You are on page 1of 19

4

Pag-aari ng Pamahalaan
HINDI IPINAGBIBILI

Arts
Ikalawang Markahan - Modyul 1
Linggo 1: Landscape ng Pamayanang
Kultural

Kagawaran ng Edukasyon Republika ng Pilipinas


Arts – Grade 4
Alternative Delivery Mode
Ikalawang Markahan– Modyul 1 Landscape sa Pamayanang Kultural
Unang Limbag, 2020
Paunawa hinggil sa karapatang – sipi. Isinasaad ng Seksyong 176 ng Batas ng
Pambansa Bilang 8293: Hindi maaaring magkaroon ng karapatang-isip sa ano mang akda ng
Pamahalaan ng Pilipinas. Gayon pa man, kailangan muna ang pahintulot ng pamahalaan o
tanggapan kung saan ginawa ang isang akda upang magamit sa pagkakakitaan ang nasabing
akda. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay ang patawan ng
bayad na royalty bilang kondisyon.

Ang mga akda / materyales (mga kwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng
produkto o brand names, tatak o trademarks, atbp.) na ginamit sa aklat na ito ay sa nagtataglay
ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsikapang mahanap at mahingi ang pahintulot ng mga may
karapatang-ari upang magamit ang mga akdang ito. Hindi inaangkin ni kinakatawan ng mga
tagapaglathala (publishiers) at may-akda ang karapatang-aring iyon.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon – Division of Valencia City


Schools Division Superintendent: Rebonfamil R. Baguio
Development Team of the Module
Authors: Raziel V. Barrera

Editor: Marina A. Impig, MT-II

Reviewers: Freddie L. Palapar – PSDS


Ronie A. Nietes

Illustrator: Agnes Valerie D. Noval

Layout Artists: John Rimmon I. Taquiso


Israel C. Adrigado
Management Team:
Chairperson: Rebonfamil R. Baguio
Schools Division Superintendent

Co-Chairperson: Eugene I. Macahis, Jr.


Asst. Schools Division Superintendent

Members:
Jayvy C. Vegafria, CID Chief ES
Jourven B. Okit, EPS – MAPEH
Analisa C. Unabia, EPS – LRMS
Joan Sirica V. Camposo, Librarian II
Israel C. Adrigado, PDO II

Inilimbag sa Pilipinas ng:


Department of Education - Division of Valencia City
Office Address: Lapu-lapu Street, Poblacion, Valencia City 8709
Telefax: (088) 828-4615
Website: deped-valencia.org
4
Arts
Ikalawang Markahan - Modyul 1
Linggo 1:Landscape ng Pamayanang
Kultural

Ang kagamitan sa pagkatutong ito ay magkatuwang na


inihanda at sinuri ng mga guro mula sa mga pampublikong
paaralan. Hinihikayat namin ang mga guro at iba pang
propesyonal na nasa larangan ng Edukasyon na magpadala
ng kanilang puna o komento at rekomendasyon sa Kagawaran
ng Edukasyon sa pamamagitan ng email:
region10@deped.gov.ph.

Lubos naming pinapahalagahan ang inyong mga puna at


rekomendasyon.

Kagawaran ng Edukasyon Republika ng Pilipinas


Panimula

Mga mag-aaral, ang modyul na ito ay ginawa para sa inyo. Ito ay


makatutulong na mapadali ang inyong pag-unawa sa mga araling
napapaloob nito.

Ang gagawin niyo lamang ay basahin at intindihin nang mabuti


ang mga panuto sa bawat Gawain upang makamit ang mithiin ng
modyul na ito.

Sa modyul na ito, makikilala mo ang kahalagahan ng mga kultural


na pamayanan sa Mindanao.

Pagkatapos mong alamin ang mga kultural na pamayanan ng


Mindanao ay inaaasahang makalilikha ka na ng isang likhang-sining na
ginagamitan ng mga disenyo na makikita sa Mindanao.

