You are on page 1of 6

PANDIBISYONG IKATLONG MARKAHANG PAGSUSULIT

FILIPINO 7
TAONG PANURUAN 2023-2024
Pangalan: ________________________________________________Seksyon: _________________

Guro: ____________________________________ Paaralan: ____________________ Iskor: ______

Pangkalahatang Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang bawat bahagi ng pasulit at isulat ang
titik ng tamang sagot sa patlang/ ayon sa panuto nito.

_________1. Ano ang uri ng ponemang suprasegmental na ginagamit ang kuwit, tuldok, semi-kolon,
at kolon sa pagsulat upang higit na maging malinaw ang mensaheng
ipinapahayag?
A. Antala
B. Diin
C. Intonasyon
D. Haba
_________2. Ano ang uri ng ponemang suprasegmental na tumutukoy sa pagtaas at pagbaba na
iniuukol sa pagbigkas ng pantig sa salita?
A. Antala
B. Diin
C. Intonasyon
D. Haba
_________3. Kung ang haba ay tumutukoy sa haba ng bigkas na inuukol ng nagsasalita sa patinig
ng pantig ng salita, ano naman ang tumutukoy sa lakas ng bigkas sa pantig ng salita?
A. Antala
B. Diin
C. Intonasyon
D. Haba
_________4. Ano ang uri ng ponemang suprasegmental na ginamit sa pangungusap na, “Hindi,
maganda.”? (pinasusubalian ang isang bagay at sinasabing maganda ito.)
A. Antala
B. Diin
C. Intonasyon
D. Haba
_________5. Mahalaga ang ponemang suprasemental para sa mabisang _________.
A. Pakikipagtalastasan
B. Pangangatuwiran
C. Pagsasalaysay
D. Pagtatanong
_________6. Alin sa mga sumusunod ang pangunahing ideya ng ponemang suprasegmental?
A. Nakatutulong ito upang masiyahan ang bawat lahi sa pagbuo ng salita.
B. Nakatutulong ito upang maging mas malinawag at maiparating ang pagpapahayag.
C. Nakatutulong ito upang makabuo ng pangungusap na karaniwang ayos.
D. Nakatutulong ito upang magpahayag ng sariling opinyon at ideya.
_________7. Alin sa mga sumusunod ang wastong pagpapakahulugan sa pangungusap na may
intonasyon na, “Ang ganda ng tula!”?
A. Nagdududa
B. Nasisiyahan
C. Nagtatanong
D. Nagsasalaysay
_________8. Sa ponemanng suprasegmental na Hinto at Antala, alin sa mga sumusunod ang
wastong
ipinapahayag ng “Hindi, maganda.”?
A. Pinasusubalian ang isang bagay at sinasabing maganda ito.
B. Sinasabing hindi maganda ang isang bagay.
C. Sinasabing ang isang bagay may kulang at dapat bigyang-diin.
D. Tumutukoy sa mga bagay-bagay na bigyang-diin.
_________9. Alin sa sumusunod ang HINDI KABILANG sa kahalagahan ng ponemang
suprasegmental?
A. Matukoy ang kahulugan, layunin at intensiyon ng nagpapahayag o ng nagsasalita
sa
pamamagitan ng mga ponemang suprasegmental.
B. Nakatutulong itp upang bigkasin nang wasto ang mga ponemang suprasegmental.
C. Nakatutulong ito upang mas maintindihan ang kahulugan ng salitang binibigkas.
D. Nakatutulong ito sa pagpapakilala ng wika na ginagamit sa katamtamang
pagpapahayag.
_________10. Sa ponemanng suprasegmental na Diin, ibigay ang hinuha ng tamang salitang
binibigyang-kahulugan sa pahayag, “Isang uri ng pagkain na matamis at
ginagawang asukal.”
A. /TUbo/
B. /TuBo/
C. /tuBO/
D. /tUBo/
_________11. Alin sa kaalamang-bayan ang nagpapaalala o nagbabala na kalimitang makikita sa
mga pampublikong sasakyan?
A. Awiting Panudyo
B. Bugtong
C. Palaisipan
D. Tugmang de Gulong

