You are on page 1of 16

Physical Education – Ikalimang Baitang

Ika-apat na Markahan – Modyul 1: Pagpapanatili at Pagpapaunlad ng mga


Gawaing pisikal
Unang Edisyon, 2020
Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring
magkaroon ng karapatang-sipi ang sinuman sa anumang akda ng Pamahalaan ng
Pilipinas. Gayunpaman, kailangan na may pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng
pamahalaan na naghanda ng akda kung ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga
maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay ang pagtakda ng kaukulang
bayad.
Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o
brand name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa
modyul na ito ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang
malikom ang mga ito upang makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi
inaangkin ng mga tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang
anumang gamit maliban sa modyul na ito ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga
orihinal na may-akda.
Walang anumang bahagi ng nilalaman nito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa
anomang paraan nang walang pahintulot sa kagawaran.
Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon Dibisyon ng Lungsod ng Pasig.

Inilimbag sa Pilipinas, Kagawaran ng Edukasyon – Pambansang Punong Rehiyon


Tanggapan ng mga Paaralan ng Sangay-Lungsod Pasig
Paunang Salita
Para sa tagapagdaloy:
Malugod na pagtanggap sa asignaturang Physical Education 5 ng
Modyul para sa araling Pagpapanatili at Pagpapaunlad ng mga Gawaing Pisikal!
Ang modyul na ito ay pinagtulungang idinisenyo, nilinang at sinuri ng mga
edukador mula sa Tanggapan ng mga Paaralan ng Sangay-Lungsod Pasig na
pinamumunuan ng Nanunuparang Pinuno-Tanggapan ng Pansangay na
Tagapamanihala, Ma. Evalou Concepcion A. Agustin, sa pakikipag-ugnayan sa
Lokal na Pamahalaan ng lungsod sa pamumuno ng butihing Punong Lungsod, Kgg.
Victor Ma. Regis N. Sotto, upang matulungang makamit ng mag-aaral ang
pamantayang itinakda ng Kurikulum ng K to12 habang kanilang pinanagumpayan
ang pansarili, panlipunan at pang-ekonomikong hamon sa pag-aaral.
Inaasahan na sa pamamagitan ng modyul na ito, ang mga mag-aaral ay
makauugnay sa pamamatnubay at malayang pagkatuto ng mga gawain ayon sa
kanilang kakayahan, bilis at oras. Naglalayon din itong matulungan ang mag-aaral
na makamit ang mga kasanayang pang-ika-21 siglo lalong-lalo na ang 5 Cs
(Communication, Collaboration, Creativity, Critical Thinking and Character) habang
isinasaalang-alang ang kanilang mga pangangailangan at kalagayan.
Bilang karagdagan sa pangunahing teksto, makikita ang pinakakatawan ng
modyul sa loob kahong ito:

Bilang tagapagdaloy, inaasahang bibigyan mo ng paunang kaalaman ang


mag-aaral kung paano gamitin ang modyul na ito. Kinakailangan ding subaybayan
at itala ang pag-unlad nila habang hinahayaan silang pamahalaan ang kanilang
sariling pagkatuto. Bukod dito, inaasahan mula sa iyo na higit pang hikayatin at
gabayan ang mag-aaral habang isinasagawa ang mga gawaing nakapaloob sa
modyul.
Para sa mag-aaral:
Malugod na pagtanggap sa Physical Education 5 Modyul ukol sa Pagpapanatili at
Pagpapaunlad ng mga Gawaing Pisikal!
Ang modyul na ito ay ginawabilang tugon sa iyong pangangailangan. Layunin
nitong matulungan ka sa iyong pag-aaral habang wala ka sa loob ng silid-aralan.
Hangad din nitong madulutan ka ng mga makabuluhang oportunidad sa
pagkatuto.
Ang modyul na ito ay may mga bahagi at icon na dapat mong maunawaan.
MGA INAASAHAN
Sa bahaging ito malalaman mo ang mga dapat mong
matutuhan pagkatapos mong makumpleto ang Modyul.
PAUNANG PAGSUBOK
Dito masusukat ang dati mo nang kaalaman at mga dapat mo
pang malaman sa paksa.
BALIK-ARAL
Dito masusukat ang iyong matutuhan at naunawaan sa mga
na unang paksa.
ARALIN
Tstalakayin sa bahaging ito ang paksa sa Modyul na ito. 

