You are on page 1of 10

Republic of the Philippines

Department of Education
Region III
Schools Division Office of Gapan City

IKATLONG LAGUMANG PAGSUSULIT SA FILIPINO 7

Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang sumusunod na pahayag. Pagkatapos,


sundin ang panuto sa bawat bilang. Piliin ang letra nang tamang sagot at isulat ito
sa hiwalay na papel.
Para sa bilang 1-5.
Panuto: Tukuyin at paghambingin ang mga katangian ng tula/awiting panudyo,
tugmang de gulong at palaisipan na inilalarawan sa bawat pahayag.
1. Ang kaalamang-bayang ito ay paboritong pampalipas oras ng ating mga ninuno
at nagbibigay pakahulugan na ang mga sinaunang Pilipino ay hilig mag-isip.
Ito ay naglalarawan sa anong uri ng kaalamang-bayan?
A. bugtong C. tula
B. palaisipan D. tulang panudyo
2. Ang palaisipan ay isang uri ng kaalamang-bayan. Aling pahayag sa ibaba ang
hindi tumutukoy sa katangian nito?
A. Anyong patula
B. Paboritong pampalipas-oras
C. Manlibak, manukso o mang-uyam
D. Pukawin at pasiglahin ang kaisipan
3. Alin sa sumusunod na pahayag ang tanging naglalarawan sa tulang panudyo?
A. Pukawin at pasiglahin ang isipan ng tao.
B. Kalimitang maiksi na binibigkas at nagbibigay-aliw.
C. Akdang patula na manlibak, manukso o mang-uyam.
D. Babala o paalalang makikita sa pampublikong sasakyan.
4. Ang sumusunod ay layunin ng kaalamang-bayan, maliban sa isa?
A. Ito ay nasa anyong prosa.
B. Paboritong pampalipas oras ng ating ninuno.
C. Tulang nagbibiro, nambubuska, at nanunukso.
D. Layuning pukawin at pasiglahin ang kaisipan ng tao.
5. Aling pahayag sa ibaba ang hindi katangian o layunin ng tugmang de gulong?
A. Paalala o babala sa mga tao.
B. Kalimitang makikita sa pampublikong sasakyan.
C. Paboritong pampalipas oras ng ating mga ninuno.
D. Malayang maiparating ang mensaheng may kinalaman sa pagbiyahe.
Para sa bilang 6-9.
Panuto: Tukuyin ang mga wastong pangkat ng salita upang maipaliwanag ang
kahulugan ng salita sa pamamagitan ng pagpapangkat.
6. Mula sa taludtod na, “Isang bagay na nakadikit”, anong mga salita ang
kapangkat ng salitang nakaitalisado?
A. nakasara, nakakulong at nakatago
B. nakalagay, nakapakat at nakasama
C. nakabungkos, nakatali at nakasama
D. nakahiwalay, nakaalis at nakatanggal
7. Ano ang salitang kasama ng paliwanag ang kapangkat ng mga salitang:
sagabal, harang, balakid, __________?
A. galak, dahil may natanggap na biyaya
B. hadlang, dahil sa pagpigil sa mga gustong gawin
C. layunin, dahil sa kaniyang pangarap na makaahon sa kahirapan
D. patnubay, dahil binibigyan ng tamang gabay at payo upang hindi
maligaw ng landas
8. Anong salita ang kapangkat ng mga salitang: layunin, hangarin, naisin,
__________ at ang magsisilbing paliwanag sa kahulugan ng mga ito?
A. problema, dahil mahilig mangutang
B. suliranin, dahil sa pandemyang dumating
C. pagsubok, dahil sinukat ang katatagan at paniniwala
D. mithiin, dahil tumutukoy sa mga bagay na pinapangarap na gustong
maabot
9. Anong salita ang kapangkat ng mga salitang: mahinuha, matuklasan,
malaman, ____________ at ang magsisilbing paliwanag sa kahulugan ng mga ito?
A. maitago, nangangahulugang naikubli
B. matanto, nangangahulugang pagkaunawa sa isang ideya
C. mapagtakpan, nangangahulugang mga kasagutan sa katanungan
D. masabi, nangangahulugang hiwagang mayroon ang bahagi ng
bahaghari
Para sa bilang 10-12.
Panuto: Tukuyin ang angkop na paliwanag sa kahalagahan ng paggamit ng
sumusunod na ponemang suprasegmental (tono, diin, antala) sa ating pang-araw-
araw na pamumuhay.
10. Ang sumusunod ay kahalagahan ng antala o hinto maliban sa isa.
A. Nagbago ang diwa ng pangungusap.
B. Naging malinaw ang mensaheng ibig ipahiwatig sa kausap.
C. Naging malinaw ang mensahe kapag angkop ang paggamit.
D. Naipahayag ang damdaming nakapaloob sa pamamagitan ng maling
pagbigkas.
11. Isa sa ponemang suprasegmental ay ang intonasyon kung saan nagbibigay
halaga sa pang-araw araw na pakikipagtalastasan dahil...
