You are on page 1of 4

Asignatura EPP- Agrikultura Baitang Apat

W1 Markahan Ikaapat Petsa Unang Linggo


I. PAMAGAT NG ARALIN Kaalaman sa Pagtatanim ng Halamang Ornamental
II. MGA PINAKAMAHALAGANG Naisasagawa ang mga kasanayan at kaalaman sa pagtatanim ng halamang
KASANAYANG PAMPAGKATUTO ornamental bilang isang pagkakakitaang gawain.
(MELCs) EPP4AG-0a-1
III. PANGUNAHING NILALAMAN Naipamamalas ang pang-unawa sa kaalaman at kasanayan sa pagtatanim ng
halamang ornamental bilang isang gawaing pagkakakitaan.

IV. YUGTO NG PAGKATUTO AT MGA GAWAING PAMPAGKATUTO


I. Panimula (Mungkahing Oras: Unang Araw)
Sa aralin na ito ay matutunan mo ang mga kasanayan at kaalaman sa pagtatanim ng halamang ornamental
bilang isang pagkakakitaang gawain.

Tingnan ang larawan sa itaas. Alam mo ba kung anong uri ng halaman ang mga ito?

Ang uri ng mga halaman sa larawan ay ang tinatawag na halamang ornamental. Ang halamang
ornamental ay ang mga halaman na pinatutubo at ginagamit bilang palamuti o pampapaganda ng lugar.
Dahil sa taglay na ganda ng mga bulaklak at dahon ng mga halamang ornamental, ito ay kalimitang itinatanim
at pinalalago sa mga hardin o kaya naman sa mga tanawin (landscapes) upang magbigay ng dagdag ganda
sa isang lugar o tanawin. May mga halamang ornamental na namumulaklak, hindi namumulaklak, baging,
palumpong, at medisinal.

Mga Uri ng Halamang Ornamental

Halamang Halamang
Namumulaklak Di- Namumulaklak
IV. YUGTO NG PAGKATUTO AT MGA GAWAING PAMPAGKATUTO

Halamang Halamang
Baging Medisinal Halamang
Palumpong

Ang pagtatanim ng mga halamang ornamental ay malaking tulong na puwedeng pagkakitaan ng pamilya.
Patuloy ang interes ng mga tao sa mga halamang ornamental dahil nakakapagpaganda ito ng tanawin sa
iba’t ibang lugar tulad ng loob at labas ng bahay, parke, restaurant, hotel, resort, atbp. sa pamamagitan ng
paglalandscape tulad ng mga ipinapakitang larawan sa ibaba.

Sa paghahalaman ay may mga pamamaraan na kailangan nating isaalang-alang gaya ng pagiging


matiyaga sa:
• pagdidilig araw-araw
• paglalagay ng abono
• paglagay sa lugar na nasisikatan ng araw
• pagbubungkal para madaling masipsip ang tubig at makahinga ang mga ugat,
• paglilinis o pagtanggal ng mga damo upang di maagawan ng sustansya ng lupa
• paglayo o pag-iwas sa mga mapaminsalang hayop.

D. Pagpapaunlad (Mungkahing Oras: Ikalawang Araw)


Gawain sa Pagkatuto 1: Isulat ang nawawalang titik upang mabuo ang pangalan ng halamang ornamental na
makikita sa bawat larawan. Isulat ang buong pangalan ng halaman sa iyong sagutang papel.

1. G_MA_E_A 3. OR_HI_S 5. DA_A D_


NO_H_

4. S_N
2. R_SA_
F_A_CI_C_
IV. YUGTO NG PAGKATUTO AT MGA GAWAING PAMPAGKATUTO
Gawain sa Pagkatuto 2: Basahin at unawain ang bawat pangungusap. Iguhit ang masayang mukha
kung tama ang isinasaad ng pangungusap at malungkot na mukha kung mali.
______ 1. Maaring pagkakakitaan ang mga halamang ornametal.
______ 2. Ang paghahalaman ay hindi nababagay sa siyudad o urban.
______ 3. Mahirap gawing palamuti ang halamang ornamental.
______ 4. Maaaring makita ang halamang ornamental kahit saan lugar.
______ 5. Ang halamang ornamental ay hindi puwede sa loob ng bahay.
E. Pakikipagpalihan (Mungkahing Oras: Ikatlong Araw)

Gawain sa Pagkatuto Bilang 3 Ibigay ang mga pamamaraan sa pag-aalaga sa halamang ornamental tulad ng
rosas. Isulat ang iyong
sagot sa sagutang papel.

