You are on page 1of 14

Edukasyon sa

Pagpapakatao 5
Edukasyon sa Pagpapakatao – Ikalimang Baitang
Ikaapat na Markahan – Modyul 2: Naipapakita ang mga gawain na nagsasaad
ng pagsasaalang-alang sa kapakanan ng kapwa
Unang Edisyon, 2020
Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring
magkaroon ng karapatang-sipi ang sinuman sa anumang akda ng Pamahalaan ng
Pilipinas. Gayunpaman, kailangan na may pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng
pamahalaan na naghanda ng akda kung ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga
maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay ang pagtakda ng kaukulang
bayad.
Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o
brand name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa
modyul na ito ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang
malikom ang mga ito upang makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi
inaangkin ng mga tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang
anumang gamit maliban sa modyul na ito ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga
orihinal na may-akda.

Walang anumang bahagi ng nilalaman nito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa


anumang paraan nang walang pahintulot sa kagawaran.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon Dibisyon ng Lungsod ng Pasig.

Komite sa Pagsulat ng Modyul


Manunulat: Mereniza R. Landoy
Editor: Nida C. Francisco
Tagasuri: Perlita M. Ignacio RGC, Ph.D./Josephine Z. Macawile
Tagaguhit: Edison P. Clet
Tagalapat:
Tagapamahala: Ma. Evalou Concepcion A. Agustin
OIC-Schools Division Superintendent
Carolina T. Rivera EdD
OIC-Assistant Schools Division Superintendent
Victor M. Javeña EdD
Chief, School Governance and Operations Division and
Manuel A. Laguerta EdD
OIC-Chief, Curriculum Implementation Division

Education Program Supervisors

Librada L. Agon EdD (EPP/TLE/TVL/TVE)


Liza A. Alvarez (Science/STEM/SSP)
Bernard R. Balitao (AP/HUMSS)
Joselito E. Calios (English/SPFL/GAS)
Norlyn D. Conde EdD (MAPEH/SPA/SPS/HOPE/A&D/Sports)
Wilma Q. Del Rosario (LRMS/ADM)
Ma. Teresita E. Herrera EdD (Filipino/GAS/Piling Larang)
Perlita M. Ignacio PhD (EsP)
Dulce O. Santos PhD (Kindergarten/MTB-MLE)
Teresita P. Tagulao EdD (Mathematics/ABM)
Inilimbag sa Pilipinas, Kagawaran ng Edukasyon – Pambansang Punong Rehiyon
Tanggapan ng mga Paaralan ng Sangay-Lungsod Pasig
Edukasyon sa
Pagpapakatao 5
Ikaapat na Markahan
Modyul para sa Sariling Pagkatuto 2

Pagpapakita ng Pagsasaalang-
alang sa Kapwa
Paunang Salita

Para sa tagapagdaloy:
Malugod na pagtanggap sa asignaturang Edukasyon sa Pagpapakatao 5 ng
Modyul para sa araling Pagpapakita ang mga gawain na nagsasaad ng
pagsasaalang-alang sa kapakanan ng kapwa!

Ang modyul na ito ay pinagtulungang idinisenyo, nilinang at sinuri ng mga


edukador mula sa Tanggapan ng mga Paaralan ng Sangay-Lungsod Pasig na
pinamumunuan ng Nanunuparang Pinuno-Tanggapan ng Pansangay na
Tagapamanihala, Ma. Evalou Concepcion A. Agustin, sa pakikipag-ugnayan sa
Lokal na Pamahalaan ng lungsod sa pamumuno ng butihing Punong Lungsod, Kgg.
Victor Ma. Regis N. Sotto, upang matulungang makamit ng mag-aaral ang
pamantayang itinakda ng Kurikulum ng K to12 habang kanilang pinanagumpayan
ang pansarili, panlipunan at pang-ekonomikong hamon sa pag-aaral.

