You are on page 1of 4

Republika ng Pilipinas

Kagawaran ng Edukasyon
Rehiyon III – Gitnang Luzon
Sangay ng mga Pampublikong Paaralan sa Lalawigan ng Tarlac
PAMBANSANG MATAAS NA PAARALAN NG SAN ROQUE
Bamban, Tarlac

Diyagnostikong Pagsusulit
Grade 9
Pangalan________________________________________________Iskor________________
Antas at Seksyon_________________________________________Petsa_______________

Panuto: Basahin ang mga katanungan sa bawat bilang at isulat sa patlang ang letra ng tamang
sagot.
___1. Isang uri ng panitikan na nagbibigay diin sa ritmo, mga tunog, paglalarawan at mgaparaan
ng pagbibigay ng kahulugan ng mga salita.
A. Maikling Kwento C. Dula
B. Tula D. Nobela
___2. Ito ay isang uri ng tula mula sa Hapon na may 31 pantig na nahahati sa limang taludtodna
may sukat na 5-7-5-7-7.
A. Tanka C. Bugtong
B. Haiku D. Dalit
___3. Isang uri ng panitikan na kathang isip lamang na kinapupulutan ng magandang aral. Mga
hayop o bagay na walang buhay ang karaniwang gumaganap na pangunahing tauhan dito.
A. Tula C. Dula
B. Epiko D. Maikling Kuwento
___4. Tumutukoy ang ito sa pagtaas at pagbaba ng tinig sa pagsasalita, na maaaringmaghudyat
ngkahulugan ng pahayag
A. Diin C. Intonasyon
B. Haba D. Tono
5-7. Tukuyin ang tamang salita batay sa ibinigay na kahulugan sa bawat bilang. Gamitin
ang diin upang matukoy ang kahulugan ng salita.
___5. Palaboy
A. GA:la
B. ga:LA
___6. Isang uri ng damit ng mga kababaihan
A. SA:ya
B. sa:YA
___7. Bakit mahalagang pag-aralan ang panitikan ng Silangang Asya?
A. Makasunod tayo sa agos ng modernisasyon.
B. Mapagtibay pa ang ating pakikiisa sa ibang bansa sa Asya.
C. Matuto at mapaunlad ang sarili tulad ng mga kapwa nating Asyano.
D. Lubos na makilala ang kultura at kaugalian ng ating mga karatig bansa.
8-10. Basahin at unawaing mabuti ang teksto na mababasa sa ibaba.
Paano ko ipapaliwanag sa iyo anak, kung bakit minsa’y kailangan kong umalis ng bahay at sa
gabi na bumalik habang iyak ka nang iyak at ako ang palaging tinatawag?Kung sa ngayon, anak,
ako muna’y patawarin. Ngunit balang-araw sana’y maunawaan mong ang pagmamahal na iyan
ang siyang tunay na dahilan kung bakit kung minsan ay mas hinaharap ko pa ang
pagmamakinilya kaysa paghele sa iyo. Halaw sa: Paano Nagsusulat ang Isang Ina ni Ligaya G.
Tiamson Rubin

___8. Ano ang tono ng nagsasalita sa sanaysay?


A. nagdaramdam C. nagpapaunawa
B. nagtatampo D. nanghihikayat
___9. Ano ang nais ipahiwatig ng ina sa anak sa linyang mas hinaharap ko pa
angpagmamakinilya kaysa paghele sa iyo?
A. Mas mahalaga ang pagtatrabaho kaysa pag-aalaga ng bata
B. Mas pinahahalagahan ang pag-aalaga ng bata kaysa pagmamakinilya
C. Mas mahalaga sa ina ang pagkakaroon ng makinilya kaysa magkaroon ng anak
D. Nais ng ina na mas mahalaga mayroong trabaho para sa kinabukasan ng anak
___10. Sino ang nagsasalita sa sanaysay?
A. Ama C. Anak
B. Ina D. Kapatid
___11. Halos lumiyab ang dibdib ni Pedro sa mga papuring naririnig niya sa kanyang
mgakaklase. lumiyab ang dibdib ay nangangahulugang?
Republika ng Pilipinas
Kagawaran ng Edukasyon
Rehiyon III – Gitnang Luzon
Sangay ng mga Pampublikong Paaralan sa Lalawigan ng Tarlac
PAMBANSANG MATAAS NA PAARALAN NG SAN ROQUE
Bamban, Tarlac

