You are on page 1of 32

4

SINING
Unang Markahan – Modyul 5:
PAGGUHIT
Sining – Ikaapat na Baitang
Self-Learning Module (SLM)
Unang Markahan – Modyul 5: Pagguhit
Unang Edisyon, 2020
Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng
karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayunpaman, kailangan
muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito
ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay
ang pagtakda ng kaukulang bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand name,
tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito ay
nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang
makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at
mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit maliban sa modyul na ito ay
kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.

Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa anomang
paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.
Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon
Kalihim: Leonor Magtolis Briones
Pangalawang Kalihim: Diosdado M. San Antonio

Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul


Manunulat: Annabelle D. Cortez
Editors: Jan Christian M. Pelaez, Sharon Y. Somera
Tagasuri: Evelyn C. Frusa PhD, Napoleon G. Comicho, Rolex H. Lotilla, Arvin M. Tejada
Tagaguhit: Annabelle D. Cortez
Tagalapat: Deliah A. Seloterio
Pabalat na may Malikhaing Disenyo: Arvel Garry L. Campollo
Tagapamahala: Allan G. Farnazo, CESO IV – Regional Director
Fiel Y. Almendra, CESO V – Assistant Regional Director
Crispin A. Soliven Jr., CESE - Schools Division Superintendent
Roberto J. Montero EdD, CESE – Asst. Schools Division Superintendent
Gilbert B. Barrera – Chief, CLMD
Arturo D. Tingson Jr. – REPS, LRMS
Peter Van C. Ang-ug – REPS, ADM
Magdaleno C. Duhilag Jr. - REPS, MAPEH
Belen L. Fajemolin PhD - CID Chief
Evelyn C. Frusa PhD – Division EPS In Charge of LRMS
Bernadita M. Villano – ADM Coordinator
Napoleon G. Comicho – EPS, MAPEH Supervisor

Printed in the Philippines by Department of Education – SOCCSKSARGEN Region

Office Address: Regional Center, Brgy. Carpenter Hill, City of Koronadal


Telefax: (083) 2288825/ (083) 2281893
E-mail Address: region12@deped.gov.ph
4

SINING
Unang Markahan – Modyul 5:
PAGGUHIT
Paunang Salita
Para sa tagapagdaloy:
Malugod na pagtanggap sa asignaturang Sining IV ng Self-
Learning Module (SLM) para sa araling Pagguhit !
Ang modyul na ito ay pinagtulungang dinisenyo, nilinang at sinuri
ng mga edukador mula sa pampubliko at pampribadong
institusyon upang gabayan ka, ang gurong tagapagdaloy upang
matulungang makamit ng mag-aaral ang pamantayang itinakda
ng Kurikulum ng K to12 habang kanilang pinagtagumpayan ang
pansarili, panlipunan at pang-ekonomikong hamon sa pag-aaral.
Ang tulong-aral na ito ay umaasang makauugnay ang mag-aaral
sa mapatnubay at malayang pagkatuto na mga gawain ayon sa
kanilang kakayahan, bilis at oras. Naglalayon din itong
matulungan ang mag-aaral upang makamit ang mga kasanayang
pan-21 siglo habang isinasaalang-alang ang kanilang mga
pangangailangan at kalagayan.
Bilang karagdagan sa materyal ng pangunahing teksto, makikita
ninyo ang kahong ito sa pinakakatawan ng modyul:

Mga Tala para sa Guro


Ito'y naglalaman ng mga paalala, panulong o
estratehiyang magagamit sa paggabay sa mag-
aaral.

Bilang tagapagdaloy, inaasahang bibigyan mo ng paunang


kaalaman ang mag-aaral kung paano gamitin ang modyul na ito.
Kinakailangan ding subaybayan at itala ang pag-unlad nila
habang hinahayaan silang pamahalaan ang kanilang sariling
pagkatuto. Bukod dito, inaasahan mula sa iyo na higit pang
hikayatin at gabayan ang mag-aaral habang isinasagawa ang mga
gawaing nakapaloob sa modyul.
Para sa mag-aaral:

ii
Malugod na pagtanggap sa Sining IV ng Self-Learning Module
(SLM) ukol sa Pagguhit !
Ang modyul na ito ay ginawa bilang tugon sa iyong
pangangailangan. Layunin nitong matulungan ka sa iyong pag-
aaral habang wala ka sa loob ng silid-aralan. Hangad din nitong
madulutan ka ng mga makabuluhang oportunidad sa pagkatuto.
Ang modyul na ito ay may mga bahagi at icon na dapat mong
maunawaan.

