You are on page 1of 14

Edukasyon sa

Pagpapakatao 5
Edukasyon sa Pagpapakatao – Ikalimang Baitang
Ikaapat na Markahan – Modyul 10: Natutukoy ang mga paraan ng pagpapasalamat
sa DIYOS
Unang Edisyon, 2020
Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring
magkaroon ng karapatang-sipi ang sinuman sa anumang akda ng Pamahalaan ng
Pilipinas. Gayunpaman, kailangan na may pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng
pamahalaan na naghanda ng akda kung ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga
maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay ang pagtakda ng kaukulang
bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto
o brand name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit
sa modyul na ito ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang
malikom ang mga ito upang makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales.
Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-aring iyon.
Ang anumang gamit maliban sa modyul na ito ay kinakailangan ng pahintulot mula
sa mga orihinal na may-akda.
Walang anumang bahagi ng nilalaman nito ang maaaring kopyahin o ilimbag
sa anumang paraan nang walang pahintulot sa kagawaran.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon Dibisyon ng Lungsod ng Pasig.

Komite sa Pagsulat ng Modyul


Manunulat: Leonesa M. De Guzman
Editor: Nida C. Francisco
Tagasuri: Perlita M. Ignacio RGC PhD / Josephine Z. Macawile
Tagaguhit: Edison P. Clet

Tagapamahala: Ma. Evalou Concepcion A. Agustin


OIC-Schools Division Superintendent
Carolina T. Rivera CESE
OIC-Assistant Schools Division Superintendent
Victor M. Javeña EdD
Chief, School Governance and Operations Division
Manuel A. Laguerta EdD
Chief, Curriculum Implementation Division

Education Program Supervisors

Librada L. Agon EdD (EPP/TLE/TVL/TVE)


Liza A. Alvarez (Science/STEM/SSP)
Bernard R. Balitao (AP/HUMSS)
Joselito E. Calios (English/SPFL/GAS)
Norlyn D. Conde EdD (MAPEH/SPA/SPS/HOPE/A&D/Sports)
Wilma Q. Del Rosario (LRMS/ADM)
Ma. Teresita E. Herrera EdD (Filipino/GAS/Piling Larang)
Perlita M. Ignacio PhD (EsP)
Dulce O. Santos PhD (Kindergarten/MTB-MLE)
Teresita P. Tagulao EdD (Mathematics/ABM)

Inilimbag sa Pilipinas, Kagawaran ng Edukasyon – Pambansang Punong Rehiyon


Tanggapan ng mga Paaralan ng Sangay-Lungsod Pasig
Edukasyon sa
Pagpapakatao 5
Ikaapat na Markahan
Modyul para sa Sariling Pagkatuto 10
Pagtukoy ng mga paraan ng
Pagpapasalamat sa Diyos
Paunang Salita

Para sa tagapagdaloy:
Malugod na pagtanggap sa asignaturang Edukasyon sa Pagpapakatao 5, ng
Modyul para sa araling Natutukoy ang mga paraan ng pagpapasalamat sa Diyos !

Ang modyul na ito ay pinagtulungang idinisenyo, nilinang at sinuri ng mga


edukador mula sa Tanggapan ng mga Paaralan ng Sangay-Lungsod Pasig na
pinamumunuan ng Nanunuparang Pinuno-Tanggapan ng Pansangay na
Tagapamanihala, Ma. Evalou Concepcion A. Agustin, sa pakikipag-ugnayan sa Lokal
na Pamahalaan ng lungsod sa pamumuno ng butihing Punong Lungsod, Kgg. Victor
Ma. Regis N. Sotto, upang matulungang makamit ng mag-aaral ang pamantayang
itinakda ng Kurikulum ng K to12 habang kanilang pinanagumpayan ang pansarili,
panlipunan at pang-ekonomikong hamon sa pag-aaral.

Inaasahan na sa pamamagitan ng modyul na ito, ang mga mag-aaral ay


makauugnay sa pamamatnubay at malayang pagkatuto ng mga gawain ayon sa
kanilang kakayahan, bilis at oras. Naglalayon din itong matulungan ang mag-aaral
na makamit ang mga kasanayang pang-ika-21 siglo lalong-lalo na ang 5 Cs
(Communication, Collaboration, Creativity, Critical Thinking and Character) habang
isinasaalang-alang ang kanilang mga pangangailangan at kalagayan.

