You are on page 1of 6

Pangalan: ______________________ Petsa:___________

Baitang at Seksyon:________________ Iskor:____________

Mataas na Paaralan ng Port Barton

Unang Markahang Pagsusulit

sa Filipino 10

Panuto; Basahin at unawaing mabuti ang bawat katanungan. Bilugan ang titik ng tamang sagot.

1. Akdang pampanitikan na naglalahad ng pananaw at opinion tungkol sa tiyak na paksa.

a. dula b. tula c. sanaysay d. maikling kwento

2. Ang pinakamatandang epiko sa mundo at kinilala bilang kauna – unahang dakilang likha ng panitikan.

a. Ibalon b. Illiad c. Gilgamesh d. Beowulf

3. Mga kuwentong madalas na hango sa Bibliya at umaakay sa matuwid na landas ng buhay.

a. dagli b. nobela c. pabula d. parabula

4. Tulang naglalarawan ng simpleng paraan ng pamumuhay sa bukid.

a. pastoral b. elehiya c. soneto d. dalit

5. Ito ay kuwento tungkol sa mga diyos at diyosa.

a. dagli b. epiko c. alamat d. mitolohiya

6. Uri ng akdang pampanitikan na nagsasalaysay ng kabayanihan at supernatural na mga pangyayari.

a. mito b. epiko c. alamat d. mitolohiya

7. Siya ang tinaguriang diyosa ng kagandahan.

a. Hestia b. Hera c. Athena d. Venus

8. Uri ng tula na nagpapahayag ng masisidhing damdamin ng tao tulad ng pag – ibig, kalungkutan, kabiguan, kaligayahan,
tagumpay at iba pa.

a. pastoral b. tulang liriko c. soneto d. tulang tradisyonal

9. Akdang pampanitikan na kadalasang halos pang – aklat ang haba at nahahati sa iba’t ibang kabanata.

a. nobela b. kwento c. alamat d. sanaysay

10. Tungkol saan ang paksa ng isang epiko?

a. pakikipaglaban b. paglalakbay c. pakikipagsapalaran d. kabayanihan

11. Kaninong kabayanihan ang inilalarawan sa isang epiko?

a. pangunahing tauhan b. may akda c. mambabasa d. kasaling tauhan

12. Sa nobelang ‘’ Ang Kuban g Notre Dame ‘’ siya ang tauhang tinanghal bilang Papa ng Kahangalan

a. Frollo b. Pierre Gringore c. Quasimodo d. Phoebus

13. Ito ay nagmula sa salitang Griyego na ang ibig sabihin ay salawikain o awit.

a. myth b. epos c. mythus d. epiko

14. Ito ang tawag sa pagkain ng mga diyos – diyosan

a. ambrosia c. cedar c. trigo d. lamen

15. Pangunahing wikang ginagamit ng mga taga – France.

A. Flemish b. French c. German d. Catalan

16. Sa kwentong ‘’ Ang Kuwintas ‘’ siya ang babaeng nangangarap ng kaginhawaan at katanyagan sa buhay.

a. Esmeralda b. Madam Loisel c. Gudule d. Mathilde

17. Elemento ng tula na gumagamit ng mga salitang may malalim na kahulugan.


a. sukat b. tugma c. kariktan d. talinghaga

Panuto: Tukuyin kung ano ang pamagat ng akda batay sa pinapahayg na mensahe. Bilugan ang titik ng tamang sagot.

18. Pagpapahalaga sa tiwalang ipinagkaloob sa iyo. Huwag itong sayangin bagkus dapat pahalagahan at ingatan.

a. Ang Kuwintas b. Ang Tusong Katiwala c. Gilgamesh d. Ang ButiL ng Kape

19. Ang pagiging kontento at mapagpasalamat sa mga biyayang natatanggap. Ang paghahangad ng mga bagay na
kalabisan na ay hindi magdudulot ng kabutihan o katiwasayan sa halip ay nagiging dahilan pa ito ng mas malaki at mas
marami pang problema.

a. Ang Kuwintas b. Ang Tusong Katiwala c. Gilgamesh d. Ang Butil ng Kape

20. Ang kahalagan ng edukasyon sa lipunan. Ang pagmamanipula ng mga mas nakatataas sa atin dahil sa kawalan natin
ng lakas upang makita ang katotohanan at kamangmangan.

