You are on page 1of 5

Republic of the Philippines

Department of Education
Region III
SCHOOLS DIVISION OFFICE OF OLONGAPO CITY
Olongapo City Elementary School
Rizal Avenue, West Bajac-Bajac, Olongapo City
Grade
School Olongapo City Elem. School V - Resilience
Level
GRADE 1 to 12
Teacher Rodelyn G. Eder Quarter Quarter 1
DAILY
LESSON Subject EPP 5 Date October 14, 2022
PLAN
Week Week 10 Day I
I. LAYUNIN
Naipamamalas ang pang-unawa sa kaalaman at kasanayan sa pag-aalaga ng
A. Pamantayang
hayop bilang gawaing mapagkakakitaan
Pangnilalaman
Naisasagawa nang may kawilihan ang pag-aalaga ng hayop bilang gawaing
B. Pamantayan sa
mapagkakakitaan
Pagganap
Natutukoy ang mga hayop na may dalawang paa/pakpak na maaring
alagaan gaya ng manok, pato, itik at pugo
C. Mga Kasanayan sa
Pagkatuto Naipamamalas ang kabutihang dulot ng pag aalaga ng hayop na may
(Isulat ang code ng bawat dalawang paa at pakpak.
kasanayan)
Naipakikita ang wastong pag aalaga ng hayop na may dalawang paa/pakpak sa
pamamagitan ng maikling dula dulaan.
Mga Pakinabang sa Pag-aalaga ng mga Hayop na may Dalawang Paa
II. NILALAMAN
at Pakpak
III. KAGAMITANG
PANTURO
A. Sanggunian
Teacher’s Guide in Masiglang Pamumuhay Para sa Kinabukasan 5 p. 92-
1. Mga Pahina sa Gabay
103
ng Guro

2. Mga Pahina sa Masiglang Pamumuhay Para sa Kinabukasan 5 p. 93-103


Kagamitang Mag-aaral
3. Mga Pahina sa Teksbuk Masiglang Pamumuhay Para sa Kinabukasan 5 p. 93-103

4. Karagdagang
MELC EPP 5
Kagamitan mula portal
ng Learning Resource
B. Iba pang Kagamitang Larawan, PPT slides, Laptop, Meta Card, Projector
Panturo
IV. PAMAMARAAN
A. Balik-aral sa nakaraang Balikan
aralin Kumusta ang inyong mga tanim na gulay?
Pagpapakita ng mga larawan ng Gulayan sa Paaralan
Sagutin ang mga tanong:
1. Anu-ano ang mga tanim sa Gulayan sa Paaralan?
2. Mahalaga ba ang pagtatanim ng gulay? Bakit?
Tukuyin kung nasaan ang naiba.

B. Pagsisimula ng bagong
aralin at paghahabi ng layunin
ng aralin

Panggayak
Pagmasdan ang mga larawan

C. Pag-uugnay ng mga
halimbawa sa bagong aralin.
Pagpapakita ng mga larawan ng mga hayop na may dalawang paa at
pakpak.

Mga hayop na may dalawang paa at pakpak:


1. Manok – ang pagmamanukan ay isang kapaki-pakinabang na
pagkakakitaan. Kadalasan, inaalagaan ang mga manok sa bakuran.
Ang mga inaalagaang inahing manok ay nakapagbibigay ng itlog.
Samantala, ang ibang manok ay nagbibigay ng karne para pamalit o
pangbenta na makakatutulong sa pamilya at pamayanan.
2. Itik – ang itik ay napakadaling alagaan kagaya ng manok ngunit
may mga itik na nangangailangan ng lawa na maaari nilang
D. Pagtalakay ng bagong paglanguyan. Mayroon din namang mga lahi ng itik na gustong
konsepto at paglalahad ng maglagi sa lupa kaysa sa ilog. Inaalagaan ang mga itik para sa itlog
bagong kasanayan at karne nito. Ang itlog ng itik ay ginagawang maalat na itlog,
penoy at balot.
3. Pugo- tulad ng manok ang pugo ay magandang pagkakakitaan ng
pamilya dahil sa dami ng gamit ng itlog nito. Ang itlog ng puso ay
maaaring ipagbili ng nilaga at di nilaga. ito ay masustansiya at
maaaring gamitin sa iba’t-ibang putahe ng ulam.
4. Kalapati- ang kalapati ay napagkakakitaan at napaglilibangan. Sa
gulang na tatlong buwan ay nagingitlog na ito. Ang itlog ay mabilis
ding mapisa kaya mabilis ding dumami. Masustansiya ang itlog at
karne ng kalapati.

