You are on page 1of 4

FILIPINO – BAITANG 10

UNANG MARKAHANG PAGSUSULIT


T.P. 2022-2023

PANUTO: Tukuyin sa mga pagpipilian ang tamang sagot ng mga sumusunod na aytem. TITIK lamang ang isulat sa sagutang
papel.

I. Paglinang ng Talasalitaan
1. Ayon sa "Alegorya ng Yungib" ang kahulugan nito ay mundo ng paningin.
A. Bilangguan B. Daanan C. Lagusan D. Repleksiyon
2. Sa alegorya, ang representasyon nito ay ilaw ng apoy.
A. Araw B. Bolang apoy C. Buwan D. Mundo
3. “Naging panatag na rin si Amado nang malamang magiging manugang niya si Susan sapagkat mabait na dalaga ito.” Ano
ang ibig ipakahulugan ng salitang nakasalungguhit?
A. Magulo B. Maligalig C. Masalimuot D. Payapa
4. “Iniabot ni Jupiter kay Psyche ang ambrosia.” Ang ambrosia na tinutukoy dito ay:
A. Pangalan ng tao C. Pagkain na may kapangyarihan
B. Pagkain ng mga Diyos D. Pagkain ng mga utusan
5. “Ang ningning ay nakasisilaw at nakasisira sa paningin. Ang liwanag ay kinakailangan ng mata upang mapagwari ang
buong katunayan ng mga bagay-bagay.” Ang dalawang sinalungguhitang salita ay:
A. Magkatunog B. Magkaugnay C. Magkatulad D. Magkasalungat
6. “Ito ay isang uri ng kuwentong na higit na binibigyang-halaga o diin ay ang kilos o galaw, ang pagsasalita at pangungusap
at kaisipan ng isang tauhan.” Ang dalawang sinalungguhitang salita ay:
A. Magkatunog B. Magkaugnay C. Magkatulad D. Magkasalungat
7. “Ang kanyang kagandahang naging tampok sa sayawan at naging dahilan upang siya'y naging tampulan ng paghanga.”
Alin sa sumusunod ang ibig ipakahulugan ng mga salitang nakasalungguhit sa pangungusap?
A. Labis na hangaan B. Pag-ukulan ng pansin C. Sobrang inidolo D. Tinging kinainggitan
8. Aling salita ang nagbibigay bisa sa pagpapahayag ng matinding damdamin?
Lubhang malungkot ang mawalan ng mahal sa buhay.
A B C D
9. Ayusin ang mga sumusunod na salita ayon sa antas ng damdaming ipinahahayag.
I. Pagmamahal II. Paghanga III. Pagsuyo IV. Pagsinta
A. I, II, III, IV B. II, IV, III, I C. II, III, I, IV D. I, II, IV, III
10. Kilalanin ang pagkakaugnay-ugnay ng mga salita ayon sa antas o tindi ng kahulugan (clining).
I. Laki II. Lapad III. Luwang IV. Luwag
A. I, II, III, IV B. II, I, III, IV C. I, II, IV, III D. IV, III, I, II
II. Wika at Gramatika
11. “Sa maagang pag-aasawa ni Gani, mabilis din silang nagkahiwalay ng kaniyang asawa. Bunga nito, siya’y nanirahan na
sa abroad.” Anong panandang pandiskurso ang ginamit sa pangungusap?
A. Bunga nito B. Mabilis din C. Sa abroad D. Kaniyang asawa
12. “Maliban sa pagiging ina sa limang anak na pulos lalaki, si Amanda ay isa ring tipikal na maybahay .” Alin sa sumusunod
ang isinasaad ng sinalungguhitang salita?
A. Kinalabasan B. Pagbubukod C. Pagdaragdag D. Pasubali
13. “__________ mga pag-aaral, tinatayong 50% ng mga residente sa lungsod ng Casablanca ang may sakit epekto ng dumi,
basura, usok mula sa pabrika at kontaminadong tubig.” Anong ekspresiyonng nagpapahayag ng pananaw ang angkop na
gamitin sa pahayag?
A. Ayon sa B. Batay sa C. Alinsunod sa D. Sa paniniwala ng
14. “Ipinagdarasal ni Bryan ang agarang lunas ng mga biktima ng COVID-19.” Ano ang pokus ng pandiwa sa pangungusap?
A. Tagaganap B. Layon C. Tagatanggap D. Kagamitan
15. “___________, nangyari iyon upang matauhan ang mga nagtutulog-tulugan.” Ano ang tamang isulat na ekspresiyon na
nagpapahiwatig ng pagbabago o pag-iiba ng paksa?
A. Sa kabilang dako B. Sa aking palagay C. Sa ganang akin D. Sa paniniwala
Para sa aytem bilang 16-19. Tukuyin ang pokus ng pandiwa sa pangungusap. Piliin ang TITIK ng tamang sagot sa mga
pagpipilian.
A. Tagaganap B. Layon C. Tagatanggap D. Kagamitan
16. Gumawa ng paraan si Cupid para sa kaligtasan ng kaniyang asawa.
17. Ipinamungkal ng lupa ng magsasaka ang asarol.
18. Nilagay ng ama sa palayok ang carrot, itlog, at butil ng kape.
19. Ikinuha ng agila ng maitim na tubig sa talon si Psyche.
Para sa aytem bilang 20-23. Tukuyin ang gamit ng pandiwa sa pangungusap. Piliin ang TITIK ng tamang sagot sa mga pagpipilian.
A. Aksiyon B. Karanasan C. Pangyayari
20. Ikinatuwa ng mga tao ang pagtatagumpay ng pag-iibigan nina Cupid at Psyche.
21. Sumakit ang tiyan ni Mike dahil sa nakain niyang panis na pagkain.
22. Ang mga nakabasa ay magsusulat din ng mitolohiya.
