You are on page 1of 24

4

SINING
Unang Markahan–Modyul 2:
PAGGUHIT
Sining – ikaapat na Baitang
Self-Learning Module (SLM)
Unang Markahan – Modyul 2: Pagguhit
Unang Edisyon, 2020

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng
karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayunpaman, kailangan
muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito
ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay
ang pagakda ng kaukulang bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand
name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito
ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang
makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at
mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit maliban sa modyul na ito ay
kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.

Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa


anomang paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.

Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul


Manunulat: Rhea B. Javier, Annabelle D. Cortez
Editor: Sharon Y. Somera, Joede Oliver B. Mabalot
Tagasuri: Evelyn C. Frusa PhD, Napoleon G. Comicho, Rolex H. Lotilla, Arvin M. Tejada
Tagaguhit: Rhea B. Javier, Annabelle D. Cortez
Tagalapat: Arianne N. Tagolino
Pabalat na may Malikhaing Disenyo: Arvel Garry L. Campollo
Tagapamahala: Allan G. Farnazo, CESO IV – Regional Director
Fiel Y. Almendra, CESO V – Assistant Regional Director
Crispin A. Soliven Jr., CESE - Schools Division Superintendent
Roberto J. Montero EdD, CESE – Asst. Schools Division Superintendent
Gilbert B. Barrera – Chief, CLMD
Arturo D. Tingson Jr. – REPS, LRMS
Peter Van C. Ang-ug – REPS, ADM
Magdaleno C. Duhilag Jr. - REPS, MAPEH
Belen L. Fajemolin PhD - CID Chief
Evelyn C. Frusa PhD – Division EPS In Charge of LRMS
Bernadita M. Villano – ADM Coordinator
Napoleon G. Comicho – EPS, MAPEH Supervisor

Printed in the Philippines by Department of Education – SOCCSKSARGEN Region


Name of Division ADM Coordinator
Office Address: Regional Center, Brgy. Carpenter Hill, City of Koronadal
Telefax: (083) 2288825/ (083) 2281893
E-mail Address: region12@deped.gov.ph
4

SINING
Unang Markahan – Modyul 2:
PAGGUHIT
Paunang Salita

Para sa tagapagdaloy:
Malugod na pagtanggap sa asignaturang Sining IV ng Self-
Learning Module (SLM) para sa araling Pagguhit !
Ang modyul na ito ay pinagtulungang dinisenyo, nilinang at sinuri
ng mga edukador mula sa pampubliko at pampribadong
institusyon upang gabayan ka, ang gurong tagapagdaloy upang
matulungang makamit ng mag-aaral ang pamantayang itinakda
ng Kurikulum ng K to12 habang kanilang pinanagumpayan ang
pansarili, panlipunan at pang-ekonomikong hamon sa pag-aaral.
Ang tulong-aral na ito ay umaasang makauugnay ang mag-aaral
sa mapatnubay at malayang pagkatuto na mga gawain ayon sa
kanilang kakayahan, bilis at oras. Naglalayon din itong
matulungan ang mag-aaral upang makamit ang mga kasanayang
pan-21 siglo habang isinasaalang-alang ang kanilang mga
pangangailangan at kalagayan.
Bilang karagdagan sa materyal ng pangunahing teksto, makikita
ninyo ang kahong ito sa pinakakatawan ng modyul:

Mga Tala para sa Guro


Ito'y naglalaman ng mga paalala,
panulong o estratehiyang magagamit
sa paggabay sa mag-aaral.