Panoorin ang video tungkol sa kabutihang dulot ng pag-aalaga ng


hayop. Pagkatapos panoorin ang video, sagutan ang mga sumusunod
E. Pagtalakay ng bagong na katanungan:
konsepto at paglalahad ng
1. Tungkol saan ang napanood mong video?
bagong kasanayan
Anu-ano ang kabutihang dulot ng pag-aalaga ng hayop?
2. Sinu-sino sa inyo ang gusto mag-alaga ng hayop? Bakit?
F. Paglinang sa Kabihasnan Ating Pag-aralan
(Tungo sa Formative Kabutihang dulot sap ag-aalaga ng hayop na may dalawang paa at pakpak.
Assessment) 1. Nagbibigay ng pagkain tulad ng karne.
2. Napagkukunan ng karagdagang kita kung ipagbibili.
3. Magandang libangan upang maiwasan ang masasamang bisyo.
4. Nakapagbibigay ng Gawain sa pamayanan at magkakaroon ng
hanapbuhay.
5. Mapapaunlad ang pamumuhay ng mag-anak kung may kaalaman sa
pag-aalaga ng hayop.
Pagsasanay 1: DUGTUNGAN NA!
1. Ang pag-aalaga ng hayop tulad ng manok,pato ,ibon ay
__________.
2. Mag-aalaga ako ng manok upang_________.
3. Paborito ko ang fried chicken dahil _________.
4. Gusto kong mag-alaga ng ____________, dahil magbibigay ng
tuwa’t saya kapag kumakanta.
5. Mayroon akong alaga __________ mataba. Kapag lumalakad
G. Paglalapat ng aralin sa pakendeng-kendeng pa.
pang-araw-araw na buhay
Pangkatang Gawain
Pangkat 1: Iguhit ang alagang manok at iulat ang mga
kabutihang naidudulot nito sa tao.
Pangkat 2: Iguhit ang alagang itik at iulat ang mga kabutihang
naidudulot nito sa tao
Pangkat 3: Iguhit ang alagang pugo at iulat ang mga
kabutihang naidudulot nito sa tao.
Pangkat 4: Iguhit ang alagang kalapati at iulat ang mga
kabutihang naidudulot nito sa tao.
Pagbuo ng Talata
Piliin ang salitang angkop sa patlang upang mabuo ang talata.

Dapat tayong __________ ng mga hayop tulad ng manok, bibe o


H. Paglalahat ng Aralin pato, mga ibon gaya ng pugo at kalapati dahil mayroong ___________dulot
sa sarili, pamilya,at sa ating pamumuhay. Nakakatulong din tayo sa pag-
unlad ng ating______________.

Mag-alaga Mabuting Pamayanan

Basahin at unawain ang mga tanong o talata. Piliin ang titik ng tamang
sagot.

1. Nagdudulot ng _____________ at nakakaalis ng stress kapag may


alagang hayop.
a. Pagod b. suliranin c. kasiyahan
2. Nakadadagdag ng ___________ at maktitipid ang mag-anak dahil
sap ag-aalaga ng mga hayop kapag ipagbili.
a. Kita b. gastis c. trabaho
3. Nagbibigay ng pagkaing masustansiya gaya ng __________ ang
I. Pagtataya ng Aralin mga alagang manok, pato at ibon.
a. Karne at itlog b. gatas at karne c. prutas at gulay
4. Ang mga sumusunod ay mabuting dulot ng pag-aalaga ng hayop
maliban sa isa. Alin dito?
a. Mabuting libangan ng mga bata upang hindi makaisip ng
masasamang gawain
b. Karagdagang pagkukunan ng pagkain ng mag-anak
c. Mawawalan ng oras sa pag-aaral kapag may alagang hayop
5. Alin ang naiiba sa mga sumusunod na pangkat ng hayop?
a. Manok at pugo b. bibe at pato c. pusa at aso
J. Karagdagang Gawain para
A. Gumawa ng Skit o maikling dula dulaan na nagpapakita ng wastong
pag aalaga ng hayop .
Group I – Pag aalaga ng Manok
sa Takdang Aralin at
Group II – Pag aalaga ng Itik
Remediation
Group III – Pag aalaga ng Pato
Group IV – Pag aalaga ng Kalapati

V. MGA TALA
VI. PAGNINILAY

Prepared by: RODELYN G. EDER


Teacher 1

Observed by: JONATHAN V. CALIMLIM


Master Teacher 1

Noted by: MARINA G. DENIEGA, EdD.


Principal IV

You might also like