Bilang karagdagan sa pangunahing teksto, makikita ang pinakakatawan ng


modyul sa loob kahong ito:

Mga Tala para sa Guro


Ito'y naglalaman ng mga paalala at
estratehiyang magagamit sa paggabay sa
mag-aaral.

Bilang tagapagdaloy, inaasahang bibigyan mo ng paunang kaalaman ang


mag-aaral kung paano gamitin ang modyul na ito. Kinakailangan ding subaybayan
at itala ang pag-unlad nila habang hinahayaan silang pamahalaan ang kanilang
sariling pagkatuto. Bukod dito, inaasahan mula sa iyo na higit pang hikayatin at
gabayan ang mag-aaral habang isinasagawa ang mga gawaing nakapaloob sa
modyul.
Para sa mag-aaral:

Malugod na pagtanggap sa Edukasyon sa Pagpapakatao sa Ikalimang


Baitang Modyul 10 ukol sa Pagtukoy ng mga paraan ng Pagpapasalamat sa
DIYOS! Ang modyul na ito ay ginawa bilang tugon sa iyong pangangailangan.
Layunin nitong matulungan ka sa iyong pag-aaral habang wala ka sa loob ng
silid-aralan. Hangad din nitong madulutan ka ng mga makabuluhang
oportunidad sa pagkatuto.

Ang modyul na ito ay may mga bahagi at icon na dapat mong maunawaan.

MGA INAASAHAN
Sa bahaging ito malalaman mo ang mga dapat mong
matutuhan pagkatapos mong makumpleto ang modyul.

PAUNANG PAGSUBOK
Dito masusukat ang dati mo nang kaalaman at mga dapat mo
pang malaman sa paksa.

BALIK-ARAL
Dito masusukat ang iyong natutuhan at naunawaan sa mga
naunang paksa.

ARALIN
Tatalakayin sa bahaging ito ang aralin batay sa kasanayang
pampagkatuto.

MGA PAGSASANAY
Sa bahaging ito, pagbibigay ng guro ng iba’t ibang pagsasanay
na dapat sagutin ng mga mag-aaral.

PAGLALAHAT
Sa bahaging ito ibinuod ang mahahalagang konsepto na dapat
bigyang-halaga.

PAGPAPAHALAGA
Sa bahaging ito ay titiyakin kung ang mga kasanayang
pampagkatuto ay naiuugnay at nailalapat sa inyong mga
pagpapahalaga.

PANAPOS NA PAGSUSULIT
Dito masusukat ang mga natutuhan ng mga mag-aaral.
INAASAHAN

Pagkatapos ng araling ito, ang mga bata ay inaasahang matutukoy ang


mga paraan ng pagpapasalamat sa DIYOS.

PAUNANG PAGSUBOK

PANUTO: Lagyan ng tsek ✓ kung ang gawain ay nagpapakita ng


pagpapasalamat sa Diyos at ekis X kung hindi nagpapakita. Ilagay ang sagot
sa patlang ng bawat bilang.

_____1. Ang pamilya nina Gng. Ramirez ay nagbabahagi ng mga biyayang


natatangap lalo na sa mga nangangailagan bilang pasasalamat nila sa Diyos
dahil sa kabila ng Pandemya ay hindi sila nawalan ng hanapbuhay

_____2. Si Mang Gerardo ay masuwerte na nakatanggap sila ng SAP na bigay


ng gobyerno sa mga taong higit na nangangailan, subalit ito ay ginamit niya
sa pagsusugal dahi nagbabakasakaling mas lumago ito.

_____3. Sa kabila ng mga pagsubok na nararanasan ni Hilda, kagaya ng


pagkamatay ng kanyang nanay sa sakit na COVID-19, Hindi pa rin siya
nakakalimot na dumalo sa mga gawaing pangsimbahan katulad ng “Bible
Study” dahil naniniwala siya na may magandang dahilan ang Diyos sa lahat
na nangyayari sa ating buhay.

_____4. Ang ating magulang ang nagbigay ng ating buhay kaya marapat
lamang na ipakita natin ang ating pagmamahal at paggalang sa kanila sa
lahat ng oras.