Bilang tagapagdaloy, inaasahang bibigyan mo ng paunang


kaalaman ang mag-aaral kung paano gamitin ang modyul na ito.
Kinakailangan ding subaybayan at itala ang pag-unlad nila
habang hinahayaan silang pamahalaan ang kanilang sariling
pagkatuto. Bukod dito, inaasahan mula sa iyo na higit pang
hikayatin at gabayan ang mag-aaral habang isinasagawa ang mga
gawaing nakapaloob sa modyul.
Para sa mag-aaral:

ii
Malugod na pagtanggap sa Sining at IV ng Self-Learning
Module (SLM) ukol sa Pagguhit !
Ang modyul na ito ay ginawa bilang tugon sa iyong
pangangailangan. Layunin nitong matulungan ka sa iyong pag-
aaral habang wala ka sa loob ng silid-aralan. Hangad din nitong
madulutan ka ng mga makabuluhang oportunidad sa pagkatuto.
Ang modyul na ito ay may mga bahagi at icon na dapat mong
maunawaan.

Alamin Sa bahaging ito, malalaman mo ang


mga dapat mong matutuhan sa
modyul.
Subukin Sa pagsusulit na ito, makikita natin
kung ano na ang kaalaman mo sa
aralin ng modyul. Kung nakuha mo
ang lahat ng tamang sagot (100%),
maaari mong laktawan ang
bahaging ito ng modyul.
Balikan Ito ay maikling pagsasanay o balik-
aral upang matulungan kang
maiugnay ang kasalukuyang aralin
sa naunang leksyon.
Tuklasin Sa bahaging ito, ang bagong aralin
ay ipakikilala sa iyo sa maraming
paraan tulad ng isang kuwento,
awitin, tula, pambukas na
suliranin, gawain o isang
sitwasyon.
Suriin Sa seksyong ito, bibigyan ka ng
maikling pagtalakay sa aralin.
Layunin nitong matulungan kang
maunawaan ang bagong konsepto
at mga kasanayan.

iii
Pagyamanin Binubuo ito ng mga gawaing para
sa malayang pagsasanay upang
mapagtibay ang iyong pang-unawa
at mga kasanayan sa paksa.
Maaari mong iwasto ang mga sagot
mo sa pagsasanay gamit ang susi
sa pagwawasto sa huling bahagi ng
modyul.
Isaisip Naglalaman ito ng mga katanungan
o pupunan ang patlang ng
pangungusap o talata upang
maproseso kung anong natutuhan
mo mula sa aralin.
Isagawa Ito ay naglalaman ng gawaing
makatutulong sa iyo upang
maisalin ang bagong kaalaman o
kasanayan sa tunay na sitwasyon o
realidad ng buhay.
Tayahin Ito ay gawain na naglalayong
matasa o masukat ang antas ng
pagkatuto sa pagkamit ng
natutuhang kompetensi.
Karagdagang Sa bahaging ito, may ibibigay sa
Gawain iyong panibagong gawain upang
pagyamanin ang iyong kaalaman o
kasanayan sa natutuhang aralin.
Susi sa Naglalaman ito ng mga tamang
Pagwawasto sagot sa lahat ng mga gawain sa
modyul.

iv
Sa katapusan ng modyul na ito, makikita mo rin ang:

Ito ang talaan ng lahat ng


Sanggunian pinagkuhanan sa paglikha o
paglinang ng modyul na ito.

Ang sumusunod ay mahahalagang paalala sa paggamit ng modyul


na ito:
1. Gamitin ang modyul nang may pag-iingat. Huwag lalagyan
ng anumang marka o sulat ang anumang bahagi ng modyul.
Gumamit ng hiwalay na papel sa pagsagot sa mga
pagsasanay.
2. Huwag kalimutang sagutin ang Subukin bago lumipat sa iba
pang gawaing napapaloob sa modyul.
3. Basahing mabuti ang mga panuto bago gawin ang bawat
pagsasanay.
4. Obserbahan ang katapatan at integridad sa pagsasagawa ng
mga gawain at sa pagwawasto ng mga kasagutan.
5. Tapusin ang kasalukuyang gawain bago pumunta sa iba
pang pagsasanay.
6. Pakibalik ang modyul na ito sa iyong guro o tagapagdaloy
kung tapos nang sagutin lahat ng pagsasanay.