Alamin Sa bahaging ito, malalaman mo ang


mga dapat mong matutuhan sa
modyul.
Subukin Sa pagsusulit na ito, makikita natin
kung ano na ang kaalaman mo sa
aralin ng modyul. Kung nakuha mo
ang lahat ng tamang sagot (100%),
maaari mong laktawan ang
bahaging ito ng modyul.
Balikan Ito ay maikling pagsasanay o balik-
aral upang matulungan kang
maiugnay ang kasalukuyang aralin
sa naunang leksyon.
Tuklasin Sa bahaging ito, ang bagong aralin
ay ipakikilala sa iyo sa maraming
paraan tulad ng isang kuwento,
awitin, tula, pambukas na
suliranin, gawain o isang
sitwasyon.
Suriin Sa seksyong ito, bibigyan ka ng
maikling pagtalakay sa aralin.
Layunin nitong matulungan kang
maunawaan ang bagong konsepto
at mga kasanayan.

iii
Pagyamanin Binubuo ito ng mga gawaing para
sa malayang pagsasanay upang
mapagtibay ang iyong pang-unawa
at mga kasanayan sa paksa.
Maaari mong iwasto ang mga sagot
mo sa pagsasanay gamit ang susi
sa pagwawasto sa huling bahagi ng
modyul.
Isaisip Naglalaman ito ng mga katanungan
o pupunan ang patlang ng
pangungusap o talata upang
maproseso kung anong natutuhan
mo mula sa aralin.
Isagawa Ito ay naglalaman ng gawaing
makatutulong sa iyo upang
maisalin ang bagong kaalaman o
kasanayan sa tunay na sitwasyon o
realidad ng buhay.
Tayahin Ito ay gawain na naglalayong
matasa o masukat ang antas ng
pagkatuto sa pagkamit ng
natutuhang kompetensi.
Karagdagang Sa bahaging ito, may ibibigay sa
Gawain iyong panibagong gawain upang
pagyamanin ang iyong kaalaman o
kasanayan sa natutuhang aralin.
Susi sa Naglalaman ito ng mga tamang
Pagwawasto sagot sa lahat ng mga gawain sa
modyul.

iv
Sa katapusan ng modyul na ito, makikita mo rin ang:

Ito ang talaan ng lahat ng


Sanggunian pinagkuhanan sa paglikha o
paglinang ng modyul na ito.

Ang sumusunod ay mahahalagang paalala sa paggamit ng modyul


na ito:
1. Gamitin ang modyul nang may pag-iingat. Huwag lalagyan
ng anumang marka o sulat ang anumang bahagi ng modyul.
Gumamit ng hiwalay na papel sa pagsagot sa mga
pagsasanay.
2. Huwag kalimutang sagutin ang Subukin bago lumipat sa iba
pang gawaing napapaloob sa modyul.
3. Basahing mabuti ang mga panuto bago gawin ang bawat
pagsasanay.
4. Obserbahan ang katapatan at integridad sa pagsasagawa ng
mga gawain at sa pagwawasto ng mga kasagutan.
5. Tapusin ang kasalukuyang gawain bago pumunta sa iba
pang pagsasanay.
6. Pakibalik ang modyul na ito sa iyong guro o tagapagdaloy
kung tapos nang sagutin lahat ng pagsasanay.
Kung sakaling ikaw ay mahirapang sagutin ang mga gawain sa
modyul na ito, huwag mag-aalinlangang konsultahin ang inyong
guro o tagapagdaloy. Maaari ka rin humingi ng tulong kay nanay
o tatay, o sa nakatatanda mong kapatid o sino man sa iyong mga
kasama sa bahay na mas nakatatanda sa iyo. Laging itanim sa
iyong isipang hindi ka nag-iisa.
Umaasa kami, sa pamamagitan ng modyul na ito, makararanas ka
ng makahulugang pagkatuto at makakakuha ka ng malalim na
pang-unawa sa kaugnay na mga kompetensi. Kaya mo ito!

v
Alamin

Sa modyul na ito, maibabahagi mo ang mga kalaman tungkol


sa mga kagawian ng iba’t ibang pamayanang kultural. Layunin
nitong maipakita sa mga mag-aaral ang paglikha ng iba’t ibang
motif na gamit ng mga pangkat etniko sa pamamagitan ng mga
disenyo.