Mga paalala sa mga Guro

Hinihikayat ang mga guro na


subaybayan ang lahat na mga gawain

i
Alamin

Layunin:

Natatalakay, naguguhit at napipinta ang tanawin ng kumonidad ng


mga pamayanang kultural sa pamamagitan ng likhang sining.

Upang makamit ang layunin na inilalahad sa itaas, gawin ang


sumusunod na mga hakbang:

• Basahin at unawain nang mabuti ang aralin.

• Sundin at gawin ang inilalahad na panuto sa bawat pagtataya at


pagsasanay.

• Sagutin ang lahat na mga tanong sa pagtataya at pagsasanay.

ii
Mga Icons sa Modyul
Alamin Ang bahaging ito ay naglalaman ng
layunin sa pagkatuto na inihanda
upang maging gabay sa iyong
pagkatuto.
Subukin Ito ay mga pagsasanay na sasagutin
upang masukat ang iyong dating
kaalaman at sa paksang tatalakayin
Balikan Ang bahaging ito ay may kaugnayan
sa nakaraang aralin at sa iyong
bagong matututunan
Tuklasin Ipakikilala ang bagong aralin sa
pamamagitan ng gawaing pagkatuto
bago ilahad ang paksang tatalakayin
Suriin Ang mga desinyo sa kultural na
pamayanan sa Mindanao ay makikita
sa kanilang kagamitan at kasuotan
na ginagamitan ng ibat-ibang linya,
kulay at hugis.
Pagyamanin Ito ay mga karagdagang gawain na
inihanda para sa iyo upang ikaw ay
magiging bihasa sa mga kasanayan.
Isaisip Mga gawaing idinisenyo upang
maproseso ang inyong natutunan
mula sa aralin.
Isagawa Ito ay mga gawaing dinisenyo upang
maipakita ang iyong mga natutunan
na kasanayan at kaalaman at ito ay
magamit sa totoong sitwasyon.
Tayahin Ang pagtatasang ito ay ginamit
upang masusi ang inyong antas ng
kasanayan sa pagkamit ng layunin sa
pagkatuto
Karagdagang Ito ay mga karagdagang gawaing
Gawain pagkatuto na dinisenyo upang mas
mahasa ang iyong kasanayan at
kaalaman.

iii
Subukin

Panuto: Basahin at unawain ang sumusuod na mga tanong. Bilugan ang


titik ng tamang sagot.

1. Alin sa ibaba ang tumutukoy sa mga bagay na nasa likod at


kadalasang maliliit sa isang likhang sining?

A. Foreground C. Background
B. Middle ground D.Centerground

2. Ang disenyong okir ay gawa ng ________?

A. lfugao C. Maranao
B. Ivatan D. Gaddang

3. Nagagawa ng pintor na maging malapit o malayo ang mga bagay


sa kanyang likhang sining gamit ang?

A. kulay C. Tekstura
B. Espasyo D. Proporsiyon

4. Sila ay mga pangkat etniko na nakasentro ang pamumuhay sa


lawa ng Lanao?

A. Ifugao C. Tboli
B. Maranao D. Gaddang

5. Paano nakatutulong ang mga kulay sa pagbibigay ng mensahe sa


larawan?

A. Ang kulay ay may kahulugan na ipinapabatid.


B. Ang kulay ay nagtataglay ng ng mga tekstura na pwedeng
bigyan ng kahulugan.
C. Ang kulay ay nagpapatingkad ng larawan ng dibuho .
D. Ang mga kulay ay nagbibigay aliw sa mga nanunuri.

iv
Z

Aralin
Landscape ng
1 Pamayanang Kultural

Balikan

Anong desenyo ang makikita natin sa mga likhang sining ng


mga katutubo?

Paano mo maipagmamalaki ang mga komunidad ng


mga pangkat-etniko sa ating bansa?

