You are on page 1of 6

GUELEW INTEGRATED Baitang APAT

Paaralan
PANG-ARAW-ARAW NA TALA SCHOOL
SA PAGTUTURO Guro MARICEL S. MACASIAS Asignatura EPP
Markahan IKATLO
Petsa May 19, 2022

I. LAYUNIN
A. Pamantayang Naipamamalas ang pang-unawa sa panimulang kaalaman at kasanayan sa pag-
Pangnilalaman aalaga ng hayop sa tahanan at maitutulong nito sap ag-unlad ng pamumuhay.
B. Pamantayang Pagganap Naisasagawa ng may kawilihan ang pag-aalaga sa hayop bilang mapagkakakitaang
gawain
C. Mga Kasanayan sa Naiisa-isa ang wastong pamamaraan sa pag-aalaga ng hayop
Pagkatuto (Isulat ang code sa EPP4AG-0h-17
bawat kasanayan)  2.1 Pagsasagawa ng maayos na pag-aalaga ng hayop

II. NILALAMAN Pag-aalaga ng Hayop


III. KAGAMITANG PANTURO
A. Sanggunian
1. Mga Pahina sa Gabay sa
180-182
Pagtuturo
2. Mga Pahina sa
416-421
Kagamitang Pang Mag-aaral
3. Mga Pahina sa Teksbuk 154-164
4. Karagdagang Kagamitan EPP-AFA Module 11: Wastong Pamamaraan sap ag-aalaga ng hayop
Mula sa LRMDS
B. Iba Pang Kagamitang
Larawan, slides deck, tsart
Panturo
IV. PAMAMARAAN
A. Balik-Aral sa nakaraang Balik-aral:
Aralin o pasimula sa bagong Lagyan ng tsek ( √ ) ang patlang na nagpapakita ng mabuting dulot ng pag-aalaga ng hayop.
aralin (Drill/Review/Unlocking ____ 1. Nakadadagdag ng kita sa mag-anak.
of Difficulties) ____ 2. Nakakapagod ang pag-aalaga.
____ 3. Nakapagpapabuti sa kalusugan.
____ 4. Nagkakaroon ng maayos na interaksyon sa ibang tao.
____ 5. Nagbibigay ng sakit sa mga tao.
____ 6. Nakapagbibigay ng pagkain tulad ng itlog at karne.
____ 7. Nakapagbibigay ng pagkakataong mag-ehersisyo.
____ 8. Mabuting kasama sa bahay.
____ 9. Nagbibigay ng masamang amoy sa paligid.
____ 10. Magandang kasanayan sa bata na magkaroon ng responsibilidad sa pag-aalaga ng
hayop.

B. Paghahabi sa layunin ng Tumawag ng mga mag-aaral upang putukin ang lobo na kung saan sa loob nito ay may mga
aralin (Motivation) tanong na babasahin at sasagutin;

Ano-ano ang mga alagang hayop sa inyong tahanan?


Paano mo ito inaalagaan?

Katulad ng tao mayroon ding pangangailangan ang mga hayop.


C. Pag-uugnay ng mga Tukuyin kung ano ang ipinapakita sa bawat larawan.
halimbawa sa bagong aralin
(Presentation)

D. Pagtatalakay ng bagong Pangkatin sa apat (4) ang mga mag-aaral. Gamit ang ibinigay na babasahin sa bawat
konsepto at paglalahad ng pangkat, punan ang tsart na nasa ibaba.
bagong kasanayan No.1
(Modelling) I. Tamang Paraan ng Pag-aalaga ng aso
II. Tamang Paraan ng Pag-aalaga ng pusa

III. Tamang Paraan ng Pag-aalaga ng kalapati

IV. Tamang Paraan ng Pag-aalaga ng manok

Ipaskil sa pisara o sa dingding ang natapos na gawa ng pangkat at mamili isang mag-aaral
para basahin. Pag-usapan sa klase.

Bukod sa manok, kalapati, aso at pusa ano pang mga hayop na maaaring alagaan sa ating
tahanan?

