You are on page 1of 5

Learning Area Filipino

Learning Delivery Modality Online Distance Learning Modality

Paaralan Baitang 8
LESSON Guro Asignatura Filipino
EXEMPLAR Petsa Markahan Ikatlo
Oras Bilang ng Araw 1

I. LAYUNIN Pagkatapos ng aralin, ang mga mag-aaral ay inaasahang:


1. Nabibigyang-kahulugan ang mga termino o salitang ginamit sa makabagong
teknolohiya
2. Nauunawaan ang kahalagahan ng makabagong teknolohiya lalo na sa
panahong kasalukuyan
3. Napahahalagahan ang mga pagbabagong nagaganap bilang mag-aaral
A.Pamantayang Pangnilalaman Naipamamalas ng mga mag-aaral ang pag-unawa sa kaugnayan ng panitikang
popular sa kulturang Pilipino
B. Pamantayan sa Pagganap Ang mag-aaral ay nakabubuo ng kampanya tungo sa panlipunang kamalayan sa
pamamagitan ng multimedia (social awareness campaign)
C.Pinakamahalagang Kasanayan
sa Pagkatuto (MELC) (Kung
Nabibigyang-kahulugan ang mga lingo/termino na ginagamit sa mundo ng
mayroon,isulat ang
multimedia
pinakamahalagang kasanayan sa
pagkatuto o MELC
D. Pagpapaganang Kasanayan Nalilinang ang mga kasanayang 21st Century sa mga gawaing pagsasanay at
(Kung mayroon,isulat ang kabihasaan
pagpapaganang
kasanayan.)
II.NILALAMAN Ang Wikang Filipino sa Edukasyong Panteknolohiya
(Christian George C.Francisco)

III.KAGAMITAN PANTURO

A.Mga Sanggunian

a.Mga Pahina sa Gabay ng Guro MELC/BOW,PLUMA 8 (ph337-345)

b.Mga Pahina sa Kagamitang


Pangmag-aaral
c.Mga Pahina sa Teksbuk

d.Karagdagang Kagamitan mula sa


Portal ng Learning Resource
B.Listahan ng mga Kagamitang Panturo 1. Access para sa virtual na pagtuturo gamit ang Google Meet o
para sa mga Gawain sa maaringngamitin ang Google Classroom
Pagpapaunlad at Pakikipagpalihan 2. Google (https://www.pinterest.com)

IV.PAMAMARAAN

A. Panimula Mga Paalaala sa mga mag-aaral para sa Online Learning

1. Kung gagamit ng Google Meet siguraduhin na nakabukas ang video ng guro


upang nakikita ng mga mag-aaral.
2. Tanging ang mikropono lamang ng guro ang nakabukas, manatiling nakasara
ang mikropono ng mga mag-aaral maliban lamang kung may katanungan o
pahihintulutan ng guro.
3. Ang mga activity sheets o worksheets at iba pang kagamitan para sa
paglinang ng kasanayan ay ipapadala ng guro sa pamamagitan ng sulatriniko o
mga aplikasyon sa social media

Mga Paalaala sa mga mag-aaral para sa Modular Learning


1|Page
1. Natatanging mga magulang o nakatatandang kamag-anak o otorisadong tao
ang maaring kumuha ng mga modyul na gagamitin ng mga mag-aaral
2. Kailangan ang gabay ng nakatatanda na nakadalo sa oryentasyon sa paggamit
ng modyul, para sa pagsagot ng mga gawain na nakatala dito.
3. Sundin ang mga panuto na nakasaad sa modyul
4. Isumite sa guro o otorisadong kawani ng paaralan ang mga modyul na
nasagutan para sa pagwawasto aayon sa itinakdang araw

Panimulang Gawain
1. Simulan sa isang panalangin. Isama sa panalangin ang kasalukuyang
kaganapan o kalagayan ng buong mundo (covid 19)
2. Magkaroon ng maikling kumustahan at usapan upang maiset ang kahandaan
ng mga mag-aaral sa isasagawang pag-aaral

Paunang Pagtataya
(21st Century Skills na Nililinang: Critical Thinking)

(I-share ang screen/audio sa mga mag-aaral)


Ipakita ang mga sumusunod na larawan.
(https://www.pinterest.com)

Ayon sa mga ekperto, kailangan na ihanda ang mga kabataang Pilipino para
sa kinabukasan, pagharap sa pagbabagong dulot ng modernisasyon at
makabagong teknolohiya. Kung saan, sa bawat click nila ng mouse o pag-touch
ng screen ng ipad, laptop ,desktop o cell phone ay agad nababasa ang
mahahalagang impormasyong kanilang kailangan.
Itanong:
1. Pamilyar ba kayo sa mga kagamitang inyong nakita?
2. Tukuyin ang mga kagamitang ito, at sabihin kung saan at paano ito
ginagamit?
3. Bilang mag-aaral ng makabagong panahon, ano ang mas pipiliin mong
gamitin lalo na sa pag-aaral, mga babasahin o paggamit ng mga makabagong
teknolohiya tulad halimbawa ng cellphone o computer, ipad at iba pa?
Ipaliwanag.

