You are on page 1of 12

TALA SA Paaralan MAPULOT ELEMENTARY SCHOOL Baitang APAT

Guro SHARON S. AUTIDA Antas EPP- Agriculture


PAGTUTURO Petsa JANUARY 10, 2022 Markahan Ikalawa
Oras Bilang ng Araw

A. Pormat ng PIVOT 4A Lesson Exemplar

I. LAYUNIN
Naipamamalas ang pangunawa sa panimulang kaalaman at kasanayan sa
A. PamantayangPangnilalaman
pagaalaga ng hayop sa tahanan at ang maitutulong nito sa pag-unlad ng
pamumuhay
naisasagawa nang may kawilihan ang pag-aalaga sa hayop sa tahanan
B. Pamantayan sa Pagganap
bilang mapagkakakitaang gawain
1. natatalakay ang ang kabutihang dulot ng pag-aalaga ng hayop sa
C. Mga Kasanayan sa Pagkatuto
tahanan.
1.1 Natutukoy ang mga hayop na maaring alagaan sa tahanan.
D. Pinakamahalagang Kasanayan sa EPP4AG-0h-15; EPP4AG-0h-16
Pagkatuto (MELC) (Kung
mayroon, isulat ang
pinakamahalagang kasanayan
sa pagkatutoo MELC)
E. Pagpapaganang Kasanayan
(Kung mayroon, isulat ang
pagpapaganang kasanayan.)
Mga Hayop Na Maaaring Alagaan Sa Tahanan at ang Kabutihang Dulot
II. NILALAMAN
Nito

III. KAGAMITAN PANTURO


Edukasyong Pantahanan at Pangkabuhayan 4 p. 399-408; MELC EPP p.
A. Mga Sanggunian
537, PIVOT 4A BOW p. 273
a. Mga Pahina sa Gabay MELC EPP p. 537, PIVOT 4A BOW p. 273
ng Guro
b. Mga Pahina sa Kagamitang Edukasyong Pantahan at Pangkabuhayan 4 pp. 399-408
Pangmag-aaral
c. Mga Pahina sa Teksbuk
d. Karagdagang Kagamitan
mula sa Portal ng
Learning Resource
B. Listahan ng mga Kagamitang Ppt,tv, mga larawan, ict integration
Panturo para sa mga Gawain sa
Pagpapaunlad at
Pakikipagpalihan
Integrasyon sa mga asignaturang Science, Arts, Health, EPP,
IV. PAMAMARAAN
Numeracy/Literacy
A. Panimula (Introduction) Balik-Tanaw
Panuto: Tukuyin kung TAMA ang ipinakikita ng pahayag tungkol sa
magagandang dulot sa pagtatanim ng halamang ornamental.

______1. Nagdudulot ito ng kagandahan sa kapaligiran.


______2. Nagbibigay ito ng lilim.
______3. Naiiwasan ang pagbaha sa pagtatanim ng mga halamang
ornamental.
______4. Nakapagbibigay ito ng maruming hangin.
______5. Maaari itong magpakakitaan.
 Katulad ng mga halamang ornamental ang mga hayop na
ating inaalagaan sa ating tahanan ay may kapakinabangan
dulot sa atin maging sa ating komunidad.
Alamin
Kayo ba ay may alagang hayop sa inyong bahay? Anu-ano ang inyong
mga alaga? Sa palagay nyo may mga kabutihang naidudulot ang pag-
aalaga ng hayop? Sa aralin natin ngayon, aalamin natin ang iba’t-ibang
kaalaman tungkol sa inyong mga alagang hayop.

Suriin
Simulan natin ang ating aralin sa pamamagitan ng pagsasagot ng
Gawain sa ibaba.

Gawain sa Pagkatuto 1: Pag-aralan ang mga larawan na nasa ibaba at


sagutan ang mga katanungan.

Mga Katanungan:
1. Ano-ano ang mga hayop na nasa itaas?
2. Saan kalimitang inaalagaan ang mga hayop na ito? Ano nga ang
tawag natin sa mga hayop na nakatira sa tubig?sa lupa?
Magbigay ng mga halimbawa.(SCIENCE INTEGRATION)
3. Ano ang pakinabang ng pag-aalaga ng mga hayop na ito?
4. Bakit mahalagang may alaga tayong hayop sa ating tahanan?
5. Paano nakatutulong sa ating ang mga alaga nating hayop?

B.Pagpapaunlad Subukin
(Development)
Sa araling ito, lubos nating mauunawaan ang mga kahalagahan ng pag-
aalaga ng mga hayop sa tahanan na maaaring libangan at
mapagkakakitaan. Ang kabutihang naidudulot nito sa tao at sa
kabuhayan. Matatalakay rin sa aralin ang maaaring dulot ng pag-aalaga
ng hayop mabuti man o masama sa kalusugan. Tutukuyin rin ang ang
mga hayop na maaaring alagaan at mga katangian nito. Gawin ang
Gawain sa Pagkatuto 2 upang maunawaan ang aralin.

