You are on page 1of 5

Department of Education

Division of City of Bogo


City of Bogo Science and Arts Academy
St. Joseph Village, Cogon, Bogo, Cebu
UNANG MARKAHANG PASULIT SA FILIPINO 10

Pangalan: ______________________________ Iskor: ________


Bilang at Pangkat: ____________________ Lagda: ________

Pangkalahatang Panuto: Basahin nang maayos ang bawat katanungan at bilugan ang
titik ng tamang sagot.
1. Alin sa mga pangungusap ang nagpapakita ng gamit ng pandiwa bilang panyayari?
a. Masayang nagdiriwang ang mag- anak sa tagumpay ng ama.
b. Inakyat ni John ang puno ng rambutan.
c. Ang mga bata ay masayang kumakain ng spaghetti.
d. Tumaas ng husto ang mga kabataan.
2. Hinintay niyang magtakip- silim bago umuwi. Ang salitang may salungguhit ay may
kayarian na, ano?
a. Payak b. Inuulit c. Tambalan d. Maylapi
3. Gumawa ng paraan si Cupid upang mailigtas si Psyche. Ano ang gamit ng
pandiwang may salungguhit?
a. Layon b. Tagatanggap c. Tagaganap d. Kagamitan
4. Sa Alegorya ng Yungib ni Plato, ano ang tinutukoy niyang liwanag?
a. elemento ng kalikasan c. kabutihan ng puso
b. edukasyon at katotohanan d. kamangmangan at kahangalan
5. Batay sa mga elementong dapat taglayin ng sanaysay, ito ay ang antas o pormalidad
ng salitang ginagamit ng may- akda upang makuha ang target na mga mambabasa.
Ano ito?
a. Kaisipan b. damdamin c. wika at estilo d. kaisapan
6. Minsan ang mga babae ay sala sa init sala sa lamig kaya hindi sila mauunawaan ng
kalalakihan. Ano ang kahulugan ng sinalungguhitang pahiwatig sa pangungusap?
a. mainit ang ulo b. iyakin c. emosyunal d.pabago bago ang emosyon
7. ____________ tauhang si Simoun sa El Filibusterismo, “Habang may
sariling wika ang isang bayan, taglay niya ang kalayaan.” Aling mga pahayag sa
ibaba ang tamang gamitin?
a. habang b. sa ganang akin c. maari d. ayon sa
8. Sinubok niyang isuot ang hiyas sa harap ng salamin, nagbabantulot siya at hindi
mapagpasyahan kung ang mga iyon ay isasauli o hindi. Ano ang kasingkahulugan ng
salitang may salungguhit?
a. natatakot b. nasisiyahan c. nagdadalawang- isip d. sigurado
9. Ano ang tawag sa isang uri ng kuwento na ang higit na binibigyanghalaga o diin ay
ang kilos o galaw, ang pagsasalita at pangungusap ng isang tauhan?
a. kuwentong makabanghay c. kuwento ng tauhan
b. kuwento ng katutubong-kulay d. kuwento ng kababalaghan
10. Ito ay reperensiya na kadalasan ay panghalip na tumutukoy sa mga nabanggit na sa
unahan ng teksto o pangungusap.
a. Anapora b.Katapora c. Anapora at Katapora d. Kohesyon
11. “Siya ay isang mapanghalinang babae. Si Mathilde ay isinilang sa angkan ng mga
manunulat.” Anong kohesiyong gramatikal ang ginamit sa pangungusap?
a. Anapora b. Katapora c. Panghalip d. Pangngalan
12. “Nang mamataan si Frollo, hinila niya ito at sa matinding lungkot na nararamdaman
ay inihulog niya mula sa tore ang paring kumupkop sa kaniya.” Ano ang nagtulak kay
Quasimodo na gawin ito?
a. matinding galit c. masidhing pagdurusa
b. matinding lungkot d. masidhing pasasalamat
13. Isinisigaw ni La Esmeralda ang pangalan ni Phoebus nang makita niya ito nang araw
na bibitayin siya subalit tinalikuran ito ng binate at nagtungo sa pakakasalang babae.
Anong damdamin ang naramdaman ni La Esmeralda sa pangyayaring iyon?
a. pag-aalala b.pagkainggit c. pagkalito d.pagkadismaya
14. Sa pananaw na ito, sinasabing ang tao ang pinakasentro ng daigdig.
a. Feminismo b. Existensyalismo c. Humanismo d.Romantisismo
15. Ito ay naglalahad ng isang kawil ng mga kawili-wiling pangyayari na hinabi sa isang
mahusay na pagkakabalangkas.
a. Dula b. Nobela c. Maikling Kuwento D. Sanaysay
16. Alin sa mga panghalip sa ibaba ang maaring gamitin sa pangungusap na, _______
sa tamang basurahan mo itapon ang basura.
a. Iyon b. Ito c. Doon d. Saan
17. Anong pangngalan ang tinutukoy ng panghalip o referensiyang hinihingi ng bilang
16?
a. basurahan b.basura c. itapon d. mo
18. Paano naiiba ang mitolohiya sa iba pang akdang pampanitikan?
a. Nagpapahayag ng opinyon hinggil sa isang paksa o isyu.
b. Nagsasalaysay ito ng mga pangyayaring may kaugnayan sa mga diyos at diyosa.
c. May taglay na talinghaga.
d. Nagsasalaysay ito ng pinagmulan ng isang bagay o lugar.
