You are on page 1of 14

MAPEH – Ikalimang Baitang 

Ikaapat na Markahan – Modyul 5: Pangunang Lunas para sa mga Karaniwang 


Pinsala at Kondisyon 
Unang Edisyon, 2020 
 
Isinasaad  sa  Batas  Republika  8293,  Seksiyon  176  na:  Hindi  maaaring 
magkaroon  ng  karapatang-sipi  ang  sinuman  sa  anumang  akda  ng  Pamahalaan  ng 
Pilipinas.  Gayunpaman,  kailangan  na  may  pahintulot  ng  ahensiya  o  tanggapan  ng 
pamahalaan  na  naghanda  ng  akda  kung  ito  ay  pagkakakitaan.  Kabilang  sa  mga 
maaaring  gawin  ng  nasabing  ahensiya  o  tanggapan  ay  ang  pagtakda  ng  kaukulang 
bayad. 
 
Ang  mga  akda  (kuwento,  seleksiyon,  tula,  awit,  larawan,  ngalan  ng  produkto  o 
brand name,  tatak  o  ​trademark,​   palabas  sa  telebisiyon,  pelikula,  atbp.)  na  ginamit  sa 
modyul  na  ito  ay  nagtataglay  ng  karapatang-ari  ng  mga  iyon.  Pinagsumikapang 
malikom  ang  mga  ito  upang  makuha  ang  pahintulot  sa  paggamit ng materyales. Hindi 
inaangkin  ng  mga  tagapaglathala  at  mga  may-akda  ang  karapatang-aring  iyon.  Ang 
anumang  gamit  maliban sa modyul na ito ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga 
orihinal na may-akda.  
 
Walang  anumang  bahagi  ng  nilalaman nito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa 
anumang paraan nang walang pahintulot sa kagawaran. 
 
Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon Dibisyon ng Lungsod ng Pasig. 

Inilimbag sa Pilipinas, Kagawaran ng Edukasyon – Pambansang Punong Rehiyon 


Tanggapan ng mga Paaralan ng Sangay-Lungsod Pasig 

 
 

Paunang Salita 
Para sa tagapagdaloy: 
Malugod na pagtanggap sa asignaturang ​ HEALTH 5 ​ ng Modyul para sa 
araling​ Pangunang Lunas para sa mga Karaniwang Pinsala at Kondisyon! 
Ang  modyul  na  ito  ay  pinagtulungang  idinisenyo,  nilinang  at  sinuri  ng  mga 
edukador  mula  sa  Tanggapan  ng  mga  Paaralan  ng  Sangay-Lungsod  Pasig  na 
pinamumunuan  ng  Nanunuparang  Pinuno-Tanggapan  ng  Pansangay  na 
Tagapamanihala,  Ma.  Evalou  Concepcion  A.  Agustin,  sa  pakikipag-ugnayan  sa 
Lokal na Pamahalaan ng lungsod sa pamumuno ng butihing Punong Lungsod, Kgg. 
Victor  Ma.  Regis  N.  Sotto,  upang  matulungang  makamit  ng  mag-aaral  ang 
pamantayang  itinakda  ng  Kurikulum  ng  K to12 habang kanilang pinanagumpayan 
ang pansarili, panlipunan at pang-ekonomikong hamon sa pag-aaral. 
Inaasahan  na  sa  pamamagitan  ng  modyul  na  ito,  ang  mga  mag-aaral  ay 
makauugnay  sa  pamamatnubay  at  malayang  pagkatuto  ng  mga  gawain  ayon  sa 
kanilang  kakayahan,  bilis  at  oras. Naglalayon din itong matulungan ang mag-aaral 
na  makamit  ang  mga  kasanayang  pang-ika-21  siglo  lalong-lalo  na  ang  ​5 Cs 
(Communication, Collaboration, Creativity, Critical Thinking and Character)  habang 
isinasaalang-alang ang kanilang mga pangangailangan at kalagayan. 
Bilang  karagdagan  sa  pangunahing  teksto,  makikita  ang  pinakakatawan  ng 
modyul sa loob kahong ito: 
 
 
 
 
 
 
Bilang  tagapagdaloy,  inaasahang  bibigyan  mo  ng  paunang  kaalaman  ang 
mag-aaral  kung  paano  gamitin  ang  modyul na ito. Kinakailangan ding subaybayan 
at  itala  ang  pag-unlad  nila  habang  hinahayaan  silang  pamahalaan  ang  kanilang 
sariling  pagkatuto.  Bukod  dito,  inaasahan  mula  sa  iyo  na  higit  pang  hikayatin  at 
gabayan  ang  mag-aaral  habang  isinasagawa  ang  mga  gawaing  nakapaloob  sa 
modyul.   

