You are on page 1of 6

Republic of the Philippines

Department Of Education
LAGUINDINGAN DISTRICT
MAUSWAGON INTEGRATED SCHOOL
Grade 9
Filipino
2nd Grading

Name:____________________________________________ Date: __________________

Panuto: Basahin at unawain ang mga tanong o pahayag sa bawat aytem. Piliin at isulat sa
iyong sagutang papel ang titik nang tamang sagot.

1. Kilala ang bansang Japan sa larangan ng robotics at teknolohiya, kaya binansagan ang
bansa bilang ______________. Alin sa mga sumusnod ang wastong katawagan sa kanilang
bansa?

a. Sleeping Giant b. Land of the Rising Sun c. Land of Promise d. Land of Beauty and
Bounty

2. Hindi lang sa teknolohiya kilala ang bansang Japan, kilala rin sila sa kanilang dalawang
tradiyonal na tula na _____________. Alin sa ibaba ang wastong sagot?

a. Tanaga at Haiku b. Haiku at Dalit c. Tanka at Haiku d. Tanka at Tanaga

3. Bayang nasawi/ Tinanggol ating lahi/ Payapa’y wagi. Batay sa Haiku, ilang pantig
mayroon sa taludtod na Bayang nasawi?

a. 4 na mga pantig b. 5 pantig c. 6 na mga pantig d. 7 pantig

4. Ang tulang Haiku ay mayroong tatlong taludtod at sa bawat taludtod ay binubuo ng mga
pantig. Ilang pantig mayroon sa kabuuan ng tulang Haiku?

a. 15 pantig b. 17 pantig c. 20 pantig d. 31 mga pantig

5. Sa tulang Tanka naman ay may limang taludtod at sa bawat taludtod nito ay binubuo ng
mga pantig. Ilan namang pantig mayroon sa kabuuan ng tulang Tanka?

a. 15 pantig b. 17 pantig c. 20 pantig d. 31 mga pantig

6. Sa kagubatan/ Hanging umaalulong/ Walang natangay. Ano ang denotatibong kahulugan o


literal na kahulugan ng salitang may salungguhit na umaalulong?

a. mahina b. mabagal c. malakas d. malayo

7. Batay sa tula sa bilang 6, ano ang nais ipahiwatig ng haiku? Piliin sa ibaba ang maaaring
konotatibong kahulugan nito.
a. Maaaring ang kahulugan ng haiku ay mahina ang hangin kaya walang natangay.

b. Maaaring ang kahulugan ng haiku ay patuloy pa rin ang gawaing ilegal na pagputol ng
kahoy.

c. Maaaring ipinagbabawal ang kagubatan na puntahan ng mga tao

d. Maaaring maliliit pa ang mga kahoy kaya walang natangay

8. Likas sa tulang tanka at haiku ang paggamit ng mga matatalinghagang salita para mas
maipakita ang pagiging malikhain ng mga Hapones. Ano ang tawag sa matatalingahagang
salita na tumutukoy sa pahiwatig o hindi tuwirang kahulugan na maaaring pansariling
kahulugan ng isang tao o pangkat na iba kaysa karaniwang pakahulugan.

a. Konotatibo b. Denotatibo c. Kahulugan d. Talinghaga

Para sa bilang 9 – 10

9. Batay sa larawan na nasa itaas, anong uri ng tula ito kung susuriin ang katangian at anyo

nito?

a. Tanaga b. Tanka c. Haiku d. Idyoma

10.Ano ang nais ipahiwatig ng taludtod na lilimutin ang hapdi batay sa kahulugan nito ng
tula?

a. gamutin ang sugat c. kalimutan ang nakaraan

b. nasaktan ng lubos d. maging mapagpatawad

11. Anong genre ng panitikan na naglalayong magsalaysay ng isang mahalaga at


nangingibabaw na pangyayari sa buhay ng pangunahing tauhan at nag-iiwan ng isang
kakintalan sa isip ng mga mambabasa.

a. Tula b. Nobela c. Maikling Kuwento d. Sanaysay

12. Alin sa mga sumusunod na elemento ng isang maikling kuwento na nagsasaad ng


pagkasunod-sunod na mga pangyayari?
a. tauhan b. banghay c. tema d. simbolismo

Para sa bilang 13-19

13. Batay sa tekstong binasa, ano ang tawag kay Hashnu sa maikling kuwento?

a. Manlililok ng bato b. Tauhan c. banghay d. simbolo

14. “Naku! Pagal na pagal na ang aking katawan sa kahuhugis ng matitigas na bato. Sana ay
mabuhay na lamang ang tao na hindi nahihirapang magtrabaho para hindi na magdala ng pait
at maso rito araw-araw. Uupo na lamang ako at magpapahinga. Hindi ko na kailangang
magdala ng maso paroo't parito arawaraw sa kalsada." Batay sa diyalogo ni Hashnu, anong
damdamin ang namamayani?

a. galit b. pamamaktol c. masaya d. asar

15. Batay sa diyalogo sa bilang 4, anong bahagi ng banghay karaniwang matatagpuan ito sa
maikling kuwento?

a. Kakalasan b. Simula c. Saglit na Kasiglahan d. Tunggalian


16. Batay sa paglalarawang isinasaad sa ikalawang pahayag sa kuwento, anong katangian
mayroon si Hashnu?

a. masipag b. magaling c. may pagmamahal sa kapwa d. may malasakit

17. Batay naman sa ikaapat na pahayag sa itaas, ano ang ibig-sabihin ng salitang may
salungguhit na nagdilang-anghel?

a. may anghel sa dila c. may anghel ang lumabas

b. nagkatotoo ang pangyayari d. naging anghel ang dila

18. Sa isang malayong lalawigan sa Jiangsu sa bayan ng Nanjing sa Tsina ay naninirahan si


Hashnu, isang manlililok ng bato. Batay sa pangungusap, anong bahagi ng kuwento
karaniwang makikita ang may salunggihit na parirala?