_________12. Ang pahayag na “Maliit pa si Totoy ay marunong nang lumangoy” ay halimbawa ng


____.
A. Awiting Panudyo
B. Bugtong
C. Palaisipan
D. Tugmang de Gulong
_________13. Alin sa kaalamang-bayan ang may layuning pukawin at pasiglahin ang kaisipan ng
mga taong nagkatipon-tipon sa isang lugar?
A. Awiting Panudyo
B. Bugtong
C. Palaisipan
D. Tugmang de Gulong
_________14. Alin sa kaalamang-bayan na kalimitang may himig nagbibiro kaya ito ay kilala rin sa
tawag na Pagbibirong Patula?
A. Awiting Panudyo
B. Bugtong
C. Palaisipan
D. Tugmang de Gulong
_________15. Alin sa kaalamang-bayan na kung saan isang pahulaan sa pamamagitan ng
paglalarawan. Binibigkas ito nang patula at kalimitang maiksi lamang?
A. Awiting Panudyo
B. Bugtong
C. Palaisipan
D. Tugmang de Gulong
_________16. Ang akdang may malayang naipaparating ang mensaheng may kinalaman sa
pagbibiyahe o paglalakbay ng mga pasahero ay __________.
A. Awiting Panudyo
B. Bugtong
C. Palaisipan
D. Tugmang de Gulong
_________17. Ano ang kasingkahulugan ng salitang may salungguhit, “Ako ay lalaking matapang,
Huni ng tuko ay kinatatakutan.”?
A. Kinabagabagan
B. Kinasisindakan
C. Kinatuwaan
D. Kinaliligaligan
_________18. Piliin ang angkop na sagot sa bugtong na ito, “Kaisa-isang plato, kita sa buong
mundo.”
A. Araw
B. Balde
C. Buwan
D. Gabi
_________19. Piliin ang angkop na sagot sa bugtong na ito, “Tumingin ka sa akin, ang makikita mo’y
ikaw rin.”
A. Batis
B. Kutsara
C. Lamesa
D. Salamin
_________20. Piliin ang angkop na sagot sa bugtong na ito, “Maliit na parang sibat, sandata ng mga
pantas.”
A. Bolpen
B. Kwaderno
C. Libro
D. Papel
_________21. Naniwala siya agad sa lalaking puro bola ang mga sinasabi. Ang konotasyong
kahulugan ng salitang may salungguhit ay __________.
A. Goma
B. Bola-bola
C. Laruang hugis bilog
D. Matatamis na pananalita
_________22. Saludo tayo sa mga haligi ng tahanan na nagsusumikap alang-alang sa kanilang
pamilya. Ang denotasyong kahulugan ng salitang may salungguhit ay
_________.
A. Ama
B. Ina
C. Magulang
D. Poste ng bahay
_________23. Iyak- pusa ang bunso namin ‘pag sinumpong. Ang konotasyong kahulugan ng salitang
may salungguhit ay __________.
A. Nagagalit
B. Iyakin
C. Luha na dumadaloy sa mata ng pusa
D. Tumatawa
_________24. Ang pamilya ay maituturing na ginto sa buhay ng tao. Ang denotasyong kahulugan ng
salitang may salungguhit ay _________.
A. Diyamante
B. Kayamanan
C. Metal na kumikinang
D. Mahalaga
_________25. Ang nanay ang siyang namamahala sa loob ng bahay kaya siya ang ilaw ng tahanan.
Ang konotasyong kahulugan ng salitang may salungguhit ay __________.
A. Ama
B. Ina
C. Magulang
D. Poste ng bahay
_________26. Itinuturing itong sagrado at pinaniniwalaang totoong naganap, hindi naman kapani-
paniwalang kuwento ng mga diyos, diyosa at mga bayani.
A. Alamat
B. Kuwentong-bayan
C. Mito
D. Pabula
_________27. Isang kuwento na nagsasaad kung saan nanggaling o nagmula ang mga bagay-bagay.
A. Alamat
B. Kuwentong-bayan
C. Mito
D. Pabula
_________28. Ang mito ay galing sa salitang Latin na mythos at mula naman sa muthos ng Greece
na ang kahulugan ay __________.
A. Kaalamang -bayan
B. Kuwentong-bayan
C. Kuwento
D. Pinagmulan
_________29. Ang kuwentong nagmula sa isang pook na naglalahad ng katangi-tanging salaysay ng
kanilang lugar ay _________.
A. Alamat
B. Kuwentong-Bayan
C. Mito
D. Pabula

Para sa bilang 30-31


Panuto: Suriin ang mga pahayag sa ibaba at tukuyin kung ito ay katotohanan o di-makatotohanan.

