You are on page 1of 4

Asignatura EPP- Agrikultura Baitang Apat

W3 Markahan Ikaapat Petsa Ikatlong Linggo


I. PAMAGAT NG ARALIN Pagpili ng Itatanim na Halamang Ornamental
II. MGA PINAKAMAHALAGANG Naipakikita ang wastong pamamaraan sa pagpapatubo/pagtatanim ng
KASANAYANG PAMPAGKATUTO halamang ornamental
(MELCs) 1.4.1 Pagpili ng itatanim
EPP4AG-0d-6
III. PANGUNAHING NILALAMAN Naipamamalas ang pang-unawa sa kaalaman at kasanayan sa pagtatanim ng
halamang ornamental bilang isang gawaing pagkakakitaan.

IV. YUGTO NG PAGKATUTO AT MGA GAWAING PAMPAGKATUTO


I. Panimula (Mungkahing Oras: Unang Araw)
Sa panahon ng pandemya ang mga Pilipino ay natutong pahalagahan ang iba’t ibang uri ng ornamental
na halaman. Marami nang nagbukas na tindahan ng mga halamang ornamental sapagkat dumami ang mga
tao na nais magkaroon ng mga naggagandahang halamang ornamental na maaring itanim sa loob at labas
ng bahay.
Sa iyong munting paraan ay mabibigyan mo ng kasiyahan ang iyong mga kasambahay sa
pamamagitan ng pagtatanim ng halamang ornamental sa inyong tahanan o sa inyong bakuran.
Sa araling ito ay matututunan mo ang tamang pagpili ng itatanim na halamang ornamental.

. WASTONG PAMAMARAAN NG PAGPILI NG ITATANIM NA HALAMANG ORNAMENTAL


Maraming dapat isaalang-alang sa pagpili ng halamang/punong ornamental upang ang magiging
kapakinabangan nito ay makabuluhan. May mga bagay na maaring gawin sa pagsasagawa ng landscape
gardening. Nararapat na alamin ang lawak ng lugar, gamit ng halaman sa kapaligiran, kaangkupan sa
panahon at anyo ng lupang taniman bago pumili ng halamang ornamental na itatanim
Ang mga halamang ornamental ay may iba’t ibang katangian, ito ay mga halaman/punong ornamental
na may mataas at may mababa, may namumulaklak at di-namumulaklak, may madaling palaguin at may
mahirap palaguin, may nabubuhay sa lupa at may nabubuhay sa tubig. Kaya mahalagang piliin ang itatanim
na halamang ornamental na angkop sa lugar na pagtataniman.

Halamang Ornamental na Matataas


Ang mga punong ornamental na matataas ay itinatanim sa gilid, sa kanto, o sa gitna ng ibang
mababang halaman. Malalaking puno at maraming mga sanga na karaniwang tumataas ng mahigit na 7
metro kapag magulang na. Halimbawa nito ay, Pine tree, Red palm, Golden Shower tree, Fire tree, Ilang-ilang
Palm tree at iba pa.

Halamang Ornamental na Mababa


Ang mga halamang ornamental na mababa ay itinatanim sa mga panabi o paligid ng tahanan, maari sa
bakod, sa gilid ng daanan o pathway. Halamang ornamental na kabilang sa Herbs – halamang may malambot
na mga tangkay at karaniwang nabubuhay ng isa o dalawang taon. Halimbawa nito ay Cosmos, Oregano,
Espada, Zinnia at Ribbon plant at iba pa.

Halamang ornamental na Shrub o Mapalumpon.


Halamang may ilang matitigas na sanga at maaaring gamiting pambakod. Karaniwang hindi tumataas
ng higit sa 7 metro. Halimbawa nito Gumamela, Rosal, Adelfa, Sampaguita, Santan at iba pa.

Halamang Ornamental na Namumulaklak


Ang mga namumulaklak na halaman/punong ornamental ay inihahalo o isinasama sa mga halamang di
namumulaklak.
IV. YUGTO NG PAGKATUTO AT MGA GAWAING PAMPAGKATUTO
Halimbawa: Halamang ornamental na namumulaklak. Itinatanim dahil sa makukulay nilang bulaklak at
mababangong halimuyak. Halimbawa nito ay rosas, Adelfa, Gumamela, Marigold, Santan, Zinnia,
Bougainavillea at iba pa.