a. panimula b. saglit na kasiglahan c. kakalasan d. wakas

19. Nagbabago ang naging anyo ni Hashnu dahil na rin sa mga nais niya na maging. At ito rin
ang naging suliranin ni Hashun. Sa anong uri ng tunggalian nabibilang ito?

a. Tao laban sa tao c. Tao laban sa sarili

b. Tao laban sa kalikasan d. Tao laban sa lipunan

20.Dito makikita ang pakikipagtunggali ng mga tauhan na maaaring mula rin sa suliraning
nailahad.

a. Kakalasan b. Tunggalian c. Wakas d. Panimula

21.Sa bahaging ito magsisimula ang balakid ng pangunahing tauhan. Sa suliranin iikot ang
mga pangyayari sa akda.

a. Panimula b. Saglit na kasiglahan c. Paglalahad ng Suliranin d. Wakas

22.Alin sa mga sumusunod na mga pahayag ang nagsasaad ng panimula sa isang kuwento?

a. Sa isang malayong lugar… c. Samantala…

b. Sa kabilang banda… d. Bilang wakas….

23.Ito ang pinakamasidhi o pinakamataas na yugto ng akda. Dito na rin matatagpuan ang
kalutasan sa suliranin o ang katapusan ng tunggalian ng pangunahing tauhan.

a. Tunggalian b. Kasukdulan c. Wakas d. Paglalahad ng Suliranin


24. Dito na mapapayapa ang mga tauhan matapos malutas ang suliranin at humupa ang
tunggalian.

a. Panimula b. Saglit na Kasiglahan c. Wakas d. Kasukdulan

25.Alin naman sa sumusunod ang mga pahayag na nagsasaad ng wakas ng isang kuwento

a. Sa kabilang banda… b. Mula noon… c. Sa simula… d. Samantala…

26. Ito ay isang uri ng sulatin na nagpapahayag ng pananaw o opinyon ng may akda.

a. talumpati b. maikling kwento c. komunikasyon d. tula

27. Alin sa mga sumusunod ang walang kinalaman sa salitang pananaw?

a. opinyon b. mungkahi c. paninindigan d. paksa

28. Alin sa mga sumusunod ang nagsasaad ng palagay o pananaw sa mga usapin. At
karaniwang nakabatay palagi sa kanyang mga paniniwala.

a. opinyon b. mungkahi c. paninindigan d. kutob

29. Anong pananaw ang karaniwang gumagamit ng pahayag na; lubos akong naninindigan,
dapat maintindihan na, at nakapahalagang maunawaan ninyo na

a. mungkahi b. opinyon c. pagsasalita d. paninindigan

30. Si Ariel ay lumahok sa isang patimpalak na Masining na Pagtatalumpati. Binigyan


lamang ang mga kalahok ng 5 minutong paghahanda tungkol sa paksang Makabayan. Alin sa
mga sumusunod ang tawag sa talumpati na ihahanda ni Ariel?

a. Extemporanous Speech b. Impromtu c. Sabayang Pagbigkas d. Pagsulat ng Sanaysay

31. Alin dapat ang isaalang-alang ni Ariel sa kanyang pagtatalumpati upang marinig ng
maayos ang kanyang boses sa mga hurado?

a. pagbigkas b. tindig c. galaw ng mata d. kumpas ng kamay

32. Kailangang mag-iiwan ng mensahe ang magiging talumpati ni Ariel sa madla. Sa anong
bahagi ng sanaysay ni Ariel makikita ito?

a. simula b. gitna c. wakas d. balangka

Para sa bilang 33-35


33. Ano ang pangunahing diwa ng pahayag sa itaas?

a. nakasalalay sa ating mga balikat ang ikinatatagumpay at ikinaliligtas ng bayan at kabataan


b. nakasalalay lamang sa iisang lider ang ikinatatagumpay ng isang bansa

c. nasa pangulo nakasalalay lahat ang ikinatatagumpay ng bayan

d. nasa ating pagbibigay puna sa lider ng bayan ang ikinatatagumpay ng bayan

34. Ano ang layon ng teksto sa itaas?

a. naghatid ng impormasyon b. nanghihikayat c. nangaral d. nanghihikayat

35. Ano ang kasingkahulugan sa salitang nakasalungguhit sa pahayag?

a. hutok b. aral c. batak d. lasin

TAMA O MALI. Panuto: Gamitin ang linggwistikang kahusayan sa pagsulat ng sariling akda
gaya ng talumpati na nagpapakita ng pagpapahalaga sa pagiging isang Asyano. Isulat ang
titik T kapag Tama ang pahayag tungkol sa pagsulat ng talumpati at M naman kung Mali ito.

_____36. Sa pagsulat ng talumpati dapat alamin kung anong klase ang tagapakinig nito.

_____37. Ang paksa ay hindi na kinakailangang alamin sa pagsulat ng talumpati.

_____38. Sa panimula ng talumpati nararapat na umpisahan agad ng pahayag na patanong.

_____39. Ang paglalahad sa pagsulat ng talumpati ay kailangang sistematiko, malinaw at


mahusay sa panghihikayat.

_____40. Sa pagwawakas ng talumpati kinakailangang lagyan ng impresyon na pupukaw sa


isip at damdamin ng tagapakinig

You might also like