Tamang Paraan ng Pag-aalaga ng aso


1. Mahalagang panatiliing malinis ang kulungan ng mga aso.
2. Dapat ay may maayos na daanan ng hangin ang kulungan.
3. Mahalagang mabigyan ng gamot kontra bulate at mapabakunahan ang alagang aso ng anti-
rabies.
4. Mahalaga rin ang regular na pagbisita sa isang beterinaryo.
5. Mahalagang bigyan ng malinis na tubig at pagkain ang alagang aso. Huwag bibigyan ng
mga buto at tinik ang mga ito.
6. Bigyan ang alagang aso ng regular na ehersisyo, ilakad sila araw-araw.
7. Bigyan sila ng panahon at pagmamahal.
8. Paliguan ng regular at panatiliing malinis.
Tamang Paraan ng Pag-aalaga ng pusa
1. Bigyan ang alagang pusa ng panahon, atensyon at pagmamahal.
2. Ilayo sila sa mga tao at ibang hayop na maaaring makasakit sa kanila.
3. Bigyan sila ng malinis na tubig at di-panis na pagkain. Kailangan ring malalambot na
pagkain ang ibigay dito.
4. Bigyan din sila ng gamot sa bulate.
7. Maglagay rin ng “litterbox” kung saan maaari silang maka ihi at magdumi. Panatiliing malinis
ito araw- araw.
8. Bigyan din sila ng lugar para makapaglaro.
5. Mahalaga rin ang malinis at maayos na tulugan ng mga pusa.
6. Kailangan din nilang maligo kahit marunong silang maglinis sa sarili. Gumamit ng
maligamgam na tubig.
Tamang Paraan ng Pag-aalaga ng kalapati
1. Malinis, maluwang at may bentilasyon ang mga kulungan ng mga kalapati na maaari ring
may bilaran. At dapat ring nakaangat sa lupa upang hindi mapasok ng mga daga at ibang
hayop.
2. Maglagay rin ng isang pugad sa bawat inahing kalapati.
3. Siguraduhin ding malinis ang kanilang kulungan upang malayo ito sa mga sakit.
4. Bigyan ng palay, mais, mungo, tinapay at buto ng mirasol ang mga kalapati. Maaari ring
bigyan ng pinaghalong dinurog na kabibe at uling na may konting asin. Gawing regular ang
oras ng pagbigay ng pagkain.
5. Bigyan ng sapat at malinis na tubig ang mga kalapati. Mainam ring lagyan ng bitamina ang
kanilang tubig upang lumaking malusog.
6. Kailangan rin paliguan ang mga kalapati 2-3 beses sa isang linggo.
Tamang Paraan ng Pag-aalaga ng manok
1. Sapat na pabahay yari sa payak n materyales.
2. Malinis na kulungan at paligid.
3. May sapat na pakain tulad ng palay, giniling na mais, darak, palyat, binlid at tahup, at
maging nang natitirang pagkain sa kusina tulad ng kanin, tinapay, sapal ng niyog at iba pa.
4. Malinis na painom sa lahat ng oras.
5. Panatilihin ang malakas na pangangatawan ng mga alaga (araw, maberdeng pagkain).
6. Iwasan ang stress (gutom, uhaw, init, at lamig) sanhi ng pagkakasakit.
7. Obserbahan o alamin ang kailangan ng mga hayop.

E. Pagtatalakay ng bagong Talakayin ang wastong pamamaraan ng pag-aalaga ng mga hayop sa pamamagitan ng
konsepto at paglalahad ng pagsagot ng mga sumusunod na tanong:
bagong ksanayan No. 2 1. Anu-anong uri ng hayop ang maaaring alagaan at pakinabangan?
(Guided Practice)
2. Anu-ano ang mga wastong paraan ng pag-aalaga ng hayop tulad ng aso, manok at
iba pa?

3. Anu-anong panuntunang pangkalusugan at pangkaligtasan ang dapat sundin sap ag-


aalaga ng hayop?