19. Sa isang mahusay na sanaysay mas nabibigyang tibay ng may- akda ang kanyang
argumento kung______________________.
a. May mga halimbawang pangungusap
b. May pagbabago ng ideya o isipan
c. May mga batayang hango sa totoong impormasyon
d. May pagkiling sa katotohanan
20. Ang tawag sa isang akdang pampanitikang nagtuturo ng kinkilalang pamantayang
moral na karaniwang batayan ng mga kuwento ay nasa Banal na Kasulatan.
a. Banghay b. Kuwento c. Parabula d. Tula
21. Ito ay isa sa pinakamahalagang elemento ng isang kuwento na nagpapakita ng
suliranin o problemang kahaharapin ng pangunahing tauhan.
a. banghay b. tagpuan c. tauhan d. tunggalian
22. “Bakit ko pa dadamdamin ang iisipin ng ibang tao kung makukuha lang nito ang sarili
kong kaligayahan?” Ang pahayag ay nagpapakita ng anong uri ng tunggalian?
a. Tao sa tao b. tao sa lipunan c. tao sa kalikasan d. tao sa sarili
23. Ito ay isa sa pinakamahalagang elemento ng isang kuwento na nagpapakita ng
maayos na pagkakasunod- sunod ng mga pangyayari.
a. Banghay b. Kuwento c. Parabula d. Tula
24. Sa pangungusap na “Sila ay sopistikado kung manamit. Ang mga taga-France ay
masayahin at mahilig dumalo sa mga kasiyahan.” Aling salita ang tumutukoy sa
panghalip na sila?
a. Sopistikado b. kasayahan c.France d.Taga-France
25. Sa pahayag na, “Si Mathilde ay nagtagumpay sa gabing iyon. Siya ay nagningning
sa piging.” Anong kohesiyong gramatikal ang nagamit sa pangungusap?
a. anapora b. Katapora c. Panghalip d. Pangngalan
26. ____________, mabuti na ngang nalalaman ng mamamayan ang mga anomalya sa
kanilang pamahalaang lokal nang sa gayo’y masuri nila kung sino ang karapat-dapat
na ihalal para mamuno sa kanilang lungsod. Aling pahayag ang kukumpleto sa
pahayag?
a. Kung gayon b. Sa kabilang dako c. habang d. Samantala
27. Alin sa mga salita sa ibaba ang nasa kayariang maylapi.
a. Mayaman b. ulila c. sinta d. para- paraan
28. Nalungkot ang lahat nang mabalitaan ang masamang nangyayari. Anong gamit ng
pandiwa ang ipinakita ng pangungusap?
a. Aksyon b. layon c. karanasan d. pangyayari
29. Alin sa mga sumusunod ang HINDI kaugnay sa pahayag ni Cupid na “Hindi
mabubuhay ang pag-ibig kung walang tiwala.”
a. Walang pag-ibig kung walang tiwala.
b. Titibay ang pag-ibig kung may pagtitiwala.
c. Hindi wagas ang pag-ibig na ipinagkakatiwala.
d. Ang pag-ibig at tiwala ay hindi mapaghihiwalay
30. Alin sa mga sumusunod ang TOTOO hinggil sa Alegorya?
a. nagsasalaysay ng mga pangyayari sa tauhan
b. may mga talinghaga o nakatagong mensahe
c. nagpapahayag ng damdamin
d. nagpapahayag ng kabayanihan
31. _________________ maraming mag-aaral, ang tanging makapagpapaunlad sa
kanilang pamumuhay ay ang makapagtapos ng pag-aaral. Aling pahayag ang
kukumpleto sa pahayag?
a. inaakala ng b. sa aking palagay c. sa tingin ko d. ayon sa
32. ________________________kailangan ang pagkakaisa ng mamamayan upang
mapalago at mapaunlad ang pamumuhay ng indibidwal sa isang lipunang
kinagagalawan o kinabibilangan. Aling pahayag ang kukumpleto sa pahayag?
a. inaakala ng b. sa aking palagay c. sa tingin ko d. ayon sa
33. “O, kahabag-habag kong kaibigan! Ang ipinahiram ko sa iyong kuwintas ay imitasyon
lamang.” Aling salita sa ibaba ang kasingkahulugan sa nakasalungguhit?
a. Maganda b. matalik c. maganda d. kaawa- awa
34. Ang teoryang ito ay sumusuporto sa katotohang ang tao’y nakagagawa ng mga
bagay na dakila dahil sa pag- ibig.
a. Naturalismo b. Feminismo c. Humanismo d. Romantesismo
35. Ito ay isang masining na pagsusuri sa anumang akdang pampanitikan.
a. Suring- basa b. suring- akda c.teorya d. akdang salin
36. May nagsumbong sa isang taong mayaman na nilulustay ng kaniyang katiwala ang
kaniyang ari-arian _______ ipinatawag niya ang katiwala at tinanong. Alin pang-
ugnay ang dapat gamitin sa pangungusap?
a. at b. kaya c. saka d. datapwat
37. _________ katalinuhan ng katiwala, pinuri ng amo ang tusong katiwala. Alin pang-
ugnay ang dapat gamitin sa pangungusap?
a. Dahil sa b. upang c. kaya d.saka
38. Umalis si Placido na nagpupuyos ang damdamin. Ang may salungguhit ay
nangangahulugang__________.
a. galit na galit b. nagdaramdam c. naghihinakit d. nagtitimpi

