Professional Documents
Culture Documents
Tuluyan Patula
1.tuluyan o prosa (Ingles: prose) – maluwang
na pagsasama-sama ng mga salita sa loob ng
pangungusap. Ito ay nasusulat sa karaniwang
takbo ng pangungusap o pagpapahayag.
2.patula o panulaan (Ingles: poetry) –
pagbubuo ng pangungusap sa pamamagitan
ng salitang binibilang na pantig sa taludtod
na pinagtugma-tugma, at nagpapahayag din
ng mga salitang binibilang ang mga pantig at
pagtutugma-tugma ng mga dulo ng mga
taludtod sa isang saknong.
Mga Uri ng Anyong Tuluyan
Pabula
Alamat
Maikling Kwento
Mga sangkap ng Maikling kwento
Tauhan
Banghay
Tagpuan
Tema
Sanaysay
Pananaw
Damdamin
Kaisipan
Anekdota
Talumpati
Dula
Mga Uri Ng Dula
Trahedya
Komedya
Melodrama
Parsa
Saynete
Balita
Talambuhay
Liham
Editoryal
Nobela
Mga akdang tuluyan :
1. Tuluyan o prosa (Ingles: prose) –
maluwang na pagsasama-sama ng mga salita sa
loob ng pangungusap. Ito ay nasusulat sa
karaniwang takbo ng pangungusap o pagpapahayag.
a. Alamat – isang uri ng panitikan na nagkukuwento tungkol
sa mga pinagmulan ng mga bagay-bagay sa daigdig.
Karaniwang nagsasalaysay ang mga ito ng mga pangyayari
hinggil sa tunay na mga tao at pook, at mayroong
pinagbatayan sa kasaysayan. Kaugnay ang alamat ng mga
mito at kuwentong-bayan.
b. Anekdota – isang uri ng akdang tuluyan na tumatalakay
sa kakaiba o kakatwang pangyayaring naganap sa buhay ng
isang kilala, sikat o tanyag na tao. Ito ay may dalawang uri:
kata-kata at hango sa totoong buhay. Ito rin ang mga
ginagawa ng mga pagpapaliwanag sa mga ginagawa ng
mga tao.
Mga akdang tuluyan :
c. Nobela o kathambuhay– isang mahabang
kuwentong piksyon na binubuo ng iba’t ibang
kabanata. Mayroon itong 60,000-200,000 salita o
300-1,300 pahina. Noong ika-18 siglo, naging istilo
nito ang lumang pag-ibig at naging bahagi ng mga
pangunahing literary genre. Ngayon, ito ay kadalasan
may istilong artistiko at isang tiyak na istilo o
maraming tiyak na istilo.
d. Pabula – isang uri ng kathang-isip na panitikan
kung saan mga hayop o kaya mga bagay na walang-
buhay ang gumaganap na mga tauhan, katulad ng
leon at daga, pagong at matsing, at lobo at kambing.
May natatanging kaisipang mahahango mula sa mga
pabula, sapagkat nagbibigay ng mga moral na aral
para sa mga batang mambabasa. Tinatawag din itong
kathang kuwentong nagbibigay-aral
Mga akdang tuluyan :
e. Parabula ay maikling salaysay na maaaring nasa
anyong patula o prosa na malimit nangangaral o
nagpapayo hinggil sa isang pangyayari, na kadalasang
isinasalarawan ang isang moral o relihiyosong aral.
Taliwas sa pabula, ang parabula ay walang inilalahok na
tauhang hayop, halaman, bagay, at puwersa sa
kalikasan na pawang kumikilos at nagsasalita gaya ng
tao.
f. maikling kuwento – binaybay ding maikling kwento –
ay isang maigsing salaysay hinggil sa isang mahalagang
pangyayaring kinasasangkutan ng isa o ilang tauhan at
may iisang kakintalan o impresyon lamang. Isa itong
masining na anyo ng panitikan. Tulad ng nobela at dula,
isa rin itong paggagad ng realidad, kung ginagagad ang
isang momento lamang o iyong isang madulang
pangyayaring naganap sa buhay ng pangunahing
tauhan.