F. Paglilinang sa kabihasan Sagutin ng tama o mali ang mga sumusunod na pangungusap.


(Tungo sa Formative 1. Mainam na bigyan ng bitamina ang mga alagang hayop.
Assessment) (Independent 2. Kailangang panatilihing malinis ang kulungan ng mga hayop.
Practice) 3. Nakalapag dapat ang kulungan ng kalapati sa lupa.
4. Maaaring pakainin ng tinik ng isda ang mga alagang aso.
5. Ang pangunahing kailangan sa pag-aalaga ng hayop ay malinis na tubig at pagkain,
maayos na tirahan, bitamina at maaliwalas na kapaligiran.

G. Paglalapat ng aralin sa Paano mo maipaparamdam sa mga alaga mong hayop ang iyong pagmamahal sa kanila?
pang araw-araw na buhay Magbigay ng ilang mga pamamaraan.
(Application/ Valuing)
H. Paglalahat ng Aralin Paano mo maisasagawa ang tamang pag-aalaga sa mga hayop?
(Generalization)

I. Pagtataya ng Aralin Piliin ang titik ng pinakatamang sagot. Isulat ang inyong sagot sa malinis na papel.
1. Alin sa mga sumusunod ang kailangan ng mga hayop?
a. Mainit na lugar.
b. Maruming paligid.
c. Hayaang magkasakit.
d. Malinis na tirahan, pagkain at tubig.
2. Bakit kailangang bigyan ng mga gamot at bitamina ang mga hayop?
a. Upang hindi ito lumaki.
b. Upang matiyak ang maayos pagkakakitaan.
c. Upang maiwasan ang pagkakasakit ng mga ito.
d. Upang mahirapan ang nag-aalaga ng mga hayop.
3. Ano ang dapat tandaan sa pagpili ng lugar/ tirahan ng mga hayop?
a. May sapat na sinag ng araw
b. May sapat na tubig at daluyan nito
c. May panangga sa sobrang lamig at init ng panahon
d. Lahat ng nabangit.
4. Anong uri ng pagkain ang dapat ibigay sa mga alagang hayop?
a. mamahalin
b. malinis at hindi panis
b. madaling mabulok
d. mahirap hanapin
5. Bukod sa mga pangunahing pangangailangan ng mga hayop, alin sa sumusunod ang
kailangan din na ibigay sa mga alagang hayop?
a. Damit at mga alahas.
b. Pamamasyal at paglalaro.
c. Pagpapaligo, ehersisyo at pagmamahal.
d. Wala sa mga nabangit.
J. Karagdagang Aralin para sa Pumili ng isang hayop na gusto mong alagaan. Punan ang hinihinging datos sa plano
Takdang Aralin at Remediation ng wastong pag-aalaga ng hayop.
Lugar na mapaglalagyan
Uri ng Tirahan
Uri at dami ng pagkain
Oras ng Pagkain
Paraan ng paglinis ng
tirahan

V. MGA TALA
VI. PAGNINILAY
A. Bilang ng mag-aaral na nakakuha ng
80% sa pagtataya
B. Bilang ng mag-aaral na
nangangailangan ng gawain para sa
remediation
C. Nakatulong ba ang remediation?
Bilang ng mag-aaral na nakaunawa sa
aralin
D. Bilang ng mag-aaral na
magpapatuloy sa remediation
E. Alin sa mga istratehiyang pagtuturo
ang nakatulong ng lubos? Paano ito
nakatulong?
F. Anong suliranin ang aking naranasan
na nasolusyonan sa tulong ng aking
punongguro at superbisor?
G. Anong kagamitang panturo ang
aking nadibuho na nais kong ibahagi sa
mga kapwa ko guro?

Prepared by:
MARICEL S. MACASIAS
Teacher III

Checked by:
ARLENE P. DATUIN
Master Teacher I

MILOU C. MERCADO
Head Teacher III

Noted:
GERTRUDES R. MARCELLANO, EdD.
Principal IV

You might also like