You are on page 1of 15

4

EPP - IE
Ikaapat na Markahan – Modyul 2
Iba’t ibang Uri ng Negosyo
EPP – Information and Communications Technology - Baitang 4
Alternative Delivery Mode
Ikaapat na Markahan – Modyul 2: Iba’t ibang Uri ng Negosyo
First Edition, 2021

Paunang Salita

Ang Self-Learning Module o SLM na ito ay maingat na inihanda para sa ating mag-aaral sa kanilang pag-aaral
sa tahanan. Binubuo ito ng iba’t ibang bahagi na gagabay sa kanila upang maunawaan ang bawat aralin at
malinang ang mga kasanayang itinakda ng kurikulum.

Ang modyul na ito ay may inilaang Gabay sa Guro/Tagapagdaloy na naglalaman ng mga paalala, pantulong o
estratehiyang magagamit ng mga magulang o kung sinumang gagabay at tutulong sa pag-aaral ng mga mag-aaral
sa kani-kanilang tahanan.

Ito ay may kalakip na paunang pagsusulit upang masukat ang nalalaman ng mag-aaral na may kinalaman sa
inihandang aralin. Ito ang magsasabi kung kailangan niya ng ibayong tulong mula sa tagapagdaloy o sa guro.
Mayroon ding pagsusulit sa bawat pagtatapos ng aralin upang masukat naman ang natutuhan. May susi ng
pagwawasto upang Makita kung tama o mali ang mga sagot sa bawat gawain at pagsusulit. Inaasahan naming na
magiging matapat ang bawat isa sa paggamit nito.

Pinapaalalahanan din ang mga mag-aaral na ingatan ang SLM na ito upang magamit pa ng ibang
mangangailangan. Huwag susulatan o mamarkahan ang anumang bahagi ng modyul. Gumamit lamang ng hiwalay
na papel sa pagsagot sa mga pagsasanay.

Hinihikayat ang mga mag-aaral na makipag-ugnayan agad sa kanilang guro kung sila ay makararanas ng suliranin
sap ag-unawa sa mga aralin at paggamit ng SLM na ito.

Sa pamamagitan ng modyul na ito at sa tulong ng ating mga tagapagdaloy, umaasa kami na matututo an gating
mag-aaral kahit wala sila sa paaralan.

Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa anomang paraan nang walang
pahintulot sa Kagawaran.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon - Paaralang Pansangay ng Aurora


Tagapamanihala: CATALINA P. PAEZ PhD, CESO V
Pangalawang Tagapamanihala: DANILO M. JACOBA

Development Team of the Module


Writer: Ligaya S. Glemao
Editor: Erbert B. Villareal
Reviewer: Paul Alvin D. Facelo
Illustrator: Suzette M. Mingua
Layout Artist: Zoren Ace P. Sese
Management Team: Erleo T. Villaros PhD
Esmeralda S. Escobar PhD
Estrella D. Neri
Milagros F. Bautista PhD

Inilimbag sa pilipinas ng Kagawaran ng Edukasyon – Rehiyon III


Pampaaralang Pansangay ng SDO Aurora

Office Address: Sitio Hiwalayan,Brgy. Bacong,San Luis,Aurora


Telefax:
Email Address: aurora@deped.gov.ph

ii
Alamin

Ang modyul na ito ay naglalaman ng mga pagsasanay na


susukat at lilinang sa iyong kaalaman at makatutulong upang
mapaunlad mo ang iyong kakayahan at kasanayan sa pagtuklas
ng iba’t ibang uri ng negosyo na maaari nating iangkop sa lugar o
pamayanang ating kinabibilanagan.

Sa modyul na ito ay inaasahang matatamo mo ang


sumusunod na mga kasanayan:
1. natutukoy ang mga paraan ng pagkakaroon ng
sariling negosyo;
2. naiisa-isa ang iba’t ibang uri ng negosyo; at
3. naisasagawa ang pagkilala sa iba’t ibang uri ng
negosyo. EPP4IE-0b-2

Subukin

Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang mga pangungusap.


