You are on page 1of 10

Mga Bantas

• Gitling (-) 1. Inuulit na salita: ano-ano, ilan-ilan, iba-iba, suntok-


suntukin, suri-suriin
2. Isahang pantig: tik-tak, ding-dong, plip-plap
3. Paghihiwalay ng katinig-patinig: mag-aaral, mag-isa,
agam-agam
4. Bagong tambalan: lipat-bahay, bigyang-buhay, bagong-
salita
5. Pagsulat ng oras: alas-12, ika-8
6. Kasunod ng "De" at "Di": de-kolor, de-lata, de-bote, di-
maitulak-kabigin, di-matularan
7. Apelyido: Genoveva Edroza-Matute, Gilda Cordero-
Fernando
8. Pagsaklaw ng panahon: 1882-1993; Marso 12-17, 2013
• Kuwit (,)
1. Kompletong adres: Watson Building, 1610 J.P. Laurel
Street, San Miguel, Manila
2. Bating pambungad at bating pangwakas: Mahal na mga
magulang, (Bating pambungad) Matapat na sumasainyo,
(Bating pangwakas)
3. Paghihiwalay ng mga salita: Binibigyang-pansin ng
kaniyang administrasyon ang pabahay, edukasyon,
pagkain, at seguridad ng bansa.
4. Pagsulat ng kumpletong petsa: Mayo 11, 1998
5. Pagsulat ng pangalan na nauuna ang apelyido: Cruz,
Juancho
• Kuwit (,)
6. Upang ihiwalay ang tuwirang sinabi ng nagsasalita na nasa
loob ng panipi: "Hindi ko kilala ang tinutukoy mo," sagot
ng guro.
7. Sa pagitan ng sugnay ng pangungusap: Gawa rin dito sa
Pilipinas, aywan ko kung napansin mo, ang mga damit na
binili mo sa Amerika.
8. Upang ihiwalay ang bulalas o kataga sa iba pang bahagi ng
pangungusap: Di bale, may iba pa namang pagkakataon.
9. Upang ihiwalay ang katungkulan sa pangalan ng tao:
Manuel L. Quezon, pangulo ng Komonwelt ng Pilipinas.
• Tuldok-kuwit o semicolon (;)
Ginagamit ang tuldok-kuwit o semicolon sa pagitan ng
malayang sugnay ng mahahabang tambalang pangungusap na
walang pangatnig.

Halimbawa: Sa pag-upo sa katungkulan ng bagong pangulo


unang inaasam ng karaniwang mamamayan ang pag-angat ng
kabuhayan ng bansa; ito'y ayon sa pangakong binitiwan niya
noong panahon ng kampanya; tiyak na hinihintay at aasahan ng
publiko ang pangakong ito.
• Tutuldok o colon (:)
1. Sa hulihan ng bating pambungad na pormal na liham:
Mahal na Punong Komisyoner:
2. pagsulat ng oras, sa pagitan ng oras at minuto: 6:20 n.u.
3. Pagbibigay ng halimbawa o paglalahad ng mga aytem sa
isang serye: Mga dumalo: Punong Komisyoner, Direktor,
Puno ng Sangay, Puno ng Yunit.
4. Bilang ng talata at bersikulo sa Biblia: Juan 3:16
5. Upang ihiwalay ang tomo (volume) sa pahina: Philippine
Journal of Linguistic 3:15-33
6. Upang ihiwalay ang taon sa pahina ng aklat: Ayon kay
Pescasio 1984:129
• Gatlang (—)
1. Upang ipakita ang sakop na bilang, petsa, oras: 1991—
1998
2. Upang ipakita na wala pang tiyak na petsa kung
hanggang kailan, subalit alam kung kailan nagsimula:
(1938— )
3. Biglang tigil at maipokus sa dagdag na kaalaman ng
pahayag: Maaaring ang pinakaugat ng konseptong ito ay
ang ating matandang sistema ng pagsulat—ang Alibata.
• Panipi (" ")
1. Upang kulungin ang tuwirang sinabi ng nagsasalita:
"Magparaya! Isipin mo na lang na dumagsa ang kamag-
anak na buwaya," wikang mahinahong ngiti ni Tandang
Selo.
2. Upang kulungin ang pamagat ng isang artikulo o akda:
Isa sa kwentong nakapaloob sa aklat ang "Ulan" na
naglalaman ng magandang aral.
Isulat kung tama o mali
ang pagkakagamit ng
mga bantas sa bawat
bilang.
• Aileen Baisa-Julian
• ika-27 ng Mayo, 1973
• Mateo 25-21 (bersikulo
sa Biblia)
• makaDiyos
• arawarawin
• trabahot-negosyo
• magsimba
• basang-sisiw
• segunda-mano
• de-pihit

You might also like