MGA PAGSASANAY
Pagbibigay ng guro ng ibat ibang pagsasanay na dapat sagutan
ng mga mag-aaral..

PAGLALAHAT
Sa bahaging ito ibunuod ang mahahalagang konsepto na dapat
bigyan halaga
PAGPAPAHALAGA
Sa bahaging ito ay titiyakin kung ang mga kasanayang
pagkatuto ay naiuugnay nailalapat sa inyong mga
pagpapahalaga..

PANAPOS NA PAGSUSULIT
Dito masusukat ang mga natutuhan ng mga mag-aaral
MGA INAASAHAN
Pagkatapos mo ng modyul na ito ikaw ay inaasahan na:
1. naiisa-isa sa Filipino Pyramid Activity Guide ang mga sangkap ng physical
fitness nanalilinang/nagpapaunlad ng mga gawaing pisikal;
1. naisasagawa ang mga gawaing pisikal na nakapaloob sa aralin; at
2. napahahalagahan ang sariling kakayahan.

PAUNANG PAGSUBOK
Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang mga tanong. Piliin ang pinaka angkop na
sagot.
1. Anong gawain ang dapat gawin ng dalawa hanggang tatlong beses ayon sa
Physical Activity Pyramid Guide?
A. paglalaro
B. paglalakad
C. pagtakbo
D. pagsayaw ng ballroom
2. Alin sa mga sumusunod ang naglalarawan sa layunin ng Philippine Physical
Activity Pyramid Guide?
A. Ito ay naglalayon na mapaunlad ang physical testing sa mga batang
Pilipino
B. Ito ay batayan sa gawaing mapaunlad ang pisikal na pangangatawan
C. Ito ay ginagamit na batayan sa pagsasagawa ng mga gawain sa paaralan
D. Ito ay batayan sa pagpapaunlad ng buhay ng mga kabataang Pilipino
3. Alin sa mga sumusunod ang mga sangkap ng skill- related fitness?
A. liksi, balanse, koordinasyon, power, bilis, reaction time
B. balanse, liksi, koordinasyon, reaction time, flexibility,endurance
C. liksi, flexibility, koordinasyon, reaction time, bilis, body composition
D. cardiovascular, endurance, muscular endurance, muscular strength
4. Nakatutulong ito upang mapanatiling malakas at malusog ang
pangangatawan ng mga batang Pilipino?
A. physical activity pyramid guide
B. teacher’s guide
C. learner’s guide
D. guide
5. Alin sa mga sumusunod ang dapat linangin upang magawa ang kasanayan sa
paglalaro, pagsasayaw, o mga gawaing pang araw-araw nang buong husay?
A. skill-related fitness
B. physical fitness
C. health-related fitness
D. physical activity

BALIK-ARAL
Panuto: Lagyan ng kung ang gawain na nakasaad ay
makatutulong upang maging aktibo, alerto, at malusog ang isang tao at
kung hindi nakatutulong upang maging aktibo.
_____________ 1. pakikilahok sa mga gawaing pang isports.
_____________ 2. pagkain ng junk foods.
_____________ 3, paggamit ng elevator sa halip na hagdanan.
_____________ 4. paglalaro ng bisekleta tuwing umaga.
_____________ 5. pagsasayaw sa loob ng bahay araw-araw.