23. Nais nilang malaman ang sikreto ni Samson.
24. "Sa palagay ng mga makakalikasan, kailangang mamulat kahit na ang pinakabatang miyembro ng komunidad sa
posibleng epekto ng climate change sa sangkatauhan upang magkaroon ng kamalayan sa tamang pangangalaga ng
mundo." Anong ekpresiyon na nagpapahayag ng pananaw ang ginamit sa pangungusap?
A. kahit na B. Sa palagay ng C. upang D. wala sa nabanggit
25. “Si Julian ay naging manhid sa asawa at parang walang pakialam.” Ang nasalungguhitang salita ay nagsasaad ng:
A. Kinalabasan B. Pagbubukod C. Pagdaragdag D. Pasubali
Para sa aytem bilang 26-30. Piliin sa loob ng panaklong ang angkop na pang-ugnay. Isulat sa sagutang papel ang tamang sagot.
Isang matandang lalaki na may bitbit na bayong ang pumasok sa bangko 26. _______ (at, pati) luma na ang damit
niya. 27. ________ (Subalit, Dahil sa) may kalabuan na ang mata ng matandang lalaki, bahagyang nabangga niya ang isang
ginang na marangya ang kasuotan nang palabas na. 28. ________ (Kung kaya, Sapagkat) pinagsasampal ng mayamang
ginang ang matandang lalaki. Nang ilabas ng matanda ang salapi sa counter ay nagulat ang lahat 29. ________ (bagamat,
sapagkat) bungkos-bungkos na lilimandaaning piso ang idedeposito niyon. Agad-agad na humingi sila ng dispensa sa
matanda.
30. _________ (Sa dakong huli, Gayunpaman) nalaman nila na ang matanda ay ang mayamang may-ari ng
napakalaking bukirin sa kanilang bayan. Simple lang manamit ang matanda kaya napagkamalang kung sino lamang.
III. Panunuring Pampanitikan
1.
2.
3.
4.
5.
6.
7.
8.
9.
10.
11.
12.
13.
14.
15.
16.
17.
18.
19.
20.
21.
22.
23.
24.
25.
26.
27.
28.
29.
30.
31. Alin sa mga sumusunod ang HINDI katangian ng banghay ng isang mitolohiya?
A. Tumatalakay sa pagkalikha ng mundo.
B. Ipinapakita ang ugnayan ng mga tao at ng mga diyos at diyosa.
C. Salat sa aksyon at tunggalian dahil nakatuon lamang ito sa iisang tauhan.
D. Nakatuon sa mga suliranin at kung papaano ito malulutas.
32. Paano naiiba ang mitolohiya sa iba pang akdang pampanitikan?
A. May taglay na talinghaga.
B. Nagpapahayag ng opinyon hinggil sa isang paksa o isyu.
C. Nagsasalaysay ito ng pinagmulan ng isang bagay o lugar.
D. Nagsasalaysay ito ng mga pangyayaring may kaugnayan sa mga diyos at diyosa.
33. Piliin ang pangyayaring nagpapakita ng katangian ng mitolohiya bilang akdang pampanitikan.
A. Nang magutom ang bata ay nagsimula itong umiyak nang umiyak.
B. Nagtatrabaho siya sa palayan mula sa pagsikat ng araw hanggang sa paglubog nito.
C. Ang nagbabantay sa kanila ay nakasakay sa likod ng kabayo at itinuturo ang mga aliping mabagal magtrabaho.
D. Si Sarah at ang kaniyang anak ay lumilipad sa bakuran, sa mga kahoy, sa mga nagtataasang puno nang hindi
sila nakikita maging ng tagapagbantay.
Para sa aytem bilang 34. Basahin at unawain ang teksto sa ibaba at sagutan ang katanungan.
Ang mga makata ay may tinatawag na poetic license na nangangahulugang ang tula ay maaaring hindi
sumunod sa mga alintuntuning gramatikal o pambalarila. Ito rin ay nagbibigay pahintulot sa makata na sumuway sa
kumbensyon ng taludturan.
34. Ang nasalungguhitang pahayag ay pantulong na ideya. Bakit?
A. Dahil mahalaga ito. C. Dahil nakatulong sa mambabasa.
B. Dahil bahagi ito ng akda. D. Dahil karagdagang kaisipan ito upang patunayan ang pangunahing
paksa.
35. Alin sa sumusunod ang nagpahayag ng tunay na pagmamahal batay sa mitong Cupid at Psyche?
A. Ginawa ni Venus ang lahat para sa pagmamahal niya kay Cupid.
B. Hinarap ni Psyche ang pagsubok ni Venus para sa pagmamahal niya kay Cupid.
C. Nang nagkasala si Psyche kay Cupid, binalak niyang magpakamatay sa labis na pagsisisi.
D. Pinayuhan ni Psyche ang kaniyang mga kapatid kung paano makaliligtas sa halimaw na asawa.
Para sa aytem bilang 36-37. Basahin at unawain ang teksto at sagutan ang katanungan sa ibaba.
(A) Ang pamilyang Reyes ay isang pangkaraniwang pamilya lamang. (B) Si G. Reyes ay isang Kawani sa isang
tanggapan ng pamahalaang Lungsod ng Maynila. (C) Sumasahod siya ng Php 15,000 isang buwan na kanya namang
hinahati sa pangangailangan nila. (D) May para sa renta ng bahay, may para sa pag-aaral ng anak, may para sa ilaw at
tubig at may para sa transportasyon. (E) Ang may pinakamalaking pinag-ukulan ay pagkain.