Para sa mag-aaral: 
Malugod  na  pagtanggap sa   HEALTH 5   Modyul ukol sa ​Pangunang Lunas 
para sa mga Karaniwang Pinsala at Kondisyon ! 
 
Ang  modyul  na  ito  ay  ginawa  bilang  tugon  sa  iyong  pangangailangan. 
Layunin  nitong  matulungan  ka  sa  iyong  pag-aaral  habang  wala  ka  sa  loob  ng 
silid-aralan.  Hangad  din  nitong  madulutan  ka  ng mga makabuluhang oportunidad 
sa pagkatuto. 
Ang modyul na ito ay may mga bahagi at ​icon​ na dapat mong maunawaan. 
 
MGA INAASAHAN 
Sa bahaging ito malalaman mo ang mga dapat mong 
matutuhan pagkatapos mong makumpleto ang modyul. 
 
PAUNANG PAGSUBOK 
Dito masusukat ang dati mo nang kaalaman at mga dapat mo 
pang malaman sa paksa. 
 
BALIK-ARAL 
Dito masusukat ang iyong matutuhan at naunawaan sa mga 
naunang paksa. 
 
ARALIN 
Tatalakayin sa bahaging ito ang aralin batay sa kasanayang 
pampagkatuto.  
 
MGA PAGSASANAY 
Sa bahaging ito, pagbibigay ng guro ng iba’t ibang pagsasanay 
na dapat sagutin ng mga mag-aaral. 
 
PAGLALAHAT 
Sa bahaging ito ibunuod ang mahahalagang konsepto na dapat 
bigyang-halaga. 
 
PAGPAPAHALAGA 
Sa bahaging ito ay titiyakin kung ang mga kasanayang 
pampagkatuto ay naiuugnay at nailalapat sa inyong mga 
pagpapahalaga​. 
 
PANAPOS NA PAGSUSULIT 
Dito masusukat ang mga natutuhan ng mga mag-aaral. 
 

Sa pagtatapos ng aralin, ang mga mag-aaral ay inaasahang: 


1. natutukoy  ang  mga  karaniwang  pinsala  na  nangangailangan  ng  paunang 
lunas katulad ng mga sumusunod: 
a. sugat  
b. balingongoy 
c. kagat ng insekto 
d. kagat ng hayop 
2. nalalaman ang mga paunang lunas sa mga karaniwang pinasala. 
 

PANUTO:  Piliin  ang  nararapat  gawin  sa  mga  sumusunod  na  sitwasyon.  Lagyan ng 
tsek (√) ang kahon ng iyong sagot. 
1. Natapunan ng mainit na sabaw ang kamay ng iyong nakababatang kapatid. 
Ilagay agad ang kamay ng iyong kapatid sa malamig na tubig.  
Ibabad agad ang kanyang kamay sa maligamgam na tubig.  
 
2. Ang iyong kapitbahay ay nahulog sa bisikleta at nasugat ang kanyang siko. 
Hawakan  mo  ang  sugat  ng  iyong  kamay  para  masuri  mo  kung 
magdudugo pa ito.  
Gumamit ng disposable gloves s paglilinis ng sugat.  
 
3. Nagka-sprain ang iyong teammate sa Basketball. 
Lagyan  agad  ng  bandage  ang  bahaging  may  sprain  at  saka  ipahinga. 
Ipahinga  muna  ang  bahaging  may  sprain  at  saka  lapatan  ng  yelo  o 
cold compress para hindi mamaga 
 
 
 
PANUTO:  ​Iguhit  ang  thumbs  up  kung  nagpapakita  ng 
pagsangayon  sa  pangungusap  at  thumbs  down 
naman kung hindi. 
 