Inaasahan na sa pamamagitan ng modyul na ito, ang mga mag-aaral ay


makauugnay sa pamamatnubay at malayang pagkatuto ng mga gawain ayon sa
kanilang kakayahan, bilis at oras. Naglalayon din itong matulungan ang mag-aaral
na makamit ang mga kasanayang pang-ika-21 siglo lalong-lalo na ang 5 Cs
(Communication, Collaboration, Creativity, Critical Thinking and Character) habang
isinasaalang-alang ang kanilang mga pangangailangan at kalagayan.

Bilang karagdagan sa pangunahing teksto, makikita ang pinakakatawan ng


modyul sa loob kahong ito:

Mga Tala para sa Guro


Ito'y naglalaman ng mga paalala at
estratehiyang magagamit sa paggabay sa
mag-aaral.

Bilang tagapagdaloy, inaasahang bibigyan mo ng paunang kaalaman ang


mag-aaral kung paano gamitin ang modyul na ito. Kinakailangan ding subaybayan
at itala ang pag-unlad nila habang hinahayaan silang pamahalaan ang kanilang
sariling pagkatuto. Bukod dito, inaasahan mula sa iyo na higit pang hikayatin at
gabayan ang mag-aaral habang isinasagawa ang mga gawaing nakapaloob sa
modyul.
Para sa mag-aaral:

Malugod na pagtanggap sa Edukasyon sa Pagpapakatao 5. Modyul ukol sa


Pagpapakita ang mga gawain na nagsasaad ng pagsasaalang-alang sa kapakanan
ng kapwa!

Ang modyul na ito ay ginawa bilang tugon sa iyong pangangailangan.


Layunin nitong matulungan ka sa iyong pag-aaral habang wala ka sa loob ng silid-
aralan. Hangad din nitong madulutan ka ng mga makabuluhang oportunidad sa
pagkatuto.

Ang modyul na ito ay may mga bahagi at icon na dapat mong maunawaan.

MGA INAASAHAN
Sa bahaging ito malalaman mo ang mga dapat mong
matutuhan pagkatapos mong makumpleto ang modyul.

PAUNANG PAGSUBOK
Dito masusukat ang dati mo nang kaalaman at mga dapat mo
pang malaman sa paksa.

BALIK-ARAL
Dito masusukat ang iyong natutuhan at naunawaan sa mga
naunang paksa.

ARALIN
Tatalakayin sa bahaging ito ang aralin batay sa kasanayang
pampagkatuto.

MGA PAGSASANAY
Sa bahaging ito, pagbibigay ng guro ng iba’t ibang pagsasanay
na dapat sagutin ng mga mag-aaral.

PAGLALAHAT
Sa bahaging ito ibinuod ang mahahalagang konsepto na dapat
bigyang-halaga.

PAGPAPAHALAGA
Sa bahaging ito ay titiyakin kung ang mga kasanayang
pampagkatuto ay naiuugnay at nailalapat sa inyong mga
pagpapahalaga.

PANAPOS NA PAGSUSULIT
Dito masusukat ang mga natutuhan ng mga mag-aaral.
MGA I N A A S A H A N

Sa pagtatapos ng aralin, ang mga mag-aaral ay inaasahang maipakikita ang


mga gawain na nagsasaad ng pagsasaalang-alang sa kapanan ng kapwa.

PAUNANG PAGSUBOK

Panuto: Piliin ang titik ng tamang sagot.

1. Tinutukso si Miya ng mga bata sa kanila dahil sa luma niyang kasuotan.


Ano ang iyong gagawin?
A. Sasali ako sa panunukso kay Miya.
B. Sasabihan ko ang ang mga bata na mali ang kanilang ginagawa.
C. Mananahimik lang at panunuorin ang panunukso ng mga bata.
2. Nasunugan ang iyong kaklase at halos wala silang naisalbang gamit,
Anong tulong ang maaari mong gawin?

A. Magbigay ng damit at pagkain.

B. Balewalain ang nangyari sa kanila.

C. Hayaang iba ang tumulong sa kanila.

3. Mahiyaing bata si Liezel, hindi siya masyadong nakikipag-usap sa iba,


nais mo siyang isali sa inyong paglalaro, ano ang iyong gagawin?

