You are on page 1of 6

Republic of the Philippines

Department of Education
Region V – Bicol
SCHOOL DIVISION OFFICE LIGAO CITY
LIGAO COMMUNITY COLLEGE
GUILID, LIGAO CITY
_____________________________________________________________________________________

Banghay-Aralin

Inihanda ni: Lovely Joy Y. Buban ( BSED 2 FILIPINO)

GE 9- Panitikang Pilipino

I. MGA LAYUNIN:
Sa pagtatapos ng aralin, ang mga mag-aaral ay inaasahang:

1. Nalalaman ang kasaysayan ng panitikan sa panahon ng kastila


2. Natutukoy ang kahulugan at kaibahan ng nobela sa iba panag akda pampanitikan.
3. Nasusuri ang Akdang Urbana at Feliza
II. PAKSANG ARAL
Paksa: Urbana at Feliza ( akdang pamapanitikan sa panahon ng kastila)
Sanggunian: Filipiniana Classica Digital Edition of Urbana at Feliza by Modesto de Castro
https://panitikansapilipinaspamore.wordpress.com/2014/10/11/urbana-at-feliza-2/

https://www.scribd.com/document/398201679/GROUP-3-Panitikang-Filipino-Sa-
Panahon-Ng-Kastila-1-2
https://pinoypanitik.weebly.com/panahon-ng-kastila.html
https://www.slideshare.net/GinoongGood/panitikan-sapanahonngkatila

Kagamitan: Panturong Biswal, mga larawan at power point presentation.


Estratehiya: Pasaklaw na paraan

III. PAMAMARAAN:
A. Panimulang Gawain
 Panalangin
 Pagsasaayos ng mga upuan

1|Page
 Pag tsek ng attendance.
 Pagkamusta sa mga mag-aaral
 Pagbigay ng ilang paalala habang nagsasagawa ng pagtuturo.
 Pagbabalik tanaw sa nakaraang talakayan

B. Pagganyak:

Panuto: Mula sa makikitang salita sa ibaba, ibigay ang mga salita o parirala na pwedeng
iugnay mula rito.

NOBELA

C. PAGLALAHAD NG ARALIN:
 Talasalitaan

Panuto: Basahin at unawain ang bawat salita.

1. Panitikan - Ang panitikan ay nagsasabi o nagpapahayag ng mga kaisipan, mga


damdamin, mga karanasan, hangarin at diwa ng mga tao. Ito rin ang
pinakapayak na paglalarawan lalo na sa pagsulat ng tuwiran o tuluyan at patula.
- Ang salitang panitikan ay naggaling sa salitang “pang-titik-an” na
kung saan ang unlaping “pang” ay ginagamit at hulaping “an” at
sa salitang “titik” namay ay nagunguhulugang literatura.
2. Tuluyan - Ang pananalitang tuluyan o prosa ay ang pangkaraniwang anyo ng
nasususlat o sinasalitang wika.
3. Karangalan – Ang salitang karangalan ay nagmula sa latin na karangalan o
honoris, na particular na nagpapahiwatig ng pagluwalhati sa publiko sa
pamamagitang ng paggamit ng tanggapan ng publiko.
4. Nobela - isang akdang pampanitikan na naglalaman ng mahabang kwento na
nahahati sa mga kabanata

2|Page
5. Liham - Ang liham o sulat ay isang isinulat na mensahe na naglalaman ng
kaalaman, balita, o saloobin na pinapadala ng isang tao para sa kanyang
kapwa.

 Presentasyong Aralin

Kasaysayan ng Panitikan sa Panahon ng Kastila

Panahon ng Kastila

Ang panitikang Filipino nang panahon ng Kastila ay nagsimula lamang nang


opisyal namaitatag ni Legaspi ang kapangyarihan ng Espanya sa Pilipinas noong 1565.
Kumulang humigitsa 44 na taon muna ang nakaraan simula nung makarating si
Magallanes sa Pilipinas noong 1521 bago opisyal na nasakop ang Pilipinas ng Espanya.
May tatlong ekspedisyon ang naipadala ngEspanya sa Pilipinas bago ang kay Legaspi
ngunit ang tatlong ekspidisyong yaong pinamumunuan nina Laoisa (1521), Saavedra
(1527), at Villalobos (1542) ay walang nangyari at hindi nakarating sa Pilipinas sapagkat
sila’y sinalakay ng mga Olandes na noon ay nasa Indonesya. Mahigit sa 3 daang taong
namalagi at lumaganap ang Panitikang Filipino sa Kastila.