Ang modyul na ito ay hinati sa dalawang aralin:


 Aralin 5 - Mga Katutubong Disenyo sa Kasuotan at
Kagamitan
 Aralin 6 - Kagawian ng Iba’t Ibang Pamayanang Kultural

Ang mag-aaral ay inaasahang:


1. Naibabahagi ang mga kaalaman tungkol sa mga kagawian
ng mga iba’t ibang pamayanang kultural;
2. Natutukoy ang pagkakaiba ng mga disenyo na may motif
mula sa Luzon, Visayas at Mindanao;
3. Nakaguguhit ng mga disenyo na may motif sa retaso para
maging lagayan ng barya;
4. Nakaguguhit ng disenyong etniko sa bookmark gamit ang
elemento ng sining; at
5. Napahahalagahan ang iba’t ibang motif na gamit ng mga
pangkat-etniko sa pamamagitan ng paggamit nito sa mga
disenyo

1
Subukin

Panuto: Isulat ang titik ng tamang sagot sa patlang.

_____1. Makikita ang mga _______________ sa mga tela o


kasuotan, kumot, punda ng unan, banga, gusi, at mga palamuti.

A. kuwento B. Disenyo C. Alpabeto D. Ritmo

_____2. Dito inilalagak ang mga labi ng sinauanag namatay.

A. banig B. Kuweba C. Manunngul jar D. Bangin

_____3. Ano ang inialay ng mga sinaunang Pilipino sa mga


namatay na mahal sa buhay?

A. laruan B. Gamit C. Halaman D. Pagkain

_____4. Ang mga paniniwala ng ating mga ninuno ay makikita sa


mga sumusunod maliban sa isa. Alin ito?

A.kasuotan C.palamuti sa katawan


B.Bahay D.Kagamitan

_____5. Alin ang hindi nakikita sa kalikasan?

A. sasakyan B. bundok C. halaman D. Hayop

_____6. Sa paggawa ng obrang coin pouch ay gumamit ng


kapirasong tela o ____.

A. kurtina B. retaso C. kumot D. banig

_____7. Tunay na maipagmamalaki ang mga disenyo na nagmula


sa ating pangkat-etniko.

A. Oo C. Maaari
B. Hindi D. Walang komento

2
_____8. Alin sa sumusunod na disenyo ang motif na sumasayaw
na tao?

A. B. C. D.

_____9. Ang mga motif ng ______.

A. bituin B. langit C. araw D. lupa

_____10. Paano natin pahahalagahan ang mga katutubong disenyo


na gawa ng ating mga ninuno?

A. Ilagay sa isang museo ang mga kagamitan o kasuotan na


gawa ng ating mga katutubo.
B. Itapon na lamang ito sa basurahan.
C. Ipagbili ang mga bagay na ito.
D. Itago na lamang ang mga ito para walang makinabang.

3
Aralin
Mga Katutubong Disenyo sa
5 Kasuotan at Kagamitan
Likas sa mga Pilipino ang pagkamalikhain at
pagkamakasining. Ito ay minana natin sa ating mga ninuno. Sa
ilang salinlahi ay nakikita ang mga masining na likha ng mga
katutubo.

Kaakit-akit ang mga disenyong gawa ng mga pangkat-etniko.


Ang kanilang talino at kasanayan sa paglikha ay naipakikita nila
sa paggawa ng mga kagamitang pantahanan, palamuti sa
katawan, kasuotan at iba pa.

Balikan

Gawain 1
Hulaan Mo (Guessing Game)

Hulaan at isulat sa patlang ang pangalan ng mga larawan ng motif


na ginagamit sa disenyo ng mga pangkat-etniko sa pamayanang
kultural ng bansa.

Montanez, Cynthia (2015). Musika at Sining – Ikaapat ng Baitang Patnubay


ng Guro (pp.209). Pasig City: Department of Education

__________________ ___________________ _______________________

4
Mga Tala para sa Guro

Dibuho ng iba’t ibang pangkat-etniko:


 Dibuhong bituin
 Dibuhong araw
 Dibuhong tao

Tuklasin

Gawain 2

Magpakita ng ilang larawan ng mga kagamitan ng mga pangkat


etniko.