Paunang Lunas o First Aid  Reaksyon 
1. Huwag  makialam  sa  taong   
naaksidente. 
2. Siyasatin  ng  mabilisan ang lugar   
na pinangyarihan ng aksidente. 
3. Suriin  ang  Airway,  Breathing  at   
Circulation (ABC) ng biktima. 
4. Bigyan  ng  agarang  paunang   
lunas  kahit  na  di  pa  tiyak  kung 
ligtas  para  sa  magbibigay  ng 
lunas.  
5. Dalhin  sa  pinakamalapit  na   
ospital  kung  kinakailangan  ang 
biktima  matapos  na  mabigyan 
ng paunang lunas. 
 

Mga Pang-Unang Lunas sa mga Karaniwang Pinsala at Kondisyon 

Mga Karaniwang Pinsala at  Pang-unang Lunas 


Kondisyon 
1. Sugat  Ang  sugat  ay  karaniwang  hindi 
  nangangailangan  ng  daliang  pagdadala  sa 
  ospital.  Maaaring  gawin  ang  mga  sumusunod 
na pamamaraan: 
a. Hugasan  ang  mga  kamay  na  nasugatan 
ng malinis na tubig at sabon.  
b. Pagpapatigil  sa  pagdurugo  gamit  ang 
malinis na tela o bulak. 
c. Linising  mabuti  ang  sugat  mas  mainam 
na  patagalin  ang  sabon  sa loob ng sugat 
upang  maiwasan  ang  mikrobyo, 
banlawang mabuti. 
d. Lagyan ng gamot o antibiotic. 
e. Takpan ang sugat ng bandage.  
f. Palagiang  palitan  ang  mga  bandage  ng 
sugat isang beses sa isang araw. 
g. Kung  malalim  ang  sugat 
nangangailangan  itong  tahiin  sa malapit 
na health center o ospital. 
h. Suriing  mabuti  ang  sugat  at  palagiang 
tingnan  ang  mga  sintomas  o 
palatandaan  ng  impeksiyon.  Kung  may 
impeksyon  paturukan  ng  anti-tetanus 
ang pasyente. 
2. Balinguyngoy  Ang  balinguyngoy  o  pagdurugo  ng  ilong  ay 
  isang  karaniwang  kondisyon  ng 
  nangangailangan din ng karampatang lunas. 
 
a. Umupo ng tuwid at idikit ang iyong likod 
sa  sandalan  ng  upuan.  Kinakailangan 
ito  upang  mabawasan  ang  presyon  ng 
dugo  sa  veins  ng  ilong  at  maiwasan  ang 
pagdaloy  ng  dugo  pabalik  sa  iyong 
katawan 
b. I  masahe  ang  ilong  ng  pasyente  at 
huminga  sa  bibig  habang  ito  ay 
isinasagawa.  Ito  ay  isinasagawa  upang 
maiwasan  ang  patuloy  na  pagdurugo  ng 
ilong. 
c. Upang  maiwasan  ang muling pagdurugo 
iwasan  ang  pagsinga  at  huwag  yumuko 
nangangailangan  ang  ganitong 
kondisyon  na mapanatili na mas mataas 
ang iyong ulo kaysa sa iyong puso. 
d. Sa  patuloy  na  pagdurugo  gumamit  na 
ng  nasal  sprayer  at  sumangguni  sa 
doktor. 
3. Kagat ng insekto  Karamihang  reaksiyon  ng  kagat  ng  insekto  ay 
  ang pamumula, pangangati at pagkairitable. 
   