 Halimbawang Akda ng panitikan sa Panahon ng Kastila

NOBELA
Ang nobela ay isang akdang pampanitikan na naglalaman ng mahabang kwento
na nahahati sa mga kabanata. Ang kathang ito ay karaniwang nabibilang sa
katergoryang piksyon, samakatuwid, ito ay karaniwang kathang isip lamang ng
manunulat. Naglalaman ito ng dalawa o higit pang mga tauhan, maraming
pangyayari at may kaganapan sa iba’t-ibang tagpuan. Binubuo ito ng 60,000
hanggang 200,000 na salita o 300-1,300 pahina. Ang kathang ito ay hindi mababasa
sa isang upuan lamang sapagkat mahaba at madami ang mga kaganapan dito.
HALIMBAWA:
- El Filibusterismo – Dr. Jose Rizal
- Noli me tangere – Dr. Jose Rizal
- Urbana at Feliza – Presbitero Modesto de Castro

URBANA AT FELIZA
Ang “Urbana at Feliza” na ang buong pamagat ay ang “Pagsusulatan nang Dalawang
binibini na si Urbana at si Feliza” ay nagpapalitan ng liham ang dalawang
magkapatid. ang nakatatanda, si Urbana, ay nag-aaral sa isang kolehiyo ng mga
babae sa Maynila, at ang mas bata, si Feliza, ay nagnanais na matuto mula sa
kaniyang kapatid hinggil sa kung ano ang dapat ugaliin sa iba’t ibang pagkakataon.

3|Page
Binabanggit niya ang mga tukso at panganib sa landas ng kabataan at sinasabi kung
paano maiiilagaan ang mga ito.

 Buod (babasahin ng mga Mag-aaral)


 May Akda

Ang sumulat ng Urbana at Feliza ay si P. Modesto de Castro na ipinanganak sa Biñan,


Laguna, noong unang hati ng ika-19 na dantaon. Nag-aral siya sa Colegio Real de San
Jose, naging Kura sa Catedral ng Maynila at pagkatapos ay sa Naik, Kabite. Bukod sa
“Urbana at Feliza” ay sinulat din niya ang “Pláticas Doctrinales” (1864), “Exposicion
de las Siete Palabras en Tagalo”, at “Novena a San Isidre en Tagalo”, atb. Sa
pamamagitan ng “Urbana at Feliza” ay natagurian siyang “Ama ng Tuluyang Klasika
sa Tagalog”.

 Mga karakter

URBANA - Ang pangalang “Urbana” ay sagisag ng Urbanidad o kabutihang asal


(good manners). Panganay na Anak o ang nakakatandang kapatid na nag-aaral sa
Manila.

FELIZA - Ang pangalang “Feliza” ay galling sa Kastilang “feliz” (maligaya) at ang


sinasagisag ay ang kaligayahang natatamo dahil sa pagpapakabuti at pagka-
masunurin. Ang nakababatang kapatid na babae ni Urbana.

HONESTO - Ang pangalang “Honesto” ay sagisag ng kalinisang-budi at karangalan.


Ang nag-iisang kapatid na lalaki ng dalawang dalaga.

 Tagpuan

Dalawang pook ang nabanggit sa nobelang ito. Dahil ito ay ang pagpapadala ng
liham ng dalawang magkapatid, malayo ang pook kung saan sila naninirahan. Si
Urbana ay nasa Manila upang mag-aral, at si Feliza naman ay nasa Paombong,
Bulacan.

 Mesahe o Aral

Ang nobelang ito ay tumatalakay sa mga kagandahang asal na dapat gawin sa mga
okasyon, pang araw-araw at sa lipunan lalo na sa mga kabataan. Dahil kung ano ang
kilos mo ay siyang tingin sayo ng iba at dito ka maigagalang. Tinalakay din sa
nobelang ito ang pagpapahalaga sa pananampalataya sa Diyos, kung saan makikita
natin ang mga payo ni Urbana kay Feliza sa kanyang liham.