a. Ang Kuwintas b. Ang Alegorya ng Yungib c. Gilgamesh d. Ang Tusong Katiwala

21. Ang tiwala sa sariling kakayahan at pag – iisipan ang bawat desisyon ng hindi ito ikapahamak ng sarili o ng ibang tao.

a. Ang Kuwintas b. Ang Tusong Katiwala c. Cupid at Psyche d. Gilgamesh

22. Ito ay nagpapahayag ng hindi inaasahang pagmamahal ng isang tao sa hindi sinasadyang panahon at pagkakataon.
Komplikasyon dulot ng pag – ibig sa maling panahon at pagkakataon.

a. Ang Kuwintas b. Ang Tusong Katiwala c. Ang Alegorya d. Ang Tinig ng Ligaw na Gansa

23. Huwag pagmasdan ang isang tao sa kalabasang pang anyo kundi kilalanin ito sa pang kaloobang pang anyo.

a. Ang Kuban g Notre Dame b. Ang Kuwintas c. Dekada 70 d. Ang Tusong Katiwala

24. Huwag abusuhin ang angking kapangyarihan o ang katangiang taglay sa halip, gamitin ito sa mabisa at wastong
paraan na makabubuti hindi lang sa karamihan kundi para sa lahat.

a. Ang Kuban g Notre Dame b. Ang Kuwintas c. Cupid at Psyche d. Epiko ni Gilgamesh

25. Sa anumang pagsubok o suliranin na dumarating sa ating buhay hindi tayo dapat basta – basta susuko. Dapat maging
matatag at sikaping mabago ang mga pangyayari para sa ikabubuti ng bawat sitwasyon.

a. Ang Mensahe ng Butil ng kape b. Ang Kuwintas c. Ang Tusong Katiwala d. Gilgamesh

Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang bawat pangungusap at pagkatapos bilugan ang titik na nagpapahayag ng
kasingkahulugan ng mga salitang may salungguhit sa bawat pangungusap.

26. Siya ay may angking alindog na hindi nababagay sa kanyang kasalukuyang kalagayan sa buhay.

a. kayamanan b. karukhaan c. kagandahan d. karangyaan

27. Labis na panibugho ang kanyang naramdaman.

a. katuwaan b. kasiyahan c. kaluwalhatiand. inggit

28. Puno ng lumbay ang kanyang puso kapag naaalala niya ang kanyang nakaraan.

a. saya b. galak c. lungkot d. tuwa

29. Nagulumihanang napahinto ang lalaki nang makita niyang umiiyak ang asawa.

a. nangamba b. natakot c. nalungkot d. nalito

30. Sinubok niyang isuot ang hiyas sa harap ng salamin, nagbabantulot siya at hindi mapagpasyahan kung ang mga iyon
ay isasauli o hindi.

a. walang magawa b. natatakot c. nagdadalawang isip d. nahihinayang

Panuto: Tukuyin kung anong gamit ng pandiwa ang mga salitang may salungguhit. Bilugan ang titik ng tamang sagot.
31. Ginawa ni Psyche ang lahat upang ipaglaban ang kanyang pagmamahal kay Cupid.

a. aksiyon b. karanasan c. pangyayari d. layon

32. Labis na nanibugho si Venus sa kagandahan ni Psyche.

a. aksiyon b. karanasan c. pangyayari d. layon

33. Dahil sa paghihirap natukso siyang tumalon.

a. aksiyon b. karanasan c. pangyayari d. layon

34. Namatay si Kahel dahil sa nainom niyang lason.

a. aksiyon b. karanasan c. pangyayari d. layon

35. Umuwi siyang mag – isa sa kanilang tahanan.

a. aksiyon b. karanasan c. pangyayari d. layon

Panuto; Tukuyin ang angkop na pang – ugnay na dapat gamitin upang mabuo ang diwang nais ipahayag ng bawat
pangungusap. Bilugan ang titik ng tamang sagot.