(21st Century Skills na Nililinang: Technological Literacy)

Pagsasanay 1
Pagbasa/pagpaparinig ng isang tekstong mula sa sangguniang Pluma (Alam Mo
Ba ph. 338-339 Pluma)
(I-share ang audio/screen)
Magkaroon ng maikling palitan ng kaalaman ukol sa paksa (paggamit ng mga
makabagong paraan ng teknolohiya katulad ng internet at social media network
na facebook at iba pa).
Isa-isang ipakilala o tukuyin ang mga sumusunod na larawan at kung ano ang
gamit at kahalagahan ng mga ito.

2|Page
Paanong ang mga ito ay nakaaapekto sa larangan ng komuikasyon at
edukasyon.?

Pagsasanay 2
Pagsagot sa ilang katanungan batay sa mga napag-usapan
1. Bilang isang mag-aaral ng ika-21 siglo, alin para sa iyo ,ano ang higit na
epektibong paraan sa paglinang ng talino at galing ng mga mag-aaral-
pagtuturong ginagamitan ng kumbensyunal na pamamaraan o ginagamitan ng
Information and Communication Technology?Bakit?
2. Kung ikaw ay isang guro, ano-ano ang iyong gagawin upang higit na maging
epektibo at kahali-halina sa iyong mga mag-aaral ang paraan ng iyong
pagtuturo?
3. Kailan at paano nagiging negatibo ang epekto ng paggamit ng makabagong
teknolohiya sa buhay ng tao?

(21st Century Skills na Nililinang: Critical Thinking)


B. Pagpapaunlad
Pagpapabasa/Pagpaparinig ng akdang “Ang Wikang Filipino sa
Edukasyong Panteknolohiya”

Pagsasanay
Pagtukoy sa kahulugan ng mga salita.
Hanapin at bilugan ang kasingkahulugan ng salitang nakasulat nang pahilig
mula sa iba pang salita sa loob ng pangungusap.
1. Ang mga adhikain ng mga Kagawaran ng Edukasyon na paunlarin ang
Sistema ng edukasyon sa bansa ay unti-unti nang nagaganap sa pamamagitan ng
pagpapatupad ng mga layuning nakasaad sa K to 12 Curriculum
2. Ang wikang Filipino ang naging daluyan upang patuloy na maibahagi sa
kabataan ang natatanging kaugalian at kultura ng ating bansa na magsisilbing
daan upang manatiling nagkakaisa ang lahing kayumanggi
3.Ang paglulunsad ng universal kindergarten ay isa sa mga hakbang na
ginagawa ng pamahalaan upang ganap na mapatupad ang pagsusulong ng K to
12 Curriculum
4. Maging ang pagtuturo ng wika sa mga paaralan ay naiimpluwensyahan na rin
ng mga pagbabagong hatid ng mga ginawang inobasyon kung paano higit na
magiging epektibo ang pagtuturo sa mga mag-aaral na Pilipino
5. Ang paniniwala nang marami na higit na magiging epektibo ang pagtuturo
ng wikang Filipino sa mga paaralan ay lalong pinagtibay ng mga makabagong
ideyolohiyang ipinatutupad ng pamahalaan para higit na mapaunlad ang sistema
ng edukasyon.

Sagutin:
1. Sa inyong palagay nakatutulong ba ang makabagong teknolohiya lalo na sa
inyong pag-aaral? Sa paanong paraan?
2. Kailan nagiging negatibo ang epekto ng paggamit ng makabagong
teknolohiya sa buhay ng tao?
(21st Century Skills Na Nililinang: Ceativity and Imagination) (I-share
C. Pakikipagpalihan
ang screen/audio)
Paglinang sa Kabihasaan:
Batay sa
araling natalakay na, ano ang mga maaring positibo at nagatibong epekto ng
multimedia sa larangan ng edukasyon lalo na sa panahon ng pandemya?