ARALIN
Ang Physical Activity Pyramid ng
isang batang Pilipino ang siyang ginagawang
batayan kung nagagawa mo ang mga
gawaing pisikal na makatutulong upang
mapaunlad ang iyong pamumuhay o lifestyle.
Ang pagkain ng wasto at masustansiyang
pagkain kasabay ng tamang ehersisyo ng
katawan ay makatutulong upang magkaroon
ng malusog at malakas na pangangatawan.
Ang pagtataglay ng physical fitness ay ang
kakayahan ng katawan magawa ang mga
kasayanan ng mga sangkap at components
nito.
Ang pagsayaw ay isang pisikal na aktibidad
na magbibigay pagkakataon sa ating katawan na gumawa ng ibat-ibang galaw sa
loob ng tinakdang oras at lugar. Tinituring ito ng iba bilang isang uri ng ehersisyo.
Kung titingnan ang Philippine Physical Activity Pyramid sa naunang aralin
nirerekomenda ang pagsayaw nang dalawa hanggang tatlong beses sa isang lingo.
Ang pagsayaw ay ang sining ng paglipat ng mga bahagi ng
ating katawan sa ritmo ng musika. Gumagamit ito ng mga hakbang at kilos sa
pamamagitan ng iyong mga paa, braso, ulo at katawan. Mahalaga ang ekspresyon sa
mukha kung ano ang nararamdaman.

Ang anim na sangkap ng Skill-related fitness ay ang sumusunod:


Agility ( liksi )
Ang kakayahang magpalit o mag-iba ng posisyon ng katawan nang mabilisan at
naaayon sa pagkilos. Ang mga taong maliksi ay kalimitang magaling sa larangan ng
wrestling,diving, soccer, tennis, at badminton.

Balance ( balanse )
Ang kakayahan ng katawan na manatili sa wastong tikas at kapanatagan
habang nakatayo sa isa o dalawang paa (static balance) Ang isang tao na
nagtataglayng kasanayan sa pagbalanse ay kalimitang mahusay sa mga gawain
tulad ng gymnastic at ice skating.

Coordination (koordinasyon)
Ang kakayahang magamit ang mga pandama kasabay ng isang parte o higit pang
parte ng katawan. Ito ang kakayahan ng ibat-ibang parte ng katawan na kumilos
nang sabay-sabay na parang iisa na walang kalituhan. Ang mga manlalaro ng
basketbol, baseball, softball, tennis, at golf ay nagtataglay ng ganitong kakayahan.
Power
Ang kakayahan gamitin nang mabilis ang lakas. Ito ang kombinasyon ng bilis at
lakas. Ang mga manlalaro ng swimming, athletics, at football ay ilan lamang sa mga
gumagamit ng power.
Speed ( bilis )
Ang kakayahan ng katawan na gumalaw o makasaklaw ng distansiya sa
maikling takdang panahon. Ang lakas ay kalimitang ginagamit sa mga larong
takbuhan, gayundin sa mabilisang pagpasa o pagbato at pagsalo ng bola.
Reaction Time
Ito ang kakayahan ng mga bahagi ng katawan sa mabilisang pagkilos sa
pagsalo,pag-abot at pagtanggap ng paparating na bagay o sa mabilisang pag-iwas sa
hindi inaasahang bagay o pangyayari.
MGA PAGSASANAY

Pagsasanay 1
A. Pagmasdan ang larawan at isulat ang sangkap ng skill-related fitness na
dapat taglayin sa bawat gawaing pisikal.

____________________
____________________

____________________
____________________
____________________
Source: https://images.app.goo.gl

Pagsasanay 2
A. Piliin sa loob ng kahon ang tamang sagot.

1. Ito ang kakayahan ng katawan sa mabilisang pagkilos o makasaklaw ng


distansiya sa maikling takdang panahon. _____________________
2. Ito ang kakayahan ng katawan sa mabilisang pagkilos sa pagsalo, pag-abot at
pagtanggap ng paparating na bagay. _____________________
3. Ang kakayahan ng katawan na gumalaw o makasaklaw ng distansiya sa maikling
takdang panahon. _____________________
4. Ang kakayahang gamitin sa mabilis ang lakas. _____________________
5. Ang kakayahan ng katawan na panatilihing nasa wastong tikas at kapanatagan
habang nakatayo sa isa o dalawang paa. _____________________

Pagsasanay 3
Panuto: Suriin mo ang iyong sarili. Lagyan ng tsek ang damdaming kumakatawan
sa iyon sagot. Gawin ito sa inyong kuwaderno.