8
Tuklasin

Panuto :Isulat sa patlang ang tamang sagot

1.Ang mga bagay sa ______ ay kadalasang malalaki at


pinakamalapit sa tumitingin.

A.Foreground B.Middle ground


C.Background D.Center ground

2.Ang mga bagay ay nasa likod at kadalasan na maliit.

A.Foreground B.Middle ground


C.Background D. Centerground

3.Ang mga bagay na nasa pagitan ng foreground at background ay may


katamtaman ang laki.

A.Center ground B.Back ground


C. Middle Ground D.Foreground

4.Anong bagay ang kadalasan iginuguhit na pinakamalaki at nasa


harapan?

A.Tao at kanilang ginagawa B.Tahanan at Puno


C.Bundok,kapatagan at langit D.Bato at Buhangin

5.Kadalasan ang iginiguhit sa tanawing likod ay_______.

A.Bundok kapatagan at langit B.Bato at Buhangin


C.Tao at kanilang ginagawa D.Tahanan at puno

iv
Suriin.

IVATAN
Ang mga Ivatan ay matatagpuan sa lalawigan ng Batanes. Ang
kanilang mga tahanan ay maituturing na lumang estraktura sa Batanes.
Ito ay yari sa limestone at coral habang ang bubungan ay mula sa mga
dahon ng cogon sadyang binuo sa pangunahing layunin na magbigay ng
proteksiyon laban sa kalamidad tulad ng bagyo.
Ang mga babaeng Ivatan ay nagsusuot naman ng headgear na
tinatawag na vakul. Ito ay yari sa abaka na inilalagay sa ulo bilang
kanilang proteksiyon sa araw at ulan.

Kumunidad sa Ivatan sa Batanes

IFUGAO
Ang mga Ifugao naman ay makikita sa bulubundukin ng
Cordillera kung saan ang mga hagdang-hagdang palayan ay
pangunahing atraksiyon sa lugar.Ang salitang Ifugao ay nagmula sa
katagang “i-pugo” na nangangahulugang “mga tao sa burol” o “people of
the hill”.

10
Ang kanilang tahanan na may kwadradong sukat na natutukuran ng
apat na matitibay na posting kahoy at ito ay nakakaangat mula sa lupa
na may humigit kumulang apat na talampakan walang bintana ang
tahanan at ang dingding ay yari sa matibay na mga kahoy. Mayroon
itong hagdanan na inaalis sa gabi upang di makapasok ang kaaway o
mabangis na hayop .

MARANAO

Ang mga Maranao ay pangkat-etniko na makikita sa Lanao,


Mindanao. Ang katawagang Maranao ay nangangahulugang “People of
the Lake” dahil ang pangkat –etniko na ito ay nabubuhay sa lawa ng
Lanao. Ang Kanilang pangunahing paraan ng pamumuhay ay
pangingisda at nakasentro ang kanilang mga gawain sa lawa.
Ang mga Maranao ay nakikilala sa kanilang pambihirang disenyo
na tinatawag na “Okir”.May mga tahanan ang mga Maranao na
tinatawag na torogan.Ito ay para sa mga datu o may mataas na
katayuan sa lipunan. Sa kanilang tahanan ay makikita ang disenyong
“Okir” sa harapan ng torogan. Ang mga inukit na disenyong okir ay
makikita sa mga nilililok sa panolong.

1. Ano ang vakul at ang gamit nito?


2. Ang bubungan ng bahay ng mga Ivatan ay yari sa anong dahon?
3. Ilarawan ang tahanan ng mga Ifugao.
4. Ang Maranao ay kilala sa kanilang pambihirang disenyong
tinatawag na ______.
5. Ang katawagang Maranao ay nangangahulugang ________

11

Pagyamanin
Panuto: Piliin sa kahon ang tamang sagot at isulat sa patlang.

A .Ifugao
B. Okir
C. Ivatan
D. Maranao
E. People of the lake

1 .Ang mga__________ ay matatagpuan sa lalawigan ng

Batanes.

