You are on page 1of 3

ZAMBOANGA NATIONAL HIGH SCHOOL WEST

R. T. Lim Boulevard, Zamboanga City

PAGSUSULIT sa NATAMONG KABATIRAN


FILIPINO 8
School Year 2022-2023
Pangalan:________________________________________________________ Marka:_______________
Baitang at Seksyon: _______________________________________________ Petsa:_______________
A. PAGLINANG NG TALASALITAAN
Panuto: Tukuyin ang kasingkahulugan ng mga pahayag o salitang may salungguhit ayon sa pahiwatig nito sa pangungusap.
Hanapin ang sagot sa loob ng kahon at isulat ang titik ng tamang sagot sa patlang bago ang bilang.

A. matagal B. pag-asa C. maakit


D. masipag mag-aral E. walang trabaho o tambay F. nagmamalasakit

______1. Iwasang mabighani sa panlabas na kaanyuan kundi sa kalooban ng isang tao.


______2 .Ang pagsasabi ng tapat ay pagsasama ng maluwat.
______3. Sa likod ng makapal na ulap ay may nakatagong liwanag para sa mga nasalanta ng bagyo.
______4. May mga mag-aaral na nakapagtapos sa taong ito ay walang ibang ginawa kundi magbilang ng poste.
______5. Marami sa ating mga mag-aaral ay nagsusunog ng kilay sa hangaring makakuha ng mataas na marka sa pagsusulit.

B. PAG-UNAWA SA BINASA: Basahin at unawain ang pahayag sa loob ng kahon. Sagutin ang kasunod na mga tanong.
Piliin ang LETRA ng tamang sagot at isulat sa nakalaang patlang bago ang bilang.

“Wala sa laki ng saranggola ang pagpapalipad at pagpapatagal niyon sa itaas, nasa husay at tiyaga at ingat iyan!
Ang guryon ay malaki at madali ngang tumaas pero kapag nasa itaas na ay mahirap nang panatilihin roon at
kung bumagsak man, siguradong mawawasak” katwiran ng ama.

_____6. Sino ang nagsasalita sa teksto?


A. Anak B. Ina C. Ama D. Guro
_____7. Ano ang guryon?
A. Eroplanong papel B. Saranggola B. matanda C. laruan
_____8. Ano ang pahiwatig ng pahayag sa loob ng kahon?
A. Ang tagumpay ay hindi makukuha sa madalian at mga materyal na bagay kundi nasa tiyaga, disiplina, at
determinasyon ng isang tao.
B. Kapag nagyabang at naging mapagmataas ka, mataas din ang iyong ibabagsak.
C. Ang pagpapalipad ng saranggola ay daan upang malaman mo kung magtatagumpay ka sa buhay
D. Ang tagumpay ay parang guryon, madaling makamit at kapag bumagsak man, maaari pa ring mapabalik sa
itaas
_____9. Alin sa mga pares ng salita ang magkasingkahulugan?
A. Mahusay-Magaling B. bumagsak-nawasak C. Malaki-Mataas D. Madali-Mahirap
_____10. Alin sa mga pares na salita ang magkasalungat?
A. Mahusay-Magaling B. bumagsak-nawasak C. Malaki-Mataas D. Madali-Mahirap

C-MARAMIHANG PAGPIPILIAN :
Panuto: Piliin kung ano ang tinutukoy ng bawat tanong o pahayag. TITIK lamang ang isulat sa patlang bago ang bilang.
____11. Ano ang tawag sa linya ng isang tula?
A. Saknong B. Sukat C. Tugma D. Taludtod
____12. Anong tawag sa parehong tunog ng huling pantig sa isang tula?
A. Tugma B. Talinghaga C. Sukat D. Taludtod
____13. Anong tawag sa bilang ng pantig sa bawat taludtod?
A. Saknong B. Sukat C. Tugma D. Tema
____14. Ang salitang parak, lodi, beki ay halimbawa ng anong antas ng wika?
A.Balbal B. Kolokyal C. Lalawiganin D. Banyaga
______15. Sino ang tinaguriang “Ama ng Sarsuwelang Tagalog” na kilala din bilang Lola Basyang?
A. Severino dela Cruz B. Severino Reyes C. Jose dela Cruz D. Jose Reyes
____16. Ano ang katangian ng isang opinyon?
A. Isang guni-guni lamang C. Sariling paghuhulo
B. May pinagbabasihan D. Bungang-isip
____17. Paano makikilala ang isang katuwiran?
A. May patunay ang isyung nilalahad C. Naglalahad ng maraming isyu
B. May paninindigan D. Walang pinatutunayan
_____18. Ito ay binibigkas nang patula at may lima hanggang labindalawang pantig. Madalas itong nilalaro upang magpatalas
ng isip at magbigay-aliw. Anong uri ito ng karunungang-bayan?
A. Salawikain B. Sawikain C. Bugtong D. Kasabihan
____19. Ang pahayag na “Gumagalaw na kuwadrado, nililipat ng kahit sino” ay isang uri ng anong karunungang-bayan?
A. Sawikain B. Bugtong C. Salawikain D. Kasabihan
____20. Talaan ng iba’t ibang sanggunian katulad ng aklat, artikulo, peryodiko atbp.
A. burador B. talasanggunian C. balangkas D. kawingan
____21. Ito ay isang paraan ng pangangalap ng impormasyon sa pamamagitan ng pagmamasid sa mga bagay-bagay, tao
o pangkat o pangyayari.
A. Pagbasa o pananaliksik B. Pagsulat ng Journal C. Obserbasyon D. Pagsasarbey

D. Panuto: Gamit ang mga pahayag sa pag-aayos ng datos, pagsunod-sunorin ang mga sumusunod: Piliin ang TITIK ng
Tamang sagot at isulat sa patlang bago ang bilang.