Mga akdang tuluyan :
j. Dula – isang uri ng panitikan. Nahahati
ito sa ilang yugto na maraming tagpo.
Pinakalayunin nitong itanghal ang mga
tagpo sa isang tanghalan o entablado.
k. sanaysay – isang maiksing
komposisyon na kailimitang naglalaman
ng personal na kuru-kuro ng may-akda.
l. Talambuhay – isang anyo ng panitikan
na nagsasaad ng kasaysayan ng buhay
ng isang tao hango sa mga tunay na
tala, pangyayari o impormasyon.
Mga akdang tuluyan :
j. Talumpati – isang buos ng kaisipan o opinyon ng isang
tao na pinababatid sa pamamagitan ng pagsalita sa
entablado. Layunin nitong humikayat, tumugon,
mangatwiran, magbigay ng kaalaman o impormasyon at
maglahad ng isang paniniwala. Ito ay isang uri ng
komunikasyong pampubliko na nagpapaliwanag sa isang
paksa na binibigkas sa harap ng mga tagapakinig.
k. Kuwentong-bayan – ay mga salaysay hinggil sa mga
likhang-isip na mga tauhan na kumakatawan sa mga uri ng
mamamayan, katulad ng matandang hari, isang marunong
na lalaki, o kaya sa isang hangal na babae. Karaniwang
kaugnay ang kwentong-bayan ng isang tiyak na pook o
rehiyon ng isang bansa o lupain. Kaugnay nito ang alamat
at mga mito
l. Balita -mga iba’t-ibang makatotohanang pangyayari na
nagaganap sa isang lugar o bansa.
Mga akdang patula
2. Mga tulang pasalaysay – pinapaksa
nito ang mahahalagang mga tagpo o
pangyayari sa buhay, ang kagitingan at
kabayanihan ng tauhan.
Awit at Korido
Epiko
Balad
Sawikain
Salawikain
Bugtong
Kantahin
Tanaga
Mga akdang patula
2. Mga tulang pasalaysay – pinapaksa
nito ang mahahalagang mga tagpo o
pangyayari sa buhay, ang kagitingan at
kabayanihan ng tauhan.
Awit at Korido
Epiko
Balad
Sawikain
Salawikain
Bugtong
Kantahin
Tanaga
Mga Uri ng Anyong Patula
Tulang Pasalaysay
Epiko
Korido
Awit
ODA
Punongkahoy
Tulang Liriko Kaibig-ibig ang
iyong ganda
ELIHIYA Tikas at lakas
Oda “ Awit sa isang na kahali-halina
bangkay” Ako’y bigyan
Elihiya Ngayong mo ng
hatinggabi’y nais masasarap ng
Soneto kong awitin bunga
At lilim na
Ang ayaw marinig
Dalit ng aking Diwata;
Awit na kaiba may
sisilungan sa
pighati at dusa.
Pastoralbagong pagtingin
May dugo ng buhay
may tamis ng luha
Awit na hinabi ng
buwang may silim….
( isinumpang awit
ng mga bathala)
Tulang Pandulaan
Karagatan
Duplo
Senakulo
Tulang Pantigan
Balagtasan
Batutian
MGA IMPLUWENSIYA NG
PANITIKAN
Kung ang limang kalagayan nabanggit na
nakapangyayari sa panitikan ay may Impluwensiya sa
anyo, hangarin at laman ng panitikan. Ang panitikan
naman ay may dalang mahalagang impluwensiya sa
buhay, kaisipan at ugaliin ng tao sa dalawang
kalagayan.
Una - ang panitikan ay nagpapaliwanag sa
kahulugan at kalinangan at kabihasnan ng lahing
pinanggalingan ng akda.