Panuntunan Medyo Kailangan


Mahusay Mahusay pang
(5 pts) Magsanay
(3-4) (1-2)
1. Nailarawan ko ang physical activity
pyramid.
2. Nasusuri ko ang sariling kahinaan sa
pamamagitan ng paglahok sa mga
gawain ng physical activity pyramid.
3. Nasusuri ko ang sariling kalakasan sa
pamamagitan ng paglahok sa mga
gawain ng physical activity pyramid.
4. Napahahalagahan ko ang pakikilahok
sa ibat ibang gawain.
5. Naisasagawa ko ang mga gawain na
naayon sa pang araw-araw na gawain.

PAGLALAHAT
Panuto: Sagutin ang tanong. Isulat ang inyong sagot sa sagutang papel.
1. Batay sa napag-aralan natin, ibigay ang anim na sangkap ng skill-related
fitness. Ilarawan ang bawat sangkap.
_________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________
________________________________
2. Sa inyong palagay, kalian natin masasabing ang isang tao ay malusog?
_________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________

PAGPAPAHALAGA

Panuto: Isulat ang inyong sagot sa sagutang papel.


❖ Bakit mahalaga ang mga sangkap ng skill-related fitness na linangin ng
bawat isang tao?
_________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________

PANAPOS NA PAGSUSULIT
Panuto: Piliin ang letra ng tamang sagot.Isulat ang inyong sagot sa
sagutang papel.
1. Si Justin ay mabilis sa pagtugon sa putok ng starting gun kaya nauna siya sa
pagtakbo. Anong kakayahan ang napaunlad niya?
A. power
B. flexibility
C. reaction time
D. balancing
2. Si Enchong Dee ay kilala sa larangan ng paglangoy o swimming. Anong
kakayahan ang napaunlad niya?
A. power
B. agility
C. balance
D. coordination
3. Ang mga bata ay nag-uunahang tumakbo para salubungin ang kanilang guro
upang dalhin ang kaniyang dala-dala. Ano ang tinataglay na kakayahan ng mga
bata sa pagtakbo?
A. bilis
B. balanse
C. koordinasyon
D. reaction time
4. Si Manny Pacquio ay kilala sa larangan ng boxing. Bilang isang boksingero dapat
ikaw ay may taglay na?
A. power
B. agility
C. balance
D. lahat ng nabanggit
5. Si Kim ay mahusay sa larong Tennis kaya siya ang laging nananalo sa laro.
Anong kakayahan ang napaunlad niya?
A. liksi
B. power
C. balanse
D. koordinasyon

SUSI SA PAGWAWASTO
Paunang
Pagsubok
1. D
2. B
3. A
4. A
5. A

Panapos na
Pagsusulit
1. C
2. A
3. C
4. D
5. A
SANGGUNIAN
Gatchalian, Helen G. et al. Masiglang at Malusog na Katawan at Isipan. Vibal
Group, Inc. 2016

Source
Kelly Reed. Physical Fitness Pyramid.2014
https://images.app.goo.gl/e259897KeKVV91a96
Mohamed_Hassan.Ballerina Ballet Dance Dancing Female Girl.April 28, 2017
https://images.app.goo.gl/eyEiDWz93FuhgPsQ7
Thadius856 (SVG conversion) & Parutakupiu (original image). File:Wrestling
pictogram.svg. SVG version - January 4, 2008. Original version - November 19, 2006
https://images.app.goo.gl/LEwTRrA8tDwgMkiH6
Mapbox. File:Maki-basketball-11.svg.2017
https://images.app.goo.gl/CEQzwsyCniK7zKxQ8
Mohamed Hassan. PxHereFree Images : silhouette, boxing, fighting, games, players,
sport .10/01 2018
https://images.app.goo.gl/QbyHW9NffF3UU6NA9
Mohamed Hassan. PxHereFree Images : silhouette, fit, run, gym, runner, workout,
woman ... 12/01 2018
https://images.app.goo.gl/dxUsPkHqqFCp6Rkc8

You might also like