You are on page 1of 9

Republika ng Pilipinas

Kagawaran ng Edukasyon
Rehiyon IV-A CALABARZON
SANGAY NG LUNGSOD NG ANTIPOLO
MAYAMOT NATIONAL HIGH SCHOOL

INTERBENSYONG GAWAIN SA FILIPINO 7

IKATLONG MARKAHAN

Pangalan:_____________________________________________ Iskor: _____________


Baitang at Pangkat: ____________________________ Lagda ng Magulang:
____________

I. PAG-UNAWA SA BINASA

A.PANUTO: Basahing mabuti ang mga seleksyon. Pagkatapos, sagutin ang mga
tanong sa pamamagitan ng pagpili ng letra ng tamang sagot.

Isa sa napapanahong isyu sa kasalukuyan ay ang pagkasira ng


kalikasan. Marami sa atin ay inaaabuso ang biyayang ito na binigay sa atin ng
Maykapal. Pinuputol ng mga illegal loggers ang mga puso, gumagamit ng mga
pampasabog sa pangingisda, at itinatapon lamang sa ating paligid ang mga basura,
Nakababahala na ang suliranin na ito sapagka’t nararanasan na natin ang hagupit
nag anti ng kalikasan. Dapat na nating alagaan an gating kapaligiran. Kumilos na tayo
upang maging maayos na nag daigdig,

1. Sino ang dapat sisihin sa pagkasira ng kalikasan?


A. Hayop C. Mga Halaman
B. Kalamidad D. Tao

2. Pang-ilang pangungusap ang nagsasaad ng mga nangyayari sa ating kalikasan?


A. Una C. Pangapat
B. Pangalawa D. Pangatlo

3. Alin sa mga sumusunod na dahilan ang nagiging sanhi ng pagbaha?


A. Pagtapon ng basura sa kapaligiran
B. Paggamit ng pamapasabog sa pangingisda.
C. Pagputol ng puno ng mga illegal loggers.
D. Pananalanta ng mga malalakas na bagyo.
4. Bilang isang kabataan , anong pagkilos ang dapat mong gawin?
A. Sumunod sa batas ng trapiko.
B. Magwalang bahala at ipaubaya sa mga ahensya ng pamahalaan.
C. Sabihan ang mga matatanda na huwag nang sisirain ang kalikasan.
D. Makisangkot sa mga gawain na may kinalaman sa pangangalaga sa
kapaligiran.

5.Alin sa mga sumusunod ang maaring maging pamagat ng seleksyon?


A. Ang Pagkasira ng Kalikasan.
B. Ang mga Basura ng Kapaligiran.
C. Ang Masamang Epekto ng Pagpuputol ng Puno.
D. Ang Paggamit ng Dinamita sa Pangingisda.

6.Kumilos na______ upang maging maayos na ang ating daigdig.


Ano ang angkop na panghalip ang dapat gamitin sa pangungusap?
A. Atin C. Sila
B. Kami D. Tayo

Dapat na nating alagaan ang ating kapaligiran. Kumilos na tayo


upang maging maayos na nag daigdig,

7.Ano layon ng pangungusap ay ________?

A. nangangatwiran C. nagpapaliwanag
B. nanghihikayat D. nanunuligsa

Nakababahala na ang suliranin na ito sapagka’t nararanasan na natin


ang hagupit nag anti ng kalikasan.

8. Sa pahayag na “ Nakababahala na ang suliranin na ito sapagkat nararanasan


na natin ang hagupit n gating kalikasan” Ano ang damdaming ipinapahiwatig ng
nagsasalita?
A. Nababalisa C. Natutuwa
B. Nanghihinayang D. Nayayamot

Para sa aytem 9 at 10
Sa kaniyang paglabas, nakita niya sa kanilang bakuran naglalaro ang
kaniyang bunsong kapatid na si Andrew na tatlong taon pa
lamang.Binigyan niya ito ng isang mabilis na halik sa mabibilog nitong
pisngi at kumaripas nang palabas ng gate upang sundin ang utos ng
kaniyang ina. Nakalimutan niyang isara ang gate at nakita ito ni Andrew.
Napangiti ang bata.
9 .Binigyan niya ito ng isang mabilis na halik sa mabilog na pisngi at kumaripas nang
palabas ng gate upang sundin ang utos ng kaniyang ina. Anong hinuha mo sa
katangian ni Alvin sa bahaging ito ng teksto?
A. Masayahing bata C. Masunuring bata
B Masipag na bata D.Tapat na bata

10. Inutusan si Alvin ang kanyang ina na bumili ng suka sa tindahan.Ang salitang may
salungguhit ay isang____________.
A.Pandiwa C. Pang-uri
B. Panghalip D. Pantukoy

B. Panuto: Basahin ang mga sumususunod na pahayag, piliin ang tamang letra
na nagpapaliwanag sa katangian at elemento ng Mito/ Alamat/ Kwentong –
bayan.