Halamang Ornamental na Di-Namumulaklak


Halamang hindi namumulaklak ngunit may magaganda at malalapad na dahon. Karaniwang itinatanim
sa harapan ng bahay at isinasama sa mga halamang namumulaklak. Halimbawa nito ay aloevera, san
francisco, ribbon plant, espada, chinese bamboo, bermuda grass, at iba pa.

Halamang Ornamental na Madaling palaguin at Mahirap Palaguin


Ang mga halaman/punong ornamental na madaling palaguin ay maaring itanim kahit saan ngunit ang
mahirap palaguin ay itinatanim sa lugar na maalagaan nang mabuti. Halimbawa : rosas, morning glory, orchids,
sunflower at iba pa.

Halamang Ornamental na Nabubuhay sa Tubig


Ang mga halamang nabubuhay sa lupa ay maaaring itanim sa tamang makakasama nito samantalang
ang mga halamang lumalago sa tubig ay maaring sa mga babasaging sisidlan sa loob ng tahanan o fishpond.
Ilang halimbawa ng halamang nabubuhay sa tubig ay Waterlily, Lotus, Water lettuce, at iba pa.

Link: https://www.youtube.com/watch?v=zRKPK60Qy9Q

D. Pagpapaunlad (Mungkahing Oras: Ikalawang Araw)

Gawain sa Pagkatuto 1 Lagyan ng Tsek ( ̷ ) kung tama ang pangungusap at ekis ( x ) naman kung mali. Isulat
ang tamang sagot sa sagutang papel. Iwasto ang maling salita sa pangungusap
Halimbawa: Ang mga halamang ornamental na tulad ng quiapo, lotus at waterlily ay nabubuhay sa lupa. Mali
lupa-tubig
_____1. Ang mga halamang ornamental na namumulaklak ay hindi maaring ihalo o isama sa mga halamang di
namumulaklak.
_____2. Ang mga punong ornamental na matataas ay itinatanim sa gilid, sa kanto o sa gitna ng ibang
mababang halaman.
_____3. Sa pagpili ng halamang ornamental na itatanim dapat ikonsidera ang lawak ng lugar, gamit ng
halaman sa kapaligira, ang kaangkupan sa panahon at anyo ng lupang taniman.
_____4. Ang mga halamang ornamental ay pare-pareho ang katangian kaya’t walang dapat isaalang-alang sa
pagpili ng itatanim na halaman.
_____5. Ang mga halamang ornamental na san francisco, aloevera, sword plant at ribbon plant ay halimbawa
ng mga halamang di-namumulaklak na maaring itabi sa mga halamang namumulaklak.
IV. YUGTO NG PAGKATUTO AT MGA GAWAING PAMPAGKATUTO
E. Pakikipagpalihan ((Mungkahing Oras: Ikalawang Araw)

Gawain sa Pagkatuto 2 Ngayon na natutunan mo na ang tamang pagpili ng halamang ornamental.

Magbigay ng (5) halamang ornamental na nais mong itanim sa loob ng iyong tahanan o labas ng tahanan.
Ipaliwanag kung bakit ang mga ito ang iyong napili.

Pagmamarka ng Kasagutan: Tingnan ang magiging basehan ng inyong puntos sa ibaba.


5-Naibigay nang maayos ang dahilan kung bakit ang mga ito ang napili.
3- Nakapagbigay ng dahilan kung bakit ang mga ito ang napili ngunit hindi kumpleto.
1-Sinubukang sagutin ang katanungan ngunit hindi nakuha o nasunod ang ang tamang pamamaraan at pag-
iingat sa sitwasyong nabanggit
0-Hindi sumubok na sagutan ang katanungan sa sitwasyong inilatag.

