You are on page 1of 4

PANIMULANG PAGTATAYA

Alamin natin kung gaano na kalawak ang iyong kaalaman kaugnay ng mga aralin sa modyul na ito. Subukin mong
sagutin ang paunang pagsusulit bago ka magsimula ng iyong pag-aaral.
Basahing mabuti ang mga tanong. Piliin at isulat ang letra na sa palagay mo ay tama.
Matapos maiwasto ang iyong papel, tandaan mo ang iyong mga pagkakamali. Matutuklasan mo ang mga wastong sagot
sa pamamagitan ng mga gawain sa modyul na ito. Simulan mo na.

Teksto A.
(1) Nakikinig kaming lahat sa aming guro sapagkat mahusay siyang magturo. (2) Malinaw siyang magpaliwanag, laging
handa at paminsanminsan ay nagpapatawa kaya nawiwili kami sa kaniyang klase. (3) Marami kaming natututuhan sa kanya at sa lahat
ng ito siyay aming pinasasalamatan. (4) Sanay marami pang tulad niya upang maraming magaaral ang mahasikan niya ng
karunungan.

1. Ang pamaksang pangungusap ay matatagpuan sa pangungusap
bilang __________.
a. 1 b. 2 c. 3 d. 4
2. Ang tonong nangingibabaw sa huling pangungusap ay __________.
a. paghanga b. pananabik c. pag-asam d. kasiyahan
3. Mapapansin na ang layon ng tekstong binasa ay _____________.
a. manghikayat b. magpaliwanag c. magbigay-parangal d. magbigay-kaalaman

Teksto B
Tanaga ng Sakada
Jayson Alvar Cruz
Tahan ka saking silid Halikat manibasib
apuhapin ang sakit sa katas ay sumipsip.
nang naglatag na sugat, Nang panawan ng lakas,
sa banig, mutyang papag. katwang nais lumikas.

Doo'y lasapin kata Pagsaluhan na kata
nawaglit na gunita Utopia ng ideya.
usapin sa ting lupa, Nang lumagpak na sila,
limot na alaala. sa ting mga haraya.

Halikan mo ang langib,
sugat sa aking dibdib.
Haplusin mo ang hapdi.
Isip, namimighati.
4. Alin sa sumusunod na pangyayari ang may malapit na kaugnayan sa tula?
a. Demolisyon ng mga bahay sa Brgy. Jose Corazon de Jesus sa San Juan, Metro Manila
b. Pagputok ng bulkang Pinatubo na naging sanhi ng paglikas ng mga katutubong Aeta.
c. Pakikipaglaban ng mga magsasaka sa Hacienda Luisita tungkol sa usapin sa lupa
d. Tensiyon sa pagitan ng bansang Tsina at Pilipinas sa isyu ng Panatag Shoal.
6. Anong pinakamalapit na kaisipan ang lumulutang sa tula?
a. Nasa pagtutulungan ng bawat isa ang ikapagtatagumpay ng anumang layunin.
b. Kung makikiisa ang lahat, makakamit ang mabuting hangarin
c. Walang hangad na mabuti ang mga taong sakim sa kayamanan at kapangyarihan.
d. Hindi nagbubunga ng kabutihan ang anumang kasamaan.
Teksto C.
Sa pelikula man o sa telebisyon, ibat ibang uri ng dokumentaryo ang ating napapanood na tumatalakay sa ibat ibang paksa o
isyu. Sa paglipas ng panahon, ang mga dokumentaryo ay nagsilbing instrument o midyum upang maimulat ang kamalayan ng
mamamayan sa mga suliranin at isyung panlipunan na kinahaharap sa araw-araw. Karaniwang nakatuon ito sa kahirapan, korapsyon,
problema sa edukasyon, suliraning pang-ekonomiya at mga katiwalian. Nagsisilbi rin itong tinig ng taong-bayan upang maiparating sa
kinauukulan ang mga kakulangang dapat maaksyunan. Higit pa rito, ang mga nahihimlay na kaluluwa ng mga politiko ay
nagigising upang harapin ang hindi mapasusubaliang katotohanan.
Kaya naman, bilang kabataan, ano kaya ang iyong magagawa upang ikaw ay makatulong kahit sa simpleng pamamaraan sa
iyong kapwa? Sa paanong paraan mo maipararating ang hinaing ng iyong kapwa mag-aaral at ng inyong komunidad sa barangay.
Nasa iyo ang natatanging kasagutan.