Ikalawa - sa pamamagitan ng panitikan, ang
damdam.in, kaisipan ng mga tao sa sandaigdigan ay
nagkakaunawaan. Nagkahihiraman sila ng ugali at
palakad at nagkatulungan.
MGA IMPLUWENSIYA NG
PANITIKAN
Ang mga pangunahing akdang pampanitikang nagdala ng
malaking impluwensya sa buong daigdig ay ang mga
sumusunod:
1. Banal na Kasulatan o Bibliya - ito ang naging batayan ng
Kakristiyanuhan mula sa Palestina at Gresya.
2. Koran - ang pinakabibliya ng mga Muslim. Galing ito sa Arabia.
3. Ang Iliad at Odyssey - akda ni Homer, na kinatutuhan ng
mga kaligirang mitolohiya o paalamatan ng Gesya.
4. Ang Mahabharata - ito ay ipinalalagay na pinakamahabang
epiko sa buong daigdig. Naglalaman ito sa kasaysayan ng mga
dating Indo at ang kanilang pananampalataya.
5. Ang Divina Commedia - ni Dante ng Italya. Nagpapahayag
ito ng pananampalataya, moralidad at paguugali ng mga Italyano
nang panahong yaon.
MGA IMPLUWENSIYA NG
PANITIKAN
6. Ang El Cid Compeador - ng Espanya na nagpapahayag
ng katangiang panlahi ng mga Kastila at ng kanilang mga
alamat at kasaysayang pambansa noong unang panahon.
7. Ang Awit ni Rolando - na kinapapalooban ng
Roncesvalles at Doce Pares ng Pransya, na nagsasalaysay
ng gintong panahon ng Kakristiyanuhan at ng dating
makulay na kasaysayan ng mga Pranses.
8. Ang Aklat ng mga Araw - ni Confucio ng Tsina. Naging
batayan ng mga Intsik sa kanilang pananampalataya,
kalinangan at karunungan.
9. Ang Aklat ng mga Patay - ng Ehipto, na naglalaman
ito ng kulto ni Osiris at ng mitolohiya at teolohiyang
Ehipsio.
MGA IMPLUWENSIYA NG
PANITIKAN
10. Ang Sanlibo't Isang Gabi - mula ito sa Arabia at
Persya. Nagsasaad ng mga ugaling pampamahalaan,
panlipunan, pangkabuhayan at panrelihiyon ng mga
Arabo at Persyano.
11. Canterbury Tales - naglalarawan ito ng
pananampalataya at pag-uugali ng mga Ingles noong
unang panahon. Galing ito sa Englatera at sinulat ni
Chaucer.
12. Uncle Tom's Cabin - akda ni Harriet Beecher
Stowe ng Estados Unidos. Kababasahan ito ng maging
karumaldumal na kalagayan ng mga alipin at naging
batayan ng simulain ng demokrasya.
Karunungang Bayan
Ang mga unang tula ng mga Pilipino ay mga karunungang-bayan na
biinubuo ng mga sumusunod:
1. Salawikain- mga butil ng karunungang hango sa karanasan ng
matatanda, nagbibigay ng mabubuting payo tungkomsa kagandhanag-asal
at mga paalaala tungkol sa batas ng mga kaugalian at karaniwang
patalinghaga. Sa Pilipinas, ang mga salawikaing Pilipino ay mga
tradisyonal na kasabihang ginagamit ng mga Pilipino batay sa katutubong
kalinangan, karunungan, at pilosopiya mula sa buhay sa Pilipinas.
Katumbas din ng salitang salawikain ang sawikain (bagaman maaari ring
tumukoy ang sawikain sa mga moto o idyoma), at ng Ilokanong sarsarita.