_____5. Ang pagtulong sa kapwa na walang hinihintay na kapalit ay isang


paraan ng pagpapakita ng pagpapasalamat sa Diyos.
BALIK-ARAL

PANUTO: Lagyan ng puso ang bilang na naglalaman ng desisyon na


nagpapakita ng pagpapaubaya para sa kapakanan ng iba.
_____1. Maganda ang lugar na iminungkahi mo para sa lakbay aral,
subalit may kamahalan ang magagastos dito sapagkat malayo
kaya mas pinili ng nakararami ang medyo maliit lang ang
gagastusin. Naunawaan mo sila kaya nakisama ka na lang sa
kagustuhan ng nakararami.

_____2. Mas pinili ng mga kamag-aral mo ang sayaw na katutubo


sapagkat ito daw ay nagpapakita ng ating kultura kaysa sa
sayaw na moderno. Kaya kahit nahihirapan ka ay sinikap mo na
matutunan ito.

_____3. Nagtampo si Oscar sa kanyang mga magulang sapagkat hindi


siya binilhan ng bagong damit samantalang ang dalawa nyang
kapatid ay may bagong polo na gagamitin sa pag-aaplay ng
trabaho.

_____4. Ibig sana ni Thess na umorder na lang sila ng pagkain sa fastfood


para sa baon nila sa kanilang paggawa ng proyekto, subalit mas
ginusto ng nakararami na magluto na lang sila dahil mas
makakamura sa gastos. Dahil yun ang napagkasunduan ng mas
nakararami kaya sumunod na rin siya sa napagkasunduan.

_____5. Natigil sa trabaho si Mang Danny dahil sa pandemya,kung kaya’t


isa sa kanilang tatlong magkakapatid ay hindi muna
magpapatala sa pasukan. Nagpaubaya na muna si Bernie na
siya ang huminto sa pag-aaral.
ARALIN

Basahin ang Teksto:

Nagmamadaling umuwi si Minerva ng hapong iyon dahil unang araw


ng Biyernes ng buwan. Halos kaladkarin na niya ang kanyang kaibigan upang
makasakay agad sila ng tricycle. “ Bakit ka ba nagmamadali Minerva?” ang
tanong ng kaibigan niyang si Tess ng sila ay makasakay na. “ Tingnan mo
hindi tayo natuloy sa pagtulong sa pagpapapakain ng mga street children”.
“Ah, kasi unang Biyernes ngayon ng buwan at nais kong makahabol sa
pagsisimba upang makapagpasalamat sa Diyos dahil hindi Niya tayo
pinabayaan lalo na ngayon panahon ng Pandemya. Sa kabila kasi ng
napakarami ang nawalan ng trabaho, pero tayo ay tuloy tuloy sa ating
trabaho kaya kahit papaano ay may napagkukunan tayo”, ang tugon ni
Minerva sa kanyang kaibigan. “ Kaya pala halos kaladkarin mo na ako. Alam
mo hindi lang sa pagsisimba maipapakita ang pagpapasalamat sa Diyos?
Ang wika ni Tess. “ Maraming paraan upang makapagpasalamat tayo.
Halimbawa ang ginagawa nating pagtulong sa pagpapakain sa mga street
children ay paraan ng pagpapasalamat sa Diyos. Maari din magbahagi tayo
ng anumang sobra sa ating sarili na mapapakinabangan ng mga
nangangailangan. Pagbibigay ng donasyon. Pagtulong sa mga nasalanta ng
anumang sakuna gaya ng lindol. baha , o sunog. At marami pa. Sabi nga ng
Diyos “ang anumang kabutihan na ginawa ninyo sainyo kapwa ay ginawa na
ninyo sa Akin”. “Aba! Oo nga pala. Nakalimutan ko na ang pangaral na iyan.
Tama ka Tess, hayaan mo at tatandaan ko ang mga sinabi mo. Maraming
Salamat sa pagpapaalala mo sa akin. Pero sa ngayon ay tumuloy na tayo sa
pagsimba tutal nandito na tayo, pagkatapos ay tulungan mo akong magligpit
ng aking mga hindi na ginagamit na damit upang ibigay ko sa evacuation
center.
Sagutin Natin:

Sagutan ang mga tanong sa loob ng tsart at isulat ang iyong sagot sa
nakalaang espasyo.