A. Pilitin mo siyang makipaglaro sa inyo.

B. Tatakutin siya upang makipaglaro sa inyo.

C. Kumbinsihin siya na nais mong makipaglaro at makipagkaibigan.

4. Inutusan ka ng iyong ina na bumili sa tindahan, sa paglalakad mo ay may


nakasabayan kang babaeng nagmamadali at hindi niya napansin na
nalaglag ang kanyang wallet. Ano ang iyong gagawin?

A. Hindi sasabihin at pasekretong kukunin ang wallet.

B. Pupulutin ang wallet at tatawagin ang babae upang maibigay.


C. Hindi papansinin ang nangyari at patuloy na maglalakad papuntang
tindahan .

5. May ipinagagawang proyekto sa sining ang inyong guro. Tinawagan ka ng


iyong kaklase at gusto niya ay magpagawa sa iyo ngunit nais mong
tumanggi dahil bilin ng inyong guro na kayo ang gagawa. Ano ang iyong
sasabihin sa kanya na hindi masasaktan ang kanyang damdamin?

A. Pasensya ka na, marami akong ginagawa.

B. Pasensya ka na, hindi kita pwedeng ipaggawa kung gusto mo


tutulungan na lang kita.

C. Pasensya ka na, baka mapagalitan tayo kapag nalaman ng ating


guro na ipinaggawa kita ng ating proyekto.

BALIK-ARAL

Panuto: Isulat ang Wasto sa patlang kung pahayag ay nagsasaad ng


pagsasaalang - alang sa kapakanan sa kapwa at Di-wasto kung
hindi.

________ 1. Tumulong ng walang alinlangan ang pamilya Diaz sa biktima ng


bagyo.

________ 2. Paggalang sa opinyon ng iba.

________ 3. Ang paggawa ng mabuti sa kapwa ay kailangang taglay natin sa


tuwina.

________ 4. Nagpapahiram sa nangangailangan ngunit pinatutubuan.

________ 5. Ikinalulugod ng Diyos ang ginagawa nating pagsasaalang-alang


sa kapakanan ng ating kapwa.

ARALIN
Ang Magkaibigan
Sina Isha at Anna ay matalik na magkaibigan simula pagkabata.
Magkaiba man ang katayuan sa buhay, hindi ito naging hadlang sa kanilang
pagkakaibigan. Kung anong meron si Isha ay ibinabahagi niya ito kay Anna.

Inanyayahan ni Isha na maglaro si Anna sa kanilang tahanan isang araw.


Sa masayang paglalaro ay di sinasadyang nasagi ni Isha ang cellphone ng
kanyang ina at nabasag ang screen ito, takot na takot ito sa nangyari na tila
maiiyak. Agad na lumapit si Anna at sinabing, “huwag kang mag-alala
sasamahan kitang ipaliwanag ang nangyari” at sumang-ayon si Isha.

Magkasamang nagtungo ang magkaibigan sa ina ni Isha upang sabihin


ang nangyari. Imbes na magalit ay ikinatuwa ng ina ang pagsasabi ng totoo
at pinayuhan sila na mag-ingat sa susunod.

Sagutin ang sumusunod na tanong.

1. Sino ang dalawang magkaibigan sa kuwento?

_______________________________________________________________________

2. Anong nangyari habang naglalaro sila Isha at Anna?

_______________________________________________________________________

3. Sang-ayon ka ba sa desisyong ginawa ng dalawang magkaibigan?

_______________________________________________________________________

4. Anong pagsasalang-alang sa kapanan ni Isha ang ginawa ni Anna?

_______________________________________________________________________
Tandaan:
Ang pagpapahalaga sa kapwa ay maipakikita sa
pamamagitan ng pagdamay sa kanila sa panahon ng problema,
sa mga panahon na sila ay nag-iisa at nangangailangan ng
kasama.

MGA PAGSASANAY

Pagsasanay 1
Panuto: Iguhit ang masayang mukha kung nagsasaad ng
pagsasaalang-alang ng kapakanan ng kapwa at malungkot na
mukha kung hindi.