  a. Alisin  sa  lugar  ang  pasyente  kung  saan 
  ito nakagat. 
b. Hugasan  ang  bahaging  nakagat  ng 
insekto. 
c. Maglapat  ng  cool  compress  o  kaya  ay 
isang  tela  na  may  malamig  na  tubig  o 
puno ng yelo. 
d. Ilapat  ang  isang  cream,  gel  o  lotion  sa 
bahaging  nakagat  upang  maiwasan  ang 
pangangati.  Kung  wala  ka  sa  bahay nito 
maaari  ka  ding  gumamit  ng  baking 
soda. 
e. kung  tuluyang  lumala  ito  dalhin  sa 
pinakamalapit  ng  health  center  o 
ospital. 
4. Kagat ng hayop  a. Kung  ang  sugat  ay  mababaw  lamang  at 
  walang  rabbies,  hugasan  ang  sugat  ng 
  may  sabon  at  malinis  na  tubig,  lagyan 
  ng antibiotic at takpan ang sugat. 
  b. Kung  ang  sugat  naman  ay  malalim 
  takpan  ang  sukat  na  isang  malinis  na 
  tela  upang maampat ang dugo, talian ito 
at daliang dalhin sa doktor. 
c. Kung  may  mapapansin  kang 
palatandaan  ng  may  impeksyon,  tulan 
ng  pamamaga,  pamumula,  nadagdagan 
ang  sakit,  dalhin  kaagad  sa 
pinakamalapit  na  health  center  o 
ospital. 
 

 
PAGSASANAY 1 
Panuto​:  Ayusin  ang  mga  hakbang  sa  pagsasagawa ng pangunang lunas sa tamang 
pagkakasunod-sunod  bago  dalhin  ang  pasyente  sa  ospital.  Isulat  ang 
mga numerong 1-5 sa mga linya bago ang bilang. 
Sa oras ng Balinguyngoy o Pagdurugo ng Ilong. 
_____Pisilin ang ilong ng pasyente ng mga sampung minuto.  
_____Kailangang paupuin ang pasyente.  
_____Linisin ang ilong ng maligamgam na tubig.  
_____Idikit ang likod ng pasyente sa sandalan ng upuan.  
_____Maaari ng tanggalin ang pagkakapisil kapag tumigil na ang pagdurugo. 
 
 
PAGSASANAY 2 
Panuto​:  Ayusin  ang  mga  hakbang  sa  pagsasagawa ng pangunang lunas sa tamang 
pagkakasunod-sunod  bago  dalhin  ang  pasyente  sa  ospital.  Isulat  ang 
mga numerong 1-5 sa mga linya bago ang bilang. 
Sa oras ng Kagat ng Insekto.  
_____Maglapat ng cool compress o kaya ay isang tela na may malamig na tubig o   
puno ng yelo.  
_____Hugasan ang bahaging nakagat ng insekto. 
_____Ilapat ang isang cream, gel o lotion sa bahaging nakagat upang maiwasan ang  
pangangati.  
_____kung tuluyang lumala ito dalhin sa pinakamalapit ng health center o ospital. 
_____Alisin sa lugar ang pasyente kung saan ito nakagat. 

Bakit kailangang lunasan kaagad ang mga karaniwang pinsala o kondisyon? 


__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________

Ilarawan  ang  maaari  mong  gawin  kung  ikaw  ang  kasama  ng  nasa  larawan.  Isulat 
ang sagot sa kahon. 
PANUTO:  Alamin  kung  anong  pinsala  o  kondisyon ang dapat lapatan ng tinutukoy 
na pangunang lunas. Isulat sa patlang titik ng tamang sagot. 

_____  1.  Pigain 


ang  sugat 
upang 

matanggal ang kamandag hanggat makakaya ng  


biktima. 
_____ 2. Tanggalin ang karayom sa pamamagitan nang marahang pagkayod sa  
balat ng kutsilyo, kuko, o matalas na bahagi ng isang bagay. 
_____ 3. Kapag nagdurugo ang binti, diinan ang itaas na bahagi ng hita.  
_____ 4. Lagyan ng malamig na panyo o bimpo sa noo at sa nose bridge.  
_____ 5. Ibuga ang bibig upang makahinga.  
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
SANGGUNIAN
https://www.google.com.ph/search?q=first+aid+kit+contents&biw=1366&bi 
h=657&source=lnms&tbm=isch&sa=X&ved=0ahUKEwi4xYimyv7QAhXEH5 
QKHdbZBYcQ_AUIBigB#tbm=isch&q=wounds+and+bleeding+first+aid&im 
grc=5Jp-hJR612LYBM%3A 
Gatchalian,  Helen  G.  et  al.  Masigla  at  Malusog  na  Katawan at Isipan. Vibal Group, 
Inc. 2016 
Dela  Cruz,  Jonylhen  C.,Ph.D.  et  al.Learning  Resource  Management  and 
Development System. Deped Cabanatuan City. 

You might also like