You are on page 1of 4

Republic of the Philippines

Department of Education
REGION IV-A CALABARZON
SCHOOLS DIVISION OF SAN PABLO CITY
STO. CRISTO ELEMENTARY SCHOOL
SAN PABLO CITY, LAGUNA

Filipino 6
Summative Test #1 (Quarter 3)

Pangalan: ________________________________________ Petsa: ___________ Iskor: _________

Panuto: Basahin ang ulat sa ibaba at sagutin ang mga sumusunod na tanong. Isulat ang titik ng
iyong sagot .

Ulysses, Iba Kay Ondoy — Climatology Expert

MANILA, Philippines — Malaki umano ang pagkakaiba ng Super Typhoon Ondoy na nanalasa noong
September 2009 sa Bagyong Ulysses na naranasan ngayon ng Metro Manila at Luzon dahil ang bawat bagyo
ay may kanya-kanyang uri at lakas na dalang ulan at hangin.

“Itong si Ulysses, hindi ito kabagalan. Hindi ito katulad ni Ondoy. Si Ondoy talagang napakabagal ng
kilos niyan. Sa unti-unti niyang galaw (Ondoy), puro ulan ang dinala niya. Walang masyadong hangin,” pahayag
ni Nathaniel “Mang Tani” Cruz, dating climatologist ng PAGASA at resident meteorologist ng GMA.

Ayon kay Cruz, si Ondoy ay kumain ng maraming buhay at puminsala sa maraming ari-arian at
imprastraktura nang magkaroon ng flashfloods dahil sa matinding ulan na bumuhos sa loob lamang ng anim na
oras.

Samantala si Ulysses ay naapektuhan lamang ng mga nagdaang mga bagyo kaya ang dala nitong ulan
ay matindi ring nakaapekto sa mamamayan.

“Ito kasing si Ulysses, ilang bagyo na kasi ang dumaan bago ito dumaan. So, ‘yung lupa, maging sa
Sierra Madre ay babad na babad na. Saturated na kaya kaunting ulan lamang ay nagkakaroon ng run-off,”
dagdag ni Cruz.

Ito anya ang dahilan kung bakit umabot ang water level ng Marikina river ng 21.9 meters kahapon, mas
mataas sa 21.5 meters na water level ni Ondoy noon.

Sinabi rin ni Cruz na mas maraming bagyo na ang dumaan bago si Ulysses kaya pati ang mga dam
tulad ng Angat ay umapaw ang tubig.

Kung ikukumpara naman si Ulysses sa Super Typhoon Rolly, si Ulysses ay mas mahina pero ang
impact ay higit na naramdaman dahil kakadaan lang ni Rolly at hindi pa nakakabangon ay may bagyo na
naman.
Angie dela Cruz
Pilipino Star Ngayon
November 13, 2020

_________1. Sino ang dating climatologist ng PAGASA at resident meteriologist ng GMA?


a. Kim Atienza c. Mike Enriquez
b. Jessica Soho d. Nathaniel Cruz
_________2.Kailan nanalasa ang Super Typhoon Ondoy sa Pilipinas?
a. Disyembre 2018 c. Disyembre 2011
b. Septyembre 2009 d. November 2015
_________3.Anong bagyo ang nanalasa sa Pilipinas nitong Nobyembere 11, 2020 na halos nalubog sa
baha ang buong Marikina?
a. Bagyong Rolly c. Bagyog Ulysses
b. Bagyong Ondoy d. Bagyong Quinta

_________4.Bakit umabot ng mas mataas ang level ng tubig ng Marikina River nitong kay Bagyong Ulyses
kaysa noong kay Bagyong Ondoy?
a. Dahil ang Marikina River ay maraming nakabara na basura.
b.Dahil sa ang bagyong Ondoy ay mas mahina kaysa bagyong Ulysses.
c.Dahil ang Bagyong Ulysses ang pinakamalakas sa lahat ng bagyo ngayong taon.
d.Dahil sa sunod-sunod na bagyo ang dumating bago pa man ang bagyong Ulysses.
_________5.Paano mo paghahandaan ang ganitong uri ng kalamidad?
a. Matulog dahil malamig ang panahon.
b. Manatili sa loob ng bahay kahit pinapalikas na.
c. Maghanda ng emergency kit at makibalita sa mga pangyayari.
d. Makinig ng balita sa radyo o telebisyon ng mga babala at signal.

Panuto:Sagutin ang mga sumusunod na tanong. Isulat ang titik ng tamang sagot

_________6.Nakita ni Dirus sa pintuan ang ganito: Bawal


Pumasok.
a. Maaring pumasok. c. Hindi maaring pumasok sa loob
b. Sigawan ang nasa loob. d. Pumasok nang tuloy-tuloy sa loob

_________7.Ano ang ibig sabihin ng nakasulat na “Panatilihin ang Social Distancing”


a. Umiwas sa mga social na tao.
b. Maghawak kamay sa paglalakad.
c. Huwag makipagsiksikan sa mga tao.
d. Kailangan mananatili ang pagiging social

_________8.Habang naglalakad sa kalsada si Caye at ang kanyang nanay nakita nila ang simbolong nasa
ibaba. Ano ang ibig sabihin ng simbolong ito?

a. bilisan mo ang paglalakad


b. bawal ang pagtawid sa linya
c. iisang tao lang ang pwedeng tumawid
d. tumawid sa tamang tawiran o pedestrian lane