A. pagkatapos B. pangalawa C. sa huli D. una


_____22. ___, ilagay ang bigas sa kaldero at hugasan ng dalawa hanggang tatlong ulit.
_____23. ___, lagyan ng tubig. Sa paglagay ng tubig, tansyahin o sukating mabuti para hindi maging
basa o hilaw ang kalalabasan. Sa paglagay ng tubig, kailangang lagpas sa lebel ng bigas.
_____24. ___, malagyan ng eksaktong tubig, isalang na ang kaldero sa kalan at maghintay. Hintaying kumulo.
Kapag kumulo na tapos umapaw na ang tubig, tanggalin pansamantala ang kaldero at ibalik din ulit.
_____25. ___, buksan ang kaldero at suriin kung madami o kakaunti na lang ang tubig. Kapag kaunti na lamang, hinaan na
ang apoy sa kalan para hindi masunog ang sa ilalim. Maaaring tikmanupang malaman kung luto na o hilaw pa.

E. Panuto: Piliin ang tauhang tinutukoy sa mga sumusunod na pahayag. Isulat ang titik ng sagot sa patlang bago ng bilang.
_____26. Nang mag-aral si Florante sa Atenas, sa kanya ipinagbilin si Florante.
A. Pitako B.Antenor C. Menalipo D. Menandro
_____27. Kung si Duke Briseo ang ama ni Florante, sino naman ang ama ni Adolfo?
A. Linceo B. Miramolin C. Antenor D. Sileno
_____28. Siya ay may hangarin sa korona at yaman ng bayan ni Florante.
A. Adonis B. Adolfo C. Miramolin D. Osmalik
_____29. Siya ang pumana kay Adolfo at naglitas kay Laura.
A. Miramolin B. Menandro C. Flerida D. Aladin
_____30. Inilarawan siyang taong sukab at may asal-hayop.
A. Ali-Adab B. Osmalik C. Adolfo D. Miramolin

F. Panuto: Piliin ang halagang pangkatauhan na inilalarawan sa bawat pahayag, isulat ang titik ng sagot sa patlang bago ng bilang.
_____31. Hindi pinatay ni Aladin si Florante kahit alam niyang mahigpit niya itong kaaway sapagkat naniniwala siya sa utos ng
Langit na magmahalan ang bawat tao. Siya ay isang nilalang na_____ sa batas ng DIYOS.
A. magalang B. mapagpahalaga C. mabait D. masunurin
_____32. Magdamag na binantayan ni Aladin si Florante dahil baka makagat siya ng anumang mapanganib na hayop.
Ang Ipinamalas na pag-aaruga ni Aladin kay Florante ay nakitaan ng kanyang _______ sa kapwa.
A. pagkamasunurin B. pagkamaawain C. pagkamapaglingkod D. pagkamaalalahanin
_____33. Sinabi ni Florante kay Adolfo na tatanggapin niya ang lahat ng hirap at pasasalamatan siya huwag lamang kunin ang
pinakamamahal niyang si Laura. Pinatunayan ng pahayag na si Florante ay isang lalaking_____sa kasintahan.
A. mapagmahal B. mapagpahalaga C. mapagpaubaya D. mapagtiwala
_____34. Lubos ang paghanga ni Florante sa kanyang ama na si Duke Briseo kaya nasabi niyang walang katulad ito sa
pag-aaruga sa anak sa balat ng lupa. Mahihinuha na si Duke Briseo ay isang amang:
A. mapagmahal B. mapagpasensiya C. mapagmalasakit D. mapagpahalaga
_____35. Mula pagkabata tanging hangad ni Florante na paglingkuran ang Albania. Siya ay isang mamamayang _____sa bayan.
A. matapat B. mapagpalingkod C. mapagpahalaga D. mapagmalasakit

G. Panuto: Uriin ang tayutay na ginamit sa mga sumusunod na pahayag. Isulat ang titik ng sagot sa patlang bago ng bilang.
_____36. Nagluksa ang langit nang pumanaw ang pinamamahal niyang ina.
A. apostrophe B. personipikasyon C. paradox D. pagwawangis
_____37. Si Laura ay parang halamang lumaki sa tubig.
A. simili B. metapora C. hyperbole D. personipikasyon
_____38. Tagumpay! Tagumpay! Kailan kita makakamtan?
A. apostrophe B. paradox C. personipikasyon D. metapora
_____39. Ang masipag ay patuloy na naghihirap habang ang tamad ay lalong yumayaman..
A. pagmamalabis B. personipikasyon C. pabaligho D. pagtutulad
_____40. Ang biyaya ng Diyos ay ulang bumubuhos para sa kanyang mga nilikda.
A. apostrophe B. hyperbole C. metapora D. simili

Jjg’23 Inihanda ng mga Guro sa Filipino 8


_

You might also like