You are on page 1of 3

Don Eulogio De Guzman Memorial National High School

Junior High School Department


Calumbaya, Bauang La Union

Ikalawang Markahang Pagsusulit


Filipino 8

Pangalan: ________________________________ Seksyon:______________________ Petsa:_____________


I. Isulat ang titik ng tamang sagot sa patlang bago ang bilang.
_____1. Sumupling ang binhi ng isang kakaibang halaman sa malawak na hardin.
A. dumating B. lumitaw C. natuyo D. tumubo
_____2. Ang mga sumusunod ay mga tauhan sa “Bulaklak ng lahing kalinislinisan” maliban sa isa.
A. bubuyog B. paruparo C. kampupot D. ibon
_____3. “May gata sa dila”, ang pariralang ito ay nangangahulugang ______________.
A. mahusay bumigkas B. nakaistorbo C. matinding lungkot D. mahusay umawit
_____4. Ito ay isang pagtatalo sa pamamagitan ng pagtula sa harap ng maraming tao at sa entablado.
A. Duplo B. Balagtasan C. Talumpati D. Sanaysay
_____5. Sa anong panahon umusbong ang Balagtasan?
A. Panahon ng Kastila B. Panahon ng Hapon C. Panahon ng Amerikano D. Panahon ng Epanyol
_____6. Sino ang may akda ng Bulaklak ng lahing kalinis-linisan?
A. Lope K. Santos B. Juan Dela Cruz C. Fancisco Baltazar D. Francisco Pangilinan
_____7. Kilala siya bilang ‘Ama ng Balagtasan”.
A. Lope K. Santos B. Juan Dela Cruz C. Fancisco Baltazar D. Francisco Pangilinan
_____8. _______panukalang batas, mahirap man o mayaman ay may karapatang makapag-aral nang libre
sa kolehiyo. A. Ayon kay B. Ayon sa C. Para sa D. Resulta ng
______9. ________ ako ang magwawagi sa patimpalak sa pagsulat ng tula.
A. Sa palagay ko B. Tinutukoy na C. Ayon kay D. Resulta ng
______10. ________ tala ng Department of Education, unti-unti ng nababawasan ang mga out-of- school
youth.
A. Batay sa B. Ayon kay C. Para sa D. Resulta ng
______11. ___________ likas na mapagmahal sa kaniyang Pamilyang kinagisnan ang mga Pilipino.
A. Ayon kay B. Tinutukoy na C. Sa aking palagay D. Resulta ng

Mula sa dulang “Walang Sugat”


______12. Sino ang may-akda ng dulang “Walang Sugat”?
A. Diogracias A. Rosario B. Genoveva Edroza Matute C. Inigo Ed Regalado D. Severino Reyes
______13. Ang lalaking nais ipakasal kay Julia ay walang iba kundi si _________________.
A. Tenyong B. Miguel C. Tadeo D. Lucas
______14. Ano ang laman ng liham ni Julia para kay Tenyong?
A. Tungkol sab ago nitong manliligaw
B. Napagkasunduan siyang ipakasal sa iba at sinasabi nito ang takdang araw ng kasal nila.
C. Sinabi nitong magkalimutan na lamang sila.
D. Nais niyang ipakiusap na hindi na siya dapat na Umasa pa.
______15. Ang wagas ng pag-ibig ay __________ anumang pagsubok ang dumating sa buhay ng magsing-
irog. A. nanlalamig B. nagtatagumpay C. walang kahihinatnan D. walang hadlang
_______16. Ang pagiging sugatan ni Tenyong ay isang _______________.
A. katotohanan B. makasaysayan C. kalokohan D. pagkukunwari

Piliin ang kaantasan ng pang-uri na angkop ipuno sa patlang.


_________17. Si Maritoni pa lamang ang __________ na mang-aawit na naging panauhin sa aming paaralan.
A. mahusay B. mahusay na mahusay C. mas mahusay D. pinakamahusay
________18. Si Bryan ay ______________ sa pagbibigay ng kuro-kuro kaysa sa kanyang kapatid
A. magaling B. magaling na magaling C. pinakamagaling D. higit na magaling
________19. Si Luisa ang _____________ sa lahat ng mga kamag-aral kong babae.
A. tahimik B. mas tahimik C. tahimik na tahimik D. pinakatahimik
________20. ____________ na ni Joni ang kanyang ina.
A. matangkad B. matangkad na matangkad C. napakatangkad D. singtangkad

Mula sa sanaysay na Wikang Pmabansa”