A. malaman ang mga tunay na tunog
B. magkaroon ang salita ng ibang kahulugan
C. maging malinaw ang mensaheng ibig ipahiwatig sa kausap
D. maaaring makapagpahayag ng iba’t ibang damdaming
makapagpahina ng usapan
12. Ang sumusunod ay mga kahalagahan ng suprasegmental, maliban sa isa.
A. Nakatutulong ito upang mas maintindihan ang kahulugan ng salitang
binibigkas.
B. Nagdudulot ng pagkalito sa mga mambabasa ang paggamit ng
suprasegmental dahil nagbabago ang kahulugan nito depende kung
paano ito binibigkas.
C. Sa pakikipagtalastasan matutukoy ang kahulugan, layunin, o
intensiyon ng pahayag o ng nagsasalita sa pamamagitan ng mga
ponemang suprasegmental.
D. Mahalagang bigkasin nang wasto ang mga ponemang suprasegmental
sa pakikipagtalastasan upang maging wasto ang baybay ng mga
salitang isinulat.
Para sa bilang 13.
Panuto: Timbangin at piliin ang iyong sariling hatol hinggil sa maaaring mangyari
kung walang ponemang suprasegmental.
13. Sa iyong palagay, ano kaya ang posibleng mangyari kung walang ponemang
suprasegmental?
A. Mas mahihirapang magsalita ang mga tao.
B. Mas magkakaintindihan ang mga nag-uusap.
C. Mas magkakaroon ng saysay ang sa pakikipag-usap natin.
D. Mas malabo ang magiging mensaheng maipararating sa isa’t isa ng
nag-uusap.
Para sa bilang 14-19.
Panuto: Suriin ang mga katangian at elemento ng mito, alamat at kuwentong-
bayan na inilalarawan sa bawat bilang.
14. Alin sa sumusunod ang elemento na nagpapakita ng naganap sa panahon ng
tag-ulan, tag-init, umaga, tanghali at gabi; sa lungsod o lalawigan; sa bundok
o sa ilog?
A. banghay C. tagpuan
B. katapusan D. tauhan
15. Matutunghayan sa bahagi ng kwento ang pagkikita ng tauhan at isang sulyap
suliraning kakaharapin. Alin sa sumusunod ang elementong tumutugon sa
pahayag?
A. kakalasan C. tunggalian
B. kasukdulan D. saglit na kasiglahan
16. Aling elemento ng panitikan ang nagsasaad ng problemang haharapin ng
pangunahing.tauhan?
A. kakalasan C. suliranin
B. kasukdulan D. tunggalian
17. Nagkakaroon ang kuwento ng isang makabuluhang wakas na ang maaaring
kinahinatnan ay masaya o malungkot batay sa daloy ng kuwento. Alin sa
sumusunod na elemento ang naglalarawan sa pahayag?
A. kakalasan C. resolusyon
B. katapusan D. tunggalian
18. Alin sa mga elemento ng sinaunang panitikan ang gumagawa ng aksyon sa
kuwento?
A. kasukdulan C. tagpuan
B. suliranin D. tauhan
19. Daan sa wakas ng kuwento kung saan nalulutas ang suliranin at natatamo ng
pangunahing tauhan ang layunin. Alin sa sumusunod na elemento ang
ipinipahayag?
A. kakalasan C. suliranin
B. kasukdulan D. tunggalian
Para sa bilang 20-25.
Panuto: Punan ang patlang sa pangungusap ng angkop na pahayag sa panimula,
gitna at wakas ng isang akda na pinamagatang, “Alamat ng Laguna de Bay”.
20. “__________, sa pampang ng Laguna de Bay ay may nanirahang isang mahirap
na mangingisda at ang kaniyang pamilya.” Anong pahayag ang kinakailangan
upang mabuo ang pangungusap?
A. Isang araw C. Walang ano-anu’y
B. Mula noon D. Noong unang panahon
21. Anong pahayag ang kinakailangan upang mabuo ang pangungusap na,
“__________, doon na sa magandang tahanan ng diwata namalagi si Mangita at
nabuhay silang masaya at mapayapa.”?
A. Kasunod C. At mula noon
B. Sa huli D. Sa malayong lugar
22. “__________, biglang nagbagong anyo ang matanda at naging diwata at
pinatawan ng parusa ang malupit na si Larina.” Anong pahayag ang
kinakailangan upang mabuo ang pangungusap?
A. Kasunod C. Noong isang araw
B. Sa wakas D. Walang ano-anu’y
23. Anong pahayag ang kinakailangan upang mabuo ang pangungusap na,
“__________, napag-alaman ni Bathalang hindi pala pumunta sa araw ng
kaniyang basbas si Uod.”?
A. Kasunod C.Bilang pagtatapos
B. At mula noon D.Makalipas ang ilang buwan
24. “__________, napansin ni Bathalang tila may nawawala sa kaniyang mga
nilikha.” Anong pahayag ang kinakailangan upang mabuo ang pangungusap?
A. Isang araw C. Walang ano-anu’y
B. Mula noon D. Noong unang panahon

