You are on page 1of 17

MMM

5
MAPEH (MUSIKA)
Kuwarter 4 - Modyul 6
Aralin 1: Harmony

MUSIKA – Ikalimang Baitang

1
Kuwarter 4 – Modyul 6 Aralin 1: Harmony, 2021

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring


magkaroon ng karapatang-sipi sa sinuman sa anumang akda ng Pamahalaan ng
Pilipinas. Gayunpaman, kailangan muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng
pamahalaan na naghanda ng akda kung ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga
maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay ang pagtakda ng kaukulang
bayad.
Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o
brand name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa
modyul na ito ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang
matunton ang mga ito upang makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales.
Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-aring iyon.
Ang anumang gamit maliban sa modyul na ito ay kinakailangan ng pahintulot mula
sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.
Walang anumang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag
sa anumang paraan nang walang pahintulot sa kagawaran.
Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon, Dibisyon ng Pangasinan I.

ELEMENTARY MODULE DEVELOPMENT TEAM


Author: AGNES B. VERZOSA
Teacher I

DISTRICT MANAGEMENT TEAM:


District Supervisor, Assigned District: CHRISTOPHER L. INFANTE, Ed. D.
District SLM Content Editor: MAURIN D. APOSTOL
District SLM Language Reviewer:
District Quality Assurance Team:
JEANY V. BARROZO HYACINTH L. BALILA
Master Teacher I Teacher III
Mangatarem National High School Mangatarem I Central School
RHODORA KAYE O. CABRERA JULIUS P. COLLADO
Teacher II Master Teacher II
Mangatarem National High School Bueno Elementary School
JUDEL R. DONES
Teacher III
Linmansangan Elementary School
DIVISION MANAGEMENT TEAM:
Schools Division Superintendent/OIC: ELY S. UBALDO, CESO IV
Chief Education Supervisor, CID: CARMINA C. GUTIERREZ, Ed. D.
Education Program Supervisor, MAPEH: BERNARDO S. DE GUZMAN, Ed. D.
Education Program Supervisor, Learning Resource: MICHAEL E. RAME, Ed. D.

5
2
MAPEH (MUSIKA)
Kuwarter 4 - Modyul 6
Aralin 1: Harmony

Paunang Salita

Para sa Tagapagdaloy:

3
Malugod na pagtanggap sa asignaturang MAPEH (MUSIKA) 5 ng
Kuwarter 4 Modyul 6 Aralin 1 ukol sa Harmony.

Ang modyul na ito ay pinagtulungang dinisenyo, nilinang at sinuri ng


mga edukador mula sa pambuliko at pampribadong institusyon upang
gabayan ka at ang gurong tagapagdaloy upang matulungang makamit ng
mag-aaral ang pamantayang itinakda ng Kurikulum ng K to12 habang
kanilang pinanagumpayan ang pansarili, panlipunan at pang-ekonomikong
hamon sa pag-aaral.

Ang tulong-aral na ito ay umaasang makauugnay ang mag-aaral sa


mapatnubay at malayang pagkatuto na mga gawain ayon sa kanilang
kakayahan, bilis at oras. Naglalayon din itong matulungan ang mag-aaral
upang makamit ang mga kasanayang pan-21 siglo habang isinasaalang-
alang ang kanilang mga pangangailangan at kalagayan.

Bilang karagdagan sa materyal ng pangunahing teksto, makikita


ninyo ang kahong ito sa pinakakatawan ng modyul:

Mga Tala para sa Guro


Ito'y naglalaman ng mga paalala at
estratehiyang magagamit sa paggabay sa
mag-aaral.

Bilang tagapagdaloy, inaasahang bibigyan mo ng paunang kaalaman


ang mag-aaral kung paano gamitin ang modyul na ito. Kinakailangan ding
subaybayan at itala ang pag-unlad nila habang hinahayaan silang
pamahalaan ang kanilang sariling pagkatuto. Bukod dito, inaasahan mula
sa iyo na higit pang hikayatin at gabayan ang mag-aaral habang
isinasagawa ang mga gawaing nakapaloob sa modyul.

Para sa mag-aaral:
Malugod na pagtanggap sa MAPEH (MUSIKA) 5 Modyul 6 Aralin 1
ukol sa Harmony. Ang modyul na ito ay ginawa bilang tugon sa iyong

4
pangangailangan. Layunin nitong matulungan ka sa iyong pag-aaral
habang wala ka sa loob ng silid-aralan. Hangad din nitong madulutan ka
ng mga makabuluhang oportunidad sa pagkatuto.