Ang mga importanteng asal ayon sa sulat ni Urbana: Ang kamahalan at karangalan
ang dapat humanap ng ulong puputungan, at di ang ulo ang dapat humanap ng
koronang ipuputong. Ang karangalan, sa karaniwan, ay may kalangkap ng mabigat

4|Page
na katungkulan. Ang magnasang magkamit ng kamahalan sa bayan, sa karaniwan ay
hindi magandang nasa.

D. PAGSASANAY
Panuto: ibigay ang mga hinihinging kasagutan sa bawat patlang. Ang bawat puntos
ay nakadepende sa kung ilang patlang ang makikita sa bawat tanong. Gawin ito sa
loob ng 5 minuto. Isulat ang mga kasgutan sa inyong kwaderno.

1. Si ________ na nakakatandang kapatid ni ______ ay nag-aaral ng kolehiyo ng mga


babae sa maynila.
2. Si ______________ ang may akda ng Nobelang Urbana at Feliza.
3. Ang Urbana at Feliza ay may uanag pamagat na _________________.
4. Si Urbana ay nasa ________ upang mag-aral at si Feliza naman ay nasa ________,
________.
5. Ang Urbana at Feliza ay isang uri ng akdang pamapanitika na _______.

E. EBALWAYON/PAGTATAYA
A. Panuto: Biliugan ang titik ng tamang sagot
1. Ito ay isang akdang pampanitikan na naglalaman ng mahabang kwento na nahahati
sa mga kabanata.
a. Parabula
b. Maikling kwento
c. Nobela
d. Tula
2. Siya ay ipinanganak sa Laguna noong hati ng ika-19 na dantaon. Ang may akda ng
nobelang Urbana at Feliza.
a. Jose Rizal
b. Juan Luna
c. Padre Damaso
d. Presbitero Modesto de Castro
3. Sa pamamagitan ng “Urbana at Feliza” ay naturingan si P. Modesto de Castro bilang
isang ________.
a. Ama ng Katipunan
b. Ama ng tuluyang klasika sa tagalog
c. Ama ng tulang klasikang tagalog
d. Ama ng Nobela
4. Ang pangalang “Urbana” ay sagisag ng
a. Urbanidad
b. Urban
c. Pagmamahalan

5|Page
d. Paggalang
5. Ang pangalang “Feliza” ay nangangahulugang
a. Kalungkutan
b. Kasiyahan
c. Kabutihan
d. Maligaya
B. Panuto: Isulat ang salitang URBANA kung ang pahayag ay tama at FELIZA kung ito ay
mali.
1. Ang pangalang “Honesto” ay sagisag ng kalinisang-budhi at karangalan.
2. Ang nobelang Urbana at Feliza ay tumatalakay sa mga kagandahang asal na
dapat gawin sa mga okasyon, pang araw-araw at sa lipunan lalo na sa mga
kabataan.
3. Ang dalawang tagpuan na nabanggit sa kuwento ay ang Manila kung saan nag-
aaral si Urbana at Batanggas kung saan nakatira sila Feliza.
4. Ang buong pamagat ng nobelang Urbana at feliza ay “Ang Pagtataksil ng
dalawang binibini na si Urbana at Feliza.”
5. Ang importanteng asal ayon sa mga sulat ni Urbana ay karangyaan at
katarungan.

SUSI SA PAGWAWASTO:
A. 1. C B. 1. URBANA
2. D 2. URBANA
3. B 3. FELIZA
4. A 4. FELIZA
5. D 5. FELIZA

F. TAKDANG ARALIN
Panuto: Gumawa ng isang liham para sa inyong nakatatanda o nakababatang
kapatid, ang liham ay dapat na kakikitaan o naglalaman ng pasasalamat o
pagmamahal para sa inyong pagbibigyan. Gamitin ang inyong pagiging malikhain sa
paggawa ng liham.

_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________
________________________________________________________________.

6|Page

You might also like