2. Sila ay tinatawag na “mga tao sa burol”.____________.

3. Sila ang mga pangkat-etniko na makikita sa Lanao.

4. Pambihirang disenyo ng mga Maranao ay tinanatawag na


_________.

5. Ang katawagang Maranao ay nangangahulugang ________.

12
Isaisip

Naipapakita sa pagpipinta ang tanawin ng


komunidad ang tamang espasyo ng mag bagay sa
larawan sa pamamagitan ng pagguhit ng foreground
middle ground at background.

Isagawa

Pagpipinta ng Tanawin sa Komunidad


( Landscape Painting)

Kagamitan: lapis,bondpaper,watercolour,basahan, at water container

Panuto:

1. Isipin ang larawan ng komunidad na iguguhit. Ito ay maaring


sariling komunidad na kinabibilangan o ayon sa iyong
imahinasyon. Planuhin ang gawain ng mag tao, itsura ng bahay,at
tanawin sa komunidad na iguguhit.
2. Unahing iguhit ang guhit tagpuan(horizon) at mga bagay na
pinakamalaki at nasa harapan(foreground) tulad ng tao at ang
kanilang ginagawa.
3. Sunod na iguhit ang mga bagay sa middle ground o tanawing gitna
tulad ng mga tahanan at puno.
4. Pagkatapos, iguhit ang background o tanawing likod tulad ng
bundok o kapatagan at langit.
5. Kulayan mo ito ng watercolour at lagyan ng pamagat.

13
Tayahin

Panuto A: Bilugan ang titik ng tamang sagot.

1.Sa pagpipinta ng tanawin, matapos iguhit ang tagpuan (horizon) ay


isusunod ang ____?
A. Foreground C. Middle ground
B. Background D. Underground

2. Ang vakul ay headgear na isinusuot ng mga Ivatan. Ano ang


layunin niti sa kanilang katawan?

A. Magsilbing dekorasyon at palmuti


B. Pananggalang sa masamang espiritu
C. Proteksiyon sa araw at ulan
D. Lahat ng nabanggit

3. Sila ay pangkat –etniko na nakasentro ang pamumuhay sa lawa ng


Lanao?

A. Ifugao C. Maranao
B. T’boli D. Gaddang

4. Alin sa mga tanawing kultural ang nakikitaan ng disenyong okir sa


kanilang tahanan?

A. Bahay ng Ivatan C. Bahay ng T ‘boli


B. Bahay ng Maranao D. Bahay ng Ifugao

6. Ano ang tawag sa larawan na karaniwang pumapaksa sa mga


kabundukan at mga kalupaan?

A. Pagguhit ng landscape
B. Pagguhit ng dreamscape
C. Pagguhit ng seascape
D. Pagguhit ng skyscape

14
Karagdagang Gawain

Magpinta ng tanawin ng komunidad na may tamang espasyo ang mga


bagay sa larawan sa pamamagitan ng pagguhit ng foreground
,middleground at background.

15
Susi sa Pagwawasto

Subukin
1. A
2. C
3. B
4. B
5. B.

Tuklasin
1.A
2.C
3.C
4.A
5.A

Pagyamanin
1.C
2.A
3.D
4.B
5.E

Tayahin
1.A
2.C
3.C
4.B
5.A

16

Sanggunian:
Montaῇez,Cynthia., et.al., (2015) Musika at Sining 4 LM Department of
Education-Instructional Council Secretariat (DepEd)-IMCS

Montaῆez,Cynthia, et.al., (2015) Musika at Sining 4 TG Department of


Education-Instructional Council Secretariat DepEd-IMCS)
For inquiries and feedback, please write or call:

Department of Education – Division of Valencia City

Lapu - Lapu Street, Poblacion, Valencia City 8709

Telefax: (088) 828 - 4615

17

You might also like