Montanez, Cynthia (2015). Musika at Sining – Ikaapat ng Baitang Patnubay


ng Guro (pp.209). Pasig City: Department of Education

Sagutin:

1. Kanino ang mga sinauang gamit na aking ipinakita?

2. Ano ang masasabi mo sa mga ito?

5
Suriin

Likas sa mga Pilipino ang pagkamalikhain at makasining. Ito


ay minana pa natin sa ating mga ninuno. Sa ilang salin na ng lahi
ay patuloy pa ring nakikita ang mga bagay na makasining na likha
ng mga katutubo.
Kaakit-akit ang mga disenyong gawa ng ating mga pangkat-
etniko. Ang kanilang talino at kasanayan sa paglikha ay
naipakikita nila sa paggawa ng mga kagamitang pantahanan,
palamuti sa katawan, kasuotan, at iba pa.
Makikita ninyo sa sumusunod na mga larawan ang mga
halimbawang dibuho ng iba’t ibang pangkat-etniko. Pag-aralan
ninyong iguhit ang bawat isa dahil gagamitin natin ito sa paggawa
ng ating likhang-sining.

Montanez, Cynthia (2015). Musika at Sining – Ikaapat ng Baitang Patnubay


ng Guro (pp.210). Pasig City: Department of Education

6
Pagyamanin

Gawain 3

Maging Malikhain!
Gawaing Pansining: Paggawa ng Coin Purse o Jewelry Pouch
na may Katutubong Disenyo

Kagamitan: retaso, lapis, gunting, karayom, sinulid, at pangkulay


tulad ng oil pastel, krayola, colored pen/pencil

Mga Hakbang Sa Paggawa:

1. Maghanda ng mga retaso na lalagyan ng disenyo.


2. Pumili ng dalawang disenyong etniko at iguhit ang mga ito
nang salitan sa retaso upang makabuo ng kakaibang likhang-
sining

3. Kulayan nang maayos ang ginuhit upang ito ay maging


maganda at kaakit-akit.
4. Itupi sa gitna ang retasong may disenyo at tahiin ang
dalawang sulok nito.
5. Itupi nang maliit at tahiin ang pinakabunganga ng supot.
6. Ipasok ang tali sa may bunganga ng supot na magsisilbing
hawakan.

7. Iligpit ang mga gamit pagkatapos ng gawain.

7
Pamantayan sa Paggawa:

Panuto: Lagyan ng tsek ang kahon batay sa antas ng iyong


naisagawa sa buong aralin.

Lubos na Nasunod Hindi


nasunod ang ang nasusunod
pamantayan pamantayan ang
sa pagbuo ng sa pagbuo pamantayan
SUKATAN likhang- ng likhang- sa pagbuo
sining sining ng likhang-
(3) sining
(2) (1)
1. Nakilala ko ang
iba’t ibang disenyo
sa mga kagamitan
at kasuotan na
mayroon sa Luzon,
Visayas at
Mindanao.
2. Nakaguhit ako
ng mga motif sa
pagbuo ng disenyo
sa retaso.
3. Nakasusunod
ako nang tama sa
mga hakbang sa
paggawa ng
likhang-sining.
4. Napahalagahan
ko ang mga
katutubong sining
sa pamamagitan
ng pagguhit ng
disenyo sa lagayan
ng barya (coin
purse) o lagayan
ng palamuti
(jewelry pouch)

8
Isaisip

Sagutin:

1. Ano-anong mga pangkat-etniko ang nabanggit?

2. Anong disenyo mula sa kalikasan o kapaligiran ang iyong


ginamit sa paggawa ng obra? Bakit mo napili ang disenyo?

Isagawa

Sagutin:

1. Paano mo magagamit ang iyong nalalaman sa pang araw-


araw na buhay?

2. Makatutulong ba ito sa iyo bilang bata at sa iyong


pamilya? Paano?

9
Tayahin

Panuto: Isulat sa patlang ang titik ng tamang sagot.

_____1. Sa paggawa ng obrang coin pouch ay gumamit ng


kapirasong tela o ____.

