You are on page 1of 4

Republic of the Philippines

Department of Education
Region VII, Central Visayas
Division of Cebu Province
District of Argao II
ANAJAO ELEMENTARY SCHOOL
Anajao Argao Cebu

THIRD QUARTER EXAM IN FILIPINO V


S.Y. 2022-2023

Name: ____________________________________Grade & Section: ____________ Score: _____


Panuto: Basahin at unawain ang mga sumusunod na sitwasyon.

Ika-10 kaarawan ni Sonia. Abalang-abala ang kanyang mga magulang para sa paghahanda sa
kanyang kaaarawan. Maaga pa lamang ay nagtungo na sila sa palengke upang mamili ng mga
ihahanda. Natagalan sila sa pamimili. Pagdating sa bahay ay nagmamadali na silang magluto. Ika-
3 na ng hapon ng dumating ang kanyang mga bisita. Nagpalaro, nagkantahan at nagsayawan sila.
Marami ang nagbigay ng regalo sa kanya. Nairaos nang maayos ang kanyang kaarawan.
Nagpasalamat siya sa kanyang mga magulang at sa lahat ng dumalo sa kanyang kaarawan.

_____ 1. Dumating ang mga bisita ni Sonia ng ika-3 ng hapon. Ano ang sumunod
na pangyayari?
A. namili, nagluto, at kumain B. nagpalaro, nagkantahan at nagsayawan
C. naghanda, naglaro, at nagkantahan D. nagregalo, nagkantahan at nagkainan
_____ 2. Dahil kaarawan ni Sonia, abalang-abala ang kanyang mga magulang sa
paghahanda. Ano ang sumunod na pangyayari?
A. Nagpunta ang kanyang mga magulang sa palengke.
B. Naglinis ang kanyang mga magulang ng bahay.
C. Nagluto ang kanyang mga magulang nang maaga.
D. Nagpasalamat ang kanyang mga magulang sa mga bisita.
_____ 3. Pagdating sa bahay ng kanyang mga magulang, ano ang sumunod na
nangyari?
A. Naligo agad sila. B. Naghiwa ng mga lulutuin.
C. Nagmamadali na silang magluto. D. Nagbihis pagkatapos mamili.
_____ 4. Nang matapos ang pagdiriwang ng kaarawan ni Sonia, ano ang sumunod
na pangyayari?
A. Nagpasalamat siya sa kanyang mga magulang at mga bisita.
B. Nairaos nang masaya ang kanyang kaarawan.
C. Nakipaglaro siya sa mga bisita.
D. Kumanta at sumayaw siya nang mahusay.
_____ 5. Marami ang nagbigay ng regalo kay Sonia. Ano ang sumunod na
pangyayari?
A. Binuksan ni Sonia ang mga regalo. B. Nairaos nang maayos ang kanyang kaarawan.
C. Kumain siya pagkaalis ng mga bisita D. Nagligpit ng mga pinagkainan.
Panuto: Piliin ang pang-abay na ginamit sa pangungusap. Isulat sa patlang ang titik ng tamang
sagot.
____ 6. Ang reyna ay marahang umakyat sa hagdan upang makita ang kanyang anak.
A. marahang B. umakyat C. hagdan D. anak
____ 7. Ngayon lamang makikita ng reyna ang kanyang anak
A. reyna B. lamang C. makikita D. ngayon
____ 8. Nagkasakit ang anak ng reyna at sa ospital ito namalagi.
A. Nagkasakit B. namalagi C. ospital D. ito
____ 9. Kahit araw-araw siyang dumadalaw dito, sabik pa rin siyang mayakap ang kanyang anak.
A. dumadalaw B. mayakap C. sabik D. araw-araw
____ 10. Mabilis na tumulo ang luha sa kanyang mga mata nang makita niya ang reyna.
A. tumulo B. luha C. mabilis D. mata

Panuto: Piliin ang Pang-abay na Pamanahon na angkop gamitin sa pangungusap. Isulat sa


patlang ang titik ng tamang sagot.
_____11. Ginagawa ko ang aking mga takdang-aralin_____ .
A. tuwing madaling-araw B. bukas C. kahapon D. mamaya
_____12. Nagkaroon ng palatuntunan ang kanilang samahan____ .
A. sa Lunes B. sa susunod na buwan C. sa darating na araw D. kahaponng umaga
_____13. Dadalawin ko si Felina sa ospital ____ .
A. kanina B. samakalawa C. kahapon D. kagabi
_____14. Kami ay nagdarasal ng aming pamilya_____ .
A. oras-oras B. buwan-buwan C. gabi-gabi D. maya’t maya
_____15. Uunlad din ang inyong pamayanan_____ .
A. sa kasalukuyan C. sa darating na panahon
B. noong isang Linggo D. kaninang madaling araw

Panuto: Piliin at isulat sa patlang ang titik ng Pang-abay na Panlunan na angkop gamitin sa
pangungusap.
_____16. Madaling-araw pa lamang nang lisanin nina Alfredo ang ____ ng kabundukan.
A. paanan B. ilalim C. loob D. silong
_____17. Magtatakipsilim na nang marating nila ang ____ ng bundok.
A. ulo B. ilalim C. loob D. tuktok
_____18. ___________ ng bundok sila inabot ng pananghalian.
A. Sa sulok B. Sa malayo C. Sa kailaliman D. Sa kalagitnaan
_____19. Sa ngayon ay pababa na sila _____ ng bundok.
A. sa malayo B. sa malapit C. sa ilalim D. sa kabilang gilid
_____20. Mararating nila ang bayan ____ ng bundok bukas ng madaling araw.
A. sa loob B. sa ilalim C. sa kabila D. sa butas