Nilalarawan ang salawikain nagmumula sa Pilipinas bilang
makapangyarihan at makatang pagpapadama at payak na anyo ng mga
pahiwatig. Kapag ginamit sa pang-araw-araw na pag-uusap, gumaganap
ang mga salawikain bilang mga pagbibigay - diin sa isang punto o isang
kaisipan ng paliwanag o dahilan: ang Pilisopiyang Pilipino. Nilalarawan din
ang mga salawikain bilang mga palamuti sa wika, mga pananalita ng mga
ninunong naisalin ng isang salinlahi sa pangkasulukuyang mamamayan, at
bilang karunungang natutunan mula sa karanasan, na nakapagsasaad ng
damdamin, paglalahad, o opinyon.
Karunungang Bayan
2. Bugtong- inilalarawan ang bagay na
pinahuhulaan, ito’y nangangailangan ng
mabilisang pag-iisip. Ito ay isang pangungusap
na patanong na humihingi ng kasagutan. Ang
mga bugtong ay kadalasang patungkol sa pag-
uugali, kaisipan, pang-araw-araw na buhay at
katutubong paligid ng mga Pilipino.
3. Palaisipan- ito’y nakapupukaw at
nakahahasa ng isipan ng tao, katulad ng
bugtong ay nangangailangan ng talas ng isip.
4. Kasabihan o Kawikaan –ginagamit sa
pamumuna ng kilos o gawi ng ibang tao.
Kantahing Bayan
Kantahing Bayan- ito ay inaawit n gating mga ninuno sa saliw
ng mga makalumang instrumento. Ang mga ito’y nagpapahayag
ng damdamin, pamumuhay, karanasan, pananampalataya,
kaugalian at hanapbuhay ng mga taong naninirahan sa isang
lugar. Ang mga sumusunod ay ang mga uri ng kantahing
bayan;
Soliranin (rowing songs)
Talindaw (boat songs)
Diona (nuptial or courtship songs)
Oyayi o uyayyi (lullaby)
Dalit (hymns)
Kumintang (war o battle songs)
Sambotani (victory songs)
Kundiman (love songs)
Ang mga Sinaunang Tanghal o Panoorin
Bago Dumating ang mga Kastila
Walang tunay na dula bago dumating ang
mga Kastila ngunit may mga palabas na
ginaganap noong panahong yaon. Ang
mga pagtatangha noon ay ipinalalabas na
mat kasamang tugtog, sayaw at tula. Ang
anumang pagdiriwang ay hindi ganap na
makulay kung wala ang tatlong nabanggit
na sining upang mapasigla ang
pagdiriwang.
Ang Unang Panoorin
2. Embayoka at Sayatan
Ang mga muslim sa Lanaw at Holo ay may palabas na
pagtatalong patula na katulad na balagtsan ng
katagulugan. Ito’y ginagampanan ng isang lalaki at
iang babae. Ang tawag sa palabas na ito ay embayako
o bayok. Ang sayatan naman ay isang layo ng panyo
na may tulaan, awitan at sayawan
3. Bulong
Maaari ring isama ang bulong bilang isang pagtatanghal
sapgkat may diyalogo ito. ang pagtatanghal ay
maaaring ganapin sa tunay na buhay kaugnay ng
pananampalataya, panggagamot at paniniwala. Ang
bulong ay pagpapagaling sa taong maysakit na
nakulam o naingkanto.
Mga Bahagi ng Panitikang Filipino
Katutubong Panitikan
Panitikan sa ilalim ng Krus at Espada
Panitikan sa Pagkagising ng
Damdaming Makabayan
Panitikan ng Panghihimagsik
Panitikan ng Mabilis na Pagbabago
Kahalagahan ng Pag-aaral sa
Panitikang Pilipino
Mabatid ang Kaugalian, Tradisyon at
Kultura
Maipagmalaki ang Manunulat na Pilipino
Mabatid ang mga akdang Pilipino
Mabatid ang sariling kahusayan,
kapintasan at kahinaan
Tuklasin ang Kakayahan at pagkakilanlan
Makilala at Madama ang Pagiging Pilipino
Maipakita ang Pagmamahal sa Panitikan