Kung sakaling ikaw ay mahirapang sagutin ang mga gawain sa


modyul na ito, huwag mag-aalinlangang konsultahin ang inyong
guro o tagapagdaloy. Maaari ka rin humingi ng tulong kay nanay
o tatay, o sa nakatatanda mong kapatid o sino man sa iyong mga
kasama sa bahay na mas nakatatanda sa iyo. Laging itanim sa
iyong isipang hindi ka nag-iisa.

Umaasa kami, sa pamamagitan ng modyul na ito, makararanas ka


ng makahulugang pagkatuto at makakakuha ka ng malalim na
pang-unawa sa kaugnay na mga kompetensi. Kaya mo ito

v
Alamin

Sa modyul na ito, inaasahang maipagmamalaki mo ang mga


disenyo sa kultural na pamayanan ng Luzon, Visayas at Mindanao
at pagtangkilik sa kanilang mga disenyo. Layunin nitong
makapagpapakita ang mga mag-aaral ng paglikha ng mga disenyo
ng Luzon, Visayas at Mindanao at pagtugon sa mga gawain.

Ang modyul na ito ay:

 Aralin 2 – Mga Disenyo sa Kultural na Pamayanan sa Visayas

Ang mag-aaral ay inaasahang:


1. Nakikilala ang kahalagahan ng mga kultural na komunidad
sa Visayas at ang kanilang pagkakaiba sa pananamit,
palamuti sa katawan at paraan ng pamumuhay;
2. Nailalarawan ang iba’t ibang kultural na pamayanan sa
Visayas ayon sa uri ng kanilang pananamit, palamuti sa
katawan at kaugalian tulad ng Ifugao, Kalinga at Gaddang;
at
3. Nakalilikha ng isang sining na ginagamitan ng mga disenyo
ng Visayas

1
Aralin
Mga Disenyo sa Kultural na
2 Pamayanan sa Visayas

Ang mga pangkat-etniko mula sa Hilagang Luzon hanggang


Sulu, at sa iba pang bahagi ng Mindanao ay may kani-kaniyang
katutubong sining o motif na nagtataglay ng iba’t ibang linya,
hugis at kulay na ginagamitan ng paulit-ulit na disenyo na higit
nilang napaunlad at napagyaman sa ngayon. Narito ang ilang
halimbawa ng kanilang mga disenyo ng tela na nagtataglay ng iba’t
ibang hugis at linya, at maaaring makabuo ng isang pattern.

Subukin

Hulaan Mo (Guessing Game)

Hulaan at isulat sa patlang ang pangalan ng mga larawan ng


mga disenyo ng pamayanang kultural sa Luzon.

1. ___________ 2.___________ 3. ___________

Montanez, Cynthia (2015). Musika at Sining – Ikaapat ng Baitang


Patnubay ng Guro (pp.195). Pasig City: Department of Education

2
Panuto: Isulat sa patlang ang titik ng tamang sagot.

______4. Anong pangkat-etniko na kilala at bantog sa


madetalyeng paraan ng pagbuburda at tinatawag nila itong
panubok?
A. T’ boli C. Kalinga
B. Gaddang D. Panay-Bukidnon

______5. Saan naninirahan ang mga pangkat-etniko ng Panay-


Bukidnon?
A. Lanao del Sur C. Cotabato
B. Capiz-Lambunao D. Basilan

______6. Ano ang tawag sa mga taong gumagawa ng mga disenyo


sa mga kagamitan at kasuotan ng mga pangkat-etniko?
A. mga katutubo C. mga ninuno
B. pangkat-etniko D. mga dalubhasa

______7. Anong elemento ng sining ang ipinapakita sa larawang


ito?