Si Tandang Sora
Ang kasaysayan ng bansa ay hindi kailanman mawawaglit sa alaala. Isa si Mechora Aquino sa
nagbigay kaganapan sa isang kasaysayan. Si Melchora Aquino ay kilala rin sa pangalang Tandang
Sora.. Matanda na siya noong sumiklab ang himagsikang pinamumunuan ni Andres Bonifacio.
Kinupkop niya ang mga Katipunero. Binigyan niya ng pagkain at tirahan ang mga ito. Inalagaan
niya ang mga may sakit at sugatan. Lahat ng dumudulog sa munting tahanan ni Tandang Sora ay
kanyang pinagyayaman, bata man o matanda, babae man o lalaki. Nalaman ng mga Kastila ang
kabutihan ni Tandang Sora, kaya’t siya ay hinuli at ipinatapon sa pulo ng Marianas. Bumalik
lamang siya nang ang Pilipinas ay nasa pamamahala na ng mga Amerikano. Isa siyang matapang
na Pilipino. Binabasa ng mga Pilipino ang talambuhay niya at patuloy na babasahin. Babalikan ang
isang panahong makasaysayan ng bawat salinlahi.

_____21. Ano ang tunay na pangalan ni Tandang Sora?


A. Melchora Aquino B. Corazon Aquino C. Melchora Arellano D. Corazon Arellano
_____22. Sino-sino ang mga dumudulog sa munting tahanan ni Tandang Sora?
A.mga kastila B.mga mandirigma C. mga katipunero D. mga Amerikano
_____23. Bakit niya tinulungan ang mag katipunero?
A.dahil sa kanyang kabutihang loob B.dahil sa kanyang kasipagan
C.dahil sa kanyang kayamanan D. dahil sa kanyang kasikatan
_____24. Saan siya pinatapon ng mga kastila?
A.sa Maynila B.sa Marinduque C.sa Malabon D.sa Marianas
_____25. Kailan siya bumalik ng Pilipinas?
A.noong nasa pamamamhala na ng Hapones ang Pilipinas
B. noong nasa pamamamhala na ng Amerikano ang Pilipinas
C. noong nasa pamamamhala na ng Kastila ang Pilipinas
D. noong nasa pamamamhala na ng Arabo ang Pilipinas

_____26. Ang batang iyan ay ______ masipag . Lagi nyang tinutulungan ang ina sa gawaing
bahay.
A. talagang B. hini C. opo D. di-gaanong
______27. Magandang hapon ________ Bb. Cruz.
A. opo B. po C. hindi D. oho
______28. ____________ palang galing sa nakaw ang perang dala niya.
A. Totoo B. Hindi C. Ayaw D. Di
______29. Mahirap intindihin ang batang ________sumunod sa magulang.
A. ayaw B. gusto C. talaga D. sadya
______30. ____________ ko na sa’yo.
A. Sadya B. Pwede C. Talaga D. Ayaw
______31. Ang bata ay ______ kumain ng gulay kaya siya ay sakitin.
A. ayaw B. gusto C. talaga D. oo
______32. __________hinahanap na ng mga pulis ang suspek.
A. Walang dudang B. Ayaw C. Hindi D. Tunay
______33. ________ tularan ang mga taong lumalabag sa batas.
A. Huwag B. Ayaw C. Oo D. Gusto
______34. ________ mabuti ang mag-aksaya ng tubig.
A. Ayaw B. Opo C. Hindi D. Pwede
______35. Ano ______ang inyong dala?
A. hindi B. po C. oo D. tunay

Panuto: Basahing mabuti ang liham. Isulat ang titik ng tamang sagot sa mga tanong na nasa
ibaba.
1286 Daang Sta. Maria
Tamaraw Subdivision
Valenzuela, Metro Manila
July 17, 2003

Station Commander
Himpilan ng Pulisya
Doña Ata, Valenzuela
Metro Manila
Ginoo:

Sumulat ako sa inyo upang humingi ng tulong para sa mga mag-aaral ng


Mababang Paaralang Elementarya ng Marulas. Ang mga mag-aaral ay tumatawid sa
panulukan ng daang Pio Valenzuela at Magsaysay. Lubhang abala ang panulukan sa
oras ng pagpasok at pag-uwi ng mga mag-aaral. Ilan nang sakuna ang nangyari rito.
Maaari po bang maglagay kayo rito ng palagiang pulis na mangangalaga sa trapiko?
Inaasahan ko ang pagtugon ninyo sa aming kahilingan.

Gumagalang,
Nestor V. Rivera

________36. Saan isinulat ang liham?


A. Anyong ganap na blak (full block) B. Anyong di-ganap na blak (semi-block)
C. Anyong modifayd blak (modified block) D. Lahat ng nabanggit
_______37. Anong klaseng liham ang iyong nabasa?
A. Liham na paanyaya B. Liham pakikipagkaibigan
C. Liham na nagbibigay mungkahi D. Liham na nag-aaply sa trabaho
_______38. Ang salitang “Ginoo” sa liham tinatawag na _________.
A. Pamuhatan B. Patunguhan C. Bating panimula D. Lagda
_______39. Anong uri ng liham ang iyong nabasa?
A. Liham na Pormal B. Liham Di Pormal
C. Liham na magulo D. Wala sa nabanggit
_______40. Maayos ba ang pagkakasulat sa liham?
A. Opo B. Hindi po C. Pwede na po. D. Wala sa nabanggit

You might also like