_________9.Ang tsart na nasa ibabaw ay ang Rainfall Warning Signal ng PAGASA tuwing may bagyo. Ano
ang ibig sabihin kung nasa Orange Warning ang isang lugar?
a. walang pagbaha sa mababang lugar
b.matinding pagbaha sa mababang lugar
c.aasahan ang pagbaha sa mababang lugar
d.nagbabadyang pagbaha sa mababang lugar
_________10. Ano naman ang gagawin kapag nasa Red Warning ang isang lugar?
a) subaybayan ang lagay ng panahon
b) maghanda sa posibilidad ng paglikas
c) lumikas at pumunta sa mataas na lugar
d) huwag pansinin ang warning sign ng PAGASA

Basahin at unawaing mabuti ang kuwento. At sagutin ang mga sumusunod na tanong sa ibaba.
Ang Leon at ang Daga
(ni: Lydia D. Liwanag)
Biglang dinampot ng gutom na leon ang isang munting daga na marahang naglalakad sa harap niya, isang
tanghaling tapat. Akala ng daga ay mahimbing na natutulog ang leon. Nagpapahinga noon ang leon sa ilalim ng
punong kahoy sa tabi ng kaniyang kuweba.

“Aha! Sa gutom kong ito, munting daga ay pagtitiyagaan ko na!” pasigaw na sabi ng leon habang hawak
niyang mahigpit ang dagang pilit kumakawala sa mga kuko niya. “Maawa na po kayo, marangal na Leon,” magalang
na pakiusap ng daga. “Maliit lamang po ako”. Hindi po ako makabubusog sa inyo. Huwag po ninyong dungisan ng
dugo ng munting daga ang marangal ninyong mga kuko,” naiiyak na sabi ng daga. “Ako’y nagugutom. Kahit paano’y
baka makabusog ka sa akin,” pabulyaw pa ring tugon ng leon.

“Mahal na Leon, kung ako’y inyong palalayain baka balang araw po’y makatulong ako sa inyo,” matiyagang
pakiusap ng daga. Nag-isip sandali si Leon. Tila may katuwiran ang munting daga. Pinalaya niya ito. Mabilis na
tumakbo ang daga sa loob ng gubat.

Ilang araw mula noon, naraanan ng daga ang leon. Nakakulong ito sa loob ng isang lambat na lubid. Walang
sinayang na panahon ang daga. Buong tiyaga at mabilis na nginatngat nito ang lambat na lubid. Nakalaya sa lambat
ang leon. Ganoon na lamang ang tuwa at pasasalamat ng leon sa daga. Naiisip niya marunong tumupad sa pangako
ang daga.

_______11. Ito ay nagpapahayag ng mga ebidensya at dahilan upang maipagtanggol


ang katwiran ng isang panig.
a. pasalaysay b. argumento c. paglalahad d. pangangatuwiran

_______12. “Mahal na Leon, kung ako’y inyong palalayain baka balang araw po’y makatulong
ako sa inyo.” Ano ang posibleng epekto ng pangangatuwiran ni Daga?
a. luluhod si Leon kay Daga
b. mas lalong magalit si Leon
c. paparusahan ni Leon si Daga
d. palayain si Daga upang makatulong ito balang araw

_______13. Ano ang nag-udyok kay Leon upang kainin ang munting daga?
a. galit siya sa mga daga c. gutom na gutom si Leon
b. nagkasala ito sa kanya d. paparusahan ni Leon si Daga

_______14. Bakit tinulungan ni Daga si Leon mula sa pagkakakulong?


a. matalik silang magkaibigan
b. mayroon silang pinagsamahan
c. tinupad niya ang kanyang pangako
d. napilitan lang si Daga sa pagtulong kay Leon

_______15. Ang mga sumusunod na pangungusap ay nagpapahiwatig ng argumento


maliban sa isa. Alin dito ang hindi argumento?
a. Naisip niya marunong tumupad sa pangako ang daga.
b. “Ako’y nagugutom, kahit paano’y baka makabusog ka sa akin.”
c. “Huwag po ninyong dungisan ng dugo ang munting daga ang marangal ninyong mga kuko.
d. “Mahal na Leon, kung ako’y inyong palalayain baka balang araw po’y makatulong ako sa inyo.”

D. Ibigay ang buod ng kwentong (16-20) Ang Leon at ang Daga


E. Ibigay ang buod ng tekstong (20-25) Ulysses, Iba Kay Ondoy — Climatology Expert

(isulat sa likod na bahagi ng papel) Rubriks/Pamantayan sa Pagtataya


5 4 3 2 1

NILALAMAN

● Pagsunod sa uri at anyong hinihingi


● Lawak at lalim ng pagtalakay

BALARILA

● Wastong gamit ng wika/salita


● Baybay, bantas, estraktura ng mga pangungusap

HIKAYAT

● Paraan ng pagtalakay sa paksa

5- Pinakamahusay 2- Mapaghuhusayan pa
4- Mahusay 1- Nangangailangan pa ng mga pantulong na pagsasanay
3- Katanggap-tanggap
TALAAN NG ISPESIPIKASYON
Summative Test sa Filipino VI
Quarter 3

Pinakamahalagang Kasanayang Bilang ng Kinalalagya Bahagdan


Pampagkatuto (MELC) Aytem n ng Bilang

Nasasagot ang mga tanong tungkol sa 10 1-10 40%


napakinggang/nabasang pabula,
kuwento,
tekstong pang-impormasyon
at usapan
Naiisa-isa ang mga argumento sa
binasang teksto 5 11-15 20%

Nakapagbibigay ng lagom o buod ng 10 16-25 40%


tekstong
napakinggan
Kabuuan 25 25 100%

Inihanda ni :

CHERYLYN D. DEVANADERA
Guro

Binigyang puna ni :

VERONICA S. RIL
Punungguro

You might also like