A. kulay, hugis, linya C. hugis, espasyo, porma


B. hugis, kulay, testura D. linya, kulay, testura

______8. Paano natin pahahalagahan ang mga katutubong


disenyo na gawa ng ating mga ninuno?
A. Ilagay sa isang museo ang mga kagamitan o kasuotan
na gawa ng ating mga katutubo.
B. Itago na lamang ang mga ito para walang makinabang.
C. Itapon na lamang ito sa basurahan.
D. Ipagbili ang mga bagay na ito.

_______9. Anong pagtatanghal na ang ginagamit na damit ay may


burda?
A. fashion show B. Tinubkan C. panubok D. motif

3
_______10. Sila ay may kaugnayang henetiko sa iba pang mga
pangkat-etniko.
A. Panay bukidnon B. Ati C. Badjao D. ivatan

Balikan

Gawain 1

Suriin ang mga sumusunod na larawan sa loob ng kahon.

Montanez, Cynthia (2015). Musika at Sining – Ikaapat ng Baitang


Patnubay ng Guro (pp.199). Pasig City: Department of Education

Sagutin:

1. Ano ang napansin mo sa mga disenyong ginamit sa


larawan? Sa kanilang pananamit at kagamitan?

4
2. Nagpapakita ba ito ng iba’t ibang hugis, linya, at kulay?

3. Saan mo maaaring ihalintulad ang kanilang mga disenyo?

Mga Tala para sa Guro


 Panubok – kilala sila sa madetalyeng
paraan ng pagbuburda.
 Tinubkan fashion show – isang
pagtatanghal na ang mga damit na may
burda ang ginagamit.
 Ang mga Ati ay isang pangkat etniko ng
mga Negrito na nasa Panay sa Kabisayaan
na nasa gitnang bahagi ng kapuluan ng
Pilipinas.

5
Tuklasin

Gawain 2

1. Gumuhit ng isang disenyo ng kultural na pamayanan ng


Visayas.

Suriin

Sagutin:

1. Ano ang inyong nararamdaman sa gawaing ginawa?

2. Nagawa mo ba nang tama ang gawain? Bakit?

6
Bago pa man dumating ang mga Kastila sa
ating bansa, ang mga pangkat-etniko ay may
kaniya-kaniyang katutubong sining o motif na
higit nilang napaunlad at napayaman hanggang sa
ngayon. Isa sa mga kilalang pangkat mula sa
Visayas ay ang mga Panay-Bukidnon. Sila ay
naninirahan sa mga bulubunduking lugar ng
Lambunao, Iloilo. Kilala rin sila sa madetalyeng
paraan ng pagbuburda at tinatawag nila itong
panubok. Ang mga damit na may burda ay
ginagamit na kasuotan sa isang pagtatanghal sa
Iloilo na tinatawag na Tinubkan fashion show.

https://images.app.goo.gl/tYqRX6Jh2HVrSi7A8

Ang mga pangkat-etniko mula sa Hilagang


Luzon hanggang Sulu, at sa iba pang bahagi ng
Mindanao ay may kani-kaniyang katutubong sining
o motif na nagtataglay ng iba’t ibang linya, hugis at
kulay na ginagamitan ng paulit-ulit na disenyo na
higit nilang napaunlad at napagyaman sa ngayon. Isang batang
babaeng ati

https://images.app.goo.gl/L7sHSyrihnmfnx2m9

Ang mga Ati ay isang pangkat etniko ng mga Negrito na nasa


Panay sa Kabisayaan (mga pulo ng Cebu, Bohol, Siquijor, Leyte,
Samar, Panay, Masbate, Negros at Guimaras), na nasa gitnang
bahagi ng kapuluan ng Pilipinas. Sila ay may kaugnayang
henetiko sa iba pang mga pangkat-etniko ng mga Negrito sa
Pilipinas, katulad ng mga Aeta ng Luzon, ng Batak ng Palawan, at
ng Mamanwa ng Mindanao.

7
Narito ang ilang halimbawa ng kanilang mga disenyo ng tela
na nagtataglay ng iba’t ibang hugis at linya, at maaaring makabuo
ng isang pattern.