A. Nagmamagaling C. nagmamalaki
B. madurog ang puso D. lumaki ang ulo
___12. Naiwang nagkakamot ng ulo ang bata dahil sa pagkawala ng kanyanga
pagkain.nagkakamot ng ulo ay nangangahulugang?
A. nasiraan ng ulo C. nangangati ang ulo
B. walang nagawa D. sumakit ang ulo
___13. Anong uri ng talumpati ang naglalayong tanggapin ang bagong kasapi ngsamahan o
organisasyon?
A. Talumpati na nanghihikayat
B. Talumpating Pagbibigay galang
C. Manuskrito
D. Talumpating Pamamaalam
___14. Ito ay isang babasahin at nagmula sa bansang Hapon na tinatawag itong kyogen.
A. Tula C. Dula
B. Epiko D. Maikling Kwento
___15. Ito ay tahasan nang magpapakita ng labanan o pakikibaka ng tanging tauhang inilahad at
ito ay maaaring ang kanyang pakikipagtunggali sa sarili, sa kapwa, at sa kalikasan.
A. Saglit na kasiglahan C. Kasukdulan
B. Tunggalian D. Katapusan
___16. Ang isang parabula ay madalas na hango sa ____________ at kuwentong umaakay sa tao
sa matuwid na landas ng buhay.
A. Nobela C. Bibliya
B. Teleserye D. Pabula
___17. Nagtuturo ang isang parabula ng ispiritwal o kagandahang asal na magiging gabay ng
isang taong nasa pangangailangang mamili o magdesisyon.
A. Tama C. Puwede
B. Mali D. Marahil
___18. Ito ay isang malungkot na tula na ipinapatungkol sa namatay.
A. Elehiya C. Korido
B. Pabula D. Elohiyo
___19. Ano ang mararamdaman kung nakarinig ng elehiya?
A. Masisiyahan C. Magdiriwang
B. Malulungkot D. Walang pakialam
___20. Bahagi ng pananalita na nagsasaad kung kailan naganap o magaganap ang kilos na
taglay ng pandiwa.
A. Pang-abay C. Alamat
B. Tula D. Pangngalan
___21. Ito ay itinuturing na isang kwentong bayan na nagpapaliwanag kung saan nanggaling ang
isang bagay.
A. Pang-abay C. Alamat
B. Tula D. Pangngalan
___22. Si Fely at Felma ay namasyal sa Bolinao. Anong uri ng pang-abay ang pangungusap?
A. Pamanahon C. Panlunan
B. Pamaraan D. Sanhi
___23. Ito ay nagsasaad kung kailan naganap o magaganap ang kilos na taglay ng pandiwa.
A. Pamanahon C. Panlunan
B. Pamaraan D. Sanhi
___24. “Asawa ko, bakit kailangan mo pang umalis? Masaya ako kahit mahirap ang ating buhay
basta’t magkakasama tayo.” Ipinakikilala nitong ang asawa ng Brahman ay . . .
A. Matatakutin at nerbiyosa C. Mapagmahal na asawa
B. Selosa at walang tiwala D. Walang paakiramdam
___25. Ano ang pamagat ng pinakamahabang epiko sa buong mundo?
A. Bidasari C. Mahabharata
B. Ibalon D. Rama at Sita
___26. Mula sa anong bansa ang Epiko ng Rama at Sita?
A. India C. Serbia
B. Russia D. Malaysia
___27. Mula sa anong lugar sa Pilipinas nagmula ang Epikong Ibalon?
Republika ng Pilipinas
Kagawaran ng Edukasyon
Rehiyon III – Gitnang Luzon
Sangay ng mga Pampublikong Paaralan sa Lalawigan ng Tarlac
PAMBANSANG MATAAS NA PAARALAN NG SAN ROQUE
Bamban, Tarlac