A. kurtina B. retaso C. kumot D. banig

_____2. Tunay na maipagmamalaki ang mga disenyo na nagmula


sa ating pangkat-etniko.

A. Oo C. Maaari
B. Hindi D. Walang komento

_____3. Alin sa sumusunod na disenyo ang motif na sumasayaw


na tao?

A. B. C. D.

_____4. Ang mga motif ng ______.

A. bituin B. langit C. araw D. lupa

_____5. Paano natin pahahalagahan ang mga katutubong disenyo


na gawa ng ating mga ninuno?

A. Ilagay sa isang museo ang mga kagamitan o kasuotan na


gawa ng ating mga katutubo.
B. Itapon na lamang ito sa basurahan.
C. Ipagbili ang mga bagay na ito.
D. Itago na lamang ang mga ito para walang makinabang.

10
_____6. Makikita ang mga _______________ sa mga tela o
kasuotan, kumot, punda ng unan, banga, gusi, at mga
palamuti.

A. kuwento C. Alpabeto
B. Disenyo D. Ritmo

_____7. Dito inilalagak ang mga labi ng sinauanag namatay.

A. banig B. Kuweba C. Manunngul jar D. Bangin

_____8. Ano ang inialay ng mga sinaunang Pilipino sa mga


namatay na mahal sa buhay?

A. laruan B. Gamit C. Halaman D. Pagkain

_____9. Ang mga paniniwala ng ating mga ninuno ay makikita sa


mga sumusunod maliban sa isa. Alin ito?

A.kasuotan C.palamuti sa katawan


B.Bahay D.Kagamitan

_____10. Alin ang hindi nakikita sa kalikasan?

A. sasakyan B. bundok C. halaman D. Hayop

Magdala ng sumusunod na kagamitan:

1. Mga retaso ng tela, manila paper

11
Karagdagang Gawain

2. Oil Pastel
3. Lapis
4. Gunting
5. krayola

12
Aralin
Kagawian ng Iba’t Ibang
6 Pamayanang Kultural
Ang mga sinaunang kagamitan at kasuotan ng mga pangkat-
etniko ay bahagi ng pang-araw araw na buhay sa kanilang
pamayanang kultural. Ang kanilang paniniwala ay makikita sa
mga masining na dibuho ng kanilang kasuotan, palamuti sa
katawan, at mga kagamitan. Ito ay yaman ng ating bansa.

Subukin

Panuto: Isulat ang titik ng tamang sagot sa patlang.

______1. Ang ________ ay may kakaibang kaugalian na kanilang


nakagisnan.
A. pamayanan C. Pamayanang kultural
B. pamayanang pangkabuhayan D. Pamayanang tao

______2. Alin ang hindi nakikitaan ng disenyo ng kasuotan ng mga


pangkat etniko?
A. Manipis ang tela C. Mapupusyaw na kulay
B. Makakapal ang linya D. walang kulay

______3. Saan makikita ang kanilang paniniwala sa mga


masisining na dibuho?
A. lupa B. araw C. kasuotan D. Kapwa-tao

______4. Ano ang iniaalay kapag may namatay na mahal sa


buhay?
A. ginto B. Kaluluwa C. pagkain D. pamayanan

13
______5. Inilalagak ang labi dito na kakikitaan ng masining at
kakaibang disenyo.
A. jar B. Manunggul jar C. espirito D. bundok

______6. Anong prinsipyo ng sining ang ipinapakita sa larawang


ito?
A. Ritmo B. Paulit-ulit C. Balanse D. Contrast

______7. Inilalagak ang labi ng sinaunang namatay na pangkat


etniko sa _____ na may masining at kakaibang disenyo.

A. Manunggul Jar B. banig C. kuweba D. bangin

______8. Ano ang iniaalay upang hilingin sa diyos ng kamatayan


na samahan ang kaluluwa sa pagtawid sa kabilang buhay?

A. buhay B. pagkain C. kaluluwa D. halaman

______9. Ang sumusunod ay pinaniniwalaang may espirito ng


mga pamayanang kultural maliban sa isa.

A. halaman B. hayop C. bundok D. papel

______10. Ang mga sinaunang kagamitan at kasuotan ng mga


pangkat-etniko ay bahagi ng pang-araw araw na buhay sa
kanilang ______________.

