Ikatlong Kwarter. Nasa ikapitong
lingo na tayo. Alam kong madami ka ng kaalamang natutuhan sa mga
nagdaang lingo at kayang kaya mo nang gamitin ng wasto ang mga
pangatnig.
Handa ka na ba? Halika, simulan na natin.
Kasanayang Pampagkatuto
Nagagamit nang wasto at angkop ang pangatnig
o,ni, maging, man, kung, kapag, pag, atbp.,
ngunit, subalit, atbp.,
dahil sa, sapagkat, atbp.,
sa wakas, atbp.
kung gayon, atbp.,
daw, raw, atbp.,
kung sino, kung ano, siya rin atbp.
-F4WG-IIIh-11-
Panimulang Gawain
Panuto: Tukuyin at bilugan ang pangatnig na ginamit sa pangungusap.
3
1. Nagsisikap ang mga Pilipino upang malutas ang mga suliranin.
2. Nagdeklara ng lockdown si Pangulong Rodrigo Duterte dahil sa
banta ng Covid-19.
3. Maraming Filipino ang mga namatay dahil sa Covid-19.
4. DOLE muling itutuloy ang financial aid para sa ilang
manggagawang nawalan ng trabaho dahil sa pandemya.
5. Ipinasara ni Pangulong Rodrigo Duterte ang TV Station na ABS-
CBN.
Pagsusuri at Abstraksiyon
4
Pinag-uugnay ang sanhi o dahilan sa pangyayari o ikinilos ng mga
salitang dahil, sapagkat, kasi, kaya.
Halimbawa: Masaya siya dahil dumating ang kaniyang kaibigan sa
kaniyang party.
Ang ngunit/subalit/datapuwat ay pinag-uugnay ang dalawang
kaisipang magkasalungat.
Halimbawa: Sinabi kong matulog na siya subalit naglalaro pa siya.
Pinag-uugnay ng upang, para, ang bunga o kalalabasan ng isang
kilos.
Halimbawa: Mag- ehersisyo ka para ka lumakas.
Panuto: Bilugan ang pangatnig na angkop sa diwa ng
pangungusap.
1. Mag-aaral ka ba (at, o, pero) manonood ng telebisyon?
2. Gustong-gusto kong bumili (ngunit, o, at) ayaw naman akong
bigyan ng pera ni Nanay.
3. Ang trabaho mo ay mag-alaga ng aking mga aso (o, at, ngunit)
magdilig ng mga halaman.
4. Tayo ba’y sasakay ng bus (at, o,pero) magtataksi?
5. Patuloy na sumikat si Kathryn Bernado kasi mahusay siyang
umarte (o, at, ngunit) mabait sa mga tagahanga.
pero at dahil
ngunit o
5
4. Ang isa niyang kapatid ay hindi nakarating
__________________ maysakit.
5. Maaaring pansit ____________ spaghetti ang dalhin ko. Alin
Paglalapat
Panuto: Punan ng angkop na pangatnig. Isulat sa patlang ang sag
6
kanilang silid ______________ nais nilang manalo sa paligsahan. Ang
mga kawani ___________ ang mga dyanitor ay kasali sa paligsahang
ito. Maraming mga bata ang nahuling nagsisipagtapon ng papel sa silid-
aralan _______________ sila’y napagalitan ng guro.
_________________ sino ka man ay kinakailangang tumulong sa
kalinisan. _________________ laki sa layaw may mga batang hindi
marunong maglinis, _________________ napipilitan silang
makipagtulungan. _______________ sa kanilang pagsisikap ay naging
malinis ang paaralan.