________21. Ang “Wikang Pambansa ay sanaysay noong panahon ng __________________.
A. Amerikano B. Espanyol C. Hapon D. Komonwelt
________22. Ayon kay Pangulong Manuel L. Quezon, kailangang magkaroon ang Pilipinas ng isang
wikang A. balbal B. katutubo C. dayuhan D. pambansa
________23. Kapag kinakausap ni Pangulong Manuel L. Quezon ang mga taga-ibang lalawigan, kailangan
pa niya ng _____________. A. alalay B. tagapagsalin C. kasama D. diksyunaryo
_______24. Ang ____________ ay binibigkas sa harapan ng publiko.
A. diskurso B. talumpati C. dula D. kuwento
_______25. Ayon sa sanaysay, si Pangulong Manuel L. Quezon ay sang-ayon sa patuloy na pagtuturo sa
Ingles sa mga paaralan at handa rin niyang itaguyod ang pagpapatuloy ng wikang ______________.
A. katutubo B. kastila C. French D. balbal

Mula sa Maikling kuwentong Lupang Tinubuan


_______26. Ang tren ay tumulak sa gitna ng Sali-salimuot na mga ingay. Ang nasalungguhitang salita ay
nangangahulugang ___________.
A. bumagal B. tumigil C. tumirik D. umalis
______27 .Kahit pahapyaw ay ibida mo sa amin ang iyong buhay.
A. kaunti B. kasinungalingan C. kulang D. pangit
______28. Sunod sa layaw ang bugtong na anak ng mayamang mag-asawa.
A. kaisa-isa B. pamangkin C. matalino D. ampon
_____29. Si Danding ay malungkot dahil sa __________ ng kaniyang ama.
A. pagkawala B. kasawian C. pagkabilanggo D. pagkakasangkot
_____30. Masaya ang mga kamag-anak nila sa Malawig dahil sa __________ nina Danding.
A. pagdating B. pag-uwi C. pagbibigay ng pera D. mga pasalubong
_____31. Ang atensiyon ng lahat ay naituon kina Danding dahil __________.
A. ngayon lang sila nagkita-kita C. sila ay espesyal na panauhin
B. sa dami nilang nagsidatingan D. sila lamang ang mga kamag-anak na galing sa Maynila
_______32. Noong una, mahihinuha ang ____________ ni Danding sa nadatnang mga kamag-anak.
A. pagkamailap B. Pagkainis C. takot d. pag-aalinlangan
_______33. Ang nayon ng Malawig ay matatagpuan sa____ at ang bayang ito ay __________.
A. Maynila, mausok, naglalakihang gusali, mataong lugar
B. Mindanao, pinamumunuan ng mga rebelde at magulo.
C. Kalagitnaang Luzon, may daang makitid, paliku-liko, natatalukapan ng makapal at manilaw-
nilaw na alikabok.
D. Benguet, malamig ang panahon, maraming tanim na gulay.
_______34. Siya ang tinaguriang ama ng Maikling kuwento
A. Rogelio R. Sicat B. Deogracias A. Rosario C. Narciso Reyes D. Liwayway Arceo