1. ________________________
2. ________________________
3. ________________________
4. ________________________
5. ________________________
A. Paglalapat (Mungkahing Oras: Ikaapat na Araw)
Sagutin ang mga sumusunod na tanong

1. Ano ang halamang ornamental?


2. Anu-ano ang uri ng halamang ornamental?
3. Bakit maraming tao ang nagkakainteres na magtanim ng halamang ornamental?

V. PAGTATAYA (Mungkahing Oras: Ikalimang Araw)


(Ang mga Gawain sa Pagkatuto para sa Pagpapayaman, Pagpapahusay, o Pagtataya ay ibibigay sa ikatlo at ikaanim na linggo)
Gawain sa Pagkatuto 4: Piliin ang titik ng tamang sagot. Isulat sa iyong sagutang papel.
1. Ito ay ang mga halaman na pinatutubo at ginagamit bilang palamuti o pampapaganda ng lugar. Ang
mga ito ay nagtataglay ng magagandang bulaklak o dahon.
a. halamang ornamental c. damo
b. gulay d.puno

2. Ito ay uri ng halamang ornamental na may makukulay na bulaklak.


a. halamang baging c. halamang namumulaklak
b. halamang medisinal d. halamang di-namumulaklak
3. Ito ay uri ng halamang ornamental na ginagamit na panggamot sa may sakit o karamdaman.
a. halamang baging c. halamang namumulaklak
b. halamang medisinal d. halamang di-namumulaklak

4. Ito ay uri ng halamang ornamental na gumagapang.


a. halamang baging c. halamang palumpong
b. halamang medisinal d. halamang namumulaklak
5. Sa paanong pamamaraan mo masisiguro na magiging malusog at mataba ang iyong halamang
ornamental?
I. Pagdidilig araw-araw
II. Paglalagay ng abono
IV. YUGTO NG PAGKATUTO AT MGA GAWAING PAMPAGKATUTO
III. Pag-iwas sa pagbubungkal upang hindi magalaw ang halaman
IV. Paglilinis o pagtatanggal ng mga damo sa paligid ng halaman

a. I at II b. II at III c. I, II, IV d. Lahat ng nabanggit

VI. PAGNINILAY (Mungkahing Oras: Ikalimang Araw)



• Ipabatid ang iyong personal na pagtatasa sa kard ayon sa lebel ng iyong performans.

Personal na Pagtatasa sa Lebel ng Performans Para sa Mag-aaral


Pumili ng isa sa mga simbolo sa ibaba na kakatawan sa iyong naging karanasan sa pagsasagawa ng mga gawain. Ilagay ito sa
Hanay ng LP o Lebel ng Performans. Basahin ang deskripsiyon bilang gabay sa iyong pagpili:
 - Nagawa ko nang mahusay. Hindi ako nahirapan sa pagsasagawa nito. Higit na nakatulong ang gawain upang matutuhan ko ang
aralin.
✓ - Nagawa ko nang maayos. Nahirapan ako nang bahagya sa pagsasagawanito. Nakatulong ang gawain upang matutuhan ko ang
aralin.
? – Hindi ko nagawa o nahirapan ako nang labis a pagsasagawa nito. Hindi ko nauunawaan ang hinihingi sa gawain. Kailangan ko pa
ng paglilinaw o dagdag kaalaman upang magawa ko ito nang maayos o mahusay.
Gawain Sa Pagkatuto LP Gawain Sa Pagkatuto LP Gawain Sa Pagkatuto LP Gawain Sa Pagkatuto LP
Bilang 1 Bilang 3 Bilang 5 Bilang 7
Bilang 2 Bilang 4 Bilang 6 Bilang 8

VII. SANGGUNIAN Edukasyong Pantahanan at Pangkabuhayan p.320-322 ,


MELC EPP/TLE p.400, PIVOT 4A BOW p. 273
Inihanda ni: Adora A. Villanueva Sinuri nina: Jenrie M. Rivera
Lamberto C. Perolina
Rhoda M. Manual, PhD
Godofredo C. Mercado

You might also like