You are on page 1of 14

FILIPINO 4

GAWAING PAGKATUTO 6
Kwarter 3

Filipino – Baitang 4
Kwarter 3 – Gawaing Pagkatuto 6:

Isinasaad sa Batas Republika 8293, seksyon 176 na Hindi maaaring magkaroon


ng karapatang-sipi sa anumang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas.
Gayunpaman, kailangan muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng
pamahalaan na naghanda ng akda kung ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga
maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay ang pagtakda ng
kaukulang bayad.

Ang mga akda ( kuwento, seleksyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o
brand name, tatak o trademark ,palabas sa telebisyon, pelikula , atbp.) na ginamit
sa modyul na ito ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang
matunton ang mga ito upang makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales.
Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang –aring
iyon. Ang anumang gamit maliban sa modyul na ito ay kinakailangan ng pahintulot
mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.

Walang anumang parte ng materyal na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa


anumang paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon

Tagapamanihala ng mga Paaralan: Nympha D. Guemo


Kawaksing Tagapamanihala ng mga Paaralan: Maria Flora T. Pandes

Manunulat: Gina D. Cada


Tagasuri: Sofio V. Rieza
Tagasuri ng Nilalaman: Elisa E. Rieza
Gumuhit ng Larawan: Anele E. Abanto
Pangalan: _________________Asignatura: _____________
Antas: _______ Petsa: ____________________

Panimulang Konsepto
Isang mapagpala at magandang araw sa iyo.
Naranasan mo na bang maiugnay ang iyong sariling karanasan
sa napakinggang teksto?
Lalo kang matutuwa kung mabibigyan mo ng angkop na
pamagat ang mga talatang binasa.
Kaya naman sa gawaing ito ay lalakas ang iyong loob na
maisalaysay muli ang napakinggang teksto gamit ang iyong sariling
salita.
Simulan na natin!

Kasanayang Pampagkatuto mula sa MELCs

Sa tulong ng gawaing ito, inaasahan na naiuugnay mo ang


iyong sariling karanasan sa napakinggang teksto. (F4PN-IIIg-4)
Nabibigyan mo rin ng angkop na pamagat ang talatang binasa.
(F4PB-IIIg-8)
At sa bandang huli ay naisasalaysay mong muli ang
napakinggang teksto gamit ang sariling salita. (F4PS-III-h-6.6)

Panimulang Gawain

Pakikinig sa Kuwentong babasahin ng guro o ng mga magulang:

Walang Malaking Nakakapuwing


I - Si Maya ay sa isang lumang simbahan nakatira. Ito’y malayo sa
kabayanan. Ang pugad niya’y nababalot ng tuyong dahon at dayami.
Walang sinumang makagagalaw nito sapagkat halos nasa tuktok na
ng kampanaryo. Kasama niya rito ang dalawang inakay.

Minsan sa paghahanap ng pagkain ay nasalubong niya si


Kalapati.

Kalapati: Saan ka pupunta kumareng Maya? Mukhang malayo ang


iyong pupuntahan.
Maya: Maghahanap ako ng pagkain. Baka magutom ang mga anak
ko.
Kalapati: Sumama ka munang mamasyal sa may palayan sa gawi
roon. Tiyak na doo’y marami kang makukuhang pagkain.
Maya: Kailangang mapitas ang lahat ng bunga ng halaman upang
makita ko namang nagkakasayahan ang aking mga inakay paminsan-
minsan.
Kalapati: Nasabi nga pala sa akin ni pinsang Loro na kayo’y medyo
kinakapos. Mabubuhay mo kaya sila?
Maya: Bakit hindi? Nasusukat ba ang kakayahan ng isang nilalang sa
pamamagitan ng pagmamasid lamang?
Kalapati: Magagawa mo kaya ang lahat? Wala na ang iyong asawa,
hindi ba?
Maya: Hindi ko gaanong suliranin ang pagpapalaki sa aking
dalawang anak. Tiyak kong mabubuhay silang tulad ko.