Isulat sa sagutang papel ang T kung tama ang sinasabi ng
pangungusap at M kung mali.

1.Nararapat lamang na mataas ang presyo ng iyong paninda


kaysa sa iba.
2.Sa pagbibigay ng serbisyo, kinakailangan na masiyahan ang
iyong mga kliyente o kustomer.
3.Sa pakikipag-usap, kinakailangang mas mataas ang boses mo
kaysa sa mamimili.
4.Produkto lang ang mahalaga sa negosyo at hindi ang
mamimili.
5.Mas mahalagang kumita nang malaki kaysa unahin ang
kapakanan ng mamimili.

1
Aralin Iba’t ibang Uri
1 ng Negosyo
Mahalagang malaman ng isang mag-aaral na tulad mo ang
iba’t ibang uri ng negosyo na mayroon sa inyong pamayanang
iyong kinabibilangan upang maging bukas ang iyong isipan sa
pinagkukunan o ikinabubuhay ng mga mamamayan. Mahalaga
ring malaman ang mga katangian ng mga nagnenegosyo at kung
paano nila pinamamahalaan ito.
Handa ka na bang malaman at matutuhan ang iba’t ibang
uri ng negosyo? Tiyak na magugustuhan mo ang iyong
matutuklasan sa pagpapatuloy ng araling ito.

Balikan

Panuto. Mula sa binuong palaisipan, hanapin ang limang


katangian ng isang entepreneur. Isulat ang iyong sagot sa
sagutang papel.

Q M E R T Y U I H M J K L D
S A D G H I J K K A H J K F
D T S H J M U L H S R E G Y
M A S I P A G M T E F G T B
F T V N L S I N I R E S R T
R A A J K I L J W W A W Q R
T G C K L G I U A T R T Y E
D A D L M A T A L I N O R O
A N S U L S Y I A B D F H T
V G R N J I U U S H Y U H N
T L E M H G M M A U G R R J
X O A K Y K I I R H H E T K
D O D J U L I L I A N S G M
C B I H T M N N L Y H R H L
V B H U R K K N I F J T Y N
C N J U B L L G P Y N E U G

2
Tuklasin

Tingnan ang mga larawan. Ito ay tumutukoy sa mga iba’t


ibang uri ng negosyo na mayroon ang bawat tao.
Pumili sa mga nasa larawan isulat sa sagutang papel ang uri
ng negosyo na makikita mo sa inyong pamayanan.

3
Suriin

Mga Paraan sa Pagkakaroon ng Sariling Negosyo

1. Gawa ng isang produkto galing sa pinagkukunang yaman gaya


ng negosyong furniture.
2. Pagkakaloob ng serbisyo nang kabayaran tulad ng barbero at

Isang mahalagang aspeto sa pagnenegosyo ang pakikipag-


usap sa mga kustomer o kliyente. Bilang isang negosyante
kailangang gumamit ka ng mga salitang may personal touch
upang makahikayat ka ng iyong kustomer na siyang tatangkilik
sa produktong iyong ibinebenta. Ang mamimili ay kailangang
masiyahan sa iyong produkto at serbisyong ibinibigay upang
makuha ang tiwala at pagtangkilik sa uri ng iyong negosyo. Sa
bawat pakikipag-usap sa mga kustomer lagi tayong gumamit ng
mga salitang may personal touch.

Basahin at pag-aralan ang usapan:

Kumusta? Magandang umaga po.


Pasok po kayo.

Salamat! Magaling ang iyong ginawa.