Para sa bilang 39-42


Paano ko ipapaliwanag sa iyo, anak, kung bakit kailangan kong umalis ng bahay at
sa gabi na bumalik habang iyak ka nang iyak at ako ang palaging tinatawag?
Kung sa ngayon, anak, ako muna’y patawarin. Ngunit balang- araw sana’y
maunawaan mong ang pagmamahal na iyan ang siyang tunay na dahilan kung bakit kung
minsan ay mas hinaharap ko pa ang makinilya kaysa paghele sa iyo.
Halaw sa: Paano Nagsusulat ang isang Ina ni Ligaya G. Tiamson Rubin
39. Ano ang tono ng nagsasalita sa sanaysay?
a. nagdaramdam b. nagtatampo c. nagpapaunawa d. nanghihikayat
40. Ano ang layunin ng ina sa kanyang sanaysay?
a. isa- isahin ang pagkukulang ng ina
b. ipaunawa sa anak kung bakit naiiwan siyang mag- isa
c. ipaunawa sa anak ang problema ng ina
d. makonsensiya ang ina
41. Ipinakita sa teksto ang realidad sa lipunan na ang babae ay maaring ___________.
a. pantahanan lamang c. abala sa labas ng tahanan
b. walang panahon sa anak d. katuwang sa paghahanap- buhay
42. Anong kalagayang panlipunan ang nais ipakita ng akda?
a. kalakasan ng mga kababaihan c. importansya nang may anak
b. ang kawalan ng ama ng isang bata d. ang kahalagahan ng trabaho
43. Dahil sa step- mother ni Cinderella natanim na sa ating pag- iisip na lahat na lang ng
ikalawang ina ay ganoon kahigpit katulad niya. Ang ganitong pagtutulad ay tinatawag
nating ____________.
a. colonial mentality b. self- esteem c. stereotype d. noypi
44. “Si Ana ay lubhang nasaktan sa sinabi ng kanyang ama.”Alin sa pangungusap ang
nagsasaad ng kilos?
a. Si Ana b. ama c. lubha d. nasaktan
45. Anong bahagi ng balangkas ng suring- basa na nakapaloob kung anong uri ng akda
ang babasahin?
a. Uri ng panitikan c. pamagat
b. Layunin d. bansang pinagmulan
46. Dumating si La Esmeralda. Lumapit ang dalaga sa kaniya na may hawak na isang
basong tubig. Pinainom siya. Paano inilarawan si La Esmeralda sa pahayag?
a. may pagkagusto c. may kababaang loob
b. may pagnanasa d. may malasakit sa kapwa
47. Anong ugali ng mga kapatid ni Psyche di dapat tularan?
a. Suporta b. kabutihan c. katamaran d. inggit
48. Ang di pagsunod si Psyche sa usapan nila ni Cupid ay kakikitaan ng____________.
a. Kataksilan b. utang loob c. kadakilaan d. katamaran
II. Essay Type. Ibigay ang sarili ninyong saloobin sa mga sumusunod na pahayag. Huwag
kalimutang gumamit ng mga pahayag na nagsasaad ng sariling pananaw.
1. Bakit mahalagang mapanatili ang mga magagandang kaugalian Pilipino tulad ng
pamamanhikan?
2. Bakit nga ba dapat panatalihin ang pagtangkilik sa mga akdang Pilipino tulad ng, Ang
Kalupi?
3. Paano nga ba nakatutulong ang mga akdang mitolohiya noong unang panahon?
4. Bakit mahalaga ang pagsusulat ng sanaysay?
5. Bakit nga ba mahalaga sa isang indibidwal ang pagbabasa?

Ang maniwala sa sabi- sabi ay walang bait sa sarili. #salawikain

Gng. Anamie P. Ancot


Guro

You might also like