Professional Documents
Culture Documents
I. Tukuyin ang payak na salita ng maylaping salitang nakasulat nang may diin sa pangungusap. Isulat ang
iyong sagot sa kahon.
1. Makikita sa pagkakaluhod ng babae habang siya ay nananalangin ang kanyang pagkilala sa Maykapal na lumikha
sa kanya.
2. Maraming tao ang patuloy na nagtutumangis sa Diyos na baguhin ang kanilang kalagayan sa buhay.
3. Ang pagtanda ng ating pisikal na katawan at ang pagkakasakit ay tanda lamang na ang buhay ng btao ay may
katapusan.
4. Ang ating wagas na pagsuyo at pagmamahal sa ating pamilya ay ipadama natin sa kanila habang may oras pa at
habang tayo ay malakas pa.
5. Bawat tao ay hahantong sa kaniyang sariling libingan kaya gawin nating makabuluhan ang bawat sandal ng ating
buhay.
II. Tukuyin ang tiyak na detalyeng binabanggit ng bawat pahayag sa hanay A. Piliin ang iyong sagot mula sa
hanay B. Titik lamang ang isulat sa linya.
Hanay A Hanay B
III. Basahin at unawaing mabuti ang mga katanungan sa ibaba. Isulat ang titik ng tamang sagot.
____ 1. Bakit masining ang balagtasan?
A. Masining ito dahil sa malikhaing pagpapalitan ng katwirang patula.
B. Masining ito dahil sa kumpas ng mga kamay.
C. Masining ito dahil nagsimula ito kay Francisco Balagtas.
D. Masining ito dahil tungkol ito sa kultura ng mga Pilipino.
____ 2. Sa Balagtasan na pinamagatang Bulaklak ng Lahing Kalinis-linisan, sino ang tagapagdaloy ng Balagtasan?
A. Bulaklak B. Paruparu C. Bubuyog D. Lakandiwa
____ 3. Sino ang pinag-aagawan ni Bubuyog at Paruparo?
A. Kampupot B. Lakandiwa C. Dahon D. Paso
____ 4. Ito ay biglaang pagtatalo ng lalaki at babae ng mga taga-Cebu.
A. Batutian B. Balitao C. Duplero D. Siday
____ 5. Sila ang pinakamagaling na mambabalagtas noong kanilang kapanahunan.
A. Jose Rizal at Andres Bonifacio B. Juan Luna at Antonio Luna
C. Francisco Baltazar at Jose Dela Cruz D. Jose Corazon de Jesus at Florentino Collantes
____ 6. Ito ay paraan upang maging kapaki-pakinabang ang pakikilahok sa anumang usapan.
A. Aspekto ng Pandiwa B. Sarsuwela
C. Simbolo at Pahiwatig D. Pagsang-ayon at pagsalungat
____ 7. Piliin sa sumusunod na mga pahayag ang karaniwang nagsasaad ng pagsang-ayon.
A. Iyan ang nararapat B. Mabuti sana ngunit…
C. Nauunawaan kita subalit.. D. Ayaw
____ 8. Piliin sa sumusunod na mga pahayag ang nagsasaad ng pagsalungat.
A. Pareho tayo ng iniisip B. Ganyan din ang palagay ko
C. Ikinalulungkot ko ngunit.. D. Tama
____ 9. Bakit mahalagang matutunan mo ang tamang paraan ng pagsang-ayon at pagsalungat?
A.Upang maging kapakipakinabang ang pakikilahok sa anumang usapan o pagbibigay ng mga palagay,
opinyon, ideya o kaisipan.
B.Upang maiwasto ang pagtatanghal sa isang dula.
C.Upang maging mabisa ang pagsulat ng isang gawain
D.Upang mapahalagahan ang mga salitang gagamitin sa isa kuwento.
____ 10. Dahilan kung bakit isinunod ang tawag na balagtasan sa pangalan ni Francisco Baltazar.
A. bilang alaala sa kaniyang kadakilaan
B. bilang parangal sa pagdiriwang ng kaniyang kaarawan
C. upang lalo siyang tangkilikin ng mga makata
D. sapagkat siya ang pinakamahusay na mambibigkas noong kaniyang kapanahunan