Montanez, Cynthia (2015). Musika at Sining – Ikaapat ng Baitang


Kagamitan ng Mag-aaral (pp.150). Pasig City: Department of
Education

Sagutin:

1. Nakikita rin ba ang paulit-ulit na disenyo sa kanilang mga


gawa?

2. Ang kanilang mga disenyo ba ay nagpapakita ng iba’t ibang


linya, hugis, at kulay?

Tingnan ang halimbawa ng likhang sining sa araling ito. Ito ang


disenyong radial na maaaring gamitin bilang panggitnang disenyo.
Ang mga disenyong ito ay maaaring gamitin sa iba’t ibang bagay
tulad ng ginupit na hugis bilog na karton.

8
Montanez, Cynthia (2015). Musika at Sining – Ikaapat ng Baitang
Kagamitan ng Mag-aaral (pp.151). Pasig City: Department of
Education

Sagutin:

1. Ano ang napansin mo sa mga ipinakitang disenyo?

2. Ano ano ang mga bagay na iyong nakita? Isulat nga ang
mga ito.

9
Pagyamanin

Gawain 3
Maging Malikhain!
Gawaing Pansining: Mga Disenyo sa Platong Karton
Kagamitan : platong karton o cardboard na maaaring gupitin na
hugis bilog, lapis, krayola, o oil pastel

Mga Hakbang Sa Paggawa:


1. Ihanda ang mga kagamitan tulad ng platong karton o
cardboard ginupit na hugis bilog, lapis, krayola, o oil pastel.
2. Mag - isip ng disenyo na iguguhit sa platong karton o
cardboard na hugis bilog. Lagyan ito ng iba’t ibang hugis,
kulay, at linya. Maaari ring gumawa ng disenyong panggitna.
3. Kulayan ang iginuhit na mga disenyo gamit ang krayola o oil
pastel.
4. Kung tapos na ang ginawang likhang sining, maaari na itong
isumite sa guro ang ginawang likhang-sining.

Pamantayan sa Paggawa:
Panuto : Lagyan ng tsek ang kahon batay sa antas ng iyong
naisagawa sa buong aralin.

Nakasunod Nakasunod Hindi


sa sa nakasunod sa
Mga Pamantayan pamantayan pamantayan pamantayan
nang higit sa subalit may
inaasahan ilang (1)
pagkukulang
(3) (2)
1) Natukoy ko ang
iba’t ibang
disenyo na
nagtataglay ng

10
mga elemento at
prinsipyo ng
sining sa mga
gawa ng mga
taga Visayas.
2) Nalaman ko ang
mga disenyong
kultural na
pamayanan na
nagmula sa
Visayas.
3) Nakagawa ako
ng isang likhang
sining na tulad
ng mga
disenyong mula
sa Visayas.
4) Napahalagahan
at
naipagmamalaki
ko ang mga
katutubong
sining na gawa
ng mga kultural
na pamayanan
sa Visayas.
5) Naipamalas ko
nang may
kawilihan ang
aking ginawang
likhang sining.

11
Isaisip

Ang ating bansa ay punong-puno ng magagandang likha. Ang


mga ito ay nagtataglay ng mga elemento ng sining tulad ng linya,
hugis, kulay, at may prinsipyong paulit-ulit.

Ang likas na kagandahang ito ng kapaligiran ay nagsisilbing


inspirasyon ng mga kultural na pamayanan na naninirahan sa
Visayas.

Isagawa

Sagutin:
1. Paano mo ginamit ang iba’t ibang uri ng linya, kulay, at hugis
sa paggawa ng disenyo sa platong karton o paper plate?

Tayahin

Panuto: Isulat sa patlang ang titik ng tamang sagot.