A. Paglalapat (Mungkahing Oras: Ikaapat na Araw)

Sagutin ang mga sumusunod na tanong:


1. Bilang isang mag-aaral paano mo mapapaganda ang loob at labas ng inyong tahanan?
2. Sa iyong palagay kapaki-pakinabang ba na malaman mo ang angkop na pagpili ng halamang
ornamental? Ipaliwag ang iyong sagot.
3. Ano-ano ang dapat mong isaalang-alang sa pagpili ng halamang ornamental?

V. PAGTATAYA (Mungkahing Oras: Ikalimang Araw)

Gawain sa Pagkatuto 4: Punan ang bawat patlang ng tamang salita upang mabuo ang pangungusap. Piliin
ang titik ng tamang sagot at isulat sa iyong sagutang papel.

1. Ang aloe vera ay halimbawa ng anong halamang ornamental na maaring ihalo o isama sa mga
halamang namumulaklak?
a. Halamang di namumulaklak c. Halamang nabubuhay sa tubig
b. Halamang namumulakla d. Halamang mahirap palaguin
2. Ang mga punong ornamental na matataas tulad ng fire tree, palm tree, golden shower tree, atbp. ay
maaring itanim ________ ng ibang mababang halaman.
a. Sa gilid c. sa gitna
b. Sa kanto d. lahat ng nabanggit
3. Ang rosas, gumamela, at santan ay mga halimbawa ng anong halamagn ornamental at maari pang
ihalo sa halamang di namumulaklak?
a. Halamang mataas c. Halamang Namumulaklak
b. Halaman sa tubig d. Halamang mahirap palaguin
4. Ang mga pamamaraang ito ay ang maaring gawin sa halamang namumulaklak at halamang di
namumulaklak maliban sa isa.
a. Inihahalo c. itinatabi
b. Isinasama d. inilalayo
5. Ito ang mga lugar kung saan maaring itanim ang mga mababang halamang ornamental tulad ng
herbs. Piliin ang mga lugar na ito.
I. Panabi o paligid ng tahanan
II. Sa bakod
III. Sa gilid ng daanan o pathway
IV. Sa tubig
a. I at II b. II, III at IV c. I, II at III d. Lahat ng nabanggit
IV. YUGTO NG PAGKATUTO AT MGA GAWAING PAMPAGKATUTO
VI. PAGNINILAY (Mungkahing Oras: Ikalimang Araw)

• Ipabatid ang iyong personal na pagtatasa sa kard ayon sa lebel ng iyong performans.

Personal na Pagtatasa sa Lebel ng Performans Para sa Mag-aaral


Pumili ng isa sa mga simbolo sa ibaba na kakatawan sa iyong naging karanasan sa pagsasagawa ng mga gawain. Ilagay ito sa
Hanay ng LP o Lebel ng Performans. Basahin ang deskripsiyon bilang gabay sa iyong pagpili:
 - Nagawa ko nang mahusay. Hindi ako nahirapan sa pagsasagawa nito. Higit na nakatulong ang gawain upang matutuhan ko ang
aralin.
✓ - Nagawa ko nang maayos. Nahirapan ako nang bahagya sa pagsasagawanito. Nakatulong ang gawain upang matutuhan ko ang
aralin.
? – Hindi ko nagawa o nahirapan ako nang labis a pagsasagawa nito. Hindi ko nauunawaan ang hinihingi sa gawain. Kailangan ko pa
ng paglilinaw o dagdag kaalaman upang magawa ko ito nang maayos o mahusay.
Gawain Sa Pagkatuto LP Gawain Sa Pagkatuto LP Gawain Sa Pagkatuto LP Gawain Sa Pagkatuto LP
Bilang 1 Bilang 3 Bilang 5 Bilang 7
Bilang 2 Bilang 4 Bilang 6 Bilang 8
VII. SANGGUNIAN Edukasyong Pantahanan at Pangkabuhayan p.320-323,
MELC EPP/TLE p.400, PIVOT 4A BOW p. 273
ARAL TV Deped Leyte
Inihanda ni: Adora A. Villanueva Sinuri nina: Jenrie M. Rivera
Lamberto C. Perolina
Rhoda M. Manual
Godofredo C. Mercado

You might also like