II- At mabilis nang nagpatuloy sa paglipad si Maya. Naiwan si


Kalapating ngingiti-ngiti. Hindi siya makapaniwala sa kaniyang
kumare.
Kalapati: Sa kaniyang ayos ay malayong magkatotoo ang lahat.
Mahawakan lamang siya ng isang batang munti’y tiyak na
magkakagutay-gutay ang kanyang bagwis.
(Dumating si Loro)
Loro: Mahal kong pinsan, mukhang panay ang drama mo, nag-iisa
ka na naman.
Kalapati: May naiisip lamang ako. Pinsang Loro, sino sa palagay mo
ang higit na may pagkakataong makagawa ng mga bagay na higit na
maipagmamalaki sa ating lipunan, ang isang Maya o ang tulad nating
higit na malakas, malaki, at matalino?
Loro: Maya? Ano ang maaaring magawa ng isang Maya? Kumanta-
kanta at sumayaw-sayaw. Higit tayong makabuluhan kaysa Mayang
maliit.

III- Nawili sa pag-uusap ang magpinsan. Hindi nila namalayan ang


pagdilim ng langit. Isang malakas na ulan ang bumagsak. Nabasa si
kalapati nang husto. Halos hindi nila maikampay ang kanilang mga
pakpak. Ang lamig ay nanunuot hanggang buto nila.

Anupa’t latag na ang dilim nang sapitin ni Kalapati ang


kaniyang tirahan. Gayon na lamang ang kanyang panlulumo nang
makita ang bunsong inakay na patay. Nadaganan ito ng isang tabla
na nalaglag mula sa nagibang bahay nila. Wala pa rin doon ang Inang
Kalapati.
Nabalitaan ni Kumareng Maya ang nangyari. Dumalaw ito sa
kanya.

Maya: Pareng Kalapati, kami ng aking mga inakay ay nakikiramay sa


iyo.
Kalapati: Maraming salamat, kumareng Maya. Alam mo ako’y
nagkamali.
Maya: Bakit? Ano ang iyong ginawa?
Kalapati: Ang akala ko ay kaming malalaki ang higit na nakatitiyak sa
anumang bagay. Ako’y iyong patawarin.
Maya: Magkahalong lungkot at tuwa ang aking nadarama.
Nakalulungkot isiping nawala sa iyong piling ang bunso mong inakay.
Nakatutuwa naman sapagkat ikaw na rin ang nakatuklas sa iyong
pagkakamali. Alam mo, may dahilan ang ating Panginoong Diyos sa
paglalang sa ating lahat. Malaki o maliit man, maganda o pangit, lahat
tayo’y may kani-kaniyang ginagampanan dito sa mundong ibabaw.
Kung tayo’y magtutulungan, higit tayong magiging makabuluhan.
Nagustuhan mo ba ang kuwento? Halika, sagutan natin ang
mga gawain.

SUBUKIN NATIN:

Panuto: Itambal ang larawan o kahulugan sa angkop na salita nito.


Isulat ang letra ng tamang sagot sa katabi ng bilang.

A B

____1. a. sisiw
Bagwis

____2. b. nagkapira-piraso

____3. c. pakpak, bahagi ng katawan ng ibon

____4. d. maibuka ang pakpak upang makalipad


Kampanaryo

____5. e. bagay na ginagamit sa simbahan upang


magtawag o magsabi ng oras at
panimula ng isang misa

____6. Magkagutay-gutay
f. damo o iba pang uri halaman na hiniwa,
pinatuyo at inimbak bilang pagkain para sa
mga pinalaking hayop tulad ng kalabaw,
kabayo, kambing at tupa


PAGSUSURI AT ABSTRAKSIYON

Paano mabibigyang pamagat ang isang teksto o talatang binasa o


napakinggan?