A. pamayanang kultural C.modernong pamayanan


B. panahon noon D. pamayanan ngayon

14
Balikan

Gawain 1

Sagutin:

1. Ano-ano ang mga pananamit at kagamitan ng mga pangkat-


etniko na natutuhan sa nakaraang aralin?

Mga Tala para sa Guro

 Inilalagak ang labi nito sa Manunggul Jar na


kakikitaan ng masining at kakaibang disenyo.

Tuklasin

Gawain 2

Iba’t ibang larawan ng mga kasuotan, kagamitan na gawa


ng mga pangkat-etniko mula sa Luzon, Visayas at Mindanao.

Montanez, Cynthia (2015). Musika at Sining – Ikaapat ng Baitang Patnubay


ng Guro (pp.209). Pasig City: Department of Education

15
Sagutin:
1. Ano-anong mga hugis, linya at kulay na ginamit sa
kanilang mga kasuotan at kagamitan?
2. Paano ito nagkakatulad at nagkakaiba?

Suriin

Ang kanilang paniniwala ay makikita sa mga masisining na


dibuho sa kanilang kasuotan, palamuti sa katawan, at mga
kagamitan. Ang pamayanang kultural na ito ay yaman ng ating
bansa.
Ang mga sinaunang kagamitan at kasuotan ng mga
pangkat-etniko ay bahagi ng pang-araw araw na buhay sa
kanilang pamayanang kultural. Ang mga pamayanang kultural sa
ating bansa ay may kakaibang kaugalian na kanilang
nakagisnan. Halimbawa ay kapag may namatay na mahal sa
buhay, sila ay nag-aalay ng mga pagkain upang hilingin sa diyos
ng kamatayan na samahan ang kaluluwa sa pagtawid sa kabilang
buhay. Inilalagak ang labi nito sa Manunggul Jar na kakikitaan
ng masining at kakaibang disenyo. Naniniwala sila na ang mga
nakikita sa kapaligiran tulad ng bundok, mga halaman, mga
hayop, at anumang makikita sa kalikasan ay mga sagrado at may
espirito kaya madalas ang kanilang pag-aayuno at pag-aalay
upang sila ay mapangalagaan laban sa anumang masasamang
espirito.

Montanez, Cynthia (2015). Musika at Sining – Ikaapat ng Baitang Kagamitan


ng Mag-aaral (pp.166). Pasig City: Department of Education

16
Pagyamanin

Gawain 3

Maging Malikhain!

Gawaing Pansining: Pinoy Bookmark

Kagamitan: lapis, krayola, gunting, ruler, at lumang karton o


cardboard

Hakbang Sa Paggawa

1. Ihanda ang mga gamit na kailangan


2. Gupitin ang lumang karton o cardboard sa sukat na 1 ½
pulgada ang lapad at 5 pulgada ang haba.
3. Pumili ng isang disenyong etniko na nais iguhit sa
bookmark.
4. Iguhit ito sa inihandang cardboard na gagawing bookmark.
5. Kulayan ang iyong iginuhit.
6. Sikaping naiiba ang iyong likhang-sining.

17
Pamantayan sa Paggawa:

Panuto: Lagyan ng tsek ang kahon batay sa antas ng iyong


naisagawa sa buong aralin.
Lubos na Nasunod ang Hindi
nasunod ang pamantayan nakasunod
pamantayan sa pagbuo ng sa
sa pagbuo ng likhang- pamantayan
Mga Pamantayan likhang- sining
sining (2) (1)
(3)
1) Nakabuo ako
ng bookmark
gamit ang iba’t
ibang disenyong
etniko.
2) Nakabuo ako
nang naiibang
disenyo nang
hindi kumopya
sa gawa ng iba.
3) Nagamit ko ang
mga linya at
kulay sa
disenyong
nabuo.
4) Naipakita ko
ang
pagpapahalaga
sa mga
disenyong
etniko sa aking
nabuong
bookmark.

18
Isaisip

May iba’t ibang nakagisnang kaugalian ang ating


pamayanang kultural na makikita pa rin sa kasalukuyang
panahon. Ito ay dapat ingatan at magamit sa mga likhang-sining.

Isagawa

Sagutin:

1. Paano mo ginamit ang linya sa pagguhit ng napiling


disenyong-etniko?

2. Ano ang masasabi mo sa mga kulay na ginamit?

19
Tayahin

Panuto: Isulat sa patlang ang titik ng tamang sagot.