16. Ayon sa akda, paano naging mabisang instrumento ang mga dokumentaryo upang magising ang kamalayan ng bawat indibidwal?
a. Naimumulat nito ang isipan ng mga tao sa mga isyung panlipunan.
b. Sadyang nakalilibang lang talaga itong panoorin.
c. Masyadong nag-iisip ng problema ang mga tao.
d. Nagagabayan tayo nito para umasenso at yumaman.
17. Ano ang kahulugan ng pahayag na hindi mapasusubalian ayon sa pagkakagamit sa akda?
a. walang masyadong iniisip c. walang katotohanan
b. hindi mapasisinungalingan d. hindi angkop sa sitwasyon
18. Nahihimlay na kaluluwa ng mga politiko. Ano ang mahihinuha sa pahayag?
a. Puro pangangampanya lamang ang mga politiko.
b. Kakaunti lamang ang suliraning umiiral.
c. Hindi lubusang nagagampanan ng mga politiko ang kanilang tungkulin.
d. Wala namang dapat masyadong ipag-alala.
19. Ayon sa akda, ang pangunahing misyon sa paglikha ng mga dokumentaryo ay upang ___________.
a. matugunan ng nararapat na aksiyon ang mga isyung panlipunan
b. maipalabas lamang sa madla ang mga ito
c. panoorin ang dokumentaryo at masiyahan
d. aksiyunan lamang ang mga pangunahing problema
20. Bilang isa sa mga kabataan, ano ang dapat na maging implikasyon sa iyo ng mga pahayag sa huling talata?
21. a. Maaari kang makatulong sa iyong kapwa kahit sa simpleng pamamaraan.
b. Pamunuan ang lahat ng mga welga sa pamayanan.
c. Maging isang lider upang maging sikat.
d. Ang isang kabataan ay wala pang gaanong magagawa.

Teksto D

Komentarista 1 : Kasado na raw ang Sin Tax Bill sa Senado, partner!
Komentarista 2: Tama ka dyan! Mukhang nakatulong dyan ang pagsang-ayon ni PNOY tungkol sa panukalang batas na yan!
Komentarista 1: Naku! Eh bali-balita ngang dalawang senador ang bumoto laban sa pagpapasa ng Bill na yan eh.
Komentarista 2: Inaasahan partner na tataas ang makokolektang buwis mula sa mga kompanya ng sigarilyo at alak dahil dito.
Komentarista 1: Pero ayon kay La Union Representative Victor Ortega, magdurusa ang mga magtatabako dahil marami sa kanila ang
maaaring mawalan ng trabaho.
Komentarista 2: Kaya naman pala todo papogi ang mga re-electionist na senador na bumoto laban sa bill na yan!
Komentarista 1: Hindi bale nang maraming mamatay dahil sa kanser sa baga, manalo lang sa eleksyon!
Komentaista 2: Tumpak!