Gawain sa Pagkatuto 2: Gamit ang mga pira-pirasong larawan, buuin at


tukuyin ang mga hayop na maaring alagaan sa loob ng tahanan, pumili ng
1 at sabihin kung ano ang kabutihang dulot ng pag-aalaga nito.
Gawain sa Pagkatuto 3: Alamin ang mga kabutihang dulot ng pag-
aalaga ng mga hayop sa tahanan.
1. Aso
2. Pusa
3. Ibon
4. Kuneho
5. Isda (Aquarium Fish)
6. Manok

Tuklasin (Gamit ang slide deck)

Kabutihang Dulot ng Pag-aalaga ng Hayop sa Tahanan


1. ASO- nakatatanggal ng stress at nakapagpapababa ng dugo
- Nakakasama sa ehersisyo at ibang libangan
- Pinakamatalik na kaibigan ng tao
- Nakatutulong bilang gabay sa paglalakad at maging
bantay sa tahanan.
(Numeracy / ARTS/Science Integration)
 Ang mga lokal na opisyal ng Brgy. 10 na namamahala sa health
and sanitation ay muling naglibot upang suriin ang lugar nila. Sa
paglibot na kanilang isinagawa ay may nahuli silang 10 aso sa
daan. 5 sa mga asong nahuli nila ay buntis. Kung ang bawat
buntis na aso ay manganganak ng tig-aapat na tuta. Ilan lahat
ang magiging bilang ng mga tuta?
 Anong mathematical operation ang iyong gagamitin upang
makuha ang sagot?
 Anong number sentence ang ginamit upang makuha ang tamang
sagot?

 Ang kulay ba na black at white na nakikita ng mga alaga nating


aso ay tunay na kulay?kung ito ay mga tunay na kulay saang
pangkat ng kulay sila kabilang? (Arts Integration)
 Ang kulay na puti na nakikita ng ating mga alagang aso ay
Electromagnetic radiation composed of a fairly even distribution
of all of the frequencies in the visible range of the spectrum,
appearing white. (Science Integration)
2. PUSA- nakatatanggal ng stress at nakapagpapababa ng dugo
- Taga huli ng daga
- Mabait na kalaro ng mga bata.

3. IBON- madaling alagaan


- Nakapagdudulot ng kasiyahan sa nag-aalaga
- Maaaring mapagkakitaan

4. KUNEHO- eco-friendly animal


- Mabait at nagbibigay ng masustansyang karne at hindi
madaling dapuan ng sakit
- And dumi ng kuneho at maaring gawing pataba sa
ornamental na halaman
(Science / EPP/Literacy Integration)
Ang dumi ng kuneho ay mayaman sa nitrogen at phosphorus

Ang kuneho ay plant-based animal/kumakain ng mga gulay kaya ang


kuneho ay kabilang sa mga na hayop kung tawagin ay hervibores.

5. MANOK- nagbibigay ng karne at itlog


- Magpagkakakitaan
(Numeracy/Literacy/EPP Integration)
• Sa Paaralan ng Elementarya ng Mapulot ay may vermi house. Si
Kuya Leo na Security Guard ng nasabing paaralan ay may alagang
5 manok sa vermi house. Ang dumi ng mga manok na kanyang
nakukuha ay inihahalo niya sa vermicast(the end product of the
breakdown of organic matter by earthworms)gayundin sa lupa
upang maging pataba ng mga halaman. Ang mga manok na
inaalagaan niya ay nangingitlog.Araw-araw ang isang manok ay
naglalabas ng 1 itlog. Sa loob ng 1 linggo, ilan lahat ang bilang ng
itlog na makukuha ni kuya Leo?1 buwan?
• Anong mathematical operation ang ginamit upang makuha ang
sagot?
• Anong number sentence ang ginamit?
Kung ang bawat itlog ay maibebenta sa halagang 5 piso, magkano ang
kabuuang kita ni kuya Leo sa loob ng 1 linggo? 1 buwan?

6. ISDA - nakakaaliw at nakakarelax tingnan


- maaaring pagkakitaan ng pamilya kung pararamihin
Pagyamanin
Gawain sa Pagkatuto 4: Isulat sa puso ang mga hayop na
maaaring alagaan sa loob ng tahanan.

Pusa palaka elepante kuneho ibon agila manok


buwaya ahas aso kambing isda

C.Pakikipagpalihan Engagement) Isagawa


Gawain sa Pagkatuto 5: (Pangkatang Gawain)
Panuto: Mag-isip ng tatlong hayop na maaaring alagaan sa tahanan.
Isipin ang mga kabutihang dulot ng pag-aalaga ng mga hayop na iyong
naisip. Ilagay ang inyong sagot sa chart.

MGA HAYOP NA MAAARING MGA KABUTIHANG DULOT NITO


ALAGAAN SA TAHANAN

1.

2.

3.