11. Sinasabing sa isang maganda at mataas na bundok sa Gitnang Luzon, naninirahan


ang isang magandang diwata sa Bundok Arayat. Ang diwata ay si Mariang Sinukuan,
isang mabait at makatuwirang diwata. Alin sa mga bahagi ng elementong banghay ang
inilalahad ng panyayari?
A. Kasukdulan C. Panimulang Pangyayari
B. Pababang Pangyayari D. Resolusyon
12. Magandang dalaga si Maria.  Masipag, masigla, masayahin, at matalino rin.
Anupa't masasabing isa siyang ulirang dalaga na totoong mapangarapin. Alin sa mga
elemento ng kwentong –bayan ang inilahad ng pangyayari.
A. Banghay C. Tauhan
B. Tagpuan D. Wakas

13.At mula noon, doon na sa magandang tahanan ng diwata namalagi si Mangita at


nabuhay silang masaya at mapayapa, habang si Larina naman ay nasadlak sa ilalim ng
lawa, walang tigil niyang sinusuyod ang kanyang buhok upang isa-isang matanggal ang
mga butong itinago niya rito. Alin sa mga elemento ng alamat ang inilalahad ng
panyayari?
A. A. Banghay C. Tauhan
B. Tagpuan D. Wakas
II. PAGLINANG NG TALASALITAAN
A. Panuto: Tukuyin ang kasingkahulugan at kasalungat ng mga salita batay
sa pagkagamit sa pangungusap.
14.Pahalagahan natin at alagaan ang ating mga lolo at lola sapagkat sila’y tunay na
nangangailangan ng ating pagkalinga. Ibigay ang kasingkahulugan ng salitang may
salungguhit.
A.Pag-aaruga B. Pagsuporta C. Paglisa D. Pagtulong

15.Masayang kumandong ang apo sa kanyang mapagmahal na lola. Ibigay ang


kasalungat ng salitang may salungguhit
A. Mabuti C. Mahigpit
B. Madamot D. Malupit

B.Panuto:Lagyan ng tsek kung ang kahulugan ng salitang may salitang ay


denotasyon at ekis kung sa paraang konotasyon

___16.Maraming kang papel.( sulatan)


___17. Maraming kang papel .( gampanin)

C.. Panuto: Piliin ang letra ng salitang naiiba ang kahulugan mula sa pangkat ng
mga salita nasa loob ng kahon.

Para sa aytem 18.


A.Kilala B. Popular

B.Mahusay D. Sikat

III. WIKA AT GRAMATIKA

A. Panuto: Tama o Mali .Basahin at unawain ang sumusunod na pahayag.Isulat


ang TAMA kung ang pahayag ay tama at Mali kung ang pahayag ay mali.

19.Ang Tono ay pagtaas at pagbaba ng pagbigkas sa pantig sa isang salita.


20..Ang Tuldok (.) ay ginagamit sa sandaling paghinto/paghinto sa pagbabasa.
21.Ang Antala ay saglit ng pagtigil sa pagsasalita upang mas maging malinaw ang
nais iparating ng mensaheng ipinapahayag.
22.Kung si Haba ay nagpapahaba ng bigkas ang Diin, naman ay ang lakas ng
bigkas sa isang pantig.
23.Mahalaga ang ponemang suprasegmental sa mabisang pakikipagtalatasan.

B. Piliin sa loob ng panaklong ang letra ng tamang salitang angkop sa bawat


patlang ayon diin ng pagbigkas nito upang mabuo ang diwa ng
pangungusap.

24.(A. BUkas, B.buKAs)


_______ na tayo pumunta sa sa silid-aklatan upang magbasa.

25. ( A. PUno, B. puNo)


________ ang itanim upang baha ay maiwasan.

26. ( A. gaBi, B. GAbi)


Mahilig kumain ng gulay si Vhon, katunayan paborito niya nga gulay na______.

27. (A. siKAT, B. SIkat)

Umaga pa lang pero matindi na ang _______ ng araw.

28. (A. haBUlin B. habuLIN)

Dali,____ mo ang lalaking iyon bago pa siya makalayo.

C.Tukuyin ang kung anong Akdang Pampanitikan ang inilalarawan sa bawat


pahayag. Piliin ang letra ng tamang sagot.

A.Sanaysay E. Palaisipan
B.Tugmang de Gulong F. Bugtong
C. Tula/Awiting Panudyo G. Alamat
D. Mitolohiya
29. Ito ay karaniwang tumatalakay sa mga kwentong may kinalaman sa mga diyos,
diyosa, bathala, diwata, at mga kakaibang nilalang na may kapangyarihan.

30. Akdang pampanitikan na naglalahad ng sariling ideya, opinion, kuro-kuro at


saloobin ng manunulat.

31. Akdang pampanitikan na nagpapaliwanag ng pinagmulan ng isang bagay, pook,


pangalan o pangyayari..

32. Isang pahulaan sa pamamagitan ng paglalarawan.

33. Mga paalala o babala na karaniwang mababasa sa mga pampublikong sasakyan


tulad gaya ng dyip at traysikel.