22. Alin sa sumusunod ang maituturing na negatibong pahayag?
a. Kasado na raw ang Sin Tax Bill sa Senado.
b. Tama ka dyan! Nakatulong dyan ang pagsang-ayon ni PNOY!
c. Inaasahan na tataas ang makokolektang buwis dahil sa Sin Tax Bill.
d. Magdurusa ang mga magtatabako dahil sa pagtaas ng buwis na sisingilin sa mga kompanya ng sigarilyo.
23. Alin sa sumusunod ang paksa ng komentaryong panradyo?
a. Pagtaas ng presyo ng mga bilihin gaya ng sigarilyo at alak
b. Pagpasa sa Sin Tax Bill
c. Pagtutol ng mga senador sa pagpasa ng Bill
d. Paghihirap ng mga magtatabako dahil sa Sin Tax Bill
24. Alin sa sumusunod ang salitang nagpapahayag ng konsepto ng kaugnayang lohikal?
a. Pati na rin c. Ayon kay
b. Dahil ditto d. Kaya naman
25. Marami ang maaapektuhang mga magtatabako ______________ sa pagkakapasa ng Sin Tax Bill. Ano ang angkop na
salita/pariralang nararapat gamitin upang mabuo ang pahayag?
a. upang c. nang sa gayon
b. dahil sa d. Kung
26. Alin sa sumusunod ang maituturing na opinyon?
a. Naipasa na ang Sin Tax Bill sa Senado.
b. Nakatulong ang pagsang-ayon ni PNOY sa Sin Tax Bill.
c. Maraming magtatabako ang maapektuhan dahil sa Sin Tax Bill.
d. Tinutulan ng ilang sendor ang pagpasa ng panukalang batas.
27. Ano ang unang dapat gawin sa pagsasagawa ng panayam?
a. Iulat nang patas at wasto ang nakuhang mga impormasyon.
b. Maging malinaw sa pagtatanong.
c. Alamin ang iskedyul ng kakapanayamin.
d. Magsaliksik ng mga kaugnay na impormasyon tungkol sa paksa ng panayam.
28. Alin sa sumusunod ang maituturing na broadcast media?
a. komiks at magasin c. pelikula at telebisyon
b. radyo at telebisyon d. aklat at pahayagan
29. Ano ang mahalagang papel ang ginagampanan ng broadcast media sa lipunan?
a. Nabibigyan nito ng pansin ang mga katiwalian sa pamahalaan.
b. Naimumulat nito ang mamamayan sa nagaganap sa paligid.
c. Nagiging kilala o tanyag ang mga personalidad dahil dito.
d. Nakapagbibigay ito ng impormasyon kaugnay ng politika at showbiz.
30. Hindi bale nang maraming mamatay dahil sa kanser sa baga, manalo lang sa eleksiyon! Ano ang ipinahihiwatig na opinyon sa
pahayag?
a. Marami ang mamamatay dahil sa paninigarilyo.
b. May mga politiko na hindi pumapayag sa panukalang batas dahil nais na mapaboran ng publiko sa parating na eleksiyon.
c. Siguradong matatalo sa eleksiyon ang mga politikong pabor sa panukalang batas.
d. Maraming politiko ang napapahamak dahil sa paninigarilyo.
31. Ang pangunahing kaisipan ng binasang akda ay_______________.
a. bawat indibidwal ay may magagawa para sa ating lipunan
b. bahala na ang kabataan kung kikilos sila
c. manood palagi ng mga dokumentaryo
d. tama na ang mulat ka sa iyong kapaligiran




Dance with My Father Tagalog Version Aking
Ama
Nung akoy bata pa
nang iwan ako ng aking ama
matay lumuluha na
di kaya ni nanay ng iwan nya
sakin ay may bumulong
sabi ni tatay na wag iiyak
malungkot ako aking ama

Chorus
Kung may pagkakataon,
na mayakap sya
at masabi ko na mahal kita ama
awiting to ay alay ko sayo
mahal na mahal, mahal kita o aking ama
ako at si nanay, iniisip ka
sa panaginip nalang tayo nagkikita
kulitan natin dati
mga alaala mo nung kasama ka
haplos na galing sayo
mga payo na tinuro mo
di malilimutan aking ama

Gumuho ang pangako pangarap ay napako
hindi rin madali na kalungkutan ay itago
lahat naman ng bagay ay merong katapusan
at meron kang pagsubok na kailangang lagpasan
ang makasama ka binuhay mo ko ay bigay ng Diyos
alaala na iniwan mo ay di magatatapos
dahil mayrong isang awitin na likha ng iyong anak
at mayrong isang anak pangakong di na iiyak
(pangakong di na iiyak)