_____1. Anong prinsipyo ng sining ang ipinapakita sa larawang


ito?

A. Ritmo B. Paulit-ulit C. Balanse D. Contrast

_____2. Inilalagak ang labi ng sinaunang namatay na pangkat


etniko sa _____ na may masining at kakaibang disenyo.

A. Manunggul Jar B. banig C. kuweba D. bangin

_____3. Ano ang iniaalay upang hilingin sa diyos ng kamatayan


na samahan ang kaluluwa sa pagtawid sa kabilang buhay?

A. buhay B. pagkain C. kaluluwa D. halaman

_____4. Ang sumusunod ay pinaniniwalaang may espirito ng mga


pamayanang kultural maliban sa isa.

A. halaman B. hayop C. bundok D. papel

_____5. Ang mga sinaunang kagamitan at kasuotan ng mga


pangkat-etniko ay bahagi ng pang-araw araw na buhay sa
kanilang ______________.

A. pamayanang kultural C. modernong pamayanan


B. panahon noon D. pamayanan ngayon

______6. Ang ________ ay may kakaibang kaugalian na kanilang


nakagisnan.

A. pamayanan C. Pamayanang kultural


B. pamayanang pangkabuhayan D. Pamayanang tao

20
______7. Alin ang hindi nakikitaan ng disenyo ng kasuotan ng mga
pangkat etniko?

A. Manipis ang tela C.mapupusyaw na kulay


B. Makakapal ang linya D. walang kulay

______8. Saan makikita ang kanilang paniniwala sa mga


masisining na dibuho?

A. lupa B. araw C. kasuotan D. Kapwa-tao

______9. Ano ang iniaalay kapag may namatay na mahal sa


buhay?

A. ginto B. Kaluluwa C. pagkain D. pamayanan

______10. Inilalagak ang labi dito na kakikitaan ng masining at


kakaibang disenyo.

A. jar B. Manunggul jar C. espirito D. bundok

21
Karagdagang Gawain

Magdala ng sumusunod na kagamitan:

1. recycled papers
2. lapis
3. pangkulay

22
23
Aralin 5-Subukin Aralin 5-Tayahin
1. B 1. B
2. C 2. A
3. D 3. A
4. B 4. C
5. A 5. A
6. B 6. B
7. A 7. C
8. A 8. D
9. C 9. B
10. A 10. A
Aralin 6-Subukin Aralin 6-Tayahin
1. C 1. B
2. D 2. A
3. C 3. B
4. C 4. B
5. B 5. A
6. B 6. C
7. A 7. D
8. B 8. C
9. B 9. C
10. A 10. B
Susi sa Pagwawasto
Sanggunian

 Montanez, Cynthia (2015). Musika at Sining – Ikaapat ng


Baitang Patnubay ng Guro (pp.208-215). Pasig City:
Department of Education

 Montanez, Cynthia (2015). Musika at Sining – Ikaapat ng


Baitang Kagamitan Ng Mag-aaral (pp.162-168). Pasig City:
Department of Education

 Most Essential Learning Competency – Quarter 1 – Arts –


p.233

24
PAHATID-LIHAM
Ang Sariling Pagkatutong Modyul na ito ay nilinang ng Kagawaran ng
Edukasyon, Rehiyong SOCCSKSARGEN na may pangunahing layunin na
ihanda at tugunan ang pangangailangan sa bagong normal. Ang nilalaman
ng modyul na ito ay batay sa Most Essential Learning Competencies (MELC)
ng Kagawaran ng Edukasyon. Ito ay pantulong na kagamitan na gagamitin
ng bawat mag-aaral sa pampublikong paaralan ng Rehiyon XII simula sa
taong panuruan 2020-2021. Ang proseso ng paglinang ay sinunod sa
paglimbag ng modyul na ito. Ito ay Bersyong 1.0. Malugod naming hinihimok
ang pagbibigay ng puna, komento at rekomendasyon.

For inquiries or feedback, please write or call:

Department of Education – SOCCSKSARGEN


Learning Resource Management System (LRMS)

Regional Center, Brgy. Carpenter Hill, City of Koronadal

Telefax No.: (083) 2288825/ (083) 2281893

Email Address: region12@deped.gov.ph

You might also like