Professional Documents
Culture Documents
College of Education
Graduate Studies and Applied Research
Brgy.Mayondon-Malinta, Los-Baños, Laguna-(http:/lspu.edu.ph/)
PROFESSOR:
Ang salitang panitikan ay nanggaling sa salitang "pang-titik-an" na kung saan ang unlaping
"pang" ay ginamit at hulaping "an". At sa salitang "titik" naman ay nangangahulugang literatura
(literature), na ang literature ay galing sa Latin na littera na nangunguhulugang titik.
Ang panitikan ay “bungang isip na isinatitik”. Ito rin ay sumasaklaw sa lahat ng uri ng
katha na tumutulong sa wastong ikauunawa ng noon, ngayon at bukas ng isang bansa.
Ito rin ay pagpapahayag ng damdamin at mga karanasan ng sangkatauhan na nasusulat
sa masinining at makahulugang mga pahayag. (Rufino Alejandro at Julian Pineda)
Para kay Arrogante, isang talaan ng buhay ang panitikan kung saan nagsisiwalat ang
isang tao ng mga bagay na kaugnay ng napupuna niyang kulay ng buhay at buhay sa
kanyang daigdig na kinabibilangan. Ginagawa ito ng isang tao sa pamamagitan ng
malikhaing pamamaraan.
Batay naman sa Webster Dictionary ito ay ang anumang anyo nasusulat sa anyo
mang patula/tuluyan sa isang partikular na panahon.
Sa Panitikang Pilipino nina Gonzales, Martin at Rubin ang panitikan ay isang paraan
ng pagpapahayag na kinapapalooban ng katotohanan sa paraang ipinaparanas sa
mambabasa ang kaisipan at damdamin ng manunulat.
Ayon naman kay Salazar, ito ay isang lakas na nagpapagalaw sa lipunan at maaaring
magpalaya ng isang ideya nagpupumiglas makawala.
Inihayag din ni Ramos na panitikan ding matatawag ang lahat ng uri ng mga tala na
kinasasalaminan ng pang-araw-araw na pamumuhay ng tao sa lipunang kaniyang
ginagalawan. Isang lakas itong maaaring maging mahalagang bahagi ang pagpapaunlad
ng lipunan at kalinangan.
Para naman kay Bro. Azarias ang panitikan ay pagpapahayag ng damdamin ng tao
tungkol sa iba’t ibang bagay sa daigdig sa pamumuhay, sa pamahalaan, sa lipunan at sa
kaugnayan ng kanilang kaluluwa sa Poong Lumikha.
KAHALAGAHAN NG PANITIKAN
1. Upang makilala natin ang ating sarili bilang Pilipino, at matalos natin ang ating
pinagyaman ng isip at ang angking talino ng ating pinanggalingang lahi.
2. Tulad ng ibang lahi sa daigdig dapat nating mabatid na tayo'y may dakila at marangal na
tradisyonng siya nating ginawang sandigan ng pagkabuo ng ibang kulturang nakarating
sa ating bansa.
3. Upang matanto natin ang ating mga kakulangan sa pagsulat ng panitikan at
makapagsanay na ito'y matuwid at maayos.
4. Upang makilala at magamit natin ang ating mga kakayahan sa pagsulat at magsikap na
ito'y malinang at mapaunlad.
5. Higit sa lahat, bilang mga Pilipinong nagmamahal sa sariling kultura ay kailangang
maipamalas ang pamamalasakit sa ating sariling panitikan
ANYO NG PANITIKAN
Ang panitikan ay maaaring nakasulat at di–nakasulat. Ito ay ipinapahayag sa anyo ng patula
at tuluyan.
Tuluyan – ito ay nasusulat nang malaya sa anyo ng mga talata na karaniwang binubuo
ng mga pangungusap.
Pabula - (Ingles: fable, Kastila: fabula) ay isang uri ng kathang-isip na panitikan kung
saan mga hayop o kaya mga bagay na walang-buhay ang gumaganap na mga tauhan,
katulad ng leon at daga, pagong at matsing, at lobo at kambing. May natatanging
kaisipang mahahango mula sa mga pabula, sapagkat nagbibigay ng mga moral na aral
para sa mga batang mambabasa. Tinatawag din itong kathang kuwentong nagbibigay-
aral.
Dula - isang uri ng panitikan na itinatanghal sa mga teatro. Nahahati ito sa ilang yugto na
maraming tagpo. Pinakalayunin nitong itanghal ang mga tagpo sa isang tanghalan o
entablado.
Kwentong bayan- (Filipino: folklor) ay mga salaysay hinggil sa mga likhang-isip na mga
tauhan na kumakatawan sa mga uri ng mamamayan, katulad ng matandang hari, isang
marunong na lalaki, o kaya sa isang hangal na babae. Karaniwang kaugnay ang
kwentong-bayan ng isang tiyak na pook o rehiyon ng isang bansa o lupain. Kaugnay nito
ang alamat at mga mito.
Laguna State Polytechnic University – Los Baños Campus
College of Education
Graduate Studies and Applied Research
Brgy.Mayondon-Malinta, Los-Baños, Laguna-(http:/lspu.edu.ph/)
1. Tulang pasalaysay
Epiko - tumatalakay sa mga kabayanihan at pakikipagtunggali ng isang tao o mga
tao laban sa mga kaatunggali
Awit - inaawit at pangkalahatang tinatanghal ang mga salita (liriko)
Korido - binibigkas sa pamamagitan ng pakantang pagpapahayag ng mga tula
3. Tulang pantanghalan
Moro-moro o komedya - isa itong libangan ng mga pilipino na itinatanghal sa
pagdiriwang ng piyesta sa iba - ibang lugar
Panuluyan - tungkol sa paghahanap ng matutuluyan ni birheng maria na malapit
nang manganak
Tibag - tungkol sa paghahanap ng krus na pinagpakuan kay hesukristo
Sarsuwela - isang masayang dula; karaniwa'y may tugtugan at awitan
Senakulo - pandulaang bersyon ng pasyon tungkol sa hirap at sakit ni hesukristo
4. Tulang patnigan
Karagatan - ang paksa nito'y tungkol sa alamat ng singsing ng dalaga na umano'y
nahulog sa gitna ng karagatan
Duplo - ito'y pagtatalo sa tula at pahusayan sa pagbigkas
Balagtasan - isang tula ng pagtatalo tungkol sa napapanahong isyu o
mahalagang paksa
MGA SANGGUNIAN