7
Gawain 1 Gawain 2 Gawain 3
1. upang 1. o 1. at
2. dahil 2. ngunit 2. pero
3. dahil 3. at 3. ngunit
4. para, dahil 4. o 4. dahil
5. na 5. at 5. o
Gawain 4 Gawain 5
1. kung 1. pati
2. kung, at 2. sapagkat
3. upang 3. at
4. dahil, at 4. kaya
5. datapwat 5. maging
Sanggunian:
Mga Aklat
Hiyas sa Wika Batayang Aklat sa Wika Ikaapat na Baitang Binagong Edisyon 2010 ISBN 978-971-
0422-95-1 Lydia P. Lalunio, Ph.D, Francisca G. Ril,
Baybayin Paglalayag sa Wika at Pagbasa Batayan at Sanayang Aklat sa Filipino Baitang 4 ISBN 978-
971-23-7022-9. Raquel Sison-Buban, Maria Wevenia Ricochermoso.
8
Filipino sa Nagbabagong Panahon Bagong Edisyon 2003 ISBN 971-522-567-5 Conception T. Garcia,
Evangeline D. Tamaca.
Aralin 2
Panimulang Konsepto
Sa araling ito, inaasahang matutuhan ninyo ang pagpakita
ng pag-unawa sa pinanood sa pamamagitan ng pagbibigay ng ibang
pagwawakas ayon sa sariling saloobin o paniniwala.
Kasanayang Pampagkatuto
Naipapakita ang pag-unawa sa pinanood sa pamamagitan ng
pagbibigay ng ibang pagwawakas ayon sa sariling saloobin o
paniniwala.
F4PD-IIIh-7.2
Panimulang Gawain
Panuto: Panoorin ang kaganapan ng kuwentong Ang Mayabang na
Pagong. Hanapin sa link na ito,
[Link]
A. Sagutin ang sumusunod na tanong tungkol sa kuwento.
1. Ano-anong katangian ni Bongbong Pagong ang hindi
nagugustuhan ng ibang mga hayop?
9
2. Paano siya pinaalalahanan ni Mang Karding Kambing? Bakit
kaya hindi niya pinansin ang paalalang ito?
Pagsusuri at Abstraksiyon
Wakas
_________________________________________________________
_________________________________________________________
_________________________________________________________
________________
Paglalapat
11
Panoorin ang video ng Cheche Bureche ng Bubble Gang. Pag-
isipan ang klase ng katusuhan ni Bureche. Ano ang naging kapalit
ng kanyang katusuhan?
Marka Pamantayan
5 Ang binuo ay napakahusay na naipakita ang pag-unawa sa
Napakahusay pinanood sa pamamagitan ng pagbibigay ng ibang pagwawakas
ayon sa sariling saloobin o paniniwala.
12
Sanggunian:
Mga Aklat
Internet: [Link]
Bubble Gang 05/27/2011 / Cheche Bureche
[Link]
13
Aralin 3
Pangalan: _______________________Baitang: __________________
Seksiyon: _______________________Petsa: ___________________
Panimulang Konsepto
Dalawang Bahagi ng Pangungusap
simuno
Tayo ay magbasa at matuto.
panaguri
Bisitahin natin ang aklatan.
14
Kasanayang Pampagkatuto mula sa MELCs
Nagagamit nang wasto at angkop ang simuno at panag-uri sa
pangungusap. F4WG-IIIi-j-8
Panimulang Gawain
Panuto: Basahing mabuti ang mga pangungusap. Kilalanin kung ang
mga salitang may salungguhit ay simuno o panaguri. Isulat ang sagot
sa linya.
_______________ 1. Si Kelly ay may bagong aklat.
Pagsusuri at Abstraksiyon
15
A. Basahing mabuti ang mga pangungusap. Bilugan ang
panaguri sa bawat isa.
1. Ang Tagaytay ay isa ring magandang tanawin.
Paglalapat
Panuto: Dugtungan ang simuno o panag-uring nasa ibaba para
makabuo ng makabuluhang pangungusap.
_______________________________________________________
_______________________________________________________
16
3. Si Eddie Garcia ay tinaguriang “greatest Filipino actor of all time”
ay pumanaw sa edad na siyamnapu.