Ang modyul na ito ay may mga bahagi at icon na dapat mong


maunawaan.

5
Sa bahaging ito, malalaman mo ang
Alamin mga dapat mong matutuhan sa
modyul.
Sa pagsusulit na ito, masusubukan
Subukin natin kung ano ang dati mong alam
sa aralin na nakapaloob sa modyul.

Ito ay maikling pagsasanay o balik –


Balikan aral upang matulungan kang
maiugnay ang kasalukuyang aralin
sa naunang leksyon.
Sa bahaging ito, ang bagong aralin
Tuklasin ay ipakikilala sa iyo sa iba’t ibang
paraan, maaaring isang kuwento,
awitin, tula, pambukas na suliranin,
gawain o isang sitwasyon atbp.
Sa seksyong ito, bibigyan ka ng
maikling pagtalakay sa aralin.
Suriin Layunin nitong matulungan kang
maunawaan ang bagong konsepto at
mga kasanayan.
Binubuo ito ng mga gawaing para sa
malayang pagsasanay upang
mapagtibay ang iyong pang – unawa
Pagyamanin
at mga kasanayan sa paksa. Maaari
mong iwasto ang mga sagot mo sa
pagsasanay gamit ang susi sa
pagwawasto sa huling bahagi ng
modyul.
Naglalaman ito ng mga katanungan o
Isaisip
gawain na nasusukat sa natutunan
mo sa aralin.

Ito ay naglalaman ng gawaing


Isagawa makatutulong sa iyo upang maisalin
ang bagong kaalaman at kasanayan
sa tunay na buhay.
Ito ay naglalaman ng gawaing
makatutulong sa iyo upang maisalin
Tayahin
ang bagong kaalaman at kasanayan
sa tunay na buhay.

6
Sa bahaging ito, may ibibigay sa
Karagdagang iyong panibagong gawain upang
Gawain pagyamanin ang iyong kaalaman o
kasanayan sa natutuhang aralin.
Karagdagang Gawain Naglalaman ito ng mga tamang sagot
sa lahat ng mga gawain sa modyul.

Sa katapusan ng modyul na ito, makikita mo rin ang:

Sanggunian Ito ang talaan ng lahat ng


pinagkuhanan sa paglikha o
paglinang ng modyul na ito.

Ang sumusunod ay mahahalagang paalala sa paggamit ng modyul na ito:

1. Gamitin ang modyul nang may pag–iingat. Huwag lalagyan ng anumang


marka o sulat ang anumang bahagi ng modyul. Gumamit ng hiwalay na
papel sa pagsagot sa mga pagsasanay.
2. Huwag kalimutang sagutin ang subukin bago lumipat sa iba pang
gawaing napapaloob sa modyul.
3. Basahing mabuti ang mga panuto bago gawin ang bawat pagsasanay.
4. Obserbahan ang katapatan at integridad sa pagsasagawa ng mga
gawain at sa pagwawasto ng mga kasagutan.
5. Tapusin ang kasalukuyang gawain bago pumunta sa iba pang
pagsasanay.
6. Pakibalik ang modyul na ito sa iyong guro o tagapagdaloy kung tapos
nang sagutin lahat ng pagsasanay.

Kung sakaling ikaw ay mahirapang sagutin ang mga gawain sa


modyul na ito, huwag mag-alinlangang konsultahin ang inyong guro o
tagapagdaloy. Maaari ka ring humingi ng tulong kay nanay o tatay, o sa
nakatatanda mong kapatid o sino man sa iyong mga kasama sa bahay na
mas nakatatanda sa iyo. Laging itanim sa iyong isipang hindi ka nag-iisa.

Umaasa kami sa pamamagitan ng modyul na ito, makaranas ka ng


makahulugang pagkatuto at makakuha ka ng malalim na pang-unawa sa
kaugnay na mga kompetensi. Kaya mo ito!

7
Alamin

Ang musika kapag sinamahan ng ibang akumpanyamento ay


nagiging mas masigla at kawili-wiling pakinggan.

Sa modyul na ito, ikaw ay inaasahang:


 Matukoy ang konsepto ng harmony.