25. “__________ na iyon, tuluyan na ngang hindi nagpapakita ang uod sa mundong
ibabaw.” Anong.pahayag ang kinakailangan upang mabuo ang pangungusap?
A. Kasunod C. Walang ano-anu’y
B. Sa wakas D. Mula noong araw
Para sa bilang 26-29.
Panuto: Tukuyin ang pangunahin at mga pantulong na kaisipan na ipinapakita sa
talatang babasahin.
Talata A
“Paano natin pananatilihing masaya ang ating sarili? Una, tiyakin nating
malusog ang ating katawan upang maiwasan ang sakit hangga’t maaari. Turuan
natin ang ating isip at damdamin nang mahinahong pagtanggap sa mga
kabiguan habang isinasadiwa ang katotohanang walang sinomang hindi
nagkakamali. Iwasan natin ang mga panganib sa labis na pagmamataas, nang sa
gayon, mapaghandaan natin ang pagharap sa mga darating na pagbabago.”

26. Ano ang pangunahing kaisipan?


A. Masaya ang sarili.
B. Tiyaking malusog ang pangangatawan.
C. Paano pananatilihing masaya ang sarili?
D. Turuan ang isip at damdamin nang mahinahong pagtanggap.
27. Ano-ano naman ang pantulong na kaisipan?
A. Makipagkaibigan sa mga mabubuting tao. Iwasan natin ang mga
panganib ng labis na pagmamataas, nang sa gayon,
mapaghandaan natin ang pagharap sa mga darating na pagbabago.
B. Una, tiyakin nating malusog ang ating katawan upang maiwasan ang
sakit hangga’t maaari. Turuan natin ang ating isip at damdamin ng
mahinahong pagtanggap sa mga kabiguan habang isinasadiwa ang
katotohanan na walang sinumang hindi nagkakamali.
C. Tiyakin nating malusog ang ating katawan upang maiwasan ang sakit
hangga’t maaari. Turuan natin ang ating isip at damdamin ng
mahinahong pagtanggap sa mga kabiguan habang isinasadiwa ang
katotohanan na walang sinomang hindi nagkakamali. Iwasan natin
ang mga panganib sa labis na pagmamataas.
D. Tiyakin nating malusog ang ating katawan upang maiwasan ang sakit
hangga’t maaari. Turuan natin ang ating isip at damdamin ng
mahinahong pagtanggap sa mga kabiguan habang isinasadiwa ang
katotohanan na walang sinumang hindi nagkakamali. Iwasan natin
ang mga panganib ng labis na pagmamataas, nang sa gayon,
mapaghandaan natin ang pagharap sa mga darating na pagbabago.
Talata B
Paano ka makasusulat ng magandang ulat hinggil sa aklat? Una, banggitin
ang pamagat at may-akda ng aklat. Ikalawa, ilahad ang tagpuan. Matapos
mailahad ang tagpuan, ilarawan ang mga pangunahing tauhan. Ikaapat,
isiwalat ang mga tunggalian o suliranin na kinasangkutan ng
pinakapangunahing tauhan. Pagkatapos, isunod ang pagbubunyag kung paano
nilutas ng pinakapangunahing tauhan ang nasabing mga tunggalian o
suliranin. Sa pagwawakas ng ulat, ipahayag kung ano ang pangkalahatang
masasabi mo tungkol sa aklat.