_______________________________________________________
_______________________________________________________
_______________________________________________________
2. bakuna
3. pandemya
4. mag-aaral
5. paaralan
17
GAWAIN 1 GAWAIN 2
GAWAIN 4 GAWAIN 5
Sanggunian:
Mga Aklat
Baybayin Paglalayag sa Wika at Pagbasa Batayan at Sanayang Aklat sa Filipino Baitang 4 ISBN 978-
971-23-7022-9. Raquel Sison-Buban, Maria Wevenia Ricochermoso.
Pinagyamang Pluma Baitang 3 (K to 12) Wika at Pagbasa para sa Elementarya Karapatang-ari 2017
ng Phoenix Publishing House, Inc. at ni Alma M. Dayog
18
Para sa iba pang katanungan at katugunan, mangyaring sumulat o
tumawag:
19
Ang Mayabang na Pagong
Subalit hindi nakinig si Bongbong Pagong sa mga payo ni Mang Karding Kambing. Sa
halip na makisama sa mga kapwa niya hayop sa lupa ay sa mga gansa niya gusting makisalamuha
dahil gusto talaga niyang makalipad.
Minsa’y nakita niya ang isang gansang umiinom sa sapa . “Hoy! Kulasang Gansa, turuan
mo akong lumipad,’’ sabi niya sa inahing gansa.
Napatingin ang gansa kay Bongbong Pagong. Huli na para umiwas at dahil ayaw niyang
maabala sa pakikinig sa mga pagyayabang ng pagong ay sinabi niya ang ganito, “ Sa susunod na
lang, Bongbong Pagong. Kailangang makalikas ang aking kawan dahil parating na ang taglamig.’’
Subalit mapilit si Bongbong Pagong, “Hindi! Kailangan turuan mo ako. Gusto ko makalipad at
gusto ko’y ngayon na!’’ sabi niyang tila nananakot pa.
“Wala akong maitutulong sa iyo pero kung talagang mapilit ka, isasama kita sa aming
kawan. Tanungin natin ang iba pang gansa at baka may maitulong sala sa iyo,’’ mungkahi niya.
Sumama nga si Bongbong Pagong sa tirahan ng mga gansa at saka niya sinabi ang
pakay. “Mayroon bang makatutulong sa akin para makalipad? Gusto kong makalipad.”
Tumahimik ang lahat ng gansa. Alam kasi nilang imposible ang gusting mangyari ng
pagong dahil wala naman itong mga pakpak at sadyang sa lupa ito dapat tumira. Pero makulit
ang pagong at buo na ang kanyang pasiya. “Sige na, gusto kong lumipad,” pagpupumilit nito.
Si Totoy Gansa, ang pinakamatalino sa kawan, ang nakaisip ng solusyon. “Maaari kang
kumagat sa isang matibay at makapal na patpat. Iipitin ng tuka ng dalawa sa amin ang patpat
at saka ka ililipad,” sabi niya kay Bongbong Pagong. “Pero isang paalala, hindi ka dapat
magsalita habang nakakagat sa patpat. Kapag ginawa mo iyon, tiyak na mahuhulog ka at wala na
kaming magagawa roon,” dugtong pa niya.
At ganoon nga ang nangyari. Sa paglipad ng dalawang gansa ay inipit ng kanilang mga
tuka ang patpat kung saan nakakagat ang mayabang na pagong. Nang magsimula siyang umangat
sa lupa ay tuwang tuwa siya. “Bongbong Pagong, tandaan mong hindi ka dapat magsalita,”
paalala ng pinakamatandang gansa.
Nang nasa itaas na sila ay hindi makapaniwala ang pagong sa kanyang nakita. Ang
nagtataasang puno ay nagmukhang maliit na laruan sa kanyang paningin. Gayundin ang mga
bahay. Ang mahabang ilog ay naging tila abuhing ahas.
20
Ngunit ang lubos na nakaakit sa kaniyang paningin ay ang mga nilalang na nakatingin at
inaakala ng pagong na humahanga sa kanya.
“Alam kong hinahangaan nila ako dahil ako ang kauna-unahang pagong na nakalipad. Ha!