Subukin

Panuto: Isulat ang T kung ang isinasaad ng pangungusap ay tama at M


naman kung ang pangungusap ay mali.
_____1. Ang salitang harmony ay hindi iniuugnay sa salitang griyego na
harmonia.
_____2. Ang harmony ay elemento ng musika kung saan tumutuon sa
maayos at magandang pagsasama-sama ng mga nota o tono kapag
ang mga ito ay tinutugtog o inaawit.
_____3. Ang mga bote ay isang konsepto ng harmony.
_____4. Ang hindi maayos na samahan ng pamilya ay tinatawag na
harmony.
_____5. Ang iba’t-ibang tunog sa ating kapaligiran ay isang konsepto rin ng
harmony.

Aralin
Harmony
1
Kaakibat na ng buhay ng tao ang pakikinig sa musika na kung saan
ang musika ay sinasamahan ng iba’t-ibang nota o tono upang tayo ay
maaliw.

8
Balikan

Panuto: Punan ang patlang sa bawat pangungusap. Piliin ang tamang


sagot sa loob ng kahon.

Monophonic Homophonic Polyphonic

________1. Ito ay binubuo ng dalawang tunog, ang isa ay mula sa boses at


ang isa naman ay mula sa isang instrumentong nagsasaliw ng
melody.
________2. Ito ay naipapakita sa pamamagitan ng pag-awit ng mga round
song at partner song.
________3.Ang tekstura ng musika na ito ay napapansin sa mga
komposisyon na may iisang linya ng musika na pamboses o
pang – instrument.
________4. Ang tekstura ng musika na ito ay mapapansin sa mga awiting
bayan.
________5. Ito ay maririnig sa mga pagtatanghal ng isang manunugtog ng
piyano, gitara o violin.

Tuklasin

Panuto: Tingnang mabuti ang larawan. Pagkatapos, sagutin


ang mga tanong.

9
Photo Courtesy of Mrs. Maribel A. Servanda

 Ano ang masasabi mo tungkol sa larawan?


____________________________________________________________________
____________________________________________________________________
 Ano ang ipinakikita nito tungkol sa pamilya?
____________________________________________________________________
____________________________________________________________________

Suriin

Ang ating pamilya ay ang ating pag-asa at lakas. Sila ang


nagpapasaya at nagbibigay ng inspirasyon sa atin. Higit na magiging
masaya ang pamilya kung maayos at mabuti ang pagsasamahan ng mga
kasapi nito. Ang tawag dito ay harmony.
Ang salitang Griyegong harmonia na kaugnay ng Ingles na harmony
ay nangangahulugang "pagsasama-sama ng mga bagay". Ang isang himig
ay maaaring may malayang tunog sa sarili lamang nito, subalit
mapagtutugma-tugma ito sa pamamagitan ng pagdaragdag ng mga
akumpanyamento (dagdag, kasama).
Hindi lamang sa ating pamilya makikita ang harmony, maari din
natin itong makita sa ating kapaligiran o tahanan halimbawa na lang ng
mga ito ay ang mga pagsasama-sama ng mga bote, lata, baso, at marami
pang iba.

10
Sa musika naman may tinatawag din tayong harmony. Una, ito ay
ang mga iba’t-ibang tunog na ating naririnig sa ating paligid, maaaring ito
ay mga tunog na ginagawa ng mga hayop, mga sasakyan, at iba pang
tunog na nililikha ng tao. Ikalawa, ang harmony ay tinatawag ding
elemento ng musika kung saan tumutuon sa maayos at magandang
pagsasama-sama ng mga nota o tono kapag ang mga ito ay tinutugtog o
inaawit. Halimbawa na lang nito ay ang paggamit ng isa o higit pang
instrumento sa isang awitin.

Pagyamanin

Gawain 1
Panuto: Punan ang patlang ng (√) kung ang larawan ay tumutukoy sa
konsepto ng harmony at (X) naman kung hindi.

_____1. _____4.

_____2. _____5.

_____3.
Gawain 2
Panuto: Punan ang patlang. Gumuhit ng masayang mukha kung ang
mga tunog ay tumutukoy sa konsepto ng harmony malungkot na mukha
naman kung hindi.

__________1. kahol ng mga aso


__________2. huni ng mga ibon

11
__________3. busina ng mga sasakyan
__________4. serena ng mga ambulansiya
__________5. ingay ng telebisyon at pagkalampag sa pintuan

Isaisip

Panuto: Sagutin ang mga sumusunod na tanong. Isulat ang

iyong sagot sa iyong kuwaderno.