Sa pagbibigay ng pamagat sa isang talata o teksto, alamin


muna ang paksang-diwa o paksang pangungusap. Ang mga ito ay
nagbibigay ng ideya sa pagpili ng pamagat. Ang pangunahing diwa
ang pinakabuod ng mga pangyayari sa talata o kuwento. Ang paksang
pangungusap ang pinagtutuonan ng mga detalye upang mabuo ang
pangunahing diwa ng talata o kuwento.

Ginagamit ang malalaking letra sa mahahalagang salita sa


pamagat ng talata o kuwento. Ang unang salita sa pamagat ay
sinisimulan din sa malaking letra.

ISAGAWA NATIN:
PANUTO: Pakinggan ang talata o teksto na babasahin ng guro o ng
mga magulang. Bigyan ito ng angkop na pamagat. Isulat ang
kaugnayan nito sa sariling karanasan.
A.

_______________________
Pamagat

Ang Taj Mahal ay isang pinakabantog na


tanawin sa buong India. Ito ay nakatayo sa pampang
ng ilog Jumma sa dakong labas ng Agra. Masasabing
ang Taj Mahal ay likha ng pag-ibig. Ito’y ipinatayo ni
Emperador Shah Jahan noong 1632 upang
paglibingan ng kanyang mahal na asawa na si Muntaz
Mahal. Ipinatawag ni Shah Jahan ang pinakamagaling
na arkitekto sa Persya upang itayo ang gusaling ito.
Hanggang ngayon, ang pambihirang arkitektura ng
gusaling ito ay hindi pa napapantayan sa kariktan at
kagandahan.
B. Ano ang kaugnayan nito sa sariling karanasan?

(Maaarng ang sagot ng mag-aaral ay paglalarawan din ng pook


sa sariling lugar na kanilang napasyalan.)

PAGLALAPAT

PANUTO:
A. Basahin ang talata at piliin ang angkop na pamagat.

Isa sa mga tradisyon nating mga Pilipino ay ang


kapistahan. Ang bawat lugar sa ating bansa ay may
kapistahang ipinagdiriwang bilang pasasalamat sa kanilang
patron.

Isa pang kilalang tradisyon natin ay ang bayanihan.


Ang bayanihan ay ang pagtutulungan ng mga tao para sa
isang Gawain. May mga kababayan pa rin tayong
sumusunod sa ganitong tradisyon lalo na sa mga lalawigan.

a. Ang Bayanihan
b. Kapistahan ng mga Pilipino
c. Tradisyon ng mga Pilipino
d. Mga Kapistahan sa Lalawigan

B. Hanapin sa mga strips ang angkop na pamagat ng talata.

Si Lapulapu ang unang bayaning Pilipino.


Nang matuklasan ni Magellan ang Pilipinas, gusto
niyang kilalanin ng mga katutubo ang hari ng
Espanya. Tinutulan ito ni Lapulapu at naganap ang
digmaan sa pagitan ng Kastila at katutubo kung
saan tinalo ni Lapulapu si Magellan at naging sanhi
ng pagkasawi nito sa laban.
a. Si Tandang Sora

b. Lapulapu, Bayaning Pilipino

C. Basahin ang talata at ibigay ang angkop na pamagat.

Ang kapistahan ng Our Lady of Penafrancia ay


ginaganap sa Naga City sa Bicol tuwing ikatlong Sabado ng
buwan ng Setyembre. Pero ngayon ay ginaganap na ris sa
buwan ng ayo para sa mga hindi nakakadalo sa
Setyembre. Bago ang mismong araw ng kapistahan, may
siyam na araw na nobena sa birhen. Sa ikasiyam na araw,
ibinabalik sa dambana ang imahen at idinadaan ito sa Ilog
ng Naga sa paraang prusisyon ng mga bangka.