28. Ayon sa binasang teksto, ano ang pangunahing kaisipan?


A. Pagsulat ng magandang ulat
B. Isiwalat ang mga tunggalian o suliranin
C. Pagsulat ng magandang ulat hinggil sa aklat
D. Banggitin ang pamagat at may-akda ng aklat
29. Sa nabasang teksto, ano ang paksang pangungusap?
A. Banggitin ang pamagat at may-akda ng aklat.
B. Paano ka makasusulat ng magandang ulat hinggil sa aklat?
C. Ipahayag kung ano ang pangkalahatang masasabi mo tungkol sa
aklat.
D. Isiwalat ang mga tunggalian o suliranin na kinasangkutan ng
pinakapangunahing tauhan.
Para sa bilang 30-34.
Panuto: Suriin ang mga elemento at sosyo-historikal na konteksto ng sumusunod
na napanood na dulang pantelebisyon.
30. Pinagkatuwaan sa Social Media ang ilang eksena mula sa mga seryeng hindi
mahusay ang animation at special effects na ginamit. Alin sa sumusunod na
elemento ang tuon ng pagsusuri?
A. aral C. kalakasan
B. kahinaan D. sosyo-historikal
31. Naipakita sa “Ang Probinsyano” ang iba-ibang usapin tulad ng droga at
korapsyon na masasabing tunay na nangyayari sa lipunan. Alin sa
sumusunod ang tuon ng pagsusuri?
A. kahinaan C. sosyo-politikal
B. kalakasan D. sosyo-historikal
32. Alin sa sumusunod ang tuon ng pagsusuri sa bahaging ito: Ang tele-
fantasyang “Encantadia” ay nagpakita ng magandang biswal sa tulong ng
makabagong teknolohiya at animasyon.
A. aktor C. pagbabago
B. iskrip D. tanghalan
33. “Makikita sa eksenang sinasabayan ng mga kaanak ni Cardo sa pagsigaw ng
hustisya ang maraming balo at naulila ng tinatawag na extra-judicial killings.”
Alin sa sumusunod ang tuon ng pagsusuri?
A. pampamilya C. romantiko
B. politikal D. sosyo-historikal
34. Lumaki sa pangangalaga ng lola ang may karamdamang dalagitang si Tinay na
naging “Little Nanay” dahil sa pananamantala ng isang kaibigan. Aling
elemento ang pinagtutuunan sa pagsusuri?
A. aktor C. pagbabago
B. iskrip D. tanghalan
Para sa bilang 35-38.
Panuto: Suriin ang mga pahayag na ginamit sa paghihinuha ng ilan sa
sumusunod na pangyayari.
35. “Lumaking mabait, maganda at matalino si Amaya sapagkat maraming tao sa
kanilang nasasakupan ang humahanga sa kaniya. Alin sa sumusunod na
salitang paghihinuha ang ginamit sa pahayag?
A. mabait C. sapagkat
B. matalino D. sa palagay ko
36. Alin sa sumusunod na salitang paghihinuha ang ginamit sa pahayag?
“Nakapagtapos si Erol ng pag-aaral sa isang unibersidad sa ibang bansa
marahil ay magkakaroon siya ng magandang trabaho.”
A. marahil C. unibersidad
B. nakapag-aral D. yata
37. Ulila na si Ali at marahil ay maagang yumao ang kaniyang magulang. Alin sa
sumusunod na salitang paghihinuha ang ginamit sa pahayag?
A. akala C. marahil
B. datapwat D. samantala
38. Tinakasan ng kaniyang nobyo si Manisan, marahil ay tutol ang mga magulang
ng binata. Alin sa sumusunod na salitang paghihinuha ang ginamit sa
pahayag?
A. ito C. marahil
B. kaya D. saka
Para sa bilang 39-44.
Panuto: Punan ang patlang sa pangungusap upang magamit nang wastong ang
mga panandang anaporik at kataporik ng pangngalan.
