You are on page 1of 5

Banghay Aralin sa EPP-

I. LAYUNIN:
IV
 Naipaliwanag ang kaalaman tungkol sa computer, internet, at ICT
 Naintindihan ang mga kapakinabangan ng Information and Communication Technology
 Napahalagahan ang ICT sa pangangalap ng impormasyon
II. PAKSANG ARALIN:

Paksa: Pangangalap ng Impormasyon


Sanggunian: EPP 4 Modyul, K-12 – EPP4IE-0d-8
Kagamitan: powerpoint presentation, larawan ng mga makabagong teknolohiya, Pentel pen at
Manila Paper
Pagpapahalaga: Tamang paggamit ng makabagong teknolohiya

III. PAMAMARAAN

Oras Gawain Guro Gawaing Mag-aaral


A. PANIMULANG GAWAIN
1. Panalangin
- In the name of the father and the Son and the
Holy Spirit AMEN.
2. Pagbati sa mga mag-aaral
- Magandang umaga mga bata Magandang umaga din po Maam
- Maaari na kayong maupo. Rose.
3. Pag tsek ng attendance
- Sino naman ang liban at hindi liban sa ating Wala po!
klase ngayon?
- Magaling ako ay natutuwa dahil walang liban sa
ating klase.

4. Pagsasanay/Balik-aral: run to the board game

Pangkatin ang mag-aaral sa dalawang pangkat.


Ang bawat pangkat ay magpaparamihan ng maisulat
na kaalaman tungkol sa saltang computer. Ang may
pinakamaraming naisagot ay siyang mananalo.

A. LESSON PROPER

1. Panimula/Pagganyak
- Ang guro ay magpapakita ng halimbawang
Larawan ng makabagong teknolohiya

 Alam nyo ba kung ano ang mga nasa larawan?


(Sasagot ang mga bata)
 Ang unang larawan ay isang Desktop Computer.

 Magkaroon ng mga katanungan tungkol sa mga


larawan:
 Alam niyo na ba ng iba’t-ibang pangunahing
(Sasagot ang mga bata)
bahagi ng isang Desktop Computer? Maaari
niyo ba itong pangalanan?
 Sa tingin niyo ba mahalagang matutunan ang
paggamit ng makabagong teknolohiya?
(Sasagot ang mga bata)
 Sa palagay nyo ba maiiwasan pa natin ang
paggamit mga ito sa kasalukuyan?
(Sasagot ang mga bata)

5. Paglalahad

Simulan ang paglalahad ng aralin sa pamamagitan


ng pang-abay na mga tanong:

 Pangganyak na tanong:

 Ano ang computer, internet at


Information and Communication Technology
(ICT)? Paano ito nakakatulong sa atin?
(Sasagot ang mga bata)
 Sabihin/ itanong sa mga mag-aaral ang mga
palatuntunan sa tahimik na pagbabasa.
 Sabihin ulit ang pagganyak na tanong
 Ipabasa na ang texto sa mga mag-aaral

Ang Computer, Internet, at ICT


Ang computer ay isang kagamitang tumutulong sa atin
sa pagproseso ng datos o impormasyon. Maaari itong gamitin
bilang imbakan ng mahahalagang dokumento na nasa anyong
elektroniko o soft copy. May maliliit na computer gaya ng
personal computers, laptops, tablets, at mayroon namang
mainframe computers na ginagamit ng malalaking kompanya.

Ang mga computer sa inyong paaralan, maging sa


ibang organisasyon, kompanya o ahensiya ng gobyerno, ay
maaaring naka-network. Ang mga computer networks na ito
ay maaaring magkakaugnay at bumubuo ng isang
pandaigdigang computer network. Ito ang tinatawag nating
internet – ang malawak na ugnayan ng mga computer network
sa buong mundo. Binubuo ang Internet ng maraming
networks na pampribado, pampubliko, pangkomersiyo,
pampaaralan, o pangpamahalaan.