36. Aling kaisipang nakapaloob na maari nating maiuugnay sa pamilya?


37. Aling kaisipang nakapaloob na maari nating maiuugnay sa pamahalaan?
38. Alin sa mga sumusunod ang HINDI kaugnay sa pahayag ni Cupid na “Hindi mabubuhay ang pag-ibig kung walang tiwala?”
A. Walang pag-ibig kung walang tiwala. C. Hindi wagas ang pag-ibig na ipinagkakatiwala.
B. Titibay ang pag-ibig kung may pagtitiwala D. Ang pag-ibig at tiwala ay hindi mapaghihiwalay.
39. Alin sa sumusunod ang HINDI kabilang sa mga katangian ng isang epiko?
A. Nababasa sa isang upuan lamang. C. Nagsasalaysay ng pakikipagsapalaran ng tauhan.
B. Nagtataglay ng katangiang nakahihigit sa tao. D. Nagpapakita ng kabayanihan ng pangunahing tauhan.
40. Anong salitag Greek ang pinagmulan ng salitang epiko na nangangahulugang salawikain o awit?
A. Epis B. Episo C. Epix D. Epos
Para sa aytem bilang 41-43. Basahin at unawain ang mga sumusunod na pahayag. Piliin sa mga pagpipilian ang isinasaad ng
bawat pahayag.
A. Katotohanan B. Kabutihan C. Kagandahang asal
41. Ang mapagkakatiwalaan sa maliit na bagay ay mapagkakatiwalaan din sa malaking bagay, ang mandaraya sa maliit na
bagay ay mandaraya rin sa malaking bagay.
42. Ang pagtulong sa matatanda sa pagtawad sa kalsada o daan ay isang halimbawa ng moral values. Naipapakita dito ang
pag-aalala o kabutihang taglay ng isang tao sa pamamagitan ng paglilingkod at pagtulong sa kapwa. Dahil sa
pagmamahal natin sa Diyos, natutuhan din nating mahalin ang ating kapwa. At dahil din sa pagmamahal, nauudyok tayo
nito na maging mabuti sa kapwa natin lalo na sa mga nakatatanda sa atin.
43. Ang paggalang sa matatanda ay isang mainam na ugali na hanggang ngayon ay makikita pa sa mga Pilipino. Ang
pagtawag ng kuya, ate, bunso at paggamit ng po o opo sa matatanda.
Para sa aytem bilang 44. Basahin ang teksto sa ibaba at sagutan ang katanungan.

Dito sa Pilipinas ang asawang babae ang siyang naghahawak ng susi. Ang lahat ng kinikita ng asawa ay
ibinibigay sa kanya upang ingatan at gugulin sa wastong paraan.
44. Ang pangunahing kaisipan ay ang sinalungguhitang mga salita. Bakit?
A. Dahil iyon ang pananaw ng may-akda. C. Dahil ang asawang babae ang siyang pinag-usapan sa
akda.
B. Dahil ang paksang tinatalakay ay mahalaga. D. Dahil ang nasalungguhitan ay nagpapalinaw.
45. Ayon sa Alegorya ng Yungib, ano ang ipinakahulugan ni Plato sa mga bilanggo?
A. mundo ng paningin B. liwanag C. araw D. sangkatauhan
Para sa aytem bilang 46-50. Unawain ang ipinapahayag ng larawan sa ibaba. Magbigay ng limang (5) pananaw ukol dito. Gamitin
sa bawat pahayag na ibibigay ang mga Ekspresiyong Nagpapahayag ng Pananaw. Pumili lamang ng lima sa ibaba.

Sa ganang akin Sa aking palagay


Samantala Sa tingin ko
Ayon sa/kay Alinsunod sa
Habang Sa kabilang dako
Batay sa Sa aking pananaw
Sa isang banda Sang-ayon sa

46.
47.
48.
49.
50.

“Higit na karangalan kapag pinaghirapan ang nakamtan, kaysa magtagumpay sa pangongopya lamang.”
Ma’am Crislene 

You might also like