39. “Isa __________ sa huwarang lider, kaya maraming humahanga sa kaniya
bilang Mayor ng Lungsod na kinasasakupan.” Anong panandang kataporik ang
gagamitin upang mabuo ang pangungusap?
A. ito C. niya
B. kami D. siya
40. Anong panandang anaporik ang gagamitin upang mabuo ang pangungusap na,
“Sipag na sipag si Sasha sa pagsasagot ng kaniyang modyul. Hindi niya
__________ tinitigilan hangga’t hindi natatapos.”?
A. ito C. nila
B. kami D. siya
41. Anong panandang anaporik ang gagamitin upang mabuo ang pangungusap
na, “Isang.huwarang mag-aaral si Kian, hindi __________ hinahayaang bumaba
ang kaniyang mga.marka.”?
A. ako C. ito
B. ikaw D. niya
42. Pagsapit ng araw ng Sabado, __________ ay tapos na sa mga gawain sa modyul
kaya nakapag-aaral naman magluto ng tinapay si Sebi sa maghapon. Anong
panandang kataporik ang gagamitin upang mabuo ang pangungusap?
A. ito C. niya
B. kayo D. siya
43. Tuwing umaga, bago magsagot ng modyul si Joey, ginagawa muna __________
ang gawain sa bahay gaya ng paglilinis ng kaniyang silid. Anong panandang
anaporik ang gagamitin upang mabuo ang pangungusap?
A. ikaw C. niya
B. kayo D. sila
44. Anong panandang kataporik ang gagamitin upang mabuo ang pangungusap
na, “__________ ay maganda at marunong na mag-aaral ngunit hindi naging
mapagmataas si Sebi.”?
A. Ito C. Natin
B. Kami D. Siya
Para sa bilang 45-46.
Panuto: Suriin ang wastong gamit at kahalagahan ng salita o pahayag na
ginagamit sa pagsulat ng balita.
45. Sa pagsulat ng balita mahalaga ang kaayusan ng mga salita baligtad na
piramide. Alin sa sumusunod ang dahilan kung bakit ito mahalaga?
A. Maganda itong tignan
B. Abala ang mga mambabasa
C. Ito ang pinakamadaling kaayusan
D. Wala sa mga nabanggit
46. Alin sa sumusunod na pamatnubay ang ginagamit sa tuwirang balita?
A. Pamatnubay na ano
B. Naglalarawang pamatnubay
C. Pamatnubay na masidhi ang paglalarawan
D. Lahat ng nabanggit
Para sa bilang 47-50.
Panuto: Tukuyin ang inilalarawan na datos na kailangan sa paglikha ng sariling
ulat-balita.
47. Anong pamamaraan sa pagkalap ng datos sa balita ang karaniwang
isinasagawa?
A. kawilihan C. pakikipanayam
B. pagbabago D talata
48. Ito ay bahagi ng balita na kailangang maging mabisa at kawili-wili upang
mapukaw ang atensyon ng mga mambabasa.
A. datos C. talata
B. pamatnubay D. tunggalian
49. Anong datos ang karaniwang isinusulat sa unang talata sa balita?
A. ulat ng pananaliksik
B. pinagkunan ng balita
C. pinangyarihan ng balita
D. pamatnubay na pangungusap
50. Ito ay bahagi ng balita na karaniwang sinusulatan ng mahalagang datos na
nakalap.
A. pamagat C. katawan ng balita
B. unang talata D. panghuling bahagi
1. B 26. C
2. C 27. B
3. C 28. C
4. A 29. B
5. C 30. B
6. B 31. C
7. B 32. D
8. D 33. B
9. B 34. A
10. D 35. D
11. C 36. A
12. B 37. C
13. D 38. C
14. C 39. D
15. D 40. A
16. C 41. D
17. B 42. D
18. D 43. C
19. A 44. D
20. C 45. D
21. C 46. A
22. D 47. C
23. B 48. B
24. A 49. D
25. D 50. B
Susi ng Pagwawasto

You might also like