A. Cebu C. Tarlac
B. Bicol D. Pampanga
___28. Sina Rama at Sita ay ipinatapon mula sa kaharian ng?
A. Ayodha C. Lanka
B. Ayutthaya D. Lireo
___29. Siya'y dumating sa Ibalong may kasamang banda ng mangingisda.
A. Rama C. Sita
B. Handiong D. Baltog
___30. Dito makakamtan ng pangunahing tauhan ang katuparan o kasawian ng kanyang
ipinaglalaban.
A. Kasukdulan C. Suliranin
B. Tunggalian D. Wala sa nabanggit
31-35. Tukuyin kung DENOTATIBO o KONOTATIBO ang gamit ng salitang may
salungguhit sa pangungusap.
___31. Natatandaan ng mga bata ang isa o dalawang okasyong sinurpresa sila ng ama sa
kaluwagang-palad nito.
A. Denotatibo
B. Konotatibo
___32. Noong gabing umuwi ang ama na masamang-masama ang timpla dahil nasisante sa
kaniyang trabahong lagarian.
A. Denotatibo
B. Konotatibo
___33. Pagkaraan ng dalawang araw, si MuiMui ay namatay, at ang ina lamang ang umiyak.
A. Denotatibo
B. Konotatibo
___34. Ang balita tungkol sa malungkot niyang kinahinatnan ay madaling nakarating sa kanyang
amo, isang matigas ang loob pero mabait na ito.
A. Denotatibo
B. Konotatibo
___35. Nangolekta ng abuloy ang isang babae at pilit niya itong inilagay sa mga palad ang ama
na di-kawasa, puno ng awa sa sarili.
A. Denotatibo
B. Konotatibo
36-40. Tukuyin ang kasingkahulugan ng mga salitang italisado sa hanay A mula sa mga
pagpipilian sa hanay B.
A B
____ 36. nakalilis ang mga manggas a. mahuhuli
____ 37. maluwat nang magkaibigan b. matagal
____ 38. maantala ang pagdating c. mahirap
____ 39. dumating na humahangos d. nagmamadali
____ 40. lalaking may pagkahampas-lupa e. nakatupi
f. nakiumpo
41-45. Isulat ang KH kung dalawang salitang magkatambal ay magkasingkahulugan at KS
kung magkasalungat. Isulat sa patlang ang tamang sagot
______ 6. paglalagalag – pagbubulakbol
______ 7. huminto – nagpatuloy
______ 8. matanto – maunawaan
_______9. namamangha – nagtataka
______ 10. makihalubilo – umiwas
46-50. Piliin kung anong katangian ng tauhan ang litaw na litaw sa mga aksiyong nakatala
sa bawat bilang.
___46. Mabilis si Andres sa kaniyang paggawa at wala siyang inaaksayang panahon. Si Andres
ay…
a. mapagkunwari c. malusog
b. masikap d. maagap
___47. Halos ang gabi ay ginagawang araw ng ama ni Andres upang makapag-ipon at
makapagtapos ang anak sa pangarap na kursong medisina. Ang ama ni Andres ay…
a. madisiplinang ama c. mapangaraping ama
Republika ng Pilipinas
Kagawaran ng Edukasyon
Rehiyon III – Gitnang Luzon
Sangay ng mga Pampublikong Paaralan sa Lalawigan ng Tarlac
PAMBANSANG MATAAS NA PAARALAN NG SAN ROQUE
Bamban, Tarlac

b. matapang na ama d. responsableng ama


___48. Naging manggagawa sa iba’t ibang bayan sa California si Andres. Namitas siya ng
mansanas sa Oregon at Washington… Naging serbidor sa mga restawran… Naging utusan…
Nagpatag ng bato sa daang tren. Si Andres ay…
a. maraming alam sa buhay c. masipag at matiyaga sa buhay
b. papalit-palit ng trabaho d. walang permanenteng magawa
___49. Pinagmumura ng donya ang mga magsasakang nagsikain at tumulong sa malaking
handaan sa kanilang tahanan gayong may mga bisita pa raw silang hindi pa tapos kumain. Ang
Donya ay…
a. madisiplina c. mahigpit
b. maalalahanin d. matapobre
___50. Naniniwala si Bill na maaabot ni Andy ang kanyang mga pangarap ngunit sinabihan niya
angbinata na mag-aliw-aliw at sanda-sandaling ilayo ang ilong sa kaniang libro. Si Bill ay …
a. mahilig magliwaliw c. mapagpayo sa kaibigan
b. likas na masiyahing tao d. walang pangarap sa buhay

Inihanda nina:

CANDELARIA M. CANLAS MICHAEL C. EUNICE M. GUZMAN


PANLICAN
T-II, Filipino T-I,Filipino
T-I, Filipino

Binigyang pansin nina: Inaprubahan ni:

MICHELLE M. MEDINA IRENE P. SARMIENTO


AMALIA D. LISING, EdD
MT-I, Filipino HT-II, Filipino Principal III

You might also like