Ang angkop na pamagat ng talata o teksto ay

______________________________________

D. Ibigay ang pamagat ng talata o teksto.

______________________________
Pamagat

Ipinagmamalaki naman sa bahagi ng Rehiyon IV


ang Puerto Galera na matatagpuan sa Oriental Mindoro.
May 130 kilometro ang layo nito mula sa bahaging Timog
ng Maynila. Dinarayo ng mga turista ang mapuputing
buhangin sa mga beaches nito. Gayundin, napakaganda
ng mga corals at iba pang
lamang-dagat na makikita sa kailaliman ng mga katubigan.
PANUTO: Basahing mabuti ang bawat talata at ibigay ang wastong
pamagat nito.
1. Sa lalawigan ng Albay, naroon ang bulkang may taluktok
na halos walang pingas—ito ang Bulkang Mayon. Lumalapag pa
lamang ang aming sasakyang eroplano sa airport sa Legaspi ay
itinuro na sa akin ni Nanay ang magandang bulkang
ipinagmamalaki ng Kabikolan at ng buong Pilipinas. Umakyat
kami sa bulkan sa may bahaging resthouse at ayon sa aming
guide, ang narating namin ay halos ikatlong bahagi ng taas ng
bulkan. Maraming pananim sa dalisdis ng bulkan. Sa paligid nito
ay taniman ng abaka. Mataba kasi ang lupa.
Pumunta rin kami sa Tiwi Hot Spring. Ito’y isang resort na
paliguan. Mainit ang tubig at may lumalabas na bahagyang usok
sa mga guwang. May ilan pa kaming napuntahang mga bundok.

SAGOT: _________________________________
Sa lalawigan ng Pangasinan naman kami nagpunta sa
2.
isang bakasyon ng tag-araw. Mula sa bayan ng Alaminos ay
naglakbay pa kami patungo sa “Sandaang Pulo” ng Pangasinan.
Lulan kami ng lantsa, isa-isa naming pinuntahan ang ilan sa
malalaking pulo. Puti ang buhanginan. Isa sa mga pulo na may
magandang baybayin ang aming pinili upang doon maligo at
kumain ng aming baong tanghalian. Anong linis ng paligid!
Malinaw ang tubig sa dagat at nasisilip ang maraming kabibe sa
puting buhanginan.
SAGOT: _____________________________________
Ang Talon ng Pagsanjan sa lalawigan ng Laguna ay amin
3. ding pinuntahan. Sumakay kami sa maliit at makitid na bangka
na sinasagwanan ng mga bangkero na sanay na sanay sa
pamamangka.
Sa pagtungo sa mismong talon ay parang hirap ang
bangkero dahil kami ay pasalungat sa agos. Ngunit sa pabalik ay
mabilis ang takbo ng Bangka, kaya pala sinasabi ng mga
naroroong maraming turistang banyaga na ito ay “Shooting in the
Rapids.” Pagdating namin sa dulo ay naroon ang talon.
Umaagos ang tubig mula sa itaas ng bundok at bumubulusok sa
ibaba. Sa Ilalim ng bumubulusok na tubig ay may tila bungad ng
yungib. Madilim sa loob nito. Pinagmasdan kong mabuti ang
tubig na umaagos sa batuhan mula sa itaas pabulusok sa ibaba.
Sagot: ________________________________________
4.
Sa lalawigan ng Cagayan ay dinalaw naming ang malaking
kuweba ng Penablanca. Ipinaliwanag sa amin ng guide na
may mahigit na 300 malalaki at maliliit na kuweba roon. Ang
tatlong tanyag na mga kuweba ay ang Callao, Sierra, at
Odessa. Sa kuweba ng Callao kami unang pumunta. May
mahigit sandaang baitang ang pinanhik namin sa gilid ng
bundok. Sa grotto ay naroon ang imahen ng Mahal na
Birhen, at doon daw paminsan-minsan ay nagdaraos ng
misa. Pumanhik pa kami paitaas sa ibang kuweba, dahil
gusto naming makita ang maraming stalagmites at
stalactites. Ito ang mga batong tumutubo sa dingding ng
kuweba. Mula sa itaas ng bundok ay tanaw ang malawak na
Dagat ng Tsina.