LINANGIN
Panuto:,Gawin ang Gawain sa Pagkatuto 6 .
Ilagay sa kahon ang bawat larawan sa tabi ng kahulugan nito.

D. Paglalapat ( Assimilation) Isaisip (Gamit ang Graphic Organizer)


*Ano-ano ang mga hayop na maaring alagaan sa tahanan?
* Ano ang mga kapakinabang dulot ng pag-aalaga ng mga hayop?
Ang mga hayop na maaaring alagaan sa tahanan ay ang aso, pusa,
manok, kuneho, ibon, isda. Maraming kabutihang naidududlot ang pag-
aalaga ng hayop sa tahanan. Ito ay nakabubuti sa ating kalusugan dahil
nakakaalis ito ng stress at nakapagpapababa ng dugo. Ang mga alagang
hayop sa tahanan ay maituturing na isang kasama sa bahay. Kung kaya
ang mga ito ay pinaparami. Ito ay maaaring ipagbili upang makadagdag
sa kita ng pamilya.

Basahin ang Sitwasyon at sagutin ang mga tanong:


Ang lahat ng miyembro ng pamilya Autida ay mahilig mag-alaga
ng mga hayop. Dahil dito ginawa nila itong proyekto at tinawag na
‘ Alaga Kong Hayop Pakikinabangan Ko’. Upang maging maganda ang
resulta ng kanilang proyekto, bawat bata sa kanilang pamilya ay may
kani-kaniyang inaalagaan na hayop. Si Shao ay may alagang 10 pusa, si
Sasha ay may alagang 7 aso at si Sachie naman ay may alagang 5 pares na
ibon. Ang kanilang ama na si G. Jimmy ang siyang bumibili ng pagkain
para sa mga alagang hayop na nabanggit. Siya ay gumagastos ng
halagang 350 pesos sa loob ng isang linggo. Ang kaniyang ina naman ang
namamahala ng kalinisan ng mga hayop upang ang mga ito ay hindi
dapuan ng sakit. Para sa pamilya Autida, ang pag-aalaga ng mga hayop ay
maraming kabutihang naidudulot sa kanilang sarili maging sa kanilang
pamilya.

1. Anu-anong mga hayop ang inaalagaan ng pamilya?


2. Ilan ang kabuuang bilang ng hayop na mayroon sila?
3. Magkano ang halaga ng pagkain ng mga hayop sa loob ng isang linggo?
isang buwan? (Numeracy Integration)
4. Sa tingin ba ninyo tama ba na mag-alaga sila ng iba’t-ibang uri ng
hayop sa kanilang tahanan? Pangatwiranan ito.
5. Sa mga nabanggit na hayop, Ano ang kabutihang maidudulot sa ating
katawan kung palagi tayong may alagang mga hayop? (Health
Integration)
6. Kung ikaw ay magiging miyembro ng kanilang pamilya, gagawin mo rin
ba ang kanilang ginagawa?. Ipaliwanag ang iyong sagot.

TAYAHIN
Gawain sa Pagkatuto 8: Tukuyin kung ang sumusunod na pahayag ay
nagpapakita ng kabutihang dulot ng pag-aalaga ng hayop sa tahanan
lagyan ito ng tsek (/) kung sa tingin ninyo ay tama at lagyan ng ekis (x)
kung hindi. Isulat ang sagot sa sagutang papel.
_____1. Nakapagbibigay ng saya at nakaaalis ng inip.
_____2. Nakapagpapabuti ng kalusugan.
_____3. Nakakadagdag ng kita sa mag-anak.
_____4. Nakapagbibigay ng pagkain tulad ng itlog at karne.
_____5. Nakapagbibigay ng pagkakataon makapag ehersisyo.
_____6. Nagiging mabuting kasama sa bahay.
_____7. Magandang kasanayan sa bata na magkaroon ng responsibilidad
sa pag-aalaga.
_____8. Nagkakaroon ng pagkakataon para sa pakikisalamuha sa tao.
_____9. Nakadudulot ng stress.
_____10. Gawaing nakababagot at aksaya sa oras.
V. PAGNINILAY

Naunawaan ko na
_________________

Nabatid ko na

Prepared by:

SHARON S. AUTIDA
EGT-I

Checked by:
EVELYN M. SALUMBIDES
Master Teacher I

Noted:

EDELETH M. CORTEZ
Principal I
Gawain sa Pagkatuto 4: Isulat sa puso ang mga hayop na maaaring alagaan sa loob ng tahanan.

Pusa palaka elepante kuneho ibon agila manok


buwaya ahas aso kambing isda

Gawain sa Pagkatuto 5: (Pangkatang Gawain)


Panuto: Mag-isip ng tatlong hayop na maaaring alagaan sa tahanan. Isipin ang mga
kabutihang dulot ng pag-aalaga ng mga hayop na iyong naisip. Ilagay ang inyong sagot sa
chart.

MGA HAYOP NA MAAARING ALAGAAN SA MGA KABUTIHANG DULOT NITO


TAHANAN

1.

2.

3.

You might also like