36. ____________ang edukasyon ay kailangan n gating mga kabataan sapagkat ito ang kanilang magiging sandata sa
buhay sa kanilang kinabukasan.

a. para sa b. para kay c. sa tingin ng d. sa aking pananaw

37.____________ maraming guro na ang pagkatuto ng mga mag – aaral ay hindi lamang nakasalalay sa kanila kundi
maging sa mga magulang sa pagbibigay patnubay at suporta sa kanilang mga anak.

a. sa aking pananaw b. kapag c. sapagkat d. sa tingin ng

38. ___________ dapat pagtuunan ng pamahalaan ang isyu tungkol sa lumalalang kalagayan ng ating kalikasan.

a. pinaniniwalaan kong b. datapwat c. dahil sa d. sapagkat

39. Siya ay kinilalang pinakamahusay makisama sa kanilang lugar _________ karapat – dapat lamang siya na mahalal
bilang susunod na punong barangay.

a. kung b. tuloy c. dahil sa d. kung gayon

40. Nag – aaral siyang mabuti __________natuto siya ng husto.

a. kaya b. datapwat c. kung d. dahil sa

Panuto: Tukuyin ang salitang may salungguhit kung anong uri ng panghalip bilang panuring sa mga tauhan. Bilugan ang
titik ng tamang sagot.

41. Kailangan ko siya. Si Pedro ang pinakamahusay na arkitekto sa bayan naming.

a. anapora b. katapora c. panghalip d. pangngalan

42. Nagkaisa ang mga mamamayan sa pagsugpo sa polusyon sapagkat sila rin ang maapektuhan nito.

a. anapora b. katapora c. panghalip d. pangngalan

43. Doon ay malamig mamasyal. Sa Baguio ay maraming magagandang pasyalan.

a. anapora b. katapora c. panghalip d. pangngalan

44. Siya ay hindi karapat dapat na magtaglay ng aking ngalan. Si Andrei ay kahiya- hiya.

a. anapora b. katapora c. panghalip d. pangngalan

45. Mapapalad ang mga Asyano sa pagkakaroon ng mayamang kalikasan kaya pinangangalagaan nila itong mabuti.
a. anapora b. katapora c. panghalip d. pangngalan

‘’ May Isang Pangarap

ni Teodoro Gener

May isang pangarap akong ninanais

Sana sa buhay ko’y mangyaring sumapit

Gagawin ang lahat nang ito’y makamit

Ningning ng buhay kong siyang nilalangit

Sa palad na ito huwag ipagkait

Panaho’y nagdaan at sa aking palad

Pangarap na ito na aking hinangad

Wari’y nalalapit dangkal na iyong agwat

Nang dadamputin na umisod, napadpad

Lumayo sa kamay, nawaglit…umalpas

46. Ilan ang sukat na ginamit sa tula?

a. 8 b. 12 c. 16 d. 18

47. Sa pangalawang taludtod ng tula. Ano ang katugmang salita ng sumapit sa ikatlong taludtod ng tula?

a. buhay b. mangyari c. makamit d. gagawin

48. Ano ang positibong katangian ang ipinahihiwatig sa tula?

a. Hindi pagsuko sa mga pagsubok.

b. Pagiging determinado sa pag – abot ng pangarap.

c. Paggawa ng ano man makamit lamang ang hangarin sa buhay.

d. Lahat ng nabanggit.

49. Ano ang mensaheng ipinahihiwatig ng tula?

a. Mapagbiro ang tadhana.

b. Kung hindi ukol ay hindi bubukol.

c. Ang sumusuko sa buhay ay laging talo.

d. Kung may nais marating, magsumikap sa buhay.

50. Sa pang apat na taludtod ng tula, ano ang kasingkahulugan ng salitang nilalangit?

a. nawala b. lumisan c. umalis d. hangad

Inihanda ni;

CARLYN B. GONZALES

Guro sa Filipino
UNANG MARKAHANG PAGSUSULIT SA FILIPINO 10

SUSI SA PAGWAWASTO

1. C 26. C

2. C 27. D

3. D 28. C

4. A 29. D

5. D 30. C

6. B 31. A

7. D 32. B

8. B 33. C

9. A 34. C

10. D 35. A

11. A 36. D

12. C 37. D

13. B 38. A

14. A 39. D

15. B 40. A

16. D 41. B

17. D 42. A

18. B 43. B

19. A 44. B

20. B 45. A

21. C 46. B

22. D 47. C

23. A 48. D

24. D 49. A

25. A 50. D

You might also like