4
Para sa inyo po ito. Salamat po sa
pagtangkilik sa aming produkto.

Iba’t ibang Uri ng Negosyo

May iba’t ibang uri ng negosyo sa ating pamayanan na siyang


pinagkukunan ng ikinabubuhay ng ating mga negosyante.
Nakatutulong din ito sa ibang walang pinagkakakitaan dahil
nakapagbibigay ito ng hanapbuhay sa mga tao.
1. Barber Shop – Nagsasagawa ng paggugupit ng buhok.
2. Vulcanizing Shop – Gumagawa ng sira o flat na gulong.
3. Shoe Repair Shop – Nagsasaayos ng mga sirang sapatos.
4. Service Driver – Naghahatid at nanunundo sa mga pupuntahan.
5. Sari-sari Store – Nagtitinda ng mga tingi-tinging produkto.
6. Laundry Shop – Naglalaba ng maruruming damit.
7. Online Selling – Nagtitinda ng mga iba’t ibang kagamitan.
8. Tailoring Services – Nananahi ng iba’t ibang kasuotan.
9. Home Carpentry – Gumagawa ng bahay.
10. Electrician - Nagkukumpuni ng sirang kagamitang de- koryente
o appliances.

5
Pagyamanin

A. Panuto: Ang mga nasa larawan ay tumutukoy sa iba’t ibang uri


ng negosyo na mayroon ang bawat tao. Isulat sa iyong sagutang
papel kung ano ang serbisyong iniaalok ng mga nasa larawan.

Uri ng Negosyo Serbisyong Iniaalok

6
7
B. Panuto: Basahin ang teksto sa ibaba at isulat sa sagutang papel
ang mga uri ng negosyo na mababanggit dito.

San Isidro, Ang Aking Komunidad

Maganda, malinis at tahimik ang aming lugar. Abala ang


bawat tao sa kani-kanilang hanapbuhay. Sa aming komunidad ay
maraming uri ng negosyo. Narito ang talipapa at munting Sari-sari
Store ni Lola Boning kung saan mabibili ang pang araw araw na
pangangailangan, ang pagawaan ng masarap na suman ni Ate
Gesa na nakararating sa malalayong bayan, ang ihaw-ihaw ni Ate
Laura, at ang karinderya ni Che kung saan makabibili ka ng
mainit at masarap na lugaw. Mayroon ding pagupitan si Tekla at
ang lumalagong grocery ni Ate Coralyn na nasa gilid ng daan
papuntang paaralan.

Sa kahabaan naman ng national road papuntang Maria


Aurora ay nariyan ang gasolinahang Bright Fuel Star at sa tabi
nito ay ang vulcanizing shop ni Mang Mentoy. Makikita mo rin ang
mga nagtitinda ng sariwang isda sa mga gilid ng kalsada kagaya
ni Aling Ising.

Makikita ang bawat tao na lahat ay may ginagawa sapagkat


maraming hanapbuhay na pinagkakaabalahan ang bawat isa.

8
A. Panuto: Isulat sa sagutang papel ang letrang A kung
nagpoprodyus o gumagawa sa produkto at letrang B naman kung
nagkakaloob ng serbisyo nang kabayaran at P kung parehong
nagbibigay ng produkto at serbisyo.

__________ 1. Karpintero

__________ 2. Barbero

__________ 3. Modista

__________ 4. Tindera

__________ 5. Sapatero

Isaisip

Panuto: Basahing mabuti ang mga pangungusap. Piliin sa loob ng


kahon ang salitang angkop upang mabuo ang isinasaad sa bawat
pangungusap. Isulat ang sagot sa sagutang papel.

produkto pinagkukunang yaman mamimili


trabaho enterpreneur personal touch

1. Kadalasang gumagamit ang mga enterpreneur o negosyante ng


mga salitang may ____________________.
2. Kailangang masiyahan ang mga ____________________ sa
produkto at serbisyong iyong ipinagkakaloob.
3. Ito ay isang indibidwal na nagsasaayos at nakikipagsapalaran
sa negosyo ____________________.
4. Ang pagpo-produce o paggawa ng isang produkto ay galing sa
____________________.
5. Upang umunlad ang isang tao sa pagnenegosyo,
kinakailangang maging masipag sa _____________________.

9
Isagawa

Panuto. Gumawa ng isang survey sa inyong purok sa tulong ng


nakatatandang miyembro ng inyong pamilya tungkol sa iba’t ibang
uri ng negosyo gamit ang talahanayan sa ibaba. Gawin ding gabay
ang rubriks na nakalahad.