_________30. Piliin ang di-makatotohanang pahayag sa ibaba.


A. Mahalagang bahagi ng kulturang Pilipino ang mito, kuwentong bayan at alamat.
B. Ang pabula ay nagsasalaysay hinggil sa buhay ng mga diyos at diyosa.
C. Ang sinaunang pantikan ng mga Pilipino ay pasaling-dila lamang.
D. Ang mga tauhang hayop ng pabula ay nagbibigay-aral sa tao.
_________31. Piliin ang makatotohanang pahayag sa ibaba.
A. Ang araw ay sumisikat sa silangan at lumulubog sa kanluran.
B. Lahat ng tao ay naghihirap.
C. Ang mga mag-aaral ay nahihirapan sa kanilang pag-aaral.
D. Nagtatagumpay sa buhay ang taong tamad.
Para sa bilang 32-33
_____________panahon, may isang mahirap ngunit maligayang mag-asawa. Isang araw,
biglang dumating ang malakas na bagyo sa nayon na sukat makasindak sa mga tao
pagkat tinangay ang mga bahay.

_________32. Alin ang pinakaangkop na pahayag sa pagsisimula ng pangungusap?


A. Bago pa
B. Kalaunan
C. Noong unang
D. Simula pa lamang
_________33. Ang talata sa loob ng kahon ay matatapuan sa __________ng alamat.
A. Gitna
B. Pamagat
C. Simula
D. Wakas
Para sa bilang 34-36
Panuto: Suriin ang angkop na pahayag na naghuhudyat para sa simula, gitna, at wakas
upang mabuo ang diwa ng talata. Piliin ang kasagutan sa kahon sa ibaba at isulat ang titik
ng tamang sagot sa patlang.

(34) ______________ ay makikita na ang kaibahan ng magkapatid na sina Juan at Pablo.


(35) _____________nilang pagkakaiba ang pananamit, simple si Juan at sosyal naman si Pablo.
Ang isa pa nilang pagkakaiba ay kanilang ugali. Si Juan ay masipag mag-aaral at masunurin sa
magulang (36) ____________si Pablo ay ubod nang tamad mag-aaral at bulagsak sa gamit.

A. Samantala B. Sa huli C. Sa simula pa lamang D. Una

Para sa bilang 37-40:


Panuto: Basahin ang pangungusap o talata sa loob ng kahon at suriin ang mga pares ng salita.
Piliin ang tamang pangkat ng mga pangngalan at panghalip na pinatutungkulan ng mga
panandang anaporik at kataporik. Isulat ang titik ng tamang sagot sa patlang.

Pagkatapos ng anihan, sila ay nagkaroon ng mga pagdiriwang bilang pasasalamat


sa masaganang ani. Naghahanda sila ng maraming pagkain at inumin. Ang kasayahang
ito ay inaabot ng isang buong linggo. Masaya ang lahat, lalo na ang mga magsasaka.

________37. A. Ito: Magsasaka


B. Kaniya: Anihan
C. Sila: Pagkain
D. Sila: Magsasaka
Nagkamit ng unang karangalan si Athisa dahil matataas ang kaniyang mga grado sa
lahat ng asignatura.

_________38. A. Athisa: Grado


B. Athisa: Kaniyang
C. Athisa: Karangalan
D. Athisa: Siya
Isang araw, narinig ni Mariang Sinukuan ang taghoy ng ibong Martines. Ipinatawag
niya ang kaniyang hukuman. Halos madurog ang puso niya sa lungkot nang ipakita ng
Martines ang sirang pugad at basag na mga itlog.

_________39. A. Mariang Sinukuan: Atin


B. Mariang Sinukuan: Ibong Martines
C. Mariang Sinukuan: Niya
D. Mariang Sinukuan: Pugad
Bawat kabataan ay ang pag-asa ng bayan kaya, nararapat lamang na maging
mabuting huwaran ang mga nakatatanda para sa kanila.

_________40. A. Kabataan: Bayan


B. Kabataan: Huwaran
C. Kabataan: Kanila
D. Kabataan: Pag-asa

You might also like