Dapat lang nila akong hangaan dahil ako ang pinakamatalino at pinakamagaling na pagong sa
buong mundo!” sabi ni Bongbong Pagong sa sarili.
Isang araw, nakita ni Ditang Daga ang mag-asawang sina Mang Dino at Aling Lita na may dalang isang bagay na
nakabalot sa kulay dilaw na supot. “Mukhang pagkain yata ang dala nila,” ang sabi ng matakaw na daga. Pero laking gulat at
takot niya nang Makita ang laman ng supot!
Panghuli ng daga! May dala silang panghuli ng daga! Ang takot na takot niyang sigaw. Pinuntahan niya agad ang
kaibigan na manok. “Minang Manok, tulungan mo ako, may inilagay na panghuli ng daga sa bahay sina Mang Dino at Aling
Lita. Baka mahuli ako o ang aking mga anak,” ang pakiusap ni Ditang Daga.
“Sori, Ditang Daga, busy ako eh,” ang sabi ni Minang Manok habang tumutuka ng pagkaing bigas. “Ipagdarasal
na lang kita” ang dugtong pa niya.
Nag-aalalang nagpunta muli si Ditang Daga kay Bertong Biik. “Bertong Biik, tulungan mo ako. May inilagay na
panghuli ng daga si Mang Dino sa bahay. Baka mahuli ako o ang mga anak ko,” ang pakiusap ng daga.
Ni hindi siya tiningnan ni Bertong Biik. Nagpatuloy lang ito sa pagkain. “Alam mo, Ditang Daga, wala akong
maitutulong sa’yo,” ang sabi niya. “Nakikita mo namang alagang- alaga ako ni Mang Dino. Tingnan mo ang palangganang
ito, punumpuno ng pagkain, hindi ba?”
Hindi na malaman ni Ditang Daga ang gagawin. Naisip niya si Kikong Baka. Baka may maitulong sa kanya.
“Kikong Baka, tulong! Tulungan mo ako! Naglalagay ng panghuli ng daga si Mang Dino sa loob ng bahay. Baka mahuli
kami ng mga anak ko,” pagmamakaawa muli ni Ditang Daga.
Tumingin lang sa kanya si Kikong Baka, habang patuloy sa pagnguya ng damo. “Sori, Ditang Daga, hindi kita
matutulungan sa problema mo,” ang sabi habang ngumunguya. “Maayos at tahimik ang buhay ko rito, wala akong
magagawa para sa’yo,” ang sabi pa.
Lungkot na Lungkot si Ditang Daga. Wala ni isa sa mga kaibigan niya ang tumulong sa kanya.
Kinagabihan, tumunog ang panghuli ng daga. May nahuli! Dali- dali itong pinuntahan ni Aling Lita. Ngunit dahil
sa dilim, hindi niya napansing sa halip na daga, isang makamandag na ahas pala ang nahuli. Naipit nito ang buntot ng
ahas! Paglapit ni Aling Lita ay agad siyang tinuklaw ng ahas.
Dinala agad ni Mang Dina ang asawa sa doktor. Ngunit makamandag ang ahas. Hindi gumaling si Aling Lita. Sa
halip nagkalagnat siya ng mataas Hinuli ni Mang Dino si Minang Manok at ginawang tinola para makahigop ang asawa.
Hindi pa rin gumaling si Aling Lita kaya nagpuntahan ang mga kaibigan at kamag-anak nila para tumulong sa
mag-asawa. Para may maipakain sa mg bisita ay kinatay ni Mang Dino si Bertong Biik.
Subalit tuluyan nang hindi gumaling at yumao si Aling Lita dahil sa kamandag ng ahas. Maraming tao ang
dumamay at nakipaglibing kaya si Kikong Baka naman ang kinatay para may maipakain sa maga bisita.
Sa huli, tanging si Ditang Daga at ang kanyang mga anak na lang ang natira. Malungkot na malungkot siya sa
nangyari sa kanyang mga kaibigan. Sayang, kung nagtulungan lang sana sila sa naging problema noong una, hindi sana
naging malungkot ang wakas nito.
21