34. Isang uri ng akdang patula na kadalasan ang layunin ay manlibak, manukso o
mang-uyam.

35. Ito ay isang suliranin na sinusubok ang katalinuhan ng lulutas nito.

36. Ito ay nagpapahayag na ang mga ninuno natin ay may makulay na buhay noong sila ay
bata pa

D.Tukuyin kung ang mga sumusunod ay Tula/Awiting Panudyo, Tugmang De


Gulong, Palaisipan O Bugtong.

37. God knows HUDAS not pay.

38. Si Ana ay napakaganda pero kung tumayo parang nakaupo.

39. Isang supot ng uling

Naroroot bibitin bitin.

40. Barya lang sa umaga.

41. Ano ang makikita mo sa ng isang beses sa isang minuto,

dalawa sa walong siglo pero hind isa habambuhay.

42. Sa liwanag di mo makita

Sa dilim malaiwanag sila

43. Si Pedro ay maitim


Di makita sa dilim

E. Panuto: Piliin ang letra ng wastong panandang anaporik at kataporik ng


pangngalan na dapat gamitin upang mabuo ang diwa ng pangungusap. Isulat
ang sagot sa iyong sagutang papel.

44.Ang Diyos ang pinagmumulan ng lahat ng biyayang natatanggap ng tao, kaya


nararapat lamang na ibigay sa_______ ang walang hanggang papuri at pasasalamat.
A. Kanya C. Niya
B. Kanila D. Nila

45.Mahalin natin ang ating pamilya, sapagkat sa oras ng kagipitan ____ pa rin ang ating
maasahan.
A. Kaniya C. Siya
B. Kanila D. Sila

46.Nakakatulong ang mga ____ upang maiwasan ang pagbaha at pagguho ng lupa.
Ang mga puno ay nagbibigay ng lilim at prutas sa atin.
A. Dito C. Ito
B. Doon D. Iyon
47.Dapat nating kilalanin ang kagitingan ng mga frontliners lalo na ang mga doctor at
nars sapagkat matinding sakripisyo ang ______ inilaan sa mga pasyente na may sakit
na covid 19.
A. Kanya C. Niya
B. Kanila D. Nila

48 _______ inihayag ni Heneral Emilio Aguinaldo ang kalayaan ng Pilipinas noong ika-
12 ng Hunyo 1898. Ang Dambanang Aguinaldo ay isang dambana ng Republika ng
Pilipinas na matatagpuan sa Cawit, Cavite .

A. Dito C. Ito
B. Doon D. Iyon
49.______ ang mga itinuturing na bagong bayani sapagkat hindi biro ang sakripisyo
ng mga frontliners sa panahon ng pandemya

A. Kaniya C. Siya
B. Kanila D. Sila

F. Panuto: Basahing mabuti ang bawat aytem at piliin ang letra ng tamang
salitang dapat gamitin upang mabuo ang diwa ng pangungisap.

50.Ano ang wastong salita na dapat gamitin sa pangungusap, _______ ay makikita


na ang kaibahan ng magkapatid na Roy at Rey.
A. Kasunod C. Sa huli
B. Pagkatapos D. Sa simula pa lamang
51.Sa wakas ay ay nakita kung sino sa dalawa ang tunay na maganda at karapat-
dapat tumanggap ng parangal.
Ang pahayag na “ Sa wakas” ay salitang ginagamit sa pagpapahayag____
A. Panimula C. Kasukdulan
B. Gitna D. Wakas
52.Ang mga sumusunod ay mga pahayag na ginagamit sa paglalahad ng panimula,
gitn at wakas maliban sa isa.
A. Noong una C. Sa huli
B. Pagkatapos D. Tila
53._________ pa lamang ay natatakot na nag lahat sa kumakalat na sakit na Covid 19
sa buong mundo. Anong angkop na salita na dapat gamitin sa pangungusap.
A. Kasunod C.Sa simula
B. Mula noon D Sa wakas

54. Alin sa mga sumusunod na salita ang ginagamit sa paglalahad ng panimula.

A. Maya-maya C. Sa huli

B. Noong araw D. Sa wakas

55._______ sa lahat ng pagsubok na dulot ng pandemya, tayo ay may natutuhan tugkol


sa buhay na dapat pahalagahan.

A. Kasunod C. Sa simula
B. Mula noon D. Sa wakas

IV. PAGSULAT

Panuto:Gamitin mga sumusunod na salita o pahayag sa paghihinuha ( Tila,


Marahil, Siguro, Maari, Sa palagay ko, Yata, Di Malayo )
sa pagsagot sa mga katanungan sa ibaba. Salungguhitan ang mga salitang
ginamit .

56. Saan ka kaya mag-aaral pagdating sa kolehiyo?


_______________________________________________________________.

57.Anong kurso kaya ang kukunin mo?


________________________________________________________________.

58.Saan ka kaya magtatrabaho kapag nakatapos ka na?

________________________________________________________________..

59.Mangingibang bansa ka kaya para doon na magtrabaho at tumira?


_________________________________________________________________.
60.Sino o ano ka na kaya limang taon mula ngayon?

_________________________________________________________________

You might also like