__________ 1. Iniiwasan ni May na makisali sa usapan ng matatanda.


__________ 2. Nakita ni Faith na walang baon ang kanyang kaklase kaya’t
binigyan niya ito ng kanyang kinakain.
__________ 3. Hindi gumagamit ng po at opo si Axel habang nakikipag-usap
sa matanda.
__________ 4. Nakikipagtalo ang pinuno sa kaniyang miyembro dahil nais
niyang siya lamang ang masunod.
__________ 5. Tahimik si John na gumagawa ng kanyang takdang -aralin
habang ang ate niya ay nasa online class.

Pagsasanay 2
Panuto: Isulat ang PK kung ang pangungusap ay nagpapakita ng
pagpapahalaga sa kapwa at HPK naman kung hindi.
__________ 1. Pamimintas sa kasuotan ng iba.
__________ 2. Paggamit ng po at opo sa pakikipag-usap sa nakatatanda.
__________ 3. Pagbibigay kasiyahan sa mga lolo at lola.
__________ 4. Pagsingit sa mahabang pila upang mauna.
__________ 5. Pakikinig sa mga payo ng mga magulang.
Pagsasanay 3
Panuto: Isulat ang maaaring mong gawing tulong sa mga larawang iyong
nakikita.

_____________________________________________

_____________________________________________

_____________________________________________

_____________________________________________
_____________________________________________

PAGLALAHAT

Ipaliwanag ang isang Bible Verse mula sa mga Hebreo 13:16.

“ At huwag nating kaligtaan ang paggawa ng mabuti at ang


pagtulong sa kapwa, sapagkat iyan ang alay na kinalulugdan
ng Diyos.”

PAGPAPAHALAGA

Ikaw ay napiling pinuno ng inyong pangkat para sa isang gawain. Nagkaroon


kayo ng pagpupulong online upang mapagplanuhan ninyo ang inyong
gagawin. Ang bawat miyembro ng pangkat ay nagbigay ng mungkahi,
nagkataon na isa sa mga ito ay galing sa iyong kaibigan at siya ay umaasa
na ang kanyang mungkahi ang masunod. Ano ang iyong gagawin?

Ang aking gagawin ay _____________________________________


_____________________________________________________________

_____________________________________________________________
PANAPOS NA PAGSUSULIT

Panuto: Basahing mabuti ang mga pangungusap. Iwasto ang mga ito
upang maipakita ang pagsasaalang-alang sa kapanan ng kapwa.

1. Magbingi-bingihan sa payo ng mga magulang.


____________________________________________________________________
2. Pagsagot nang pabalang sa mga nakatatanda.
____________________________________________________________________
3. Pagsasabi ng di-makatotohanan sa kapwa.
____________________________________________________________________
4. Pagpili ng taong gustong tulungan lamang.
____________________________________________________________________
5. Pansariling kaligayahan lamang ang isipin sa tuwina.
____________________________________________________________________
Panapos na Gawain
1. Pakinggang Mabuti ang mga payo ng mga Pagsasanay 2
magulang.
1.HPK
2. Pagsagot ng may paggalang sa mga
nakatatanda. 2. PK
3. Pagsasabi ng katotohanan sa kapwa. 3. Pk
4. Pagtulong sa mgataong nangangailangan. 4. HPK
5. Isipin ang kaligayahan ng lahat sa tuwina. 5. PK
Pagsasanay 1 Balik-aral Paunang Pagsubok
1. Wasto 1. B
1. 4.
2. Wasto 2. A
2. 5. 3. Wasto 3. C
4. Di - Wasto 4. B
3.
5. Wasto 5. B
SUSI SA PAGWAWASTO
Sanggunian

Online o Elektronikong Pinagmulan

https://images.app.goo.gl/9QnpPfThUHT5XVg2A

https://images.app.goo.gl/Nk7sjdXu6qCimdJj9

https://images.app.goo.gl/WFVpcXZLGFdkTTgHA

https://images.app.goo.gl/Jnm1HT8dA5jxGVYu8

https://images.app.goo.gl/V5cY6UmsBVeJ5nqW9

https://images.app.goo.gl/ZmuPTtQA6wmnpw1X6

You might also like