Paraan ng Pagkakaroon
Pangalan Uri ng Negosyo Pirma
ng Sariling Negosyo

Rubriks:
Kaangkupan ng Detalye
20 puntos - Nasagot nang tama ang mga detalyeng hinihingi sa
bawat kolum.
15 puntos – Nasagot ang bawat kolum ngunit may isang hindi-
tugma ang detalye.
10 puntos – Nasagot ang bawat kolum ngunit may dalawang hindi
tugmang detalye.
5 puntos – Nasagot ang bawat kolum ngunit may tatlong hindi
tugmang detalye.

10
Tayahin

Panuto: Basahing mabuti ang mga pangungusap. Piliin at isulat


ang titik ng tamang sagot sagutang papel.

1. Nakita ni Kolin ang lagayan niya ng maruruming damit, ngunit


hindi niya magawang maglaba sapagkat marami pa siyang
tinatapos na gawain sa kanilang paaralan. Saan siya dapat
pumunta?
A. barber shop C. laundry shop
B. carwash D. parlor
2. “Naruto! Naruto! Halika nga rito at bumili ka ng suka para dito
sa ipapaksiw kong isda,” utos ng kaniyang nanay. Saan siya
dapat pumunta?
A. barber shop C. carwash
B. botika D. sari-sari store
3. Dumating ang inyong sasakyan galing byahe. Nakita mong
maputik ang mga gulong nito at maalikabok ang mga salamin.
Saan ito dapat dalahin?
A. botika C. karinderya
B. carwash D. vulcanizing shop
4. Sa iyong paglalakad, hindi sinasadyang bumuka ang gilid ng
iyong suot na sapatos. Saan mo dapat dalahin?
A. barber shop C. parlor
B. carwash D. shoe repair shop
5. Sumakay kayo ng tricycle papuntang palengke. Nagulat ka nang
may biglang pumutok. Nakita mo na na-flat ang gulong ng
inyong sinasakyang tricycle. Ano ang dapat gawin ng driver sa
gulong ng tricycle?
A. ipa-salon C. ipa-carwash
B. ipa-laundry D. ipa-vulcanize

11
12
Subukin Balikan
1. M 1. Tiwala sa Sarili
2. T 2. Matatag ang Loob
3. M 3. Masipag
4. M 4. Masigasig
5. Matalino
5. M
Pagyamanin Isaisip Tayahin
1. personal touch 1. c
2. mamimili 2. d
1. Gumagawa ng 3. enterpreneur 3. d
sirang gulong ng 4. pinagkukunang 4. d
sasakyan yaman 5. d
2. Paggugupit ng 5. trabaho
buhok
3. Nagtatahi ng mga
damit
4. Gumagawa ng
bahay
5. Nagtitinda ng Ice
cream
1. Talipapa
2. Sari-sari Store
3. Pagawaan ng suman
4. Ihaw-ihawan
5. Karinderya
6. Grocery store
7. Gasolinahan
8. Vulcanizing shop
9. Pagupitan
10. Nagtitinda ng isda
C.
1. matiyaga
2. may tiwala sa sarili
3. masigasig
4. matatag ang loob
5. may kaalaman sa
produkto
6. masipag
7. handang tumulong
8. may malasakit
Susi sa Pagwawasto
Sanggunian

Gabay Pangkurikulum ng EPP sa Baitang 4. 2016. Republika ng


Pilipinas: Kagawaran ng Edukasyon.
Most Essential Learning Competencies with Corresponding CG
Codes/Suggested LRs. n.d. Republika ng Pilipinas:
Kagawaran ng Edukasyon.

Samadan, E F. at mga kasama. 2019. Edukasyong Pantahanan at


Pangkabuhayan 4 (Manwal ng Guro). Republika ng Pilipinas:
Kagawaran ng Edukasyon.

Samadan, E.F. at mga kasama. 2015. Edukasyong Pantahanan at


Pangkabuhayan 4 (Batayang Aklat). Republika ng Pilipinas:
Kagawaran ng Edukasyon.

13

You might also like