______1. Ang pangkat-etnikong ito ay kilala at bantog sa


madetalyeng paraan ng pagbuburda at tinatawag nila itong
panubok.
A. T’ boli C. Kalinga
B. Gaddang D. Panay-Bukidnon

12
______2. Saan naninirahan ang mga pangkat-etniko ng Panay
Bukidnon?
A. Lanao del Sur C. Cotabato
B. Capiz-Lambunao D. Basilan

______3. Ano ang tawag sa mga taong gumagawa ng mga disenyo


sa mga kagamitan at kasuotan ng mga pangkat- etniko?
A. mga katutubo C. mga ninuno
B. pangkat-etniko D. mga dalubhasa

______4. Anong elemento ng sining ang ipinapakita sa larawang


ito?

A. kulay, hugis, linya C. hugis, espasyo, porma


B. hugis, kulay, testura D. linya, kulay, testura

______5. Paano natin pahahalagahan ang mga katutubong


disenyo na gawa ng ating mga ninuno?
A. Ilagay sa isang museo ang mga kagamitan o kasuotan
na gawa ng ating mga katutubo.
B. Itago na lamang ang mga ito para walang makinabang.
C. Itapon na lamang ito sa basurahan.
D. Ipagbili ang mga bagay na ito.

______6. Isang madetalyeng paraan ng pagbuburda.


A. tinubkan B. panubok C. platong karton D. motif

______7. Anong pagtatanghal na ang ginagamit na damit ay may


burda?
A. fashion show B. Tinubkan C. panubok D. motif

______8. Sila ay may kaugnayang henetiko sa iba pang mga


pangkat-etniko.
A. Panay bukidnon B. Ati C. Badjao D. ivatan

13
______9. Ang kanilang mga disenyo ay nagtataglay ng iba’t ibang
hugis at linya at maaaring makabuo ng isang _________.
A. kulay B. hugis C. disenyo D. pattern

______10. Ang mga ati ay makikita sa _________.


A. Hilagang Luzon C. Bulubundukin
B. Gitnang bahagi D. Panay-Bukidnon

Karagdagang Gawain

Maghanda ng sumusunod na kagamitan para sa susunod na


aralin:
1. Lapis
2. Pastel
3. Bond paper

14
15
Aralin 2-Subukin Aralin 2-Tayahin
1. Gaddang 1. D
2. Kalinga 2. B
3. Ifugao 3. B
4. D 4. C
5. B 5. A
6. B 6. B
7. C 7. B
8. A 8. B
9. B 9. D
10.B 10.B
Susi sa Pagwawasto
Sanggunian

 Montanez, Cynthia (2015). Musika at Sining – Ikaapat ng


Baitang Patnubay ng Guro (pp.198-200). Pasig City:
Department of Education

 Montanez, Cynthia (2015). Musika at Sining – Ikaapat ng


Baitang Kagamitan ng Mag-aaral (pp.150-153). Pasig City:
Department of Education

 Most Essential Learning Competency – Quarter 1 – Arts –


p.233

16
PAHATID-LIHAM
Ang Sariling Pagkatutong Modyul na ito ay nilinang
ng Kagawaran ng Edukasyon, Rehiyong SOCCSKSARGEN
na may pangunahing layunin na ihanda at tugunan ang
pangangailangan sa bagong normal. Ang nilalaman ng
modyul na ito ay batay sa Most Essential Learning
Competencies (MELC) ng Kagawaran ng Edukasyon. Ito ay
pantulong na kagamitan na gagamitin ng bawat mag-
aaral sa pampublikong paaralan ng Rehiyon XII simula sa
taong panuruan 2020-2021. Ang proseso ng paglinang ay
sinunod sa paglimbag ng modyul na ito. Ito ay Bersyong
1.0. Malugod naming hinihimok ang pagbibigay ng puna,
komento at rekomendasyon.

For inquiries or feedback, please write or call:

Department of Education – SOCCSKSARGEN


Learning Resource Management System (LRMS)

Regional Center, Brgy. Carpenter Hill, City of Koronadal

Telefax No.: (083) 2288825/ (083) 2281893

Email Address: region12@deped.gov.ph

17

You might also like