Suriin ang mga salitang may salungguhit at tukuyin kung anong kayarian ng pang-uri ang
ginamit.
______35. Tamad si Juan at dahil sa katamaran nito’y palagi siyang napagagalitan ng kanyang ina
A. payak B. maylapi C. inuulit D. tambalan
______36. Abot-langit ang saya ni Mang Pedro nang mamunga ang mga tanim niyang upo sa may bakod
ng kaniyang bahay-kubo.
A. payak B. maylapi C. inuulit D. tambalan
_____37. Ang batang galawgaw ay di mapigilan sa paggalaw kaya napapahamak sa tuwing naglalaro.
A. payak B. maylapi C. inuulit D. tambalan
_____38. Malakas na malakas ang hanging dala ng bagyo kaya natangay ang bubong ng mga bahay lalo
na sa may tabing-dagat.
A. payak B. maylapi C. inuulit D. tambalan
_____39. Ang gusaling iyon ay kasintaas ng bundok!
A. payak B. maylapi C. inuulit D. tambalan
Mula sa maikling kuwentong “Paglalayag sa puso ng Isang Bata”
_____40. Sino ang may-akda ng Paglalayag Sa Puso ng Isang Bata”
A. Diogracias A. Rosario B. Genoveva Edroza Matute C. Iñ igo Ed Regalado D. Severino Reyes
_____41. Ang bata sa akdang “ Paglalayag sa Puso ng Isang bata” ay _______
A. likas na mabait B. tamad C. matalino D. mapang-api
_____42. Ang bata sa kuwento ay masipag at may___________.
A. pagkukusa B. kakulitan C. pagkamayabang D. pagkatamad
______43. Ang bata ay unti-unti nang ________ sa kaniyang guro dahil sa pagmamalasakit nito sa kaniya.
A. napalapit B. natuwa C. ikinasigla D. ikinalaki ng ulo
______44. Napagalitan ko ang bata at siya ay napopoot sa akin dahil sa ginawa ko sa kanya.
A. namumuhi B. natatakot C. nabubuwisit D. pnalilito
______45. Buhay na buhay pa at naikintal sa kaniyang gunita ang mukha ng batang iyon
A. naitatak B. naiwan C. nabuo D. nakadikit
_______46. Nagsusuklay si Jane habang pinanonood ang mga batang naglalaro. Anong aspekto ng
pandiwa ang nasalungguhitang salita?
A. perpektibo B. imperpektibo C. Kontemplatibo
______47. Tiyak na magugustuhan ni Eric kapag natikman niya ang dala mong kakain. Anong aspekto ng
pandiwa ang nasalungguhitang salita?
A. perpektibo B. imperpektibo C. Kontemplatibo
______48. Kaiinom lang niya ng gamut. Anong aspekto ng pandiwa ang nasalungguhitang salita?
A. perpektibo B. imperpektibo C. Kontemplatibo
_____49. Ang DOH ay ___________ kamakailan ng proyektong susugpo sa kumakalat na sakit na dengue.
A. maglulunsad B. naglulunsad C. naglunsad D. maglunsad
______50. __________si Cecile Licad sa buong mundo upang magkonsyerto.
A. lumibot B. maglilibot C. naglibot D. maglibot
______51. ____________ ko siya nang palihim ngunit nawala pa rin siya sa aking paningin
A. sinubaybayan B. sinusubaybayan C. susubaybayan D. subaybayan

Mula sa dulang Sinag sa Karimlan


_____52. Ang _________ ay isang akdang sa pamamagitan ng kilos at galaw sa tanghalan ay naglalarawan
ng isang kawil ng mga pangyayaring naghahayag ng kapana-panabik na bahagi ng buhay ng tao
A. Dula B. maikling kuwento C. epiko D. Alamat
_____53. Sa dulang Sinag sa Karimlan, si Tony ay naging masama dahil sa impluwensiya ng __________.
A. kamag-anak B. barkada C. kamag-aral D. kapatid
_____54. Ano ang paniniwala ni Tony tungkol sa kanyang pagkakabilanggo?
A. ang ama niya ang may kasalanan C. kahirapan ang dahilan
B. wala siyang kakampi D. malupit ang tadhana sa kanya
_____55. Masyadong kontrobersiyal. Ang nasalungguhitang salita ay nangangahulugang?
A. mainit na pinag-uusapan B. tinitingala C. magulo D. masaya
_____56. Dahil sa _____________, napilitang gumawa si Tony ng masama.
A. kagipitan B. pagkapariwara C. kawalan ng pinag-aralan D. kawalan ng karamay
_____57. Ang Sinag sa Karimlan ay nangangahulugang ____________.
A. kasamaan B.bilangguan C. Liwanag sa dilim D. pagbangon
_____58. Ipinahihiwatig ng Sinag sa Karimlan na may pag-aral paring ___________ ang mga nagkasala at
nabilanggo.
A. tumakas B. magbago C. magkapamilya D. mag-aral
_____59. Siya ang may akda ng Sinag sa Karimlan
A. Rogelio R. Sicat B. Genoveva Edroza Matute
C. Dionisio S. Salazar D. Liwayway Arceo

Tukuyin ang pangunahing pangungusap. Isulat ang letra ng iyong sagot sa patlang bago ang
bilang
_____60.
(A) Ang edukasyon ay mahalagang instrumento para magtagumpay ang isang tao.
(B) Ito ay nagpapalaya sa tao sa kamangmangan.
(C) Nagkakaroon siya ng sapat na tiwala sa sarili na nakatutulong sa pagharap sa iba’t ibang sitwasyon
sa
buhay.
(D) Nagagawa niyang paunlarin ang sariling kakayahan.

Inihanda ni: Sinuri ni:

G.MICHAEL B. ORQUE DELIA A. ESTRADA


TEACHER II Master Teacher I

Binigyang-pansin ni:

G. DIONISIO D. SANDAGA
HEAD TEACHER III- FILIPINO

Pinagtibay ni:

GNG. MYRNA U LIGAS


SS Principal III

You might also like