IINGATAN KA
Sa buhay kong ito
Tanging pangarap lang
Ang iyong pag mamahal
Ay ma kamtam
Kahit na sandali
Ikaw ay mamasdan
Ligaya tila ay
Walang hangan
Sana ay di na magising
Kung nangangarap man din
Kung ang buhay na makulay
Ang tatahakin
Minsan ay nadarama
minsan di na iluluha
Di ka na maninilbi
pagkat sa buhay mo
ay may nag mamahal parin

Iingatan ka
Aalagaan ka
Sa puso ko ikaw ang pag-asa
Sa 'ting mundo'y
may gagabay sa iyo
Ang alay ko'y itong pagmamahal ko
May nag mamahal aakay sa iyo
Aking inay ikaw ang nagbigay
Ng Buhay ko
Buhay na kay ganda
Pangarap ko na makamtan ko na

Sana'y di na magising
Kung nangangarap man din
Kung ang buhay na makulay
Ang tatahakin
Minsan ay nadarama
minsan di na iluluha
Di ka na maninilbi
pagkat sa buhay mo
ay may nag mamahal parin

Iingatan ka
Aalagaan ka
Sa puso ko ikaw ang pag-asa
Sa 'ting mundo'y
May gagabay sa iyo
Ang alay ko'y itong pagmamahal ko
May nagmamahal aakay sa iyo
Aking inay ikaw ang nagbigay
Ng Buhay ko
Buhay na kay ganda
Pangarap ko na makamtan ko na (2x)

HABANG MAY BUHAY
Nais kong mabuhay sa haba ng panahon
Kung Itoy lilipas na ikay kapiling ko
Ang aking buhay, ang aking buhay
Sa 'yo ibibigay.
Tangi kong panalangin ay pagsamo mo
Kailanma'y di magmamaliw ang apoy sa puso ko
Chorus

Habang may buhay, habang may buhay
Hangga't ang dugo ko ay dumadaloy
Sa 'yo lamang iaalay
Ang aking buhay, ang aking buhay
Sa 'yo ibibigay.

At kung tayo'y magwawalay ako'y mabibigo
Di na nanaisin pang ituloy ang buhay ko

Repeat Chorus

Ibig kong malaman mo
Hanggang sa dulo ng mundo
Ang pangarap ko'y sa 'yo.

Habang may buhay, habang may buhay
Hangga't ang dugo ko ay dumadaloy
Sa 'yo lamang iaalay
Ang aking buhay, ang aking buhay
Sa 'yo ibibigay. (2X)









NARIYAN KA LYRICS
Chorus:
Nariyan ka, kailan ma'y di mo iniwan
Nariyan ka, di mo pinabayaan
Nariyan ka, hindi ako mangangamba
Sa hirap o ginhawa pa
Ika'y nariyan kailan pa man
Bawat pagdaanan ko ay nariyan ka
Minamahal kita

Ako'y inibig mo, ng tapat sa puso mo
Mula pala noon, nariyan sa piling ko
Kailan ma'y di nagbago, maaasahan ko
Nariyan ka mag-aalalay hindi na kailangan
Puso ko'y panatag na pagkat

Nariyan ka, kailan ma'y di mo iniwan
Nariyan ka, di mo pinabayaan
Nariyan ka, hindi ako mangangamba
Sa hirap o ginhawa pa
Ika'y nariyan kailan pa man
Bawat pagdaanan ko ay nariyan ka
Minamahal kita

Bawat ngiting, dinulot mo
Ang ihip ng kalinga mo
Binigyang kulay nito, ang bawat araw ko
Muli't muli bumabalik ang alaala mo sakin
Damdamin ay sumisigla sa tuwing

Nariyan ka, kailan ma'y di mo iniwan
Nariyan ka, di mo pinabayaan
Nariyan ka, hindi ako mangangamba
Sa hirap o ginhawa pa
Ang puso ko'y panatag na... Pagkat...

Nariyan ka, kailan ma'y di mo iniwan
Nariyan ka, di mo pinabayaan
Nariyan ka, hindi ako mangangamba
Sa hirap o ginhawa pa
Ika'y nariyan kailan pa man
Bawat pagdaanan ko ay nariyan ka
Minamahal kita

Minamahal kita...

You might also like