Bilang Tanong Sagot


1. Sino ang magkaibigan?
2. Bakit nagmamadali sa pag-uwi si
Minerva?
3. Ayon kay Tess pagsisimba lang
ba ang paraan ng
pagpapasalamat sa Diyos?
4. Ano-ano ang mga paraan ng
pagpapasalamat sa Diyos ang
iminungkahi ni Tess? Magbigay
ng dalawa.
5. Ikaw, ano ang iba pang paraan ng
pagpapasalamat sa Diyos ang
maimumungkahi mo? Magbigay
ng dalawang paraan.

MGA PAGSASANAY

PAGSASANAY A. Basahin ang sitwasyon.


Maramimg pagsubok ang dumaan sa buhay ng pamilya nina Mang Carding.
Magmula ng ideklara ni Pangulong Duterte ang Lockdown sa Kalakhang
Maynila ay nawalan na siya ng pinagkakakitaan ang pagtitinda ng balut. Lalo
pang silang nagkaproblema dahil nalubog sa baha ang kanilang bahay sa
kasagsagan ng bagyong Ulysses. Subalit hindi bumitaw sa pagtititwala sa
Diyos ang kanilang pamilya. Patuloy sila sa pagdarasal at pagpapasalamat na
,marami man pagsubok, sila ay hindi nagkakasakit. Hanggang sa may
dumating na isang pangkat ng mga NGOs na tumutulong sa mga nasalanta
ng mga kalamidad. Labis labis ang kanilang pasasalamat sa Diyos sapagkat
sila ay nakapagsimulnga muli ng panibagong buhay sa tulong ng NGOs at
iba pang taong may mabubuting kalooban
Kung ikaw ay kabilang sa pamilya ni Mang Carding, bukod sa pagdarasal
bilang pasasalamat, alin pa kaya sa mga gawain ang maari mong gawin bilang
pasasalamat sa Diyos sa mga biyaya na tinanggap ng iyong pamilya?

Isulat sa patlang ang opo kung ang gawain ay tumutukoy ng paraan ng


pagpapasalamat sa Diyos at hindi po kung ang gawain hindi tumutukoy sa
paraan ng pagpapasalamat sa Diyos.

________1. Pinagtawanan ang mga kamag-aral kapag nagkamali ng


sagot sa tanong sa aralin.
________2. Pagdodonate ng dugo sa Red Cross
________3. Pag bubolunter sa pagrerepack ng mga bigas, de lata at noodles
na ipamimigay sa mga nasalanta ng bagyo.
________4. Ipinagdadasal ang mga tinamaan ng sakit na covid-19 na sana ay
gumaling na agad sila.
________5. Pinalalakas ang kalooban ng kaibigan na nawawalan na ng pag-
asa sa buhay dahil sa pandemyang nararanasan ng buong
mundo.

PAGSASANAY B. Ikahon ang bilang na tumutukoy sa mga paraan ng


pagpapasalamat sa Diyos.

1. Pag-aalaga sa kagubatan dahil ito ay likas na yaman na bigay ng Diyos.


2. Pagsisimba lalo na sa mga araw na itinakda ng sariling relihiyon.
3. Pagbibigay ng mga donasyon para sa mga nasalanta ng mga sakuna.
4. Pagpapaalis sa mga pulubi na sumisilong sa tapat ng inyong bahay.
5. Pag-alok ng pansamantalang masisilungan habang inihahanda pa ang
evacuation center.
PAGSASANAY C.

Lagyan ng positive sign [ + ] ang bilang ng mga sitwasyon na tumutukoy ng


pagpapasalamat sa Diyos at negative sign [ - ] ang bilang ng mga sitwasyon
na hindi tumutukoy ng paraan ng pagpapasalamat sa Diyos. Isulat ang sagot
sa patlang.

_____1. Ang ating magulang ang pinagkakautangan natin ng ating buhay.


Kaya sa kanilang pagtanda marapat na bigyan natin sila ng ating pagkalinga,
pag-arugaat pagmamahal.

_____2. Sa kabila ng kahirapan sa buhay, sinisikap pa rin nina Aling Ester na


maitaguyod ang pag- aaral ng kanilang kaisaisa anak na si Annie. Subalit si
Annie ay mahilig makipagbarkada kaya napapabayaan niya ang kanyang sa
pag-aaral.