Ang information and Communication Technology o


ICT ay tumutukoy sa iba’t ibang uri ng teknolohiya na
ginagamit sa komunikasyon upang magproseso, mag-imbak,
lumikha, at magbahagi ng mga impormasyon. Ilan sa
halimbawa in ICT ang radyo, telebisyon, smart phones,
computer at internet.
1. Mas mabilis na komunikasyon – Ang mga mobile
phone, webcam, at instant messaging applications ay
ilan lamang sa produktong ICT na tumutulong para sa
mas mabilis at mas malawak na komunikasyon.
2. Maraming trabaho – Nagbukas din ang ICT ng
maraming oportunidad para sa tao upang magkaroon
ng hanapbuhay tulad ng pagiging computer
programmer, web designer, graphic artist, encoder, at
technician.
3. Maunlad na Komersyo - Malaki rin ang
ginagampanan ng ICT upang mas mapaunlad ang
pangangalakal. Tinatawag na e-commerce ang
pagbebenta at pagbili ng kalakal sa tulong ng internet.
4. Pangangalap, pag-iimbak, at pagbabahagi ng
impormasyon – Ngayong tayo ay nasa Information
Age, isang mahalagang kasanayan ang matalinong
pagsusuri at pangangalap ng makabuluhang
impormasyon gamit ang makabagong teknolohiya.

GAWAIN
1. Pangkatang Gawain

 Ipaalam/itanong sa mga mag-aaral ang


palatuntunan sa pangkatang Gawain
 Pangkatin sa apat ang mga mag-aaral

Subukin ang talent sa pag-arte

Bumuo ng apat na grupo at maghanda ng isang


maikling duladulaan (na magtatagal mula 2 hanggang
3 minuto) na nagpapakita ng iba’t ibang
kapakinabangan ng ICT.

2. Pagtatalakay

 Anong kapakinabangan ng ICT ang


ipinakita sa inyong maikling dula? Bakit ito
ang napili ng inyong grupo?
 Sa paanong paraan nakatutulong ang ICT sa
pangangalap ng makabuluhang
impormasyon?

3. Paglalahat

 Ano ang computer, internet at Information


and Communication Technology (ICT)?

 Paano tayo natutulungan ng mga (Sasagot ang mga bata)


makabagong teknolohiyang ito sa
pangangalap ng iba’t ibang uri ng
impormasyon? (Sasagot ang mga bata)

4. Paglalapat
 bilang mag-aaral paano
nakakatulong/makakatulong ang
makabagong teknolohiyang iyong nakuha?
(Sasagot ang mga bata)
Mga halimbawang teknolohiya:
(Sasagot ang mga bata)

IV. PAGTATAYA

Panuto: Itambal ang Hanay A sa Hanay B. Isulat ang


titik ng tamang sagot sa iyong kuwaderno.

Hanay A Hanay B

1. electronic device na ginagamit


a. internet
upang mas mabilis na
makapagproseso ng datos o b. computer
impormasyon
c. smartphone
2. isang malawak na ugnayan d.ngICT
mga computer network na
maaaring gamitin ng publikoe. sa
komunikasyon
buong mundo f. network

3. tumutukoy sa iba’t ibang uri ng


teknolohiya, gaya ng radyo,
telebisyon, telepono,
smartphones, computer, at
internet

4. halimbawa ng produkto ng ICT


na kaiba sa simpleng mobile
phone na maaari ding
makatulong sa iyo sa
pangangalap at pagproseso ng
impormasyon

5. napabilis ito sa tulong ng ICT

V. TAKDANG ARALIN

Panuto: Basahin sa inyong aklat sa EPP IV pahina 47-


49 ang aralin tungkol sa ICT at kalusugan at gawin ang
mga sumusunod;
A. Kahulugan ng katawagan:
1. Radiation
2. Pagkalulong sa Computer
B. Pangabay na mga katanungan:
1. Anong uri ng elemento ang tinatawag na
radiation at paano ito nakaapekto sa ating
kalusugan
2. Paano maiiwasan ang pagkalulong sa paggamit
ng computer.
3. Ano ang mga palatadaan sa pagkalulong sa
Computer?

Prepared by:
Rosalinda R. Sanico
BEED 3

You might also like