Sagot: ____________________________________

5.
Isang oras mula sa paliparan ng Maynila ay lumapag
na kami sa airport sa Puertp Princesa. Ito ang pangulong
lungsod ng Palawan. Aming nilibot ang lungsod. Isang bagay
an gaming napansin. Malinis ang lungsod. Pati mga batang
maliliit ay katulong sa proyekto ng lungsod sa kalinisan.
Sapagkat sa susunod pang araw kami nakatakdang pumunta
sa kuweba ng Pinaglucban at sa El Nido, una naming
pinasyalan ang
Crocodile Farming Institute. Doon inaalagaan ang
napakaraming buwaya. Sa lawak na mahigit na tatlong
ektarya, ang naroon ay mga buwayang iba-iba ang laki. Doon
ay mayroon ding mga ibon, at iba pang mga hayop.
Pinuntahan din namin ang isang rantso o alagaan ng mga
baka sa dakong Sta. Monica. Kaya naman hapong-hapo kami
nang umuwi sa aming tinirahan. Namahinga na lang kami
upang mapaghandaan ang gagawin naming “Island Hopping”
sa pulo ng Cuyo, ng brools Point ng Maniloc, at iba pang
magagandang tanawin at kalikasan sa Palawan.

SAGOT: _______________________________________
PANUTO: Basahin ang dalawang talata. Bigyan ng angkop na
pamagat ang bawat isa.

1.
Naanyayahan kaming magpiknik sa isang resort sa Los
Banos. Maghapon kaming naligo sa maluwag na swimming
pool. Hindi naming namalayan ang paglipas ng oras. Maging
ang pagkain ng tanghalian ay aming nakaligtaan. Lubos
kaming nawili sa paglangoy sa maligamgam na tubig sa pool.
Halos lahat ay ayaw nang umahon. Waring hindi na nila
gustong lisanin ang pook na iyon. Nakawiwili talaga ang
paglangoy sa swimming pool.

SAGOT: ________________________________________

2.
Napakasaya ng pistang-bayan sa aming lalawigan. Tatlong araw
bago pa man dumating ang araw ng kapistahan ay pinaghahandaan na
ang pagdiriwang na ito. May mga tugtugan, awitan, sayawan, at iba’t-
ibang palaro. May parada pa na pinangungunahan ng banda. Kasama
sa parade ang magagandang dalaga na nakasakay sa karwahe.
Sa ikalong araw ay may misang-bayan. Ang mga tao ay sabay-
sabay na nagdarasal sa aming Mahal na Patron. Ang bawat tahanan ay
may mga handing iba’t-ibang kakanin.
Bawat isa ay may ngiti sa labi sa araw na ito.

SAGOT: ________________________________________
Susi sa Pagwawasto

ISAGAWA NATIN:
SUBUKIN NATIN: A. Taj Mahal
1. C B. Tanggapin ang sagot ng
2. F mga bata
3. A
4. E
5. D
6. B
PAGTATAYA:
PAGLALAPAT: 1. Ang Bulkang Mayon sa
A. C Albay
B. B 2. Ang Pamamasyal sa
C. Ang Kapistahan ng Our Lalawigan ng
Lady of Penafrañcia Pangasinan
D. Ang Puerto Galera 3. Ang Talon ng Pagsanjan
4. Ang Kuweba ng
Peñablanca
KARAGDAGANG GAWAIN: 5. Pamamasyal sa Puerto
1. Pistang-Bayan sa Aming Princesa
Lalawigan
2. Resort sa Los Baños

Sanggunian:

LR Portal, Angkop na Pamagat ng Talata, pp. 1-6

Wikang Filipino 6, Walang Malaking Nakakapuwing, pp. 115-120

Hiyas sa Pagbasa 4, Pagtukoy sa Paksang Pangungusap at Angkop na


Pamagat sa Talata, pp. 47-48
Para sa iba pang katanungan at katugunan, mangyaring sumulat o
tumawag:

Kagawaran ng Edukasyon Rehiyon V

Schools Division Office, Daet, Camarines Norte 4600

Landline: (054)440-1772, (054)440-4464

Email Address: camarines.norte@dep.ed.gov.p

You might also like