_____3. Kahit na gaano man karami ang gawain ni Anelie hindi niya
kinakalimutan ang pagsisimba sa araw ng Linggo upang makapagpasalamat
siya sa Diyos sa lahat ng biyaya na tinatanggap niya sa kanyang buhay.

_____4. Si Arnold ay inampon ng isang mabait na pamilya. Pinag-aral siya ng


mga ito hanggang sa makatapos. Kaya bilang pasasalamat, nang siya ay
magkaroon na ng hanapbuhay, nag isponsor ng isang batang mahirap
subalit nagsisikap na makatapos ng pag-aaral.

_____5. Ang mga guro sa isang paaralan ay namahagi ng bigas at de lata sa


barangay bilang pasasalamat nila dahil sa kabila ng pandemya ay mayroon
pa rin silang trabaho.
PAGLALAHAT

PANUTO: Isulat sa patlang ng bawat bilang ang salitang TAMA kung ang mga
nabanggit ay napag-aralan natin at MALI kung hindi napag-aralan.

_____1. Hindi lang sa pagsisimba ang paraan upang makapagpsalamat sa

Diyos.

_____2. Ang pagtulong sa kapwa lalo na sa mga nangangailangan ay isang

paraan ng pagpapasalamat sa Diyos.

_____3.Kapag matanda na ang mga magulang ay dalhin na sila sa bahay

ampunan.

_____4.Ang pangangalaga sa kalikasan ay nagpapakita ng pagpapasalamat sa

Diyos.

_____5.Ang pagbabahagi sa ibang tao ng ating mga biyaya ay nagpapakita ng

pagpapasalamat sa Diyos.

PAGPAPAHALAGA

Panuto: Basahin ang sitwasyon.

Sa bahay ampunan na namulat si Jessie. Ayon sa ampunan, siya ay


ipinanganak sa pagkadalaga subalit namatay sa panganganak ang kanyang
Ina.

Isang araw ay may dumalaw sa bahay ampunan at siya ay inampon ng mga


ito. Nagkaroon siya ng masayang tahanan at nakapagpatuloy ng kanyang pag
aaral.
Kung ikaw ang tinutukoy sa sitwasyon, piliin mo ang mga bilang na
tumutukoy ng paraan ng pagpapasalamat mo sa Diyos sa napakagandang
biyaya na ipinagkaloob sayo. Isulat ang sagot sa iyong activity notebook.

1. Pang-aasar sa kamag-aral dahil madalas siyang walang baon.

2. Pagsunod sa mga payo ng aking guro gaya ng pag-iwas sa mga maling

kaibigan.

3. Pag-aalaga sa kumupkop kapag siya ay maysakit.

4. Paghahati ng aking baon sa katabi ko na walang pagkain.

5. Pagsisimba at pagdadasal ng pagpapasalamat.

PANAPOS NA PAGSUSULIT

PANUTO:Bilugan ang mga bilang na nagpapakita ng paraan ng


pagpapasalamat sa Diyos.

1.Pagdadabog sa magulang kapag hindi nasunod ang gusto.


2. Pag-aaral ng mabuti upang makatapos.
3. Pag-uusal ng mataimtim na panalangin sa Diyos.
4. Pagtawanan ang mga taong may kapansanan.
5. Paghahatid ng tulong sa kapitbahay mo na nasunugan.
Ang mga ginamit sa araling ito ay sariling akda ng sumulat.
SANGGUNIAN
PANAPOS NA PAGSUSULIT PAGPAPAHALAGA PAGLALAHAT
1. 1. 1. TAMA
2. MAY BILOG 2. Nasa activity nb 2. TAMA
3. MAY BILOG 3. Nasa activity nb 3. MALI
4. 4 Nasa activity nb 4. TAMA
5. MAY BILOG 5 Nasa activity nb 5. TAMA
PAGSASANAY
A. B.
1. HINDI PO 1. MAY KAHON
PAUNANG
2. OPO 2. MAY KAHON
PAGSASANAY
3. OPO 3. MAY KAHON
4. OPO 4. BALIK ARAL 1. TSEK
5. OPO 5. MAY KAHON 1. MAY PUSO 2. EKIS
2. MAY PUSO 3. TSEK
C.
3. 4. TSEK
1. + 4. +
4. MAY PUSO 5. TSEK
2. - 5. +
3. + 5. MAY PUSO
SUSI SA PAGWAWASTO

You might also like