Magpabigay/Pumili ng application mula sa cellphone/computer na sa palagay

3|Page
mo ay siyang pinakaimportante lalo na sa panahon ngayon? (Ipaguhit at
pakulayan ito sa isang malinis na bond paper). Ang nais sumagot ay itaas ang
sign na ito . Pagkatapos ay ipaliwanag.

Mula sa paksang natalakay na, ang mga salitang binigyang-diin sa mga pahayag
D.Paglalapat
sa Hanay A ay ginamit sa mundo ng media. Bigyang-kahulugan ang mga ito sa
pamamagitan ng pagpili ng kahulugan nito sa mga salitang nakasulat sa Hanay
B. Titik lamang ang isulat. (I-send sa messenger ang kasagutan.)

HANAY A
___1. pinanghahawakan ng mga techie
___2. kahalagahan ng multimedia
___3. mga gamit ng cybernetics
___4. tungo sa hypermedia na pagkatuto
___5. pakikilahok sa global village
___6. halimbawa nito ay world wide web (www)
___7. paggamit ng e-learning
___8. internet sa loob ng klasrum

HANAY B
A. agham ng komunikasyon at ng awtomatikong sistema ng pagkontrol kapwa
sa makina at buhay ng nilalang
B. internasyunal na network na pangkompyuter na nag-uugnay sa mga
indibidwal na nasa iba’t ibang panig ng mundo
C. isang sistema ng magkakabit na mga dokumento na makukuha sa internet
D. isang uri ng pagkatuto at pagtuturo sa pamamagitan ng elektronikong paraan
E. paggamit ng higit sa isang pamamaraan ng pagpapahayag o komunikasyon
F. taong eksperto sa teknolohiya
G. uri ng komunidad na nasasaklawan ang buong mundo
H. ang pagsasama-sama ng iba’t ibang klase ng teknolohiya katulad ng audio,
video graphics, plain text at hyperlinks
Ipagamit sa pangungusap/pabigyang-kahuluagan

V. PAGNINILAY Paglalahat saAralin


Pasasagutan sa mga mag-aaral ang mga sumusunod na katanungan tungkol sa
mga pinag-aralan.
1. Ano ano ang inyong mga natutunan mula sa aralin?
2. Anong bahagi ng aralin ang hindi pa lubos na nauunawaan?
3. Mayroon pa bang nais malaman maliban sa mga nabanggit?

Sa kuwaderno ng mga mag-aaral o journal sumulat ng kanilang


nararamdaman o realisasyon gamit ang mga sumusunod:
Nauunawaan ko na___________________________________________

Nabatid ko na_________________________________________________

Repleksiyon ng Guro
Bilang ng mga mag-aaral na may mataas na antas ng
pagsasanay_______sa________
Bilang ng mga mag-aaral na may average na antas ng
pagsasanay______sa________
Bilang ng mga mag-aaral na mababa sa average na antas ng
pagsasanay______sa________
Bilang ng mag-aaral na nangangailangan ng remedial
teaching_________sa________

Manunulat:

TERESITA M. MACABALES
Guro III

Nagpatunay sa kaangkupan ng nilalaman: Sumuri ng Paggamit sa Wika:

___________________________________________ JOEHAIRA MAE T. TRINOS


4|Page
Guro I

Sumuri ng Katiyakan ng Kalidad:

JACKIELOU A. ALMIRA, PhD JONATHAN F. BERNABE, EdD


Pansangay na Tagamasid sa LRMS Pansangay na Tagamasid sa Filipino
(Teknikal) (Nilalaman at mga Kompetensi)

Pinagtibay: Inirekomenda:

EDNA F. HEMEDEZ, EdD NEIL G. ANGELES, EdD


Hepe, CID Pangalawang Pansangay na Tagapamanihala ng mga Paaralan

Sinang-ayunan:
Inaprubahan:

JOB B. ZAPE, JR
Hepe, CLMD HEREBERTO JOSE D. MIRANDA, CESO VI
Pansangay na Tagapamanihala ng mga Paaralan

PUNA:
 Ipadadala
 COVID-19
 Maitakda
 Paano nakaaapekto ang mga ito sa larangan ng komunikasyon at edukasyon?
 Bilang isang mag-aaral ng ika-21 siglo, ano ang higit na epektibong paraan sa paglinang ng
talino at galling ng mga mag-aaral?
 Pagtuturong ginagamitan ng kumbensyunal na pamamaraan o ginagamitan ng Information
and Communication Technology? Bakit?
 Anu-ano

5|Page

You might also like