You are on page 1of 1

Pagpapayaman ng kaalaman

Tumutukoy ito sa paghahanap pa at


pagtitipon ng mga kaalamang hindi pa taglay
ng magsusulat

Pagbabasa at Pananaliksik Imersiyon


Ginagamit sa pagpapalawak ng isang Sadyang paglalagay sa sarili sa isang
paksang isusulat at pangangalap ng mga karanasan o gawain upang makasulat
kaugnay na karagdagang kaalaman. hinggik sa karanasan o gawaing
Magagawa sa pamamagitan ng pagkonsulta kinapalooban. Naikikisalamuha sa isang
sa mga libro at iba pang materyales na grupo ng mga tao sa pamamagitan ng
karaniwang matatagpuan sa mga aklatan o pakikisangkotsa kanilang mga gawain.
internet
Pag-eeksperimento
Obserbasyon Sinusubukan ang isang bagay bago sumulat
Sa pamamagitan ng pagmasid sa mga ng akda tungkol dito sa pamamagitan ng
bagaybagay, tao, pangkat, at pangyayari, isang eksperimento
Inaalam ang gawi katangian, at iba pang
datos kaugnay ng inoobserbang paksa

Pakikipanayam o Interbiyu
Magkapagtitipon ng mga kaalaman at
impormasyon sa pamamagitan ng
pakikipanayam o interbiyu sa mga taong
malaki ang karanasan at awtoridad sa
paksang inihahanap

Pagtatanong o Questioning
Paglalatag ng mga tanong ng isang tiyak na
paksang gustong isulat. Ginagamit ang prosesobg
pagtatanongna kinapalooban ng 5Ws at 1H
(what,when,where,who,why, at how)

Pagsulat ng Journal
Hinahango o ibinabatay ang mga akdang
kanilang sinusulat ng Journal.
Isang talaan ng mga pansariling gawain, mga
repleksiyon, mga naiisip o nadarama, at kung
ano-ano pa. Nakatala rin sa journal ang mga
bagong salita, idyoma, tayutay, at mga
pahayag na nagpapalawak sa bokabularyo ng
manunulat

Brainstorming
Magagamit sa pangangalap ng opinyon at
katwiran ng ibang tao. Sa pamamagitan ng
malayang pakikipagtalakayan sa isang maliit
na pangkat hinggil sa isang paksa

Pagsasarbey
Pagpapasagot ng questionnaire sa isang
grupo ng mga respondent

Sounding-out friends
Pamamagitan ng isa-isang paglapit sa mga
kasambahay, kaibigan,kapitbahay,o kasama
sa trabaho upang magsagawa ng
pakikipagtalakayan sa kanila hinggil sa isang
paksa.

You might also like