You are on page 1of 2

Banghay Aralin sa

EPP 5 Industrial Arts


I. Layunin:
Nakagagawa ng proyekto na ginagamitan ng elektrisidad
(extension cord).
Nakasusunod sa mga hakbang sa paggawa ng extension cord.

II. Paksa:
Paggawa ng Extension Cord
Mga Kagamitan: laptop, TV, Electrical Cord, Outlet, Pliers, Long Nose
Pliers, Male Plug, Convenience Outlet, larawan ng mga kagamitang pang
elektrisidad, video clip
Integration: Literacy & Numeracy, Health, ESP, Filipino, Mathematics, Science
(HOTS Question Integration)
III. Pamamaraan:
A. Panimulang Gawain: ( ICT Utilization – Multi Media)
1. Ipabasa sa mga bata ang pamantayan sa klase.
B. Balik – aral:
Ipakita ang iba’t ibang kagamitan sa gawaing pang elektrisidad.
Itanong:
Anong gawaing pang industriya kadalasang ginagamit ang mga
kagamitang nasa larawan?

C. Pagganyak:
Ipakita ang halimbawa na larawan ng extension cord.

Itanong:
Alam niyo ba kung ano ito?(extension cord)

D. Paglalahad:
1. Ilahad sa klase ang bagong aralin at ipabasa ang layunin sa araw na ito.
Itanong: Sino sa inyo ang may extension cord na ginagamit sa bahay?
Ano ang maaaring maidulot sa inyo kung kayo ay makagagawa ng
extension cord?

2. Ipapanood ang video sa mag –aaral na nagpapakita ng paraan ng paggawa


ng extension cord.
Itanong:
Kaya niyo bang gumawa ng extension cord?

Ano ano ang materyales na dapat gamitin sa paggawang extension cord?


Talakayin sa mga bata ang wastong paraan sa paggawa ng extension cord.

Pangkatang Gawain:
Pangkatin ang mag-aaral sa tatlong grupo.
Unang pangkat:
Panuto: Isulat sa patlang ang angkop na pangalan ng bawat
kagamitan.
Ikalawang Pangkat:
Panuto: Pagsunod-sunurin ang mga hakbang sa paggawa ng
extension cord. Lagyan ito ng bilang 1-5.
Ikatlong Pangkat:
Panuto: Isulat ang mga kahalagahan ng extension cord.
E. Pagpapahalaga:
Ano gagawin natin upang maiwasan ang sakuna sa paggawa ng extension
cord?
Bakit kailangang maging maingat sa paggawa ng extension cord?
F. Paglalahat:
Paano ninyo gagawin ang extension cord?

IV. Pagtataya:
Aktuwal na paggawa ng extension cord ng mga mag-aaral. Gabayan ang mga bata sa kanilang
pagsasagawa. Suriin ang ginawang extention cord ng mga bata. Gamitin ang mga
pamantayan para sa pagbibigay ng puntos.

Mga Pamantayan Puntos


1. Ang mga kagamitan at kasangkapan ay 5
inayos sa ibabaw ng mesa bago gumawa.
2. Gumamit ng wasto at angkop na 5
kasangkapan sa paggawa.
3. Nasunod ng maabuti ang hakbang sa 5
paggawa ng extention cord.
4. Naisagawa sa takdang oras. Maayos at malinis 10
ang pagkakabuo ng plag at convenience outlet.

Kabuuang Puntos 25

V. Kasunduan:
Ibahagi sa iba ang kaalaman sa paggawa ng extension cord.

Inihanda ni:

SHARON A. LANDICHO
T-III

Iniwasto ni:

MA. MYRA P. SUMASTRE


MT-I

You might also like