1. Ano ang Harmony?
__________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________
2. Ano-ano ang mga maaaring konsepto ng harmony?
__________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________
3. Ano ang kahalagahan ng harmony sa musika?
__________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________

Isagawa

Panuto: Piliin sa Hanay B ang tinutukoy sa Hanay A. Isulat


ang titik ng tamang sagot sa patlang.

Hanay A Hanay B

______1. Dito ay may kaayusan A. harmonia

at mabuting B. kasama
pagsasamahan. 12
C. mga pinagsama-samang
instrumento
______2. Ito ang salitang griyego
D. maayos at magandang
Tayahin

Panuto: Isulat ang TAMA kung ang isinasaad ng pangungusap ay wasto at


MALI kung ang pangungusap ay di wasto.
________1. Ang isang nota ay maaari ding konsepto ng harmony.
________2. Tayo ay nakakalikha ng makukulay at kawili-wiling musika
kung hindi wasto ang pag-awit at pagtugtog.
________3. Ang ating pamilya ay ating lakas at pag-asa.
________4. Ang mga tansan ay isang konsepto ng harmony.
________5.Ang maayos at mabuting samahan ay isang konsepto ng
harmony.

Karagdagang Gawain
13
Panuto: Magtala sa inyong kuwaderno ng lima pang maaaring konsepto ng
harmony.
1. ___________________
2. ___________________
3. ___________________
4. ___________________
5. ___________________

Susi sa Pagwawasto
Balikan
Subukin 1. B
1. M 2. C
2. T 3. A
3. T 4. B
4. T 5. A
Pagyamanin 5. T
Gawain 1
1. √ Isagawa Tayahin Karagdang

2. x 1. E 1. MALI Gawain

3. x 2. A 2. MALI Teacher’s

4. √ 3. C 3. TAMA Discretion

5. √ 4. D 4. TAMA
5. B 5. TAMA

14
Sanggunian:
Copiaco, Hazel P. et al. (2020 )Halinang Umawit at Gumuhit. Vibal Group,
Inc., pp. 153-155

https://brainly.ph/question/539619

Prepared by:

AGNES B. VERZOSA
Teacher I
Author

Checked by:

MAURIN D. APOSTOL JEANY V. BARROZO


Head Teacher I Master Teacher I
School Head In-Charge in MUSIC Mangatarem National High School

RHODORA KAYE O. CABRERA HYACINTH L. BALILA


Teacher II Teacher III
Mangatarem National High School Mangatarem I Central School

JULIUS P. COLLADO JUDEL R. DONES


Master Teacher II Teacher III
Bueno Elementary School Linmansangan Elementary School

Noted:

CHRISTOPHER L. INFANTE, Ed. D.

15
Public Schools District Supervisor

Approved by:

BERNARDO S. DE GUZMAN, Ed. D.


EPS, MAPEH

16
ELEMENTARY MODULE DEVELOPMENT TEAM
Author: AGNES B. VERZOSA
Teacher I

DISTRICT MANAGEMENT TEAM:


District Supervisor, Assigned District: CHRISTOPHER L. INFANTE, Ed. D.
District SLM Content Editor: MAURIN D. APOSTOL
District SLM Language Reviewer:
District Quality Assurance Team:

JEANY V. BARROZO
Master Teacher I
Mangatarem National High School

RHODORA KAYE O. CABRERA


Teacher II
Mangatarem National High School

HYACINTH L. BALILA
Teacher III
Mangatarem I Central School

JULIUS P. COLLADO
Master Teacher II
Bueno Elementary School

JUDEL R. DONES
Teacher III
Linmansangan Elementary School

DIVISION MANAGEMENT TEAM:


OIC, Schools Division Superintendent: ELY S. UBALDO, CESO VI
Chief Education Supervisor, CID: CARMINA C. GUTIERREZ, Ed. D.
Education Program Supervisor, MAPEH: BERNARDO S. DE GUZMAN, Ed. D.

For inquiries of feedback, please write or call:


Department of Education- Schools Division of Pangasinan I
Office Address: Alvear St., Lingayen, Pangasinan
Telephone No. (075) 522- 2202
Email Address: pangasinan1@